The Philosopher Stones (Book...

By SheIsLexa

57.3K 2.9K 2.2K

Hindi man alam ng dalagang si Jennica Mae Perez kung bakit siya pinalipat ng mga magulang sa Woodsen Academy... More

Preface
Prologue
The Transferee
Siomai
The PS Bunkhouse
Codes
Tennis Ball
Please
Best Guy
Star of the Night
Fighting Angel
Zombies
Stage 2
Undercover
The Lessons
Profiles (I)
Profiles (II)
The Riddle
Underestimation
Paired
Oxygen
Programmed
Confession
Portrait
6th Generation
Never Will
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Credits
Special Chapter: Dahlia
Special Chapter: Reymond
Special Chapter: Blacke
Special Chapter: Wyte
Special Chapter: Graye
An Excerpt from PS Book 2

Chapter 50

594 33 38
By SheIsLexa

HINDI nagpatinag si Josephine sa ginawang pagsampal sa kanyang ng matalik na kaibigan, "Jennica."

"Ano ba?! Hindi nga ako si Jennica eh!" singhal ng dalaga kay Josephine. Hindi niya naman talaga balak na saktan ito kaya lang pakiramdam niya ay pinaglihiman siya nito. Bakit hindi nito sinabi ang nangyayari? Bakit kailangang itago sa kanya?

"JRJ. Ikaw si Jennica ng JRJ." saad ni Josephine, "Kilala mo si Rannieka, may rason kung bakit niya ginagawa ang bagay na ito." 

Natigilan si Dahlia sa sinabi ng matalik na kaibigan.

"Kahit ako Jennica, gusto ko ring malaman ang motibo ni Rannieka." 

Hindi namalayan ni Dahlia na tumutulo na pala ang kanyang luha. Pinahid na lamang niya ito at nabigla pa siya nang yakapin siya ng kaibigan.

"Bessie nandito pa rin ako. Sorry kung hindi ko sinabi sa iyo, utos na rin kasi ng kambal mo." 

Gumanti lamang ng yakap si Dahlia sa kanyang kaibigan. Tama ito. Kahit papaano ay kaibigan nila si Rannieka at kilala niya ito. Hindi ito gagawa ng bagay na walang sapat na rason.

"Oh why don't you smile my only Starr~ Shine oh baby~ Smile my only Starr~ Smile my only Starr~" pakanta-kanta si Edward habang dumadaan sa magkayakap na sina Josephine at Dahlia.

Napapahid ng luha si Dahlia at napangiti nang marinig ang binata. Kumalas siya sa pagkakayakap at nakangiting tumingin kay Edward. Naalala niya tuloy ang sinabi nito noong nasa tapat pa sila ng bahay ni Caress Starr.

Kumindat si Edward sa dalawang dalaga at nagpatuloy sa paglalakad, "Smile my only Starr~ Smile my only Starr~"

"Bakit ang saya niya?" natatawang tanong ni Josephine habang sinusundan ng tingin si Edward. Umiling na lamang siya at muling tiningnan ang matalik na kaibigan, "Bessie aalamin ko muna ang lahat, okay? Maghintay ka lang muna dito at—"

"Hindi bessie. Sasama ako." 

Ngumiti si Josephine at sinabing, "Okay. Let's go?"

"Saan kayo pupunta?" 

Napalingon ang dalawang dalaga sa nagsalita, si Oasis Patriar.

"Pupuntahan namin si Reymond." sagot ni Dahlia sa binata saka hinila na paalis ang matalik na kaibigang si Josephine.

"Sasama ako." 

Nagkatinginan lamang sina Dahlia at Josephine habang patuloy na naglalakad papuntang parking lot.

***

DALA-DALA ang kanya-kanya nilang mga kotse ay dumating nga sila sa pamamahay ng mga Joveta. Unang bumaba si Josephine mula sa kanyang sasakyan at kasunod niya si Oasis.

Si Dahlia ay nakatitig lamang sa kanyang manibela, waring nag-iisip kung ano ba ang dapat niyang gawin. Pinakawalan ko na siya dahil sa takot kong masaktan. Damn. Ang duwag ko., paninisi niya sa sarili. Narinig niyang kinatok siya ng kaibigan kaya napalingon siya rito. Ibinaba niya ang bintana at nakitang nakangiti ito sa kanya. "Go on." 

Tumango si Josephine saka muling isinara ng kaibigan ang bintana ng kotse. Lumingon siya kay Oasis na panay ang tipa sa cellphone, "Code Genius?"

"Hmmnn?"

