EVERYDAY I LOVE YOU ( viceann...

By locksmith219

25K 482 40

A promise to be made but always been broken..till death do as apart, I promise to love you with all my heart... More

Ako muna
Paris Hilton
Bakasyon parin ( part 2 )
U.S of A tulaley
Martinez Family
VhongRylle
Confuse, I Don't Refuse
Meron Akong Kwento
Let Me Check
Surprise! Just for tonight
Tonight Im Fallen
I'll Miss You, Kiss You
Welcome back, Back to back
Tadhana? Wala ka nang magagawa
Planong malupit, di makakahirit
Aligaga! Naloka Si Bakla
Para-paraan, Ikaw ang gusto kong pakasalan
Flashback! Hampas sa back!
Engagement Party
Sumang-ayon ka lamang
Sumang ayon ka lamang ( part 2 )
Manzano and Milby
Jelly Ace
Magpakailanman ( my first dance )
PREPARASYON: Oplan Kasalan
Nababagot, Paikot ikot
Alam mo bang namiss kita
I do, I Love You
A promise to forever
Manghang mangha, di makapaniwala
Mr and Mrs Marquez
Annesaya sa Japan with my Husband
In sickness and In health
Merry Christmas
BWISITA, BISITA
Happy New Year!!!
POST IT 😝
PAST-BACK! Flashback!
Wake up Babe
Esperanza, Pilar, Sorsogon
Aray ko po!
Busy Day
HARANA
Ganap! Ganap! Ganap!
The Promise
Missing you
New chapter, New life
My ( MAY ) Amnesia Girl?
LAGING SA TABI MO
First ANNEversary
BALIK TANAW, Nakakatunaw!
HELLO STRANGER
My wife is a fan-girl
KIDNAP NO RANSOM
SA WAKAS!
FAST FORWARD
Moments with you
Sweet Dreams or A Beautiful Nightmare
FINALE
Last Hirit..
Everyday I love you
Author's Note

Hush! Baby Rush!

427 8 0
By locksmith219

Anne's pov

I'm so late na. Baka magtampo na ang asawa ko. Nagpromise kasi ako sa kanya na sabay naming icecelebrate ang birthday. Nakakaasar ang traffic. Tinawagan ko na si kuya teddy na malapit na ako. He is waiting for me outside the bar. Naikwento na niya sa akin yung bestfriend ni vice na dumating. Nang makapasok na kami, bumungad naman sa paningin ko ang ngiting ngiti at tuwang tuwa kong asawa habang may nakayakap sa kanya at nagbubulungan pa sila. Nawala lang ako ng isang linggo, ay may yumayakap na sa kanyang iba. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Nagseselos ba ako? Naiinis ako sa makikita ko. Gusto kong kaladkarin palabas ng bar yung babaeng nakayakap sa kanya o di kaya'y sabunutan. First time kong maramdaman to sa tanang buhay ko. Ayokong may ibang yumayakap kay vice. Kakaiba ang mga ngiti at tawa niya habang kausap niya ito. Sino ba siya? Bakit ganon na lang ang mga ngiti ng asawa ko? Hindi na sana ako tutuloy na pumasok kaso pinigilan ako ni kuya teddy.

"San ka pupunta? Hahayaan mo na lang ba sila? Hindi yan ang solution sa mga katanungan ngayon diyan sa utak mo. Lalaki ako remember? Kahit minsan manhid kaming mga lalaki, pero alam namin kung anong ibig sabihin ng mga titig niyo at mga ikinikilos niyong mga babae. Kaya sa nakikita ko ngayon diyan sa ginagawa ng babaeng yan lalo na sa mga tingin niya kay vice, alam kong may gusto siyang iparating. Alam kong mahal mo na siya noon pa man kahit hindi mo ipakita. Sa mga ngiti mo pa lang tuwing kasama mo yang asawa mo, alam ko na ang sagot. I know natatakot ka lang dahil sa mundo mo maikli at mabilis ang takbo ng oras. Nagseselos ka? Bakit di mo sa kanya ipakita at iparamdam. Pinsan mo ko, kuya at kaibigan. Bata pa lang tayo magkarugtong na ang bituka natin, yun ang madalas sabihin ng magulang natin di ba. Kilala na kita Anne bata pa lang tayo. Hayaan mo munang huminto ang oras sa mundo mo ngayon, kahit ngayon lang. Wala namang mawawala di ba?" tugon ni kuya teddy sa akin. Si kuya talaga, alam na alam niya kung paano palalakasin ang loob ko.

