Nang Mainlove Kay Bestfriend.

By thisisjejeh

2.7K 70 13

Pa'no kung mainlove ka sa Besfriend mo? Tapos, nung nagbalik ka, hindi parin nagbabago ang nararamdaman mo sa... More

Nang Mainlove Kay Bestfriend.
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY TWO
CHAPTER TWENTY THREE

CHAPTER EIGHTEEN

65 2 0
By thisisjejeh

CHAPTER EIGHTEEN

Nagising nalang ako na parang may liwanag na rumerehistro sa mata ko. Pinilit kong buksan ang mata ko at muntikan na akong masilaw sa liwanag. Pinagmasdan ko naman ang paligid at nasa pinaglaglagang bangin parin kami ni Makmak, habang naka-hilig ako sa binti niya. My gulay!

Agad kong inayos ang sarili ko. Baka magising pa siya at kung anong isipin. Tss! Akala niya naman close na agad kami porke't nagkasama kami buong gabi. Hmft.

"Lalaine.. Makmak! Nasaan na kayooooo?!" Naririnig kong sigaw mula sa itaas.

Shet! Sa wakas at meron naring dumating para irescue kami. Hay! Akala ko habang-buhay na kami rito ni Makmak eh. Hindi ko ata maaatim na makasama ang kumag na 'to. Never!

Ginising ko naman agad si Makmak. May naghahanap na sa'tin." Sabi ko sa kanya. Rumehistro naman ang ngiti sa labi niya nang marinig iyon.

Tumayo agad si Makmak. "Hoy, nandito kameeeeeeee!" Sigaw niya.

"Tulooooooooooong!" Tinulungan ko narin siya sa pagsigaw para agad kaming makita ng mga rescuer.

Nakarinig kami ng mga yabag papunta sa bangin. At sa wakas, may sumilay narin na tao para iligtas kami ni Makmak.

Agad silang nagbaba nang lubid na mag-aakyat sa amin paitaas.

Nang maitaas na kami, agad akong yumakap sa mga kaibigan ko.

"Shucks! Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo bes eh. Grabe 'yung pag-aalala namin mula kagabi pa. Buti nalang safe ka." Nag-aalalang sabi ni Kat habang yakap ako.

"Tama! Hindi talaga kami natulog hangga't di namin kayo nahahanap ni Mak. Thanks God at safe kayo." Dagdag pa ni Krissa.

"Same here. Pero, paano ba kayo nakarating ni Makmak dito sa dulo ng gubat? Bigla ka nalang kasi nawala n'ung nagkwekwentuhan tayo." Dagdag pa ni Rhie.

Tumingin naman ako sa gawi ni Makmak na ngayon ay nakikipag-usap kina Elvis. Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatingin sa kanya, nginitian niya ako at parang nag-init ang pisngi ko sa ngiti niya. Napayuko nalang ako at sinabi kina Krissa na doon nalang sa retreat house ko ikwekwento ang lahat.

Butㅡ shucks! Bakit ganito 'yung naramdaman ko sa ngiti niya? Hindi dapat ganito eh. Masyado akong nadala sa mga kwinento niya sa'kin kagabi habang nasa bangin kami.

Oo, nagkwentuhan kami, kahit na ayoko. Tsaka, di ko rin kaya na manahimik lang sa isang sulok habang naghihintay ng mag-rerescue sa'min.

Okay naman pala siya eh. Nandun parin 'yung kayabangan niya, pero more on mas nabilib ako sa mga kwinento niya sa'kin. Ewan ko kung half lies 'yung iba doon, pero nag-enjoy akong makasama siya sa buong gabi.

Flashback

Ugh! Hindi ko na kaya ang lamok dito. Shet! Mabilis pa naman akong magkapantal. Waaah! Nakakainis talaga. Napaka-malas ko naman ngayong araw na 'to.

Nabwisit na nga ako dahil sa biglaang pagsama ng mokong na 'to, nakasama ko pa siya ngayon dito sa bangin.