"Sasama ka ba o hindi?" tanong ni Josephine sa kanyang pinagsisilbihang Code. Nagulat na lamang siya nang biglang nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa cellphone. Walang anu-ano ay humarap ito sa kanya. He pinned her to Jennica's Car at hinalikan sa gilid ng labi. Ang bilis ng tibok ng puso niya, kasing bilis ng pangyayari.

"Be still." seryosong saad ni Oasis.

Maging si Dahlia ay nagulat sa ginawa ng dalawa, Anong nangyayari? Are they making out?, sa isip niya. Ang tanging kita niya lang kasi ay ang likuran ni Josephine at pati ang katawan ni Oasis na magkadikit, Goodness! Kita nilang broken hearted iyong tao eh., reklamo niya sa isip.

Maya-maya lang ay may narinig sina Oasis at Josephine na ugong ng motor.

Ngayon, kitang-kita ni Dahlia kung paano nalukot ang mukha ng kararating na si Andrea Borres, "Shit gets real." hindi niya mapigilang magmura. Siguradong may malalagutan ng hininga ayon na rin sa nirerelease na mamatay-kayong-lahat vibes ni Andrea. Pero parang nagkamali siya ng akala. Sumakay kasi itong muli sa motorbike at isinuot ang helmet.

Nagtaka si Oasis sa inakto ng dalagang si Andrea kaya dahan-dahan siyang napabitaw kay Josephine. Malakas na malakas ang tibok ng puso niya dahil sa sobrang lapit ng kanyang first love kaya naisipan niyang ibaling ang tingin kay Andrea.

Si Josephine naman ay hindi alam kung maiinis o matutuwa ba siya sa ginawa ni Code Genius. Naisipan na lamang niyang lapitan si Andrea, "Andrea. Ikaw si Andrea hindi ba?" 

Hindi umimik si Andrea at pinaandar ang motorbike.  She stepped on the gas at pinaharurot ito. Napangiti siya nang makita sa side mirror ang mukha ng lapastangang babaeng umaagaw sa kanyang Oasis. 

Panay ang ubo ni Josephine dahil nafull blast sa kanyang mukha ang usok na nanggagaling sa tambutso ng motorbike ni Andrea. What th—, sa isip niya saka sinamaan ng tingin si Oasis.

Itinaas ni Oasis ang dalawa niyang kamay at umiling. That girl. Crazy., napapailing niyang sabi habang sinusundan ng tingin ang motorbike ni Andrea.

Biglang may sasakyang huminto sa kanilang tapat at lumabas ang kanilang Superior Authority na si Hannah. Tinaasan niya ng kilay ang nakabusangot na mukha ni Josephine at sinabing, "Ano pang ginagawa niyo rito? Let's go!"

"I changed my mind. May pupuntahan pa pala ako. Hannah's here anyway." saad ni Oasis saka pumasok sa sasakyan. Agad itong humarurot palayo.

"Ms. Josephine?" nakataas pa rin ang kilay ni Hannah. Nauna na siyang maglakad papasok sa bahay ng mga Joveta. Alam niya ring nasa loob ng kotse si Dahlia at sang-ayon siyang huwag na munang itong magpakita kay Rannieka.

***

"JOSEPHINE, pwede ba huwag kang mag magaling?" pahayag ni Rannieka sa kaibigan.

"Rannieka, gusto kitang tulungang makawala. Alam ko, naiintindihan kong gusto mo lang maghiganti pero naisip mo rin ba? Paano kung nahulog ka sa sarili mong patibong? Eh di mas lalo kang mahihirapang makawala?"

Inilapag ni Rannieka ang iniinom na juice sa mesa at tumayo, "Kung iyan lang ang sadya niyong dalawa . . . " pagpapatungkol niya sa dalawang bisitang sina Josephine at Hannah, " . . . mabuti pang umalis na kayo."

Hindi kasi maintindihan ni Rannieka kung bakit mas kumakampi pa ito kay Hannah gayong sinabi na naman niya sa kaibigan kung ano ang plano niya.

Umiling na lang si Josephine at tumayo. Tumingin siya kay Hannah at sinabing, "Halika na."

"Inuutusan mo ako?" naa-amuse na tanong ni Hannah sa kanyang 'empleyado'. Nag-usap ng masinsinan ang dalawa kanina kaya wala siyang kaalam-alam sa plano ng babaeng si Rannieka. Binalingan niya muli ng tingin si Rannieka at tiningnan mula ulo hanggang paa, "Reymond treated Jennica as his oxygen. Alam mo kung ano naman ang dapat na trato sa iyo ni Reymond?"

Ayaw na sanang patulan pa ni Rannieka ang bruhang si Hannah kaya tinaasan na lamang niya ito ng kilay.

"CO2." nakangising sambit ni Hannah, "You want me to elaborate it? That's Carbon Dioxide, Miss Joveta."