"Kuya nagseselos ako. Ewan ko ba kung bakit. Natatakot ako. Natatakot akong sumabay sa agos kuya. Baka masaktan lang ako, masaktan namin ang isa't isa. Baka hindi kayanin ng puso ko." naluluha kong sagot. Ilang buwan na rin akong nagiging emosyonal. Hindi ko alam kung bakit. Naiinis talaga ako.

"Wag kang matakot, sumabay ka lang sa agos. Andito naman ako eh kahit anong mangyari. Kesa magsisi ka sa bandang huli di ba. Go na. Miss ka na niyang asawa mo kahit pa sabihing may asungot na isa. Ramdam ko kanina sa mga ikinikilos niya. At alam kong namiss mo rin siya, napalipad ka ng pinas eh kahit hindi pa tapos ang photoshoot mo."tugon niya sa akin. Papalapit na ako kay vice nang bigla akong tawagin ni Coleen.

"Ate Anne!"sabay kaway niya sa akin ngunit di ko siya pinansin. May yumayakap na ibang babae sa asawa ko. Iba sa mga yakap ng mga kaibigan niya sa kanya. Mga tingin na naiintindihan ko kung anong ibig sabihin nito. Kakaiba kasi ang mga titig nito kay vice. Titig na hindi pang kaibigan lamang. Na higit pa sa magkaibigan. Nagseselos ako. Ayoko ng ganitong pakiramdam dahil baka hindi kayanin ng puso ko. Ngunit di ko mapigilan. Sobrang namiss ko siya. Lagi siyang laman ng isip ko sa isang linggong magkahiwalay kami. Gusto niyang sumama sa akin sa Cusco, Peru kaso hindi ako pumayag dahil may event siyang ioorganize kasabay ng photo shoot ko. Mukhang hindi man lang siya nag aalala na baka hindi ako makakarating, dahil nagagawa niya pang tumawa ng ganyan kasaya. Mas lalo akong nagselos nang makita kung hahalikan na siya nito habang nakapulupot sa leeg niya ang babae. Hinawakan ko si vice sa kanyang braso sabay hinalikan ko siya. Matagal na halik para magtanda at marealize niyang ako ang asawa niya.haha Nagulat siya sa ginawa ko at natulala. "I miss you babe. Sorry nalate ang asawa mo. Super traffic kasi eh."ang dami kong gustong sabihin ngunit yun na lang ang lumabas sa bibig ko. Hindi na rin masama. Pati ako'y hindi makapaniwala na hinalikan ko siya. Disperada na siguro ako. Dahil akin lang ang asawa ko. Walang sayo nicole! Haha joke lang. "Babe, nawala lang ako ng isang linggo may iba nang yumayakap sayo. Alam mo bang namiss kita. Sobrang namiss kita." imbes na galit ang naramdaman ko ay nangibabaw ang pagkamiss ko sa kanya kaya niyakap ko siya. Sobrang namiss ko talaga siya. Promise! Gusto ko lang siyang yakapin sa mga oras na to. Nagulat siguro siya sa itinawag ko sa kanya. I love it calling him babe. Namiss niya raw akong yakapin kaya pala may ibang yumayakap sa kanya. Kung makapulupot ang kamay sa leeg niya dinaig pa ang pusit kung makakapit. Hindi naman sweet ang tugtog. Namiss niya raw akong makita, kaya pala hinahayaan niya lang na titigan siya nang malagkit ng babaeng walang hiya. I love you? Eh bakit kung makadikit parang magnet, ang babaeng yan sayo? Ito namang magaling kong asawa, itong Mr Marquez na to, nawala lang ako ng isang linggo ayon, pumayag din eh no.

