Dear Kuya: Her Letters of Cho...

By BlackConverse12

283K 2.4K 476

[CURRENTLY EDITING] "Ang pagmamahal sa isang taong wala namang pagtingin sa'yo ay parang paghihintay ng isang... More

PROLOGUE
1st Choice- The Fallen.
2nd Choice- They Have My Back.
3rd Choice- The Numb.
4th Choice- Her Agony.
5th Choice- His Concern.
6th Choice- Wrong Idea.
7th Choice- Revenge is Sweet.
8th Choice- Olivia.
9th Choice- Small Talk.
10th Choice- Memories.
11th Choice- Jacob.
DK- 12
DK- 13
DK- 14
DK- 15
DK- 16
DK- 17
DK- 18
DK- 19
DK- 20
DK- 21
DK- 22
DK- 23
DK- 24
DK- 25
DK- 26
DK- 27
DK- 28
DK- 29
DK- 30
DK- 31
DK- 32
DK- 33
DK- 34
DK- 35
DK- 36
DK- 37
DK- 38
DK- 39
DK- 40
DK- 41
DK- 42
DK- 43
DK- 44
DK- 45
DK-46
EPILOGUE
Author's Note
ANNOUNCEMENT.

DK- 47

1.5K 36 15
By BlackConverse12

KATH’S POV:

Wag ka nang babalik dito.

Dalawang araw na ang lumipas nang malaman ko ang totoo at nang ipagtabuyan ako ni Daniel. Yung text ngayon, hindi ko alam kung paano ko ihahandle. Pero isa lang ang alam ko. Hindi ako magpapadaig sa kanya. Kaya uuwi ako. Ngayon na.

“Are you sure Kathryn? You’re going home?” Nagpout naman sa’kin si Kathlyn. “You just got here.”

 

“Kailangan ko nang umuwi Kathlyn. Sorry talaga.”

Nagsigh naman siya at niyakap ako.

“Okay. But please take care. I can’t bear to lose you again.”

Kahit parang pugita ‘tong kakambal ko dahil sa kahihila at kakaladkad niya, mamimiss ko din naman ‘to. Sa totoo lang, sumaya naman ang araw kahit galit sa’kin si Daniel. Kasi andyan ang pamilya ko. Lalong lalo na ‘tong babaeng ‘to.

Pinagpatuloy ko naman ang pag-iimpake. May plane ticket na ako pabalik ng Pinas. Binook na ako ng flight ni Kathlyn kahapon. Mamayang 11 AM ang flight ko. 9:30 pa lang naman pero kailangang handa na. Malayo layo din ang biyahe.

Uuwi na ako ng Pinas. Si Kathlyn naman, balik sa dati niyang buhay. Yung parents ko, yung totoong parents ko, balik din sa dati nilang buhay. Trabaho. Tapos sina Mommy Mikay at Daddy Gino, mananatili dito para mag-ayos ng ilang mga business accounts. Si Daniel? Ewan ko. Hindi naman siya nagkwekwento. Magtetext siya minsan. Pero ang nakalagay lang ‘Wag kang babalik dito.’ O kaya naman, ‘Ayaw na kitang makita.’ Kung tutuusin, masakit yung sinabi niya. Pero iniiwasan kong maiyak o malungkot dahil ginusto ko din namang makasama yung pamilya ko. Naging naïve din naman kasi siya. Totoong pamilya ko na ‘to. 16 years ko silang hindi nakasama. Masama ba na sa piling naman nila dumaan yung kalahati ng buhay ko?

 

“One of the things that I will miss is yung pagiging tulala mo. And I will say ‘Your thoughts are so deep that I can see Adele rolling in.’ I’ll miss you Kathryn.” Niyakap niya ulit ako.

 

“Samahan mo na nga lang ako sa airport nang hindi ka na mag-inarte ng ganyan.” Patawang sabi ko sa kanya.

“Sureness! Mathilde! Get Kathryn’s bags and stuff and bring it to the limousine.”