Tumawa ng mahina si Rannieka kahit inis na inis na siya, "Wala kang alam Hannah Hartwell."

"At sa tingin mo ikaw, meron? Hmmnn?"

"Get out!" bulyaw ni Rannieka sa dalawa.

"Honey anong nangyayari?" 

Napalingon ang tatlo sa nagsalita.

"Oh hi Mr. Ideal Stone." sarcastic na bati ni Hannah kay Reymond.

Nagtatanong ang mukha ni Reymond. Nilapitan niya ang kanyang nobya ay hinapit ang bewang nito, "May problema ba honey?" pansin niya kasing iritado ang mukha nito.

"Ang sweet. Yuck." huling pahayag ni Hannah at tuluyan ng umalis. Naiimbyerna siya pagmumukha ng Carbon Dioxide na iyon. Agad siyang nagmaneho paalis sa nakakasukang lugar na iyon.

"Bessie pag-isipan mo ng mabuti ang sinabi ko."

"Bessie." tawag ni Rannieka sa kaibigang si Josephine. Huminto ito sa paglalakad nang hindi lumilingon sa kanya, "Sinabi ko na sa iyo lahat ng plano ko. Siguro kung may isang bagay na makakapigil sa akin baka . . . . " huminga ng malalim si Rannieka saka nagpatuloy, " . . . kapag ipinaubaya mo siya sa akin, titigilan ko na itong kahibangan ko." 

Namumutla na ngayon si Josephine. Nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad habang nakatulala. Nang makarating siya sa kotse ni Jennica ay sinabihan niya lang ito na mauuna na siya, para kasing may balak pang magtagal ang babae. Sinabi na rin niya ang mga plano ni Rannieka pero ang utak niya ay lutang na lutang. Hindi niya kayang sabihin ang kondisyon ni Rannieka para matigil na ito, natatakot kasi siya, Giving him up means saving both my bestfriends., nang makarating siya sa kanyang kotse at agad niya itong pinaandar.

Nag-aalala si Dahlia sa kilos ni Josephine, para kasing wala ito sa sarili. Susundan niya sana ito baka kasi kung mapaano pero nakita niyang lumabas sa bahay ang kanyang bestfriend at si Reymond. Magkahawak-kamay ito at nagtatawanan. Mas lalong nanikip ang dibdib niya nang makitang nagnakaw ng halik ang binata sa dalaga. Iniwas niya ang kanyang tingin, hindi siya ganoon ka masokista para panoorin ang paglalampungan ng dalawa.

Pero hindi pa rin siya umalis. Iniisip niya ang ang sinabing 'plano' ni Rannieka. Tama nga si Josephine, hindi magiging ganito si Rannieka nang walang dahilan. Pero napatingin na naman siya sa dalawa at kitang-kita niya kung paano halikan ng binata ang dalaga mula sa noo . . . ilong . . . at . . . . umiwas ulit siyang tingin bago pa man niya makita iyon.

Napagdesisyunan na niyang umalis kasi mamaya baka malunod siya sa sariling luha, sarado pa naman ang mga bintana ng kotseng sinasakyan, panigurado kasing mapupuno ito kapag umiyak na siya.

Nang akmang papaandarin na niya ang kotse ay biglang may dumating na itim na van. Sa gulat niya ay nakatitig lamang siya hanggang sa umalis ito. Siguradong-sigurado siyang tangay nito ang dalawa. She snapped at hinanap ang cellphone, "Shit! Hindi pala sa akin ang sasakyang ito!" natampal niya ang kanyang noo. Nasa sasakyan niya kasi ang kanyang cellphone at wala siya ni ano mang device para ma-contact ang ibang agents.

Wala na siyang ibang magagawa pa kundi sundan ang van. Alangan naman pabayaan lang niyang mapahamak ang dalawang iyon? "Oh god." sambit niya nang makita ang daang tinatahak ng sasakyan. Masukal ito at pansin niyang walang masyadong sasakyang dumadaan. Pero mas lalong umigting ang kanyang kaba nang makita sa rearview mirror na may sumusunod sa kanyang sasakayan. Damn! Sana lang may tracker ang sasakyang ito!

---

If you liked this part, please do Vote.

If you have something to say, please do Comment. 

If you can't do both, please do Share.

Love lots mga bebe, SheIsLexa. :*

Continue Reading

You'll Also Like

206K 3.9K 21
Dice and Madisson
794K 23.9K 21
(Painful Series #1) Do you know what is the worst feeling in this world? It is being unwanted by everyone. No one is caring.. No one is loving... You...
14.2K 481 53
Einalem December Zurbano is suffering from an illness. It causes her to seek for her death. She wanted to end her suffering not until a man came and...
7.4M 207K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...