EVERYDAY I LOVE YOU ( viceann...

By locksmith219

25K 482 40

A promise to be made but always been broken..till death do as apart, I promise to love you with all my heart... More

Ako muna
Paris Hilton
Bakasyon parin ( part 2 )
U.S of A tulaley
Martinez Family
VhongRylle
Confuse, I Don't Refuse
Meron Akong Kwento
Let Me Check
Surprise! Just for tonight
Tonight Im Fallen
I'll Miss You, Kiss You
Welcome back, Back to back
Tadhana? Wala ka nang magagawa
Planong malupit, di makakahirit
Aligaga! Naloka Si Bakla
Para-paraan, Ikaw ang gusto kong pakasalan
Flashback! Hampas sa back!
Engagement Party
Sumang-ayon ka lamang
Sumang ayon ka lamang ( part 2 )
Manzano and Milby
Jelly Ace
Magpakailanman ( my first dance )
PREPARASYON: Oplan Kasalan
Nababagot, Paikot ikot
Alam mo bang namiss kita
I do, I Love You
A promise to forever
Manghang mangha, di makapaniwala
Mr and Mrs Marquez
Annesaya sa Japan with my Husband
In sickness and In health
Merry Christmas
BWISITA, BISITA
Happy New Year!!!
POST IT 😝
PAST-BACK! Flashback!
Hush! Baby Rush!
Wake up Babe
Esperanza, Pilar, Sorsogon
Busy Day
HARANA
Ganap! Ganap! Ganap!
The Promise
Missing you
New chapter, New life
My ( MAY ) Amnesia Girl?
LAGING SA TABI MO
First ANNEversary
BALIK TANAW, Nakakatunaw!
HELLO STRANGER
My wife is a fan-girl
KIDNAP NO RANSOM
SA WAKAS!
FAST FORWARD
Moments with you
Sweet Dreams or A Beautiful Nightmare
FINALE
Last Hirit..
Everyday I love you
Author's Note

Aray ko po!

378 8 0
By locksmith219

Anne's pov

Ang sarap gumising sa umaga lalo na pagpuro puno ang iyong nakikita. Limang araw na kaming nandirito ng asawa ko at sa tingin ko nag eenjoy naman siya rito. Unti unti kong idinilat ang mga mata ko. Iba ang sikat ng araw dito sa probinsya kumpara sa maynila. Kahit maaga pa lang ay tirik na tirik na ang araw. Ngunit sa wari ko'y tanghali na dahil wala na si vice sa tabi ko. Malamang ay kasama na naman niya sila nanay flora. Bumangon na ako sa pagkakahiga at bumaba na upang hanapin siya.

"Babe?"wika ko ngunit walang sumasagot. "Babe?"muli kong sambit. Papunta na ako nang kusina upang kumuha ng tubig na maiinom nang bigla kong marinig ang boses niya.

"Bakit babe? Wait lang babe! Saglit lang babe! Okay ka lang babe? Babe? Andito lang ako babe?"natataranta niyang sabi habang tumatakbo papunta sa akin. Nang bigla siyang madulas.
"Aray ko po! Wait babe!"sambit niya. Natataranta parin siya. Tumayo ulit at muntik na namang madulas ulit, buti na lang ay nakahawak na siya sa akin. "Okay ka lang babe? May masakit ba sayo? Saan? saan?" Halos chinecheck niya buong katawan ko. "Yung gamot mo wait kunin ko."paakyat na sana siya ngunit pinigilan ko siya. OA ng asawa ko no.hehe but so sweet.

"Okay lang ako babe. Super okay. Ano ka ba! Di ka nag iingat. Pwede naman pong maglakad di po ba."para tuloy akong may pinapagalitan na batang makulit.

"Sorry na po babe. Akala ko kasi kung ano nang nangyari sayo dahil tinatawag mo ko. Nag aalala lang po. Okay ka lang ba talaga? Wala bang masakit sayo?"pag aalala niya sa akin. Kaya pala halos tumatakbo siya papunta sa akin. Chineck niya ulit buong katawan ko at mukha ko. Kung namumutla ba ito. Siya na nga itong nadapa, sa akin pa siya nag aalala.

