If I'm Not In Love

By winglessbee

53K 1.8K 296

They say "Chase your dream" so im chasing mine and it's you. More

Not In Love
PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40

29

812 24 6
By winglessbee

I closed my eyes tightly as I tried to calm myself. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Nakatingin pa rin siya sakin pagkadilat ko at seryosong seryoso ang itsura niya. I suddenly became speechless which is rare. Madaldal kasi ako and I say what I want to say but this time, para akong naputulan ng dila kaya naman tumango na lang ako.

I saw how his lips curved a smile before pulling away from me and leaned his head on the couch as he covered his eyes with his left arm. Tinitigan ko muna siya saka huminga ng malalim at pinagpatuloy ang pagtatype ng message para kay Nico para masundo na kami.

Hindi naman nagtagal at dumating na siya na parang kakagising lang at gulu-gulo pa yung buhok, pero imposible yun dahil sa pagkakatanda ko, palaging madaling araw na siya matulog. I grinned at him when he saw me pero umiling lang siya habang papalapit sa direksyon namin.

"Lasing?" tanong niya habang pinanliliitan ako ng mga mata.

Umiling ako saka tinuro yung pinsan niyang nakatulog na yata. "Siya siguro, ang dami niyang nainom e" sabi ko.

Nico shook his head again bago tapikin si Ethon. Mabilis namang nag-angat ng braso ang huli at naupo ng maayos after makita si Nico.

"Uwi na. Next time kung maglalasing ka, wag si Lala ang isama mo" sermon ni Nico habang inaalalayan yung pinsan niya.

"Leila?" Ethon asked in a muffled voice.

Bigla akong tinuro ni Nico pero ngumiti lang si Ethon nung makita ako at lumapit sakin. "Sorry.."

"Ayos lang"

"Anong ayos? Anong oras na kaya. Ilang minuto na lang magbubukas na 'tong bar" pagalit na sabi ni Nico.

Hindi na lang ako nakipagtalo at tumayo na rin. Nauna na kong lumabas sa kanila at hinintay sila sa parking lot sa tapat ng kotse ni Nico. Hinabilin niya sa driver yung kotse ni Ethon habang tahimik lang akong naupo sa backseat katabi ang tulog na si Ethon.

Nico frowned. "Bakit nandyan ka? Dito ka hayaan mong mag-isa si Ethon dyan"

Sumunod na lang ako at tahimik na lumipat sa passenger's seat. He didn't say anything as he started the engine pero ramdam kong may gusto siyang sabihin sakin kaya inunahan ko na siya. Masyado kasi siyang obvious at common sense na lang since lung hindi si Troy, yung dalawa naman palagi ang topic namin.

"Sinukuan na talaga niya si Melissa," I stated while looking through the window.

"Anong sinabi niya sayo?" Mabilis na tanong nito.

I looked at him and smiled as genuine as I can. "Nagpapatulong siya sakin," I chortled then shifted my gaze back at the window. "He said he's going to move on."

Narinig ko siyang bumulong pero hindi ko yun naintindihan. Hindi na lang ako nag-usisa kasi, im way too happy para isipin ang ibang bagay bukod sa sinabi ni Ethon. 

Nakarating agad kami sa bahay ko dahil malapit lang pala yung bar sa subdivision namin. I was about to emerge the car when Nico stopped me at seryosong tumingin sakin.

"Tutulungan mo ba siya?" he asked while looking at me intently.

I quickly nodded without any doubts and hesitations. Sa panahon ngayon, hindi na uso ang pakipot at para sakin, basta may opportunity, sunggab lang ng sunggab. Sabi nga nila, opportunity only knocks once kaya bakit ko sasayangin? Chance ko na 'to though aware ako na sobrang risky.

Napailing siya sa desisyon ko pero ngumiti din naman saka nagpaalam na aalis na. Hinintay ko munang makalayo yung kotse niya bago ako pumasok sa loob ng bahay.

I heaved a sigh as I slumped my body on my bed. Feeling ko napupunit na yung labi ko sa sobrang laki ng ngiti ko. Sino bang hindi kung yung taong gustong gusto ko bigla na lang nagkainteres sayo? Things happens nga naman when we least expect it.

Naalala ko bigla si Troy kaya mabilis akong bumangon at dinial ang number niya.

"Im home!" I hooted the moment he answered my call.

"You're happy," he stated, calmly.