Aayaw na sana ako nang biglang hinigit na agad ni Mathilde yung mga gamit ko. Nagtatakbo naman siya papunta dun sa front yard. Para siguro takasan ako?

 

“Kath, don’t forget to keep yourself neat and clean. Dress to impress. Draw that killer smile on your lips darling!”

 

“Di mo na kailangang sumigaw Kath. Alam ko naman yun eh.”

 

“Good. That’s a life lesson Kathryn.”

 

“I’ll remember Kathlyn.”

Nagtawanan naman kaming dalawa at pumasok na sa loob ng limousine.

 

“Can I know the reason again why you’re going home?”

 

“It’s because of Daniel.”

 

“Oh. Right. The guy who carries kilos of eye bags. You should give him a concealer. It ruins his image.”

 

“Cute nga siya dahil sa eye bags niya eh. That’s his asset.”

 

“Psh. Fine. But I’m gonna punch him in the face for stealing you from me.”

 

“Kathlyn, alam mo namang kailangan ko ding umuwi kahit hindi ako sitahin ni Daniel.”

 

“You could’ve stayed longer if it wasn’t for him.” Nagpout naman siya.

 

“Wag ka ngang magalit sa kanya. Love ko yun eh.”

 

“Okay, fine. But please come back as soon as possible. I want to spend more time with you.” Ngumiti siya sa’kin. Ngumiti din ako pabalik.

Pagkatapos ng ilang minuto, nakadating kami ng airport. Sa kasamaang palad, di ako makaalis ng limousine. Ang dahilan? Si Kathlyn. Ayun. Nakadapa sa sahig habang hawak hawak yung kanan kong paa.

 

“Waaaaa! Kathryn! Don’t leave me!”

 

“Kathlyn-“

 

“Please, please, please! I’ll sell all of my paintings! Please stay!”

 

“Kathlyn, you know I can’t do that.”

 

“Curse you Daniel! I’m gonna kill you!”

Hinampas ko naman siya ng magazine.

 

“Hey! Why did you do that?”

 

“Because I look like an idiot standing on one foot here and the other one inside your hands. Pakawalan mo na ako Kathlyn!”

Tinulak niya naman ako. Muntik pa tuloy akong matapilok.

“Sorry! Sorry!” Tinakbo niya naman ako at niyakap.

 

“I’m okay, I’m okay.” Pinagpagan ko naman yung sarili ko na tumama sa isang pillar. “Ang bagay na namimiss ko sa’yo eh yang pagsalita mo ng English at yang panghihila mo.”

 

“Aww!” Niyakap niya ulit ako. Humahagulgol siya. May sinasabi siya pero di ko na maintindihan.

“Good afternoon passengers. This is the pre-boarding announcement for flight 89B to the Philippines. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes time. Thank you.”

Nagtinginan kaming dalawa ni Kathlyn.

“Kathryn!”

 

“Kathlyn!”

 

Nagyakapan naman kaming dalawa at nagsimula nang humagulgol. Wala akong pakialam kung isipin nilang natitimang na kaming dalawa. Mamimiss ko siya at wala akong pakialam sa iba. Period.

“Mag-iingat ka Kath.”

 

“Ikaw din Kath.”

Kahit na magang maga na yung mata niya, nakuha niya pa ring ngumiti at i-abot ang mga gamit ko. Niyakap niya ulit ako bago niya ako itulak papunta dun sa departure area.

“On behalf of Philippine Airlines and the entire crew, I’d like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day!”

 

Pinaspasan ko na ang paggalaw ko. Mula sa pagbaba ko ng eroplano, pagkuha ko ng mga bag ko, pakikipagsapalaran sa magulong airport. Hindi na ako dapat magsayang ng oras. Kailangan kong makapunta kay Daniel.

May humintong isang taxi sa tapat ko. Lumabas naman yung driver at tinulungan akong ilagay ang gamit ko sa likuran. Pinagbuksan niya naman ako ng pinto at nagsimula na siyang magdrive.