Imbes na si vice ang magpakilala sa kanya ay nagkusa na lang siyang magpakilala. Kaye pala ang pangalan niya. Iba ang tono ng pananalita niya at ang mga tingin niya sa akin. Mukhang hinahamon niya ako, sabay abot ng kamay niya sa akin upang makipagkamay. Syempre hindi naman ako magpapatalo. "Mukhang kanina pa kayo nag eenjoy ng asawa ko ha?" Pagpipigil ko sa sarili ko. Nagseselos ako kaya wag mong hamunin ang galit ko. Nagpaliwanag naman agad agad si vice at niyaya niya kaming doon na lang sa tabi mag usap. Nagtitinginan na sa amin ang lahat ng bisita. Kaya tumabi na lang kami at hinawakan niya ako sa kamay. Nagsimula ulit na magpatugtog ang DJ habang kami ay nag uusap usap. Nagsilapitan naman sila kuya at ang mga kaibigan namin. Isa isa ko silang niyakap dahil sa pagtatampo ni kuya Billy na sinang ayunan naman ni kuya vhong. Hindi ko magawang magalit, sigawan o sabunutan ang babaeng nanlalandi kay vice. Kaya nagparinig na lang ako ngunit si karylle ang nagpaliwanag. So matagal na pala talaga silang magkakilala at close pa siya sa mga kapatid ng asawa ko. Naiirita ako sa nakikita ko. Niyakap niya ulit si vice. Hindi ko na kinakaya ang sinasabi niya, masyadong mahaba at masyadong madrama. Pero bakit ang sakit? Bakit nasasaktan ako kahit ako naman ang asawa ni vice? Nagmamakaawa siya sa asawa ko. Umiiyak, humahagulgol sa pag iyak. Ngunit ano tong nakikita ko? manhid ba ang asawa ko kahit alam niyang nandito ako sa harap nila nagagawa niya pang yakapin at hayaan na lang ang babaeng yan na ipamukha sakin na arrangement lang ang dahilan kung bakit ako ang asawa niya. Kung bakit ako ang pinili niyang makasama. Nasasaktan ako, nagseselos ako dahil may laman ang mga sinasabi niya. Para akong sinasampal ng katotohanan na tama nga ang mga sinabi niya. Hahalikan na sana siya nito ngunit pinigilan siya ni vice.

Malakas ako physically kung titignan pero emotionally at yung puso ko hindi ganon. Nabibingi ako sa mga naririnig ko. Unti unti kong hindi naririnig ang mga salitang binibitawan niya. Lumalakas ang pagtibok ng puso ko. Masakit, mas tumitindi ang sakit. Sumasakit ang puso ko. Wait lang hindi ako makahinga. Kinakapos ako nang hininga. Nang biglang magsalita si vice. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil mas malakas pa ang tibok ng puso ko sa mga sinasabi niya. Sinabayan pa ng tugtog sa paligid. Hindi na ako makapagsalita kaya tingin na lang ang naibigay kong sagot sa kanya. Ayokong ipahalata sa kanila ang nararamdaman kong sakit. Nakahawak ako sa dibdib ko upang pigilan ang sakit na nararamdaman ng puso ko.

"Are you okay bunso?"pag aalala ni kuya vhong.

"Ku...ya... ku...ya.."kinakapos na ako ng hininga. Napahawak na lang ako kay kuya vhong at napahandusan.

Other's pov

Pagkaalis nila vice ay mas lalo pang nakaramdaman si Anne nang pananakit sa puso.

"Are you okay bunso?" tanong ni vhong ng makita niyang nakahawak si Anne sa dibdib niya at namumutla.

"Ku...ya...Ku...ya.." napahawak na lang ito kay vhong. Halos kinakapos na ito ng hininga. Napahandusan na lamang ito.

"Anne!"sabay sabay na wika ng mga kaibigan nila ni vice. At dali dali itong binuhat ni vhong. Natataranta naman ang lahat.

"Hon, Billy bilis yung kotse!"natatarantang sigaw ni vhong at naputol ang kasiyahan.

"Excuse me! Paraanin niyo kami! Excuse me!"sigaw ni teddy. Kinuha ni Karylle ang bag ni Anne. Pabalik na si vice sa loob nang makita niyang buhat buhat ni vhong si Anne at natataranta.

"Anong nangyari? Tol, anong nangyari sa asawa ko?" pag aalalang tanong ni vice. Bigla na lang bumuhos ang mga luha niya sa kanyang mga mata.

"Tol yung kotse!"utos ni vhong na umiiyak na sa pag aalala.

"Babe? Babe? Okay ka lang? Babe? Sorry. Sorry babe. Sorry talaga. I didn't mean it. I'm so sorry."umiiyak na wika ni vice.

"Kuya."wika ni billy.

"Sorry babe. I'm really sorry." Binuksan ang kotse at binuhat niya si Anne. "Sorry. Sorry. Sorry na. Sorry babe. Wag ka namang magbiro nang ganyan oh please."humahagulgol na ito sa pag iyak. Nanginginig sa takot na baka kung anong mangyari kay Anne.