Actually, palagi naman siyang kalmado. I've never seen him got really angry over anyone or anything aside syempre kung naaagrabyado yung family niya. He's the most patient person I knew na kahit matigas ang ulo ko at naiintindihan niya ko. He may not say it pero alam kong hindi niya ko suportado dito sa kabaliwan ko but he respect my decision. That's one thing I love the most about him.

Binagsak ko ulit ang buong katawan ko sa kama at tumitig sa kisame habang inaalala yung mukha ni Ethon na sobrang lapit sakin. Amoy alak siya pero nangibabaw parin yung bango niya. Sana ganun lahat ng mga lalaki, though, mabango din naman si Troy at Nico pero iba-iba kasi amg dating nila sakin. 

"Yes, im happy Troy," I grinned.

There's a paused from the other line pero hindi naman nagtagal. "Bukas mo na ikwento, matulog ka na. I'll fetch you by eight okay?"

Tumango ako kahit hindi niya ko nakikita. "Got it. Goodnight!"

"Sweetdreams"

I chuckled as I hung up the phone. Pumikit ako at inalala yung nangyari kanina sa bar at hindi ko na naman mapigilan yung pag ngiti.

I sighed.

It feels like a dream come true. Ganito pala yung feeling kapag narereciprocate yung feelings mo. Masaya, masarap, nakakakaba at nakakaexcite. Yung para bang first time mong sasakay sa rollercoaster, mixed emotion dahil hindi mo alam kung anong mangyayari habang nakasakay ka at pinapaikot-ikot ka pero naeexcite ka sa idea dahil sa wakas maeexperience mo nang sumakay sa pinaka kinakatakutang ride sa amusement park.

Maaga akong nagising dahil hindi naman talaga ako nakatulog. I was too excited to tell everything to Troy dahil first time kong magkukwento sa kanya about sa love life. Ganito naman palagi pag first time, exciting.

As usual, mas maaga sa expected time dumatimg si Troy and suprisingly, he was driving. 

"Anong nakain mo?" Pabiro kong tanong pagkasakay ko sa shotgun seat.

He smirked at me. That infamous smirk of a Perkins. "Wala pa. Im looking forward to your crepe"

Napailing at natawa na lang ako. We fell on comfortable silence hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Ingay agad ni Tai yung dinatnan namin sa garden kaya napakunot ang noo ko.

"Ang aga mag-away ng kambal," sabi ko.

Troy shrugged his shoulders and shoved his hands onto his pockets. "Guess what? Tai has a boyfriend," announcement nito saka umiling at nauna nang pumasok sa loob ng bahay.

I gasped at mabilis na bunalik ang tingin sa direksyon nila Tai. Gwapo naman yung guy, mukhang mayaman at nakatingin lang kay Tai habang pinapagalitan - I think - nito. Kumaway ako kay Tai nung biglang mapatingin siya sakin at mabilis naman siyang tumakbo sa direksyo ko.

"Ate! Oh my gosh, I miss you!" She chirped then hugged me.

I patted her head and hugged her back. "Na-miss din kita pero ang aga mo naman awayin yang boyfriend mo?"

"Yuck! He's not my boyfriend!" she exclaimed na parang diring-diri pa. "He'd just one of those guys na namboblockmail sakin!"

Natawa na lang ako saka nagpaalam sa kanya na magluluto pa 'ko. Hindi naman siya nagreklamo pero nagrequest siya na damihan ko para may share siya because she knew na hindi magbibigay ang kuya niya unless sumusuka na yun sa kabusugan.

Tuloy tuloy lang ako sa kusina at naabutan ko si Troy na nagpeprepare ng ingredients na gagamitin ko.

"Gutom ka na no?", tanong ko.

He stole a glance at me and smiled as he continued whisking the cheese and milk. Hindi niya na kailangan sagutin yung tanong ko dahil obvious na naman. Mabilis akong natapos sa pagluluto at dinamihan ko talaga dahil gusto kong makabawi sa pangiindian sa kanya kahapon. Alam ko naman na wala na sa kanya yun pero nakakakonsensya pa rin. Masyado kaming attach sa isa't isa kaya hindi ko maimagine kung hindi na kami mag-uusap in the future.

"Kwento na," he cooed.

Sumandal ako sa balikat niya habang siya naman patuloy pa rin sa paglipat ng channel sa tv at naghahanap ng magandang palabas. We're here inside his room. Gusto ko sanang manood kami ng movie pero sianbi niyang hindi kami makakapagfocus kung may ikukwento ako kaya pumayag na rin ako na mamaya na lang.