Sa dami naman ng matatapatan ko ng kamalasan, sa lalaking pa 'to. Medyo nakakainit lang ng ulo. Argh! Kung pwede lang talagang maglaho na ako 'wag lang makasama ang isang 'to eh. Tsk.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya.

Napairap ako. Ano ba naman klaseng tanong 'yan? May okay ba na nahulog sa bangin? Parang tanga lang, ha. Tss.

"Oo, okay ako. Okay na okay!" Papilosopong sagot. Natawa naman siya ng mahina kaya napairap ako.

"Ano bang nakakatawa, ha? Sa tingin mo ba may magagawa 'yang pagtawa mo para makabalik tayo sa camping site? Kung wala naman, itahimik mo nalang 'yang bibig mo!" Inis kong sagot sa kanya. Pero hindi siya natinag sa mga sinabi ko at mas lalong nilakasan pa ang pagtawa.

Napabuntong-hininga nalang ako sa kawalan. Nakakainis talaga siya. Akala mo kung sinong magaling! Psh.

"Kung nakikita ko lang sana 'yang mukha mo, siguro galit na galit ka na talaga sa'kin. Hahaha. Pasensya na, ha? Mahilig lang talaga akong mang-asar, pero hindi naman ako mayabang, Lalaine."

Nawindang ako sa huli niyang sinabi at sa pagtawag niya sa pangalan ko.

Teka nga, hindi raw siya mayabang pero mapang-asar lang siya? Wow. Eh, kakabit lang din naman ng pagiging mayabang ang mapang-asar eh. Wooh! May masabi lang talaga ang kupal na 'to.

At tsaka kung tawagin niya ko sa pangalan ko, akala niya naman sobrang close talaga kami. That would never happen. Itaga niya sa bato.

"Papaalala ko lang sa'yo, hindi tayo close. Kaya itigil mo na 'yang bibig mo." Sabi ko pa. Pero imbes na tumahimik siya, naramdaman ko ang pagtayo niya at naglalakad-lakad ito.

"Hindi ko talaga maintindihan ang ugali ng mga babae. Kung minsan, masaya sila, pero ilang oras lang ang nakalipas biglang magbabago ng mood. Kapag hindi nasunod ang gusto, magmamaktol. Kapag hindi ka nagtext, titiisin kang hindi itext. Napaka-hirap sabayan ng mood ng mga babae. Ang komplikado niyo." Halatang naguguluhan talaga siya sa mga sinasabi niya.

Well, hindi ko naman ata kayang hindi i-defend ang mga kalahi ko. Bakit silang mga lalaki, may mga kaartehan din naman sila, ah? Lagi nalang ba kaming mga babae ang komplikado.

"Hinay ka lang naman sa mga sinasabi mo. Kaya nga kami babae at mga lalaki kayo eh. Nakasulat naman sa bible na hinugot kami sa tadyang ng kalalakihan. So it means, responsibildad niyo bilang isang lalaki na alagaan, pagpasensyahan at protektahan ang isang babae. Tsaka ito pa, ha? 'Yung iba nga sa inyo, imbes na protektahan kami, inilalapit pa kami sa disgrasya. So, hindi lang kami ang may problema kung hindi kayo rin." Mahabang litanya ko. Ewan ko nalang kung hindi pa siya mawindang sa'kin. Hah!

"Okay, may point ka dun. Pero isipin mo 'to, ha? Tao ka, tao rin ako. Wala namang pinagkaiba. Pantay-pantay lang tayo. Oo, noon naging batas ang mga kalalakihan. Magpasalamat pa nga kayo dahil kundi sa'min hindi kayo matataguriang 'bossy'. Pero dahil nga sa pagiging bossy ninyo, pati kaming mga lalaki kinakastigo niyo. Kadalasan kasi sa mag-partner, babae ang may problema. Hindi niyo kami masisisi kung manlaming man kami sa inyo. Tao rin kami." Pag-eexplain niya.

