The Badboy's Rule (ON-HOLD)

Par ObraMarca

9.2K 542 116

Clyde Lewis Samson. A fourt year student. Tall, handsome and the dream guy of all. He's popular in their scho... Plus

The Badboy Rule
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23

CHAPTER 15

249 16 3
Par ObraMarca

Annyeong💖💖. Sorry kung ngayon lang ako nakapag UD. Gusto ko lang sabihin na walang scene dito si Sky. Nagsawa nako sa mukha nya-- charr😂✌. Gusto ko lang subukan kung kaya kong wala sya sa buhay ko----- este sa story😂😂. Don't worry, babawi ako sa next UD. Bye bye👋👋👋

---------///////////---------------

Planning

Naiharang ko ang kamay ko sa mukha ko ng masilaw sa sikat ng araw na tumagos sa bintana ng kwarto.

Umupo na ako at humikab. Hindi ko magawang idilat ang mga mata ko dahil sa sobrang antok. Kung wala lang kaming pupuntahan ngayon ay malamang kanina ko pa idinikit ang katawan ko sa kama. May usapan kami ngayon nila keith, pupunta kami ngayon sa tita nya. Nagbabalak kase kaming magpaalam para sa next sunday. Ipagpapaalam namin kung pwedeng gawin yung party sa private resort ng tita nya, hindi lang natuloy kahapon dahil wala yung tita nya, at sakto ring naatasan ako na bantayan si Sky.

Speaking of him. Magaling na kaya yon? Pagkatapos ng nangyari sa sofa kahapon ay tumawag sakin ang mama ni Sky. She just thank me sa pag aalaga ko kay Sky, nagtanong din sya sa kalagayan ng anak nya. Sinabi nya na pwede na akong umuwi kung gusto ko tutal ay pauwi nalang rin sya,  syempre sinunod ko naman. Gabi narin kase non. Nagpahatid nalang ako sa driver nila, hindi ko narin nagawang makapagpaalam ng maayos kay Sky.


Tinawagan ko si Keith pagkatapos kong makapaghanda.

"San tayo magkikita?" Pambungad na sabi ko ng sinagot nya.

"Sa Mincy's Cafe nalang. Nga pala, hindi ko kaagad nasabi sayo. Sasama daw si Ace satin, wala na naman sigurong magawa kaya tayo ang pineperwisyo" natawa ako sa boses nya, parang ayaw nya talagang isama si Ace.

"Huwag ka ngang masyadong harsh sa kanya, baka sa huli kayo pa ang magkatuluyan" pambibwisit ko.


"Duh, sayo ko lang natutunan yan ano. And excuse me lang, never kong papatulan ang isip batang yon" naiimagine ko syang umiirap habang sinsabi yon.

"Wow ah, ang matured mo naman mag isip grabe nahiya ako sayo"


"Anong ibig mong sabihin??" Nalilitong tanong nya. Tumawa ako ng walang boses.

"Wala. Sige na, papatayin ko na itong tawag. Magkita nalang tayo mamaya, bye"


Hindi ko na sya hinintay na sumagot, kaagad ko nang pinatay ang tawag at bumaba na para kumain. Naabutan ko si Papa na umiinom habang nakatutok na naman ang mata sa magazine na binabasa nya.


"Good Morning, Pa" lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa pisngi. Pagkatapos ay umupo narin ako para makakain na.


"Morning. Saan ka nanggaling kagabi?" Tanong nya habang nagbabasa parin.


"Sa bahay lang po ng kaibigan ko, nagkasakit sya kahapon kaya pinakiusapan ako ng mama nya na alagaan sya"

"Sinong kaibigan? Keith? Arra? O yung si Jairus?"


"Hindi, Pa. Bagong kaibigan" nag aatubiling sabi ko, siguradong magre-report na naman ako nito sa kanya.



"Sino naman? Lalaki ba?" Napairap ako sa tanong nya. Ayan na.


"Ano to, Pa. Report?" natatawa kong sabi. Tinikom ko rin kaagad ang bibig ko ng tinignan nya ako ng masama. Hindi naman ako kinakabahan dahil alam kong hindi naman sya galit, at isa pa... malakas kaya ako sa kanya ^_^

"Naninigurado lang ako. Baka mamaya, masamang tao pala yang kinakaibigan mo. Ayoko lang na may mangyaring masama ulit sayo" napangiti ako.



"Hindi naman sya masamang tao" kahit na may pagkasuplado at sadista yon, sa palagay ko naman hindi nya ako sasaktan.