"Okay lang po talaga ako mister ko. Promise! Ikaw ang di okay eh. Ayan tuloy nagkasugat ka. Tara doon tayo."dinala ko siya sa may sala at doon ko ginamot ang sugat niya. Tinitignan niya lang ako habang ginagamot ko ang sugat niya. "Wag mo akong masyadong titigan baka malusaw ako niyan, sige ka."ngunit nakafocus parin ako sa ginagawa ko. "Ayan tapos na. Next time you need to be careful na. Okay babe?"

"Yes po babe."sagot niya sa akin sabay ngiti at halik niya sa noo ko. "Ikaw din po, be okay palagi ha. Wag mo na akong pag aalalahanin."tugon niya. Napansin ko naman ang basang basa niyang damit at mukhang may mga bula bula pa sa kanyang braso at mukha.

"Babe, why are you so basang basa? Tignan mo ang mukha mo may mga bula pa pati ang mga braso mo. San ka pala galing?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya habang pinupunasan ko ang mukha niya. Infairness! Ang hot ng asawa ko. Nakawhite sando, boxer short at may nakapulupot na towel sa ulo niya. Lalaking lalaki ang dating. "And anong meron diyan sa patowel mo sa ulo?"nang bigla siyang tumayo.

"Oh my God! Oo nga pala yung nilalabhan ko. Wait babe ha. Naiwan kong nakabukas yung gripo."kumaripas siya nang takbo papuntang banyo. "Nga pala babe may hinanda na akong almusal mo diyan. Kain ka na lang ha. Okay? Saglit lang to."pahabol niya pang tugon. Ano? Naglalaba ang asawa ko? Marunong ba siyang maglaba? Dahil malapit naman ang kusina sa may banyo, kumuha muna ako nang tinapay at gatas tsaka ko pinuntahan si vice. Naglalaba nga siya. Hindi ko alam na marunong pala siyang maglaba. Nilalabhan niya ang mga damit namin na naipon simula pa noong pagdating namin dito. Pati na rin ang panloob naming kasuotan. Panloob? Yung panty ko? Pati panty ko? Oh my God nakakahiya.

"Babe, akin na yan."sabay agaw ko ng panty ko na kinukusot niya.

"Bakit?"gulat niyang wika.

"Nakakahiya babe. Ako na lang maglalaba niyang mga underwear ko."sagot ko. Ngunit inagaw niya ulit sa akin. At ipinagpatuloy ang paglalaba niya.

"Ano ka ba. It's okay I'm your husband naman. Eh ano naman kung labhan ko ang mga underwear mo."pagmamatigas niya.

"Eh babe kahit na. Nakakahiya parin kasi underwear ko yan. Nakakahiya parin sayo."

"So what. Ah basta kumain ka na lang diyan. Ako na bahala dito. Sige ka ikaw isusunod ko. Ikaw lalabhan ko. Mamili ka panty mo o ikaw lalabhan ko? Maglabahan tayo." Actually nakucutan ako dahil lalaki siya, and I never imagine na makapaglalaba siya. Ang sweet and cute di ba kasi bihira lang ang lalaking marunong maglaba. Tapos pati damit ko nilalabhan niya. Ang swerte ko dahil magaling na nga magluto ang asawa ko tapos marunong din siyang maglaba. Perfect husband. Ang cute niyang tignan habang naglalaba siya.

"Sige na labhan mo na yan."pagsuko ko.

"Asus! Nahiya ka pa. Halos nakita mo na nga to eh."pang aasar niya sa akin. Nang magsalita ulit siya. "Babe?"

"Oh bakit?" Medyo masungit kong sagot.

"Babe gusto mo lagyan na natin nang laman yan?"nakanguso niyang tugon sa akin.

"Kita mo nang kumakain na ako di ba." Ano bang nangyayari sakin. Ba't ba napaka sungit ko ngayon. Hindi lang pala ngayon kundi dumadalas na itong nangyayari sa akin. Di ko naman nagets ang gusto niyang iparating sa akin.