Okay. Nabibilib ako sa kanya the way na mag-explain siya. Pero hindi ibig sabihin n'un na nanalo na siya. Ano, basta ko nalang ibababa ang bandera ng mga kabaro ko? No way!

"Alam mo, wala namang perpektong relasyon eh. Natural lang sa'ming mga babae ang magselos, magalit, mainis at magtampo. Parte ng relasyon ang mga ganung bagay. Kaya hindi mo pwedeng sabihin na kami lagi ang may problema. Pansinin niyo naman mga flaws niyo. Baka nasasabi mo lang 'yan kasi hindi mo pa naeexperience." Sabi ko.

Tama naman ako eh. Ang hirap kasi sa mga lalaking 'yan, lagi kami ang sinisisi na may kulang sa'min. Hindi ba nila naisip na kung lagi lang silang nag-eeffort at gumagawa ng way para magka-time sa'min, edi sana hindi kami nagkaka-problema. That's so easy, dude!

"Kaya ko nga nasasabi sa'yo 'yung mga ganito dahil naranasan ko na eh."

Natahimik ako ng sabihin niya 'yun. Weah, di nga? Sa kayabangan niyang 'yan, nasaktan na pala ang kumag na 'to? Akala ko naman joke niya lang 'yung sinabi niya kanina sa taas. Hmp!

Hindi ako umimik. Ayokong magsalita dahil baka isipin niya nangingialam ako sa lovelife niya. Eh, hindi ko nga sinabi sa kanya 'yung tungkol sa'min ni Ivan eh.

"Kaya nga ako iniwan ng ex-girlfriend ko dahil nawalan ako ng time sa kanya noon eh. In-explain ko naman sa kanya na kailangan kong tumulong sa family business namin, pero hindi man lang niya ko naintindihan. Hanggang sa nawalan na siya ng oras sa'kin at parang nanlalamig na siya. Nalaman ko nalang na may iba na pala siyang boyfriend. Mahal na mahal ko pa naman siya, kaso binitawan niya agad ako. Kaya kahit na masakit, ni-let go ko siya. Kung alam ko naman na 'yun ang magpapasaya sa kanya, bakit ko ipagkakait?"

Parang medyo nahabag naman ako sa sinabi niya. Kaya pala pinaglalaban niya na kaming mga babae ang may problema. Tsk. Okay, medyo bilib na ako sa kanya. Pero hindi naman ganun kabilib. Babae parin ako kaya mas papanigan ko ang opinyon ko.

"Kaya nga kayo lalaki eh. Obligasyon niyong pangalagaan ang nararamdaman namin. Matulog nalang muna tayo." Pagtatapos ko.

Ayoko nang humaba pa ang pagdedebate namin. Tama na 'yung nalaman ko na kagaya ko rin pala siya na may masakit na nakaraan.

Naupo ako sa tabi niya at hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Baka mainlove ka sa'kin niyan." Hindi ko alam kung biro 'yung pagkakasabi niya pero parang may something sa tyan ko na bigla nalang nag-circulate ng sabihin niya 'yun.

Hala?! Ano ba naman 'to. Ngayon nga lang kami nagkasama ng matagal, may mga ganito pang kalandian? Psh. No way!

Nahampas ko ang balikat niya. "Tse! Never." Natawa lang siya at tumahimik rin.

End of Flashback

Naligo na agad ako pagbalik namin sa retreat house. Feeling ko kasi, nanggigipalpal na ang dumi sa katawan ko eh.

Pagkatapos ay bumaba ako para sabayan sa lunch ang mga kaibigan ko. Pagbaba ko, lahat sila ay nasa table na. Maliban nga lang kay Makmak. Nasaan siya?

"Kain na bes." Aya sa'kin ni Krissa. Naupo naman ako sa tabi niya.

"So, ano namang naganap n'ung kayo lang ni Makmak sa bangin kagabi?" Biglang tanong ni April. Napataas tuloy ang kilay ko. Nako, 'wag lang talaga akong uumpisahan nitong si April. Baka maubusan siya ng buhok ngayon.