"O..o..kay..la..lang..a...ko. It's...no...not.."sagot ni Anne.

"Ssssshhhhh. Don't talk na. I'm sorry na. Kasalanan ko. Sorry babe. Hindi ko mapapatawad sarili ko pag may nangyari sayo. I love you babe. I love you."habang paulit ulit niyang hinahalikan sa noo si Anne.

"Brad yung gamot at inhaler niya nasa bag ata niya. Pakikuha please."utos ni Billy na umiiyak.

"Hon, nasa bag niya. Palagi niya iyong dala."tugon ni vhong kay karylle. Nang may biglang tumawag kay Billy.

"Hello ma?."bungad nito kay Ana.

"Hon, wala naman eh. Di niya ata dala."sagot ni Karylle kay vhong habang hinahalughog ang bag ni Anne.

"Hello anak kasama niyo ba kapatid niyo?"nag aalalang tanong ni Ana.

"Yes po.How did you know ma?Papunta po kami ng hospital ngayon. Ma, she's not okay right now."hindi na napigilang umiyak ni Billy dahil biglang naalala niya ulit ang mga nangyari noon.

"What!? What happened? Hmm. Tumawag sakin yung assistant photographer ng mega magazine. Tinatanong kung nasaan daw ang kapatid mo. Bigla daw kasi itong umalis sa hopsital. Hinimatay raw ito. Maya ko na lang ikikwento sa inyo. Papunta na kami diyan."paliwanag ni Ana.

"Okay po ma. Bilisan niyo po."

"Okay anak. Bye." at ibinababa na nito ang phone.

"Ano nakuha niyo na ba? Nahanap niyo na ba?"tanong ni Billy.

"Wala dito Billy."sagot ni Karylle.

"Bunso naman eh. Ba't di mo dinala. Di ba sabi namin sayo dalhin mo yun parati. Ang tigas talaga ng ulo mo. Kuya bilisan mo please."paninermon nito kay Anne.

"So..so..rry Ku...ya.."

"Malapit na tayo. Wait lang bunso ha. Malapit na tayo."wika ni vhong habang pinapaharurot ang sasakyan. Di mapakali ang lahat. Natataranta at natatakot. Hindi ito ang unang beses na nagkaganito si Anne. Ilang beses na rin siyang naisugod sa hospital. The worst case scenario, noong muntik na siyang mawala. Kaya ganito na lang ang pag aalala ng mga kuya at magulang niya sa kanya. Malaki ang puso niya. Noong unang na diagnosed ang sakit niya sabi ng doctor wala ng chance. Kaya ingatan na lang daw at alagaan ito ng mabuti. Buti na lang pinatingin nila ito sa magaling na specialist. Yun ay si Dr Smith. May chance pa siyang gumaling through heart transplant. Ngunit 50-50 ang chances na maging successful ang kalalabasan  ng operasyon, ang paliwanag niya. Ilang taon na ang lumipas kahit papaano'y naidaanan ito sa pa inom inom ng mga gamot. Ngunit ang hindi nila alam madalas nang sumasakit ang puso ni Anne. Na madalas na itong inaatake sa puso. Minor case of heart attack.  Kaya nga madalas itong nasa ibang bansa. Doon siya nagpapaconfined. Ayaw niyang mag alala ang magulang niya. Lalo na't sabi ng doctor sa Paris ay mas lalo ng humihina ang puso niya. Na tanging si Luis lang ang nakakaalam ng sekreto niya. Kaya nga pumayag na siya sa agarang pagpapakasal dahil natatakot siyang hindi niya mapasaya ang magulang niya.

"Andito na tayo bunso."wika ni teddy na inaalalayan si vice sa pagbubuhat kay Anne.

"Anong nangyari sa kanya?"tanong ng isang doctor.

"May sakit po siya sa puso doc. Bigla na lang po siyang hindi nakahinga kanina."sagot ni vhong na nanginginig. "Doc please! Ang kapatid ko. Gawin niyo po ang lahat please."pagmamakaawa nito. Inaalo naman ito ni Karylle at niyakap.

"Doc, iligtas niyo po ang asawa ko. Gawin niyo po ang lahat nang magagawa niyo. Magbabayad ako kahit magkano iligtas niyo lang ang asawa ko."pagmamakaawa rin ni vice.