"May pagkamasungit nga lang. Apo sya ng principal namin. At isa pa Dad, wala ba kayong tiwala sakin? May lahi atang Amazona itong anak nyo. Kayang kaya kong itumba yon" sabi ko at kunyaring sumunto sa hangin. Natawa sya sa ginawa ko.


"Nagyabang ka na naman, siguraduhin nya lang na wala syang masamang intensyon sayo. Ako mismo ang bubugbog sa kanya"



"Nako, si Papa. Feeling teenager na naman. Magpalakas ka muna" sabay kaming matawa sa sinabi ko.

"Ah basta. Kailangan kong makilala yang bago mong kaibigan para mapanatag ang loob ko. Imbitahan mo sya minsan dito sa bahay para makita ko" patago akong umirap.


Okay lang naman sa kanya kung may maging kaibigan man ako, basta ba babae. Pero kapag lalaki na kung makaasta akala mo naman magboboyfriend ako. Magkaiba ang boyfriend sa boy friend. Pareho man ang spelling, may space naman.


"Huwag na, Pa. Kaibigan ko lang naman yon, hindi boyfriend"


"Kahit na, lahat ng magiging kaibigan mong lalaki, kailangan kilala ko" pinal na sabi nya



"Eh bakit si Trevor?" Iritang tanong ko. Si Trevor ay kaibigan ko since... hindi ko alam. Nagising nalang ako isang araw, kaibigan ko na sya. Hindi ko na maalala kung kailan ko sya naging kaibigan, pero mukhang matagal na rin dahil kilalang kilala nya ako.


"Iba naman kasi sya. Alam kong mapagkakatiwalaan ko sya pagdating sayo. Sya nga pala, kumusta na nga pala ang batang yon? Wala pabang improvement sa inyong dalawa?"


"Anong sinasabi nyo, Pa?"


"Anak, malaki kana rin naman. Pwede ka nang magkaboyfriend" sabi nya na parang may pinahihiwatig.


"Sabi nyo dati hindi pa ako pwede, anyare?" Naguguluhang tanong ko.



"Bawal nga, pero kung si Trevor lang din naman, pwedeng pwede hindi kami tututol sa inyo ng Mama mo" tuwang tuwang sabi nya. Hindi ko naman napigilang umirap.


"Pa, ilang beses ko po bang sasabihin sa inyo? Kaibigan ko lang si Trevor" mariing sabi ko. Mabait si Trevor, maalalahanin, gentleman at gwapo din, pero ni minsan wala akong naramdaman sa kanya higit pa sa kaibigan.


"Magugustuhan mo rin sya. Pagtuunan mo kasi nang pansin ang mga bagay na nagagawa nya para sayo. Tiyak sa huli mahuhulog karin sa kanya" hindi nalang ako kumibo para matigil na ang usapan. Tahimik akong nagpatuloy sa pagkain, hindi narin naman sya nag usisa pa.

Patapos na ako sa pagkain ng maalalang hindi pa pala ako nakakapagpaalam sa kanya.


"Aalis nga pala ako ngayon, Pa"

"Saan? Sino namang kasama mo?"


"Sina Keith at Ace po. Magtatanong lang kami kung pwede kaming magstay sa resort ng tita ni keith next sunday. Birthday kasi ni Arra sa susunod na sabado, kaso napatyempong may pasok kami at kasama nya rin ang parents nya para magcelebrate, kaya gagawin nalang naming sunday"



"Oh sige, mag-iingat kayo. Magpaalam karin sa mama mo" sabi nya sabay tingin sa wrist watch nya.


"Mauna na ako, kailangan ko ng umalis. Sabihan mo nalang ang mama mo, okay?" Sabi nya at hinalikan ako sa pisngi. Tumango ako.


"Nasaan nga pala si Mama?"


"Sumama sya kay Manang Selya na mag-grocery. May bibilhin siguro, Sige una na ako. Mag iingat kayo"


"Kayo rin po" sagot ko at tinapos na ang kinakain ko.


*****************

To: Keithy

Nasaan na kayo?

Text ko kay Keith. Kadarating ko palang sa lugar na pinag usapan namin.

From: Keithy

Padating na ako. Malapit na. 

Reply nya. Totoo naman sya sa salita nya dahil ilang saglit lang ay nakita ko syang papasok sa Cafe.

"Wala pa ba si Ace?" Tanong nya pagkaupo.

"Wala pa, itext mo na" utos ko bago sumipsip sa frappe na binili ko.


"Nasaan kana?! Ang tagal mo! Kanina pa kami naghihintay sayo. Kapag ako nainis, iiwan ka namin" muntik pa akong nasamid sa lakas ng boses nya.