"Alam kong kumakain ka. I mean, lagyan na natin ng baby yan."nagulat ako sa sinabi niya. Kaya halos mailuwa ko tuloy ang kinakain ko at sabay walk out. Hindi ako galit. Nagulat lang ako. Sanay na ako sa pagbibiro niya dahil parati naman niya akong binibiro about sa baby pero di ko alam kong bakit ganito ako. At nagawa ko pang magwalk out. Kita ko ang pagkaseryoso niya sa pagbitiw niya ng mga salitang iyon. Kahit ako man ay gusto ko na ring magkababy kami ngunit dahil sa sakit ko natatakot ako at hindi pa pwede talaga dahil malapit na ang operasyon ko. Ang totoo'y natatakot ako, sa magiging resulta ng operasyon. Maybe kung maging successful ito ay gugustuhin ko na rin ang magkaanak. Matapos kong uminom ng tubig ay naglakad lakad muna ako sa labas at nag isip isip.

Vice's pov

Nagalit siguro siya sa sinabi ko. Gusto ko lang naman siyang asaran, ngunit hindi ko naman akalaing magagalit siya. Sige aaminin ko, seryoso ako sa mga binitiwan kong salita. Pero hindi ko sinasadyang magalit siya. Hindi ko muna siya sinundan bagkus ay tinapos ko na lang ang aking labahan. Buong araw niya akong hindi kinikibo. Ito ang unang beses na nangyari ito sa amin, ang hindi magpansinan buong araw. Hindi ako sanay na hindi naglalambing o nakayakap sa kanya. Namimiss ko siya. Gusto ko siyang lapitan ngunit papano kung mas lalo siyang magalit? Kaya mas pinili ko munang wag lumapit sa kanya at wag siyang kulitin kahit gustong gusto ko na siyang lapitan at yakapin. I miss my wife. Nakatayo ako ngayon sa may balcony. Nakatingala sa langit, malalim ang iniisip. Nang makaramdam ako nang mahigpit na yakap mula sa aking likuran.

"Sorry."wika niya. Hindi ko rin alam ang sasabihin dahil alam kong ako ang may kasalanan. "Sorry babe."ngunit hindi parin ako sumasagot. "Sorry dahil di ko alam kanina ang isasagot sayo."paliwanag niya. Humarap ako sa kanya at niyakap ko na lamang siya.

"Alam ko naman eh. Sorry din. Sorry babe ha. Makapaghihintay naman ako eh. Sorry babe. Di ko man lang naisip yung kalagayan mo. I'm sorry. I love you."at this moment gusto ko lang siyang yakapin nang mahigpit. Lalo na't sumasabay ang malamig at masarap na hangin sa moment namin. Ang mga tunog ng mga insekto sa gabi at ang maraming bituin sa langit.

Mag aalas diyes na nang gabi kami nakatulog. Maaga pa iyon kung iisipin kung nasa maynila ka. Kaya late na rin kami nang magising. Yakap yakap ko siya sa mga oras na ito. Tinatamad parin kaming bumangon. Nang makarinig kami ng ingay sa labas. Mga taong nagtatawanan. Iba ang umagang ito sa mga nagdaang umaga dahil ngayon lang nagkaroon nang ingay sa pag gising ko. Maaga kasing nag sisipuntahan sa bukid ang mga tao rito upang magtrabaho. Sino kaya ang mga kausap nila nanay flora. At mukhang pamilyar pa sa akin ang tawa nila.

"Babe, mukhang naririnig ko boses nila kuya vhong at kuya Billy pati kila kuya teddy at kuya jhong. Ayan pati boses ni Karylle?" Napansin niya rin pala Kaya napabangon tuloy kami agad at napasilip sa bintana.

"Kuya?"gulat na wika ni Anne.

"Good morning mahal naming bunso."ngiting ngiting bati ni Billy. "Good morning brad!"bati niya rin sa akin. Mga lokong to nagsipunta pa rito.

"Good morning kuya."sabay na bati sakin ng mga kapatid ko na sina coleen at karylle.

"Bunso baba na kayo diyan."wika ni vhong. Aba ang mga asungot na to. Nagsama pa nang mga alagad para sirain ang bakasyon naming mag asawa. Sinama pa nila ang mga pinsan namin na sina jugs at ryan, sanay na ko kay jhong na laging nakadikit kay vhong. Aba ! Pati mga kaibigan ko isinama pa. Kagigil! Diyos mi! Ang mga kaibigan kong bakla nasabit pa.