"Wag kayong mag alala magiging okay lang siya. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko." sagot ng doctor.

"Babe, magiging okay ka lang di ba? Okay ka lang ha. Hihintayin kita. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal."habang hawak hawak ang kamay ni Anne.

"Sorry sir hanggang dito na lang po kayo." tugon ng nurse.

"Ano na ang gagawin ko? Pano kung may mangyari sa kanyang masama? Pano na ko? Anong gagawin ko? I can't live without her. Hindi ko kakayanin pagnawala siya sa akin."umupo ito sa isang sulok at humahagulgol na lamang sa pag iyak. Nilapitan ito ni archie at niyakap.

"Tahan na meme. Magiging okay lang ang asawa mo. Wag ka nang umiyak diyan."pag alo nito kay vice.

"Oo nga meme. Sige ka babatukan ka na naman nun ni annita kapag di ka tumahan diyan."sabay lapit din ni Matt.

"Pano na ako? Mahal na mahal ko si Anne. Kasalanan ko to. Nagtampo pa ako sa kanya dahil akala ko hindi man lang niya naalala ang birthday ko. Ang tanga ko talaga. Ang tanga tanga mo vice." habang paulit ulit na inuuntog ang ulo niya sa pader.

"Tama na brad. Di mo naman kasalanan eh."ani Billy. Nang biglang dumating ang mga magulang nila kasama si Dr Smith.

"Anong nangyari sa princess ko?"tanong ni Albert na sobrang nag aalala.

"Boys what happened?"tanong din ni Ana na napayakap na lang kila vhong and Billy. Nilapitan naman ni agot at joey ang kanilang anak na hindi parin tumitigil sa pag iyak.

"Anak, okay ka lang ba?"napapaiyak na rin na tanong ni agot kay vice sabay yakap sa anak.

"Anak,she will be okay. Don't worry."ani Joey.

"Kasalanan ko po sorry po. Sorry po talaga. Sorry kasalanan ko."sagot ni vice na hindi parin tumitigil sa pag iyak at hanggang ngayon ay nanginginig parin Sa takot. "Sorry mama, papa. Mom, dad I'm really sorry. Sorry po."paulit ulit na binibigkas ang salitang sorry. Sabay tayo nito.

"Anak, where are going?"tanong ni agot.

"Sorry po talaga. Sorry. Kasalanan ko po."habang naglalakad palabas ng hospital.

"Kuya?"sigaw ni coleen.

"Meme wait lang!" At sinundan ni Buern si vice.

"Sundan lang po namin tita. Kami na po ang bahala sa kanya."tugon ni Archie sabay alis nila ni Matt.

"Sige iho. Kayo muna bahala sa kanya ha. "tugon ni Ana.

"Please baka anong gawin ng anak ko. Ngayon lang namin siya nakitang nagkaganyan."dagdag pa ni agot.

"Samahan na namin kayo Matt."wika ni Karylle. At tumakbo na sila para sundan ang tatlo.

Vice's pov

Para akong mababaliw sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nasa loob ng emergency room ang asawa ko. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Para akong nanonood ng telenobela na hindi ko mapigilang umiyak at mapahagulgol. Nanginginig ang buong katawan ko at nanlalambot. Pano na ako kung  wala siya. Siya na ang naging mundo at buhay ko. Pano ko haharapin ang bukas nang wala siya sa tabi ko. Matagal ko nang alam na may sakit siya sa puso. I was so shocked that time. Nagsimula akong maghinala noong honeymoon namin, yung sa Japan. Nahuli ko siyang umiinom ng gamot. Akala ko vitamins lang. Ngunit bigla siyang nagmadaling pumasok sa CR.  Hinayaan ko lang siya until next day same situation. Halos ilang oras siyang nagkulong sa CR noon. Ilang beses ko siyang tinanong kung okay lang ba siya dahil nag aalala na ako. Ngunit sabi niya okay lang daw siya. May iba sa tono ng boses niya.

"Asawa ko, are you okay?"tanong ko sa kanya.

"O..o..kay..la..ng. okay lang ako."nauutal na sagot niya sa akin. Pero di ako mapakali. Dahil ganon din ang ginawa niya noong pangatlong araw pa lang namin sa Japan. Remember the paragliding? Ngunit mas malala noong ika limang araw namin dahil mas tumagal pa siya sa CR. Kaya sa sobrang pag alala ko binuksan ko ang pintuan ng CR nang walang pahintulot niya. Namumutla at pawisan ang aking asawa. Napansin kong may itinago siyang bigla sa bag niya. Pero nagkunwari na lang akong walang nakita.