"Bilisan mo! Inip na inip na kami dito" sabay baba nya sa cellphone nya.


"Anong pakulo yon? Kadarating mo palang ah?"


"Hayaan mo na. Para magmadali sya papunta dito, makupad yon eh" sabi nya at ginatungan pa ng tawa.

"Nasaan na raw ba?"

"Malapit na---- oh! Ayan na pala" tinuronya sakin ang puntuan. Papasok doon si Ace habang nakashades pa. Lara syang model na naglalakad sa gitna ng maraming tao. Hindi napigilan ng ibang babae na tumingin sa kanya at mangisay sa kilig.


In fairness ah? Malakas din ang charisma ng isang to. Nang makita nya kami ay nagbago ang emosyon nya. Mula sa seryoso ay napalitan ng isang malapad na ngiti. Excited syang tumakbo palapit samin.


"San lakad mo? Pormadong pormado ah?" Biro ko sa kanya.


"Si Mama ang may pakulo nito. Gusto nya pag lumalabas ako, nakaganito lagi para daw hindi ako magmukhang pulubi. Tss, kahit naman anong suotin ko gwapo pa din ako"


"Naku naku, tayo na. Lumalakas na ang hangin dito" sabi ni keith at tumayo. Tumayo narin ako.

"Grabi ka naman-----ahhhh!" Kaagad hinila ni Keith ang labi nya ng magpout sya. Natawa ako sa kanilang dalawa, nauna na akong umalis. Kaagad naman silang nakasunod.


"Si Arra, nasaan?" Nagkibit balikat sila sa tanong ko.


"Baka busy?" Hindi siguradong sagot ni Ace. Hindi nalang namin pinansin at sumakay na sa sasakyan nila keith.

Mga labing limang minuto rin bago kami tuliyang nakadating. Sumunod kami kay Keith papasok sa bahay.


"Tita Sheena??!" Sigaw ni keith pagkapasok. Nagulat kami sa ginawa nya, baka magulantang pa ang mga tao sa lakas ng sigaw nya.

"Hinaan mo nga yang boses mo! baka natutulog pa sila" isa pa to, magbabawal kuno pero sisigaw din naman.


"Itikom nyo nalang yang bibig nyo, baka masira pa eardrums ko sainyo"


"Ayy kayo po pala Miss Keith. Nasa kusina po si Maam Sheena" sabi ng katulong na kakagaling palang sa kusina.


"Ganun po ba? Sige po, maghihintay nalang kami dito" wala pang ilang segundo ng may sumigaw mula sa may second floor ng bahay. Napatingin kami sa may hagdanan.


"Bianca!!!" Sigaw ni Sean at tumakbo papunta samin. Nanlaki ang mata ko ng makitang balak nya akong yakapin.  


Biglang humarang sa harap ko si Ace kaya imbes na ako ang mayakap, sya ang niyakap ni Sean.


"Iww yuck. Kadiri! Umalis ka nga!" Sigaw ni Sean at lumayo kay Ace.



"Ayoko! Yayakapin mo lang si Bianca!"



"Pakialam mo?! Bestfriend naman nya ako!"



"Ha-ha patawa ka! Kailan ka pa nya naging bestfriend? Ako kaya kaibigan nya. Matagal na kaming magbestfriend!"




"Hindi totoo yan! Bawiin mo ang sinabi mo! Ako ang legal na bestfriens nya! Matagal na kaming magbestfriend!" Galit na sigaw ni Sean. Napahilot ako sa sentido ko sa sobrang ingay nila.




"Asa ka pa! Anong matagal magbestfriend? Halos kadarating nyo palang dito kaya imposible yang sinasabi mo! Huwag ka ngang sinungaling!"



"Hindi ako nagsisinungaling! Totoo yon! Itanong mo pa!"



"Pwede ba tumahimik kayo?!" Inis na sabi ko habamg nakatakip ang dalawang kamay sa taenga ko.




"Sya kasi!!" Papaiyak na sabi ni Sean.




"Bianca, diba magbestfriend tayo?" Tanong ni Sean at nagpuppy eyes.




"Oo" sabi ko. Nagningning naman ang mga mata nya. Nagyayabang na humarap sya kay Ace.




"Oh ano? Pahiya ka ano??! Boo!"  Sigaw ni Sean.


Napafacepalm ako. Bwisit, bat napagsama namin ang dalawang to.

----------////////////-------------

Sana nag-enjoy kayo.
Dont forget to Vote and Comment. Hindi man ako sumasagot, binabasa ko naman ang mga comments nyo😊😊

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...