"Ano namang dapat mangyari?" Balik-tanong ko sa kanya.

Ngumisi naman ito. "Wala."

Leche! Ang ayoko sa lahat 'yung pinagdududahan ako ng wala namang matinong rason eh.

"Ano bang gusto mong iparating, April? Alam mo kung wala ka namang maitatanong na matino, itigil mo 'yang bibig mo kung ayaw mong silihan ko 'yan!" Inis kong dagdag.

Inirapan niya lang ako, habang sina Katkat at Rhie ay hindi na mapigilan ang tawa. Si Krissa at Ellaiza naman ay nangingiti lang habang si Francis at Elvis nakayuko dahil sa kahihiyan siguro.

Dahil naiinis nga ako sa presensya nitong si April, naisipan ko nalang na lumabas ng retreat house.

Nagpunta ako sa may garden na nasa likod ng retreat house. Sa gitna ng garden meron isang kubo. Agad akong pumasok roon, pero muntikan na akong atakihin sa puso ng mamataan si Makmak doon na nakahiga sa mahabang upuan. Nahampas ko tuloy siya.

"Siraulo ka! Muntikan na 'kong atakihin sa'yo. Bakit ba pasulpot-sulpot ka?" Inis kong sabi at naupo sa kabilang mahabang upuan.

Tatawa-tawa naman siyang naupo mula sa pagkakahiga. "Aba! ako pa talaga ang pasulpot-sulpot ah? Ikaw kaya ang pumunta dito. Siguro sinusundan mo ko?" Sabay ngumiti siya ng kakaiba. Binato ko nga sa kanya 'yung suot kong tsinelas.

"Ang kapal din ng mukha mo, 'no? Mahiya-hiya ka nga!" Tsaka umirap ako sa kanya.

"Pero bakit ka nga nandito?!" Tanong niya.

"Yung epal mo kasing pinsan, sinabi ba naman kung may ginawa ba daw tayong something sa bangin kagabi. Kaya ayun, umalis ako sa sobrang bwisit sa kanya."

Kumunot naman ang noo ni Makmak. "Si April, sasabihin 'yun? Weah? Hindi kaya ganun si April."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Huwag mo na ngang pinagtatanggol 'yang pinsan mo. Ginawa niya na nga eh. At hindi lang sa'kin, maski kay Krissa sinabi niya rin 'yun. Napaka-kapal talaga ng mukha niyang si April. Walang lugar 'yung pagiging maldita niya. Hindi niya alam na may nasasaktan na palang mga tao dahil sa mga nasasabi niya."

"Hindi ko pinagtatanggol si April. Never ko siyang narinig na nagsasalita ng ganun. Baka may dahilan siya kaya niya lang nasabi 'yon. Hindi maldita si April. Kung makikilala mo lang siya, makikita mo na hindi ganun si April."

Kumunot ang noo ko sa mga sinasabi ni Makmak. Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to? Tsaka, anong hindi raw maldita si April? Eh, 'yun na nga ang pinakita niyang ugali n'ung makilala namin siya eh. Tapos hindi daw maldita? Wow.

"Ano namang dahilan ang ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko.

"Hindi ko alam." Matipid na sagot niya.

Tss! Ewan ko sa lalaking 'to. Walang kwentang kausap. May dahilan ba dapat para maging maldita ang isang tao? Hmft.

Hindi ko nalang pinansin si Makmak at tinuon ko nalang ang paningin sa fish pond na malapit sa kubo. Ilang minuto rin kaming hindi nag-imikan ni Makmak hanggang sa,

"Kwento ka naman about sa ex mo?" Pag-uumpisa niya ng topic. Awtomatikong napalingon ako ng marinig ang salitang Ex.

Ano namang gusto niyang malaman kay Ivan? Tss. Tsaka kung makapag-pakwento naman siya akala niya close na kami.