"Sabi mo okay ka lang. Ba't namumutla ka?" nag aalala kong sabi. Hinawakan ko siya sa noo, leeg, sa mukha at sa mga kamay para icheck kung may sakit ba siya.

"I'm okay. Nabigla lang siguro yung katawan ko. Magiging okay lang ako mamaya. Don't worry. Kailangan lang nang pahinga ito."sagot niya sa akin ngunit hindi ako naniniwalang okay lang siya. Pero hinayaan ko na lang siyang magpahinga. Naging okay naman din siya kinaumagahan. Maraming pang beses na nahuli ko siya. Nakumpirma ko lamang iyon nang tanungin ko si Luis about sa gamot na iyon. Sa kalagayan ni Anne. Iyon ang gabing umuwi ako nang puno ng pasa ang aking mukha.

Hindi ko matanggap na may sakit siya. Na any time pwede siyang mawala sa akin. Kaya naglasing ako. Buti na lang ay sinundan ako ni Luis.

"Uy ayos to ha! Musta na bakla? Balita ko ikinasal ka na raw. Pero sa isang babae? Tumiwalag ka na ba sa pederasyon mo? Hindi na ba mga lalaki ang type mo? O lalaki parin ang gusto mo?" pamilyar ang boses na iyon sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin dahil abala ako sa pag inom at wala akong time sa mga siraulong walang magawa sa buhay nila.

"Hoy bakla kinakausap kita!"pabulyaw niyang sabi. Hinawakan niya ang balikat ko sabay pinaharap ako sa kanya. Ngunit plain lang ang mukha ko. Ni isang salita ay wala akong binitawan. Sinabi na nga ba. Siya na naman. Buhay pa pala ang gagong to. "Alam mo bang crush na crush ko yung asawa mo. Sobrang ganda niya tol. Sexy at sobrang yaman pa. Actually friend ng dad ko ang father niya. Sayang naunahan mo ko. Pahiram naman minsan oh. Ibabalik ko rin naman sayo." Biglang nagpintig ang tenga ko at nandilim ang paningin ko sa mga sinabi niya. Kaya biglang sinuntok ko siya nang malakas sa mukha.

"Gago ka! Anong akala mo sa asawa ko!"sabay bitaw ng malakas na suntok sa mukha niya halos napatumba siya sa lakas ng pagkakasuntok ko. Pasugod na rin ang kaibigan niya nang biglang dumating si Luis at sinangga ang kamao nito. "Ang sakit nun ha, kapal talaga ng mukha mo." Ito ang unang beses na nanuntok ako ng tao, noon kasi sabunot at sampal lang ang nagagawa ko dahil sa kabaklaan ko. Ngunit iba na ngayon lalo na pag asawa ko ang pinag uusapan.

"Gago kang bakla ka ha!"tumayo ito at mukhang gustong gumanti nang suntok sa akin. "Anong tingin mo sa sarili mo porket nagkaasawa ka lang ng babae, lalaki na ang tingin mo sa sarili mo! Bakla ka parin gago!"sinuntok niya ako sa mukha kaya gumanti rin ako.

"Mas gago ka! Hindi ka pa nagtanda sa kulungan noon ha! Maghanap ka ng ibang pagnanasaan mo, wag ang asawa ko gago!"sabay suntok ko sa kanya. Nagkagulo sa bar. May mga umaawat at may nakikisabay. "Mayaman pala kayo eh bakit hindi ka maipagamot ng magulang mo, yang sakit mo sa utak? Siraulo!" buti na lang ay dumating rin si Zanjoe. Ang kaibigan ko, ang may ari ng bar na ito. Pinigilan niya ang nagaganap na suntukan. Puro pasa ang mukha namin ni Luis ngunit mas malala yung nangyari sa kaaway namin. Sarap pala makipagsuntukan kapag galit ka. Ginamot muna ako ni Luis bago inihatid sa bahay. Gising pa pala si Anne at hinihintay ako.

"Oh anong nangyari sa inyo?" tanong ni Anne habang inaalalayan ako ni Luis sa kalasingan.

"Ah..kasi nippy may nag away at nagsuntukan sa bar na pinuntahan namin. Umawat lang naman kami tapos pati kami nadamay. Kaya ganito itsura namin, puro pasa. But don't worry ginamot ko na siya."paliwanag ni Luis.

