Her Name Is Cara

By my_love_letter

59.6K 2.1K 180

Ang istoryang ito ay tungkol sa mga lalakeng dumaan sa buhay ni Cara. More

Characters
Important Note ✔️
One
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four

Two

2.4K 94 3
By my_love_letter

The next day...

Nasa harap ako ngayon ng salamin todo ayos sa buhok ko. Kinse minutos na ata akong nag pa pa-pogi dito. Gusto ko kasi kapag nakita ako ngayon ni Cara, gwapo ako sa paningin niya para mabilis ko siyang ma-akit at mapapayag na maging syota ko.

After kong ayusin ang buhok ko, lumabas na 'ko ng kwarto. Bumaba ako ng hagdan, lalabas na sana ako ng bahay nang marinig kong tinawag ako ni Mama.

"Jayson, hindi ka manlang ba muna kakain?"

"Hindi na po, Ma!" Sagot ko tsaka ako tuluyang lumabas ng bahay at sumakay sa motor ko.

Sinimulan ko na ang pagmamaneho ng motor ko para pumunta sa school.

Nasa kalagitnaan na 'ko ng pagmo-motor ko nang mapansin ko ang isang pamilyar na babae na nag lalakad papunta sa direksyon ng school. It's Cara.

Bumusina ako kaya napalingon siya. Nilapit ko sa kanya 'yong motor ko.

"Good morning Cara." Bati ko.

"Good morning, Love." She greeted back.

"Gusto mong sumabay na sa'kin?"

"'Wag na, malapit naman na 'ko."

"Sige na, ayokong napapagod ka!"

"Korni mo! Sige na, sasabay na 'ko para hindi ka na pumickup lines pa dyan."

Sinimulan na niyang umangkas sa motor ko 'tsaka siya humawak sa balikat ko para do'n kumapit.

"'Wag kang kumapit sa balikat ko, yumakap ka sa'kin."

"Ayoko nga!"

"Hindi tayo aandar kung hindi ka yayakap sa'kin. Ikaw din, pareho tayong ma-la-late."

"Alam mo Love, napaka maparaan mo!"

"I know that!" Utakan lang naman 'yan e.

"Okay, gagawin ko na." Iniyakap na niya sa bewang ko ang mga kamay niya. "Ang laki pala ng tyan mo, Love." She comments, jokingly.

"Wala akong tyan nu!"

"Wala ka ding abs! Alam mo 'yong type ko, 'yong may eight packs abs. Ab lang meron sa'yo e."

"Hindi mo pa nga nakikita e!"

"Hindi ko na kailangang makita," Kinapa niya ang tyan ko na medyo ikinalang ko. Grabe! "See! Wala ka sa abs Third!"

Badtrip 'to a!

"Sino naman si Third?"

"'Yong best friend ko."

"Mas gwapo ako do'n sa best friend mo!"

"'Di mo pa nga siya nakikita e."

"Tss!" Sinimulan ko na lang ulit mag motor. Ayaw ko nang marinig pa kung ano mang lamang ng best friend niya sa'kin.

Makapag seat up nga sa bahay mamaya pag-uwi.

Nang makarating kami sa parking ng school, bumaba na si Cara sa pagkaka-angkas niya sa motor ko. Nang ma-i-park ko nang maayos ang motor ko, humarap ako kay Cara na tila hinihintay ako habang may mapangasar na ngiti sa labi.

"Bakit ganyan ngiti mo?" Tanong ko na may kunting pagtataray sa tono ng boses ko.

"Wala!"

Sinimulan ko na lang ang maglakad, gano'n din ang ginawa niya. Sabay lang kaming naglalakad.

"Love," Tawag niya sa'kin habang naglalakad kami pero 'di ko siya pinansin.

"Love!" Tawag niya ulit pero hindi ko ulit siya pinansin. Binadtrip niya kasi ako dahil sinabihan niya akong walang abs e 'tsaka tama ba  namang i-compare ako sa kung sino mang best friend niyang ugok. Tss! Nagpa-gwapo pa naman ako sa kanya tapos ba-badtripin lang din pala niya 'ko.

"Jayson Love!" Tawag niya ulit. Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.

"Bakit ba?"

"Marunong ka palang mag tampo?"

"Hindi ako nagtatampo nu! Babae lang ang nagtatampo!"

"Ah, so babae ka pala?" Pangaasar niya.

Isinandal ko siya sa pader na medyo ikinagulat niya.

"Gusto mong anakan kita para malaman mo kung anong hinahanap mo?"

"Oww!" Nag make siya ng face na kunyaring natakot. "Nakakatakot ang banta mo, Love." Sabi niya sabay tawa ng malakas.

Hinalikan ko siya sa labi niya ng mabilis na dahilan para matigil siya sa pagtawa niya. Tumingin ako sa mga mata niya habang nakangisi. Kitang-kita sa reaksyon niya ang gulat sa ginawa ko 'tsaka ang pagba-blush ng cheeks niya.