I smiled when he finally settled on netflix, the one he likes the least. Kumapit muna ako sa braso niya bago ako nagsimulang magkwento. I told him everything in details, walang labis walang kulang. Naupo ang ng ayos at humarap sa kanya para makita ko yung reaction niya and I smiled when I saw him looking serious. May pagkakapareho rin pala sila ni Nico.

"You know I won't meddle but.. take care of this," sabi niya habang tinuturo yung kaliwang dibdib ko.

Mas lalo akong napangiti at niyakap siya. I couldn't ask for more. Minsan naisip ko na kaya ako nakukuntento na lang sa paghabol kay Ethon ay dahil kay Troy. He's the bestest thing I ever have kaya gagawin ko ang lahat to make him happy too kahit hindi niya hilingin.

"I know you won't judge me," I muttered as I tightened my hugged.

He chuckled as he hugged me back. "I know you like the back of my hand. I never judge especially you Lala."

Mas lalong lumaki yung ngiti ko saka kumalas sa pagkakayakap. Tinitigan ko siya and I saw the sincerity in his eyes that never falter since the first day I met him. Walang nagbago sa tingin niya sakin simula pa noon kaya mabilis akong naging komportable sa kanya at siguro ayun din yung nakita ni Mama kaya sobrang pinagkakatiwalaan niya si Troy. Ang swerte ko lang talaga sa isang 'to.

"Movie marathon?" he asked.

Mabilis akong tumango at pumunta sa lagayan ng mga dvds niya. Pinili ko yung pinaka latest na binili niya at tahimik na kaming nanood.

Kinabukas na ng gabi ako umuwi gaya ng dati na doon ako natutulog. Kakapasok ko lang sa loob ng bahay nang may nagdoorbell sa labas. I thought it was Troy at baka may nakalimutan lang sabihin but I was surprise to see Ethon holding a bouquet of roses and chocolates in both hands while waiting outside the gate.

Bigla siyang ngumiti nang makita ako at napasinghap na lang ako. I honestly don't know how to react. First time kong maexperience yung ganito dahil wala naman akong ineentertain noon.

"For you" sabi niya habang inaabot yung bulaklak at chocolates.

"Thanks" I chortled as I accepted it "Ganito ka ba manligaw? Gabi talaga?" biro ko kahit hindi ako sure lung nanliligaw ba siya or what.

He tilted his head and grinned with amusement na parang na amaze siya sa sinabi ko. "Wala ka kasi kahapon at kanina. Where have you been anyway?" he asked instead.

"Ah, na kina Troy ako. Doon kasi ako every weekends" I answered nonchalantly.

He stared at me for awhile. Niyaya ko siya sa loob pero tumanggi siya dahil hindi daw magandang tingnan dahil gabi na. I was quite surprised about it honestly dahil naexperience kp firsthand yung pagiging gentleman niya. Kung kinikilig na 'ko noon sa nakikira kong ginagawa niya kay Melissa, hindi na mapalagay ang butterflies sa tyan ko ngayon na nararanasan ko na din ito. Ganito pala ang feeling. Panigurado, hindi na naman ako makakatulog nito pero ayos lang. Worth it naman.

"Can I fetch you tomorrow?" tanong niya.

Hindi na 'ko nagdalawang isip pa na pumayag. Sino ba naman ako para tumanggi? I never asked for this pero kusang dumating kaya bakit ko sasayangin?

He smiled at my response and I gasped when he suddenly stepped forward and kissed my forehead.

"Goodnight, Leila," he whispered bago tumalikod at sumakay sa kotse niya.

Hindi agad ako nakakilos hanggang sa mawala sa paningin ko yung sasakyan niya. Unti unti akong napangiti at napabuntong hininga habang pinifeel ko kung labi niya sa noo ko. It's not my first time to be kissed there pero nakakakilig pa rin.

Not all second times are may be that exciting and memorable as the first times but it's still worth it.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 42.3K 56
Born in a strict and ambitious family, Syerana cannot handle the pressure that her family gives. As her family tries to control every decision she ma...
5.8K 373 39
There's a reason in every season. Siguro nga may dahilan lahat ng nangyari sa atin, noong panahong iyon.
18.5K 160 7
Odele is a very compassionate sister. She is willing to do anything for her family, including chasing after the vocalist of the band Cold Pisces, who...
2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...