"Bakit naman kita kwekwentuhan ng tungkol sa ex ko?"

Ngumiti siya. 'Yung ngiting bihira lang makita sa lalaki. 'Yung ngiting parang madadala ka kapag matagal mong tinitigan. Ah, letse! Ano ba 'tong pinag-iisip ko! Tss.

"Wala lang. Tsaka, nag-share naman ako ng tungkol sa break-up namin ng ex-girlfriend ko eh."

Napairap ako. "Pinilit ba kitang ikwento ang tungkol sa inyo ng ex mo? Tss."

Lalabas na sana ako ng kubo, pero hinawakan niya ako sa kamay kaya napatigil ako. Binigyan ko siya ng 'bakit' look.

"Pwede ba tayong maging magkaibigan?"

Natulala ako sa tanong niya. Hindi ko inaasahan na kahit pagsusuplada ang pinapakita ko sa kanya, gusto niya parin akong maging kaibigan. O, baka naman manhid siya? Pero hindi eh. Mukha namang sincere siya sa gusto niyang mangyari.

Ngumiti ako sa kanya at nagkibit-balikat. Hindi ko na siya hinintay na magsalita at lumabas na ako ng kubo.

***

Krissa Chen's Point of View:

Dahil wala pa namang activity na pinapagawa sa'min, naisipan ko munang magpunta sa may garden para tumambay. Nasa kwarto kasi sina Lalaine at Katkat. Habang si Rhie naman ay kasama si Pat sa pamamasyal sa labas. Alam niyo na, magde-date daw sila. Hihi. Si Francis at Ellaiza naman ay may pinuntahan sa labas ng Retreat House.

Pagpasok ko sa loob ng kubo, punong-puno ng pagkain sa mesa. Kumunot bigla ang noo ko. Anong meron dito?

Naupo ako habang patuloy parin ako sa pag-iisip kung ano nga bang meron dito sa kubo? Wala naman akong naalalang magkakainan kami dahil kakatapos lang naman naming mag-lunch.

Na-interrupt lang ako sa pag-iisip ng makarinig ako ng mga yabag ng paa na parang papunta rito sa kubo. Sumilip ako sa bintana at paglakad papunta rito si Elvis. Bigla akong kinabahan.

Siya ba 'yung naghanda nito?

Pumasok siya sa loob at halata sa kanya ang pagkagulat ng makita ako.

"Anong ginagawa mo rito?" Nagtataka niyang tanong pero sa mahinahong boses.

"A-ah, balak ko sanang magpahangin dito. Ikaw ba naghanda ng mga 'to?" Sabi ko sabay turo ng mga pagkain sa mesa.

Tumango naman si Elvis at naupo sa kabilang upuan.

"Para saan?" Tanong ko ulit. Napayuko naman siya at bumuntong hininga. Kumunot uli ang noo ko.

"Para sana sa amin ni April. 13th monthsarry kasi namin ngayon eh, kaso umalis naman siya." Halata sa boses ni Elvis ang pagkadismaya.

Kaya pala siya naghanda ng ganito kabongga, dahil sinecelebrate niya ang monthsarry nila. Hay! Mabuti pa si Elvis mahal na mahal si April. Samantalang ako, umaasa lang na mamahalin rin ako ni Elvis.

Nag-angat ng ulo si Elvis at nakangiti na ito. "Sabayan mo nalang akong kainin 'tong mga 'to, Krissa."

Napangiwi ako. "Eh, para sa inyo 'to ni April eh."

"Wala naman siya eh, kaya okay lang na sabayan mo kong ubusin 'to." Natawa pa ito kaya sinabayan ko narin siya sa pagtawa.

Nagsimula nang maglagay ng pagkain si Elvis sa plato namin. Medyo kinikilig ako sa ginagawa niya. Hihi.

"Bakit naman biglang umalis si April?" Curious na tanong ko.