"Natahimik ka ata Cara? Smack palang ang binigay ko sa'yong halik mukhang nagustuhan mo na. Paano pa kaya kung mas higit pa sa--" Hindi ko natuloy ang pagsasalita ko nang bigla niyang isandal ang ulo niya ss chest ko 'tsaka niya ini-uuntog ang ulo niya ss dibdib ko. Pader ba 'tong dibdib ko kaya inuuntog niya ulo niya dito? Kung sabagay mas okay ng sa dibdib ko kesa sa pader.

"Love, you can't just kiss a girl like that!" She scolded me habang inuuntog ang ulo niya sa dibdib ko.

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya para matigil na ang pag-untog niya sa dibdib ko. Masakit na kasi e.

Hinawakan ko siya sa chin niya para patinginin ito sa'kin. Her face is red. Wow! Lalo siyang gumanda sa paningin ko.

"Bakit pulang-pula 'yang mukha mo? First kiss mo ba 'ko?" Tanong ko.

Umiwas lang siya ng tingin bilang sagot kaya ibig sabihin ako nga ang first kiss niya. Napa ngiti ako nang malaki nang malaman ko 'yon.

Biglang nag ring ang bell na ibig sabihin pagsisimula ng first subject namin. Shit!

Sabay kaming napatakbo ni Cara papunta sa classroom namin para magmadali. Pagdating namin sa classroom namin, nasa loob na ang teacher namin.

"Oh bakit late kayo?" Tanong ni Ma'am Horja sa'min.

"Siya po kasi!" Sabay naming sabi ni Cara at pareho naming tinuro ang isa't-isa.

"Anong ako? Ikaw kaya!" She said.

"Ikaw kaya!"

"Oh tama na 'yan! Pumasok na kayo!" Ma'am told us.

Sinunod na lang namin ang sinabi niya bago pa magbago ang isip niya at hindi kami papasukin. Dumiretso kami sa mga upuan namin.

"Ba't sabay kayong na late?" Tanong ni Fiona.

"Pinagsamantalahan ni Cara ang kahinaan ko!" Mahina kong sabi 'yong tipong kaming tatlo lang makakarinig.

"Ang kapal ha!" Pagaangal ni Cara.

Tumawa lang ako ng mahina dahil sa sinabi niya at dahil na din sa hanggang ngayon, nag ba-blush pa din siya.

Nakaganti din sa pangti-trip niya sa'kin pero mas masaya 'to dahil mas nanalo ako at nakahalik pa 'ko.

Nang dumating ang break time...

Nag hahanda na sila Cara at Fiona para sa break time. I poke her arm kaya na punta sa'kin ang atensyon niya. Nag smile lang ako ng pa-cute sa kanya pagkatingin niya sa'kin.

"Wala nang epekto 'yong ginawa mo sa'kin!"

"Talaga?" Inilapit ko bigla ang mukha ko sa mukha niya kaya napaatras siya ng ulo. Tumitig ako sa mata niya nang mapangakit kaya umiwas siya ng tingin. "Affected ka pa din, my beautiful Cara." I teased.

Tumingin siya ulit sa mga mata ko.

"Wala kang abs!" She said, making Fiona laughed.

Bwiset! Balik na naman siya sa wala akong abs na 'yan!

"Tungkol saan ba 'yang pinaguusapan n'yong dalawa ha?!" Natatawa tanong sa'min ni Fiona.

Cara smirked at me. "Malaki tyan!"

Pambihira naman o! Bakit ba ang lakas mang asar ng babaeng 'to?

"Kapag ako nagka-abs, who you ka sa'kin!" I told her.

She shrugged. "Sabi mo e." Sa tono niya parang wala siyang bilib na magkaka abs ako a!

"Kapag nagka-abs ako, syota na kita! Payag ka?"

"Syota ka dyan! Kapal ha! 'Tsaka akala ko ba who you na 'ko nun?"

I smirked. "Kalimutan mo na 'yong sinabi ko. Ano payag ka na?"

"Ayoko! Malaki tyan!"

"Natatakot ka bang baka 'pag may abs na 'ko ma-fall ka? Gwapo na 'ko ngayon, pero 'pag nagka-abs ako hindi na lang ako basta gwapo, hot na din! Naku! Lalong dadami ang chicks na mababaliw sa'kin nun!"

"Hindi ako kasali do'n! 'Tsaka i don't think na magkaka-abs ka! Malaki tyan mo e." She laughed more.

"Give me two months! Kapag nagka abs ako ng sa loob ng dalawang buwan, syota na kita!"

Pumayag ka na!

"Papayag ako, pero dapat sa loob lang ng isang buwan dapat may abs ka na!"

Isang buwan? Kaya ko ba 'yon? Bahala na!

"Okay! Deal!" Nag offer ako ng handshake para masarado ang deal namin.

Inabot niya 'yong kamay ko bilang pagsarado ng deal namin.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

26.8M 799K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...
255K 8.7K 24
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
974K 41.9K 43
Limited Time: 50 Coins or less! September Sale Alert! From fresh starts to lasting love, these stories have it all. Unlock now until Sept 22! ** At...
4M 153K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.