"Hi meme. Miss us?"Lokong matt to. Sabuyan ko kaya ng ihi ang mga ito. Nagbihis muna kami ni Anne at tsaka dali daling bumaba. Mukhang andaming mambibwisit sa amin ng asawa ko. Team vice, jhong, jugs ryan, karylle, coleen, teddy, vhong at Billy. Ay wow! Full force! Parang pinagplanuhan nila ito ha. Lakas din ng mga trip nito eh no.

"Oh anak andito ang mga kuya mo at may mga kasama pa silang kaibigan. Ang gaganda pala ng mga kapatid mo iho eh. Oh siya ipaghahanda ko muna kayo ng almusal."ani nanay flora na tuwang tuwa.

"Hoy kulit at kulot bakit kayo nandirito!?"inis kong tanong sa mga kapatid ko.

"Magbabakasyon. Bakit?"maikling sagot ni Coleen. Lokong to ha.

"Talaga lang ha."babatukan ko na sana ito nang pigilan ako ni Anne.

"Hayaan mo na babe. Mukhang mas masaya nga to eh. "At isa isa niyang niyakap ang mga ito. If I know plinano talaga nilang pumunta rito para sirain ang moment namin ni Anne. Mga daot talaga kahit kelan. Nakakainis! Buti na lang ay mag asawa kami kaya sa iisang kwarto parin kaming dalawa matutulog. Ano kaya ang mga pinaplano nitong mga asungot na ito?

"Nga pala nay, pupunta rin po pala dito sila mama kasama ang mga magulang nila vice."habang sumusubo ng pagkain si vhong.

"Talaga ba? Kailan daw?"excited na tanong ni nanay flora.

"Baka po sa sunday kasama rin po pala si daddy."sagot nito.

"Si James? Nakabalik na pala siya rito sa pilipinas. Musta naman ba siya?"this time si Billy na ang sumagot.

"Opo nay. Matagal na po noong Christmas pa po. Okay naman po siya. Lalong tumataba."

"Tulad mo Kuya."pang aasar ni Anne kay Billy.

"Tumigil ka nga diyan pangit. Ikaw nga diyan ang payat payat mo. Payatot!"

"Tabachoy!"

"Payatot!"

"Kayo talagang dalawa. Wala parin kayong pinagbago. Alam niyo kasi itong dalawang to. Bata pa lang sila ganyan na sila sa isat isa. Ganon din tong si kuya (vhong) pero mas madalas tong umaawat sa kanila kumpara sa mang asar. At ito ding si teddy kapag pinagkakaisahan ng dalawang ito si bunso siya ang laging kakampi nito. Pero kahit ganyan sila, ni minsan hindi sila nag away. Alam ko naman kasing mahal na mahal nitong dalawang makulit na to si bunso eh. Di ba mga kuya?"pagkukwento ni nanay.

"Oo naman po nay."at nagkasabay pa nang sagot ang dalawa.

"Talaga lang ha."bulong ni Anne pero dinig naman namin.

"Nguso mo humahaba na naman pangit."pang aasar na naman ni Billy sa Asawa ko. Ikinwento ni nanay ang kabataan days nang tatlo na syang dahilan para mapuno nang tawanan ang pananghalian namin. At dahil sa kadaldalan na rin ng bunso kong kapatid na si Coleen pati tuloy kabataan days din naming tatlo nila Karylle ay nahalungkat na rin. Halos kami ni Anne ang pulutan ng kanilang kwentuhan. Nakakapang gigil di ba? Lalo na ang tawa nitong mga kaibigan kong bakla.

"Hoy grabe kayo ha! Kami talaga ng asawa ko ang pinag uusapan at pinagtitripan niyo!"inis na wika ni Anne. Tama nga naman siya. Kung makatawa pa naman ang mga ito, kulang na lang ay mapunit na ang mga bibig nila sa katatawa.

"Oh tama na yan. Mabuti pa'y ililibot ko na lang kayo."pagputol ni nanay flora sa asarang nagaganap.