"Dapat hinayaan niyo na lang. Tignan mo na tuloy nangyari sa inyo."

"Okay lang. Oh siya sige ikaw na bahala diyan sa asawa mo ha."pagpapaalam niya.

"Why are you lasing mister? Anong meron at naglasing ka? Tignan mo tuloy nagkapasa yang mukha mo. Don't do that again okay. Nag alala ako sayo. Akala ko napahamak ka na. Napahamak ka nga, buti na lang hindi malala ang nangyari sayo. Wag mo na po akong pag aalalahanin ha."pinapakinggan ko lang siya sa pagsasalita. Pinaupo niya ako sa kama. Kumuha siya ng bimpo at pinunasan ako. Tinititigan ko lang siya. "Hey kanina ka pa nakatitig sa akin baka matunaw ako niyan. At kelan pa pala kayo naging close ni Manzano?" Wika niya. Kumuha siya ng sando ko at binihisan ako. Bigla ko siyang niyakap.

"Promise hindi ko na uulitin. Promise hinding hindi ako mawawala sa tabi mo. Promise aalagaan kita ng mabuti. Sorry. I love you. Sobrang mahal kita incase na makalimutan mo. Sobrang mahal na mahal. Mahal na Mahal. I love you po misis ko."hinalikan ko siya sa noo tulad ng parati kong ginagawa. "Tara tulog na tayo. Hindi ka pwedeng mapuyat. Nakakastress yan."

"Ang drama naman ng mister ko. Okay po. Sige good night."sabay halik niya sa pisngi ko at natulog na kami.

"Meme,san ka pupunta?"hinihingal na tanong ni Archie sa akin. Saan nga ba ako pupunta? Hindi ko alam. Hindi ko alam.

"Kuya!!"sigaw ni coleen.

"Hoy! Kuya! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo! Sa tingin mo may magagawa yang pagwowalk out mo! Nasa loob ang asawa mo! Mas kailangan ka niya ngayon! Sorry dahil hindi namin nasabi sayo ang kalagayan ni Anne. Pero sana isantabi mo muna yang pag eemote mo dahil hindi niyan mababago ang nangyari ngayon!"galit na sigaw sakin ni Karylle sa di kalayuan. Ano? Alam nila na may sakit si Anne? So ako lang pala ang di nakakaalam? Bakit hindi nila sinabi sa akin?

"Alam niyo? Pero di niyo sinabi sakin. Bakit? Ano bang naging kasalanan ko para parusahan niyo ako nang ganito? Bakit Karylle?" Hindi parin ako tumutigil sa paglalakad. Parang ang bigat bigat ng mga paa ko.

"Sorry kuya. Dahil yun ang hiniling ni ate Anne, na wag muna sabihin sayo. Siya na lang daw ang magsasabi sayo pagbalik niya galing Peru. Hindi namin alam na ganito ang mangyayari."paliwanag ni coleen sa akin.

"Iiyak ka na lang ba kuya at aalis nang ganun ganon na lang! Mas mahalaga pa ba sayo ngayon kung nalaman mo o hindi ang kalagayan niya! Ang duwag mo naman kuya!"dagdag pa ng kapatid kong si karylle.

"Oo! Mahalaga sakin dahil hindi ko kayang mawala siya sa akin! Mamamatay ako Karylle. Mamatay ako pag nawala siya. Tama ka duwag ako! Duwag ang kuya niyo! Masama bang maduwag dahil sa kalagayan ni Anne, ng asawa ko?"sagot ko sa kanya.

"Naiintindihan naman kita kuya pero napakaselfish mo! Akala ko ba mahal mo siya pero bakit mas pinipili mo ang iwanan siya sa mga oras na ito kesa samahan siya!" Hindi na napigilan ng kapatid ko ang umiyak. Napatigil ako sa paglalakad. Napaisip at napaupo na lamang ako sa gitna ng kalsada. Napahagulgol sa pag iyak ma parang bata.

"Buwan pa lamang po kung bibilangin ang pagsasama namin. Gusto ko pa siyang makitang ngumiti sa pagtulog at pag gising ko sa umaga. Gusto kong makita ang pagtawa niya kasama ng mga magiging anak namin. Alam kong tanga ako ngunit nagmamakaawa ako diyos ko. Gusto ko pang makasama ang asawa ko. Sa pag iyak at pagtawa, sa pagbuo my pamilya hanggang sa pagtanda."bulong ko sa panginoon habang umiiyak. Gusto kong ubusin ang mga luha ko sa mga oras na ito.