Nagkibit-balikat si Elvis. "Hindi ko nga alam eh. Bigla nalang tumawag sa kanya si Danica, tapos nagpaalam siya sa'kin na babalik na muna raw siya sa Manila. Gusto ko mang pigilan, pero alam mo naman 'yun si April. Tsk. Di ko tuloy napakita sa kanya 'yung surprise ko."

Bigla tuloy akong naawa kay Elvis nang ikwento niya 'yun. Hay! Grabe din naman kasi 'tong si April, parang di man lang iniintindi 'yung pwedeng maramdaman ni Elvis. Tsk. Kung ako lang talaga sa sitwasyon niya, hindi ko sasayangin 'yung mga efforts na ginagawa nitong si Elvis. Pero, hindi nga kasi ako si April, at hinding hindi ako magiging siya. Hay!

"Pasensya ka na pala, ha?" Napakunot-noo naman si Elvis.

"Para saan?"

"Kasi, hindi man lang tayo nagkaroon ng chance noong Grade Six pa tayo na mag-usap ng matagal. Di ba nga, hindi ako nakapag-paalam sa'yo ng maayos? Matagal na sana kitang kakausapin tungkol sa pag-alis namin, kaso baka nga magalit ka sa'kin, kaya mas minabuti ko nalang na biglain ka. Sorry talaga."

Ngumiti naman si Elvis. "Matagal na 'yun, Krissa. 'Wag mo nang isipin 'yun. Never naman akong nagtampo sa'yo eh. Bestfriend kaya kita. Kaya kahit na anong gawin mo sa buhay, susuportahan kita." Napangiti rin ako. "Ako nga dapat ang mag-sorry sa'yo dahil hindi man lang ako nakakatawag sa'yo noon para kamustahin ka. Naging busy kasi ako sa pagbantay kay Lolo, tsaka 'yung tungkol sa ano namin ni.." Pagpapatuloy niya pero hindi niya na tinapos ang huling sasabihin niya pa. Nagets ko naman na 'yun.

Ngumiti lang ako sa kanya at katahimikan na ang nanaig sa buong kubo.

Huminga ako ng malalim. Ito narin siguro ang time para sabihin sa kanya na matagal ko na siyang mahal. Sabihin niyo nang desperada ako, pero wala narin naman eh. Ikakasal na siya kay April at wala na akong magagawa roon. Gusto ko narin naman kasing ilabas 'tong matagal ko nang tinatagong pagtingin sa kanya. Para kapag dumating 'yung araw na ikakasal na sila ni April, atleast panatag na ang loob ko n'un.

"Elvis/Krissa!" Sabay naming sabi.

Kumunot naman ang noo ko. "Sige, mauna ka na."

"Hindi, ikaw muna."

"Hindi, ikaw na muna."

"Hindㅡ" Sabay muli naming sabi at natahimik naman kami.

Ugh! Paano ko ba 'to sasabihin sa kanya? Shocks! Lumalakas narin 'yung tibok ng puso ko. Parang ayoko na tuloy sabihin.

Pero hindi eh. Kailangang gawin ko 'to. Dahil kapag hindi, ako lang din ang magsisisi sa huli.

"Mahal kita." Sabay ulit naming sabi.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi rin ni Elvis. Kahit na magkasabay man kaming sinabi ang salitang iyon, malinaw ang pagkakasabi niya at hanggang ngayon ay umeecho parin ito sa tenga ko.

Mahal din ako ni Elvis? Mahal din ako ng bestfriend ko?

---

Continue Reading

You'll Also Like

16.9K 1K 16
[ Iskwala Series #1 ] Intrigued by the unknown and driven by curiosity, Damian Villados was a man of exploration, always eager to dive headfirst into...
45.5K 1.9K 32
Don't judge a book by its cover. Take time to read and enjoy every part of it. ☺️ ~*~ Alam ni Keifer na malaki ang posibilidad niyang matalo sa laro...
119K 2.9K 52
What will you do if you end up in someone else body?
35.3K 1.7K 18
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...