"Oh my God! Gusto ko po yan nay!"ito talagang kapatid kong si kulot akala mo taga bundok. Parang si Anne, laging excited sa mga simpleng bagay lang.

"Oo nga! Yeahey!"isa pa tong bunso naming kapatid kung makatili daig pa ang nasunugan. Pati rin ang team vice ay tuwang tuwa. Inilibot namin nila nanay ang mga bagong dating. Bukod sa paglibot ay tumulong na rin kaming mamintas ng mga prutas tulad na lang ng avocado at mangga. Ang saya! Simple lang ang buhay dito sa probinsya, na malayo sa maynila ngunit masaya. May sariwang hangin, magandang tanawin, tahimik na kapaligiran pero sa ngayon parang hindi na dahil sa mga asungot na to. Matatayog na puno, may sariwang prutas, gulay, gatas, ganoon din sa isda at karne. Higit sa lahat hindi magulo, pala kaibigan ang mga tao. Walang mga barumbado. Walang nakawan at patayan. Walang matatayog na gusali at tanging magagandang bituin lang ang titingalain mo sa langit. Kasing ganda nitong asawa kong tumatawa. Pinagmamasdan ko lang siya habang namimitas siya at nakikipagkulitan sa mga kapatid namin, pinsan namin at kila buern at Matt.

"Ano meme ganda nang tinitignan mong tanawin ha."pagpuna sa akin ni Archie. Napansin niya siguro na nakatingin lang ako kay Anne.

"Nemen! Mas maganda pa sa mga nakikita ko."ganito dapat ang sagot. Haha

"Musta naman kayo ditong mag asawa?"tanong niya sa akin habang inaayos namin ang pagkakalagay sa mga prutas sa basket.

"Kayo? Bakit kayo nandito?"biglang balik ko sa kanya ng tanong.

"Ay! Ganito kasi yun meme. Pinuntahan ka namin sa bahay niyo dahil may nakilala kaming naghahanap ng event organizer. Eh naikwento ka namin. And kilala ka pala niya. Tapos yun na nga, silang lahat yang mga kapatid mo at pinsan mo pati na rin yang mga gwapong kapatid ni annita ang bumungad sa amin sa gate. Paalis na sana sila nang yayain nila kaming pumunta dito. Inabot kami ng gabi bago makabyahe dahil dumaan muna kami saglit sa bahay naming tatlo para kumuha ng damit. Kaya heto kami ngayon. Okay na ba? Makikifiesta daw kasi sila, eh mukhang masaya kaya sumama na kami at may sasakyan naman, kaya bongga."paliwanag niya. Kaya naman pala. Kung sa bagay wala na rin naman akong magagawa dahil andito na sila. Ienjoy ko na lang ang bakasyong ito nang hindi nagpapaapekto sa mga asungot na to. Matagal tagal din namin silang makakasama kaya kailangan maging handa ako sa mga pangdadaot at pambibwisit nila sa mga moment namin ni Anne.

Nakakaenjoy ang araw na ito kahit papaano. Kahit nagkaasaran ay nauwi parin sa tawanan. Si karylle at Coleen ang magkasama sa isang kwarto. Separate ang team vice at sa kabilang kwarto naman ang mga lalaki. At syempre! Kami lang dalawa ni Anne sa kwarto. Iba kami sa kanila dahil mag asawa kami. Kahit pa nagpupumilit ang mga kapatid ko na dito matulog sa kwarto namin ni Anne ay hindi parin ako pumayag. Bawal ang mga asungot.hahaha bawal ang daot.

Continue Reading

You'll Also Like

155K 2.5K 71
He's worth keeping She's worth everything. Remember the day all is touched in the rain Fireworks in my veins into my heart Remember the night's danci...
42K 369 13
#02lgbt series Nadurog ang puso ni caslie nung malaman niyang taong mahal niya ay may mahal nang iba? Ma's Nadurog ang puso niya hindi siya maalala o...
177K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
10.5K 209 37
MARIA... Sabi ng ilan pang santa daw yung pangalan! May ilang nagsasabi na pwede rin daw na "rebellion," "wished for child," o "mistress or lady of t...