"Hoy mister! Magpapakamatay ka ba!?"
"Tarantado ka! Umalis ka diyan sa kalsada!"
"Nakakaabala ka! Umalis ka diyan!"
"Hoy gago! Nagmamadali kami!"
"Siraulo!"

Busina at galit na sigawan.

"Sorry. Sorry kasalanan ko. Sorry."wika ko.

Nang may biglang may tumapik sa balikat ko at itinayo nila ako.

"Tol, ano bang ginagawa mo? Kailangan ka pa ng kapatid ko." tugon ni vhong at inalalayan nila ako ni teddy. Hindi parin ako tumitigil sa paghingi nang tawad.

"Sorry. Sorry. Sorry."paulit ulit ko itong binibigkas habang umiiyak.

"Brad, kailangan ka pa ni Anne."dagdag pa ni teddy.

"Sorry vhong. Sorry. Sorry teddy. Sorry talaga. Sorry."

"Kuya naman eh. Ano ka ba."umiiyak na wika ni Karylle. Halos nag iiyakan na silang lahat.

"Kuya naman eh." Pag aalala ni coleen. Umiiyak rin ito.

"Pasensya na po kayo."paghingi nang paumanhin ni Matt sa mga tao at tumabi na kami.

"Sorry talaga vhong. Sorry. Di ko sinasadya. Sorry Tol."hindi parin humihinto sa pagtulo ang mga luha sa aking mata.

"Okay lang tol. Mahal na mahal ka nun di lang niya masabi sayo dahil natatakot siya lalo na sa kalagayan niya." Napayakap na lang ako kay vhong. "Tara pasok na tayo."pagyaya niya habang inaalalayan ako. Pumasok na kami sa loob ng hospital. Kailangan kong maging matapang at maging matatag at maging malakas dahil mas kailangan ako ni Anne sa mga oras na ito. Ilang oras din kaming naghintay. Hanggang sa lumabas na ang doctor.

"Joseph, how's my baby?"tanong ni mama ( Ana ) ng lumabas na ang doctor. I think magkakilala sila. Oo nga pala doctor din si mama.

"Doc, pare. Musta baby namin?"pag aalala ni papa.

"Oh Ana, Albert? Hmm. Don't worry ligtas na siya sa ngayon. Buti na lang at nadala niyo siya agad dito sa hospital."sagot ng doctor. " I need to talk to you pati na rin ang asawa niya."

"Bakit doc, may problema po ba? Okay na ba talaga ang asawa ko?"maraming tanong ang nasa isip ko sa mga oras na ito. Mga tanong na natatakot ako.

"Yes, she's okay now. Please wait for her na lang sa room niya."sagot niya sa akin. Mabuti naman kung ganon.

"Doctor Joseph, I am Dr James Smith personal doctor ng patient mo. Can I talk to you?"pagsingit ni daddy 2 at umalis na silang magkasama ni Dr Joseph.

Mag aalas kwatro na ng madaling araw. Nagsiuwian na ang mga kaibigan namin pati na rin ang parents namin. I told them na umuwi na muna sila para magpahinga pati na rin ang mga kapatid at pinsan namin. Pero babalik din daw sila mamaya. Heto ako ngayon sa isang private room. Pinagmamasdan ang aking asawa. Mahimbing siyang natutulog. Tinabihan ko siya sa higaan at niyakap.

"Sorry babe. Sorry. I love you. I love you Anne. I love you. I love you. I'm really sorry. I'm sorry. I love you. I love you Anne." paulit ulit kong binibigkas ang mga salitang ito habang umiiyak hanggang sa nakatulog na ako.

Continue Reading

You'll Also Like

112K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
42K 369 13
#02lgbt series Nadurog ang puso ni caslie nung malaman niyang taong mahal niya ay may mahal nang iba? Ma's Nadurog ang puso niya hindi siya maalala o...
155K 2.5K 71
He's worth keeping She's worth everything. Remember the day all is touched in the rain Fireworks in my veins into my heart Remember the night's danci...
12.6K 360 17
Colleen Freya Saavedra Lauchenco is the definition of perfection. Having a lovely face, a killer figure, dependable friends, and a supportive family...