Ilang minuto pa lang ay nakaramdam ako ng kakaiba. Parang may mali. Parang may mangyayaring hindi maganda. Hindi ko maipaliwanag pero hindi maganda ang kutob ko.

Nabalikwas naman ako kaagad nang may tumama sa taxi namin.  Nabunggo yung gilid nung taxi ng isang itim na van. Nagovertake naman yung van at humarang sa daan namin. Napapreno bigla yung driver at nabunggo yung ulo ko sa likuran nung shotgun seat.

“Umayos naman kayo ng pagmamaneho! Makakapatay kayo ng tao eh!”

May mga lumabas na mga lalaking nakaitim at nakabonnet. Lumakad sila papunta sa taxi namin. H-Hindi pwede. Kailangan kong makatakas. Binuksan ko naman kaagad yung pintuan para makalabas ako. Pero mayroon na palang nagbabantay sa akin roon.

“Sumama ka sa’min!”

Sinimulan na nila akong hilahin palabas ng taxi. Hinigpitan nila ang hawak sa kamay ko.

“Ayoko! Bitiwan niyo ako!” Sinubukan kong pumalag kaso hindi ko kaya. “Bitawan niyo ako sabi eh!”

Kinaladkad naman nila ako papunta sa van. Tinapon naman nila ako sa loob.

“Talian mo na yan! Ang likot eh!”

Hinila naman ako nung isang lalaki at tinali yung mga paa’t kamay ko. Pinakagat nila ako sa isang panyo para manahimik ako. Hinila nila ang buhok ko.

“Pag sinubukan mong tumakas, papatayin kita.”

Tinitukan niya ako ng baril sa ulo kasabay ng pagkatakot ko. Umiling na lang ako at tinapon nila ulit ako sa likuran na parang isang sako ng bigas. May tumakip sa ilong ko na panyo na naging dahilan ng pagkawala ng malay ko.

Nagising na lang ako nang nasa loob ako ng parang isang lumang bodega. Nakakadiri ang amoy. Nakatali ako sa isang poste. Nasa loob ng isang sako ang ulo ko. Mayamaya pa’y tinanggal na yung sako.

“Kathryn!”

Napatingin ako sa kaliwa ko at nakita kong nakatali din sa isang poste si Daniel.

“Daniel!”

 

“Ano ba Kathryn?! Di ba sabi ko sa’yo na wag ka nang uuwi?!”

Kaya pala. Hindi siya nagtetext ng ganun dahil galit siya sa akin. Kundi dahil gusto niya akong ilayo dito.

“Kamusta ang reunion?”

Napatingin kaming dalawa sa may parteng dulong bodega. Madilim doon pero doon nanggagaling yung boses. Boses ng isang babae.

Nagsimula na siyang lumakad papunta sa amin. Tumutunog yung paghakbang niya palapit sa amin. Nakasuot siguro siya ng heels kaya malakas ang nagiging taguktok.

Sa wakas, makikilala ko na kung sino ang gumugulo sa buhay namin.

“Hello DJ.” Tumingin siya kay Daniel. Lumipat naman ang tingin niya sa akin at ngumiti. “Hi Kee.”

“Emma?!” Tinitigan ko naman siya. Isa siya sa mga kaibigan ni Carmen. Natawa naman ako sa kanya. “Ganda ng joke mo ah? Labas mo si Carmen! Alam ko namang siya ang may pakana nito eh! Pinalabas ka lang para guluhin ang isip ko! Hahaha! Carmen! Lumabas ka dyan!”

 

“Stupid? Oh. Right. You are stupid.”

 

“Kung ikaw talaga, bakit mo kami dinala dito? Pipili ka na nga lang ng lugar na paglalagyan namin, ginaya mo pa sa ugali’t pagkatao mo!”

 

Lumapit siya sa’kin at hinila yung buhok ko. Napasigaw naman si Daniel.

“Look here Kee. Kung hindi ka pa nakakahalata, ako ang gumugulo sa’yo. But you were so dumb na inisip mo kaagad na si Carmen ang may kasalanan. Ang swerte ko naman.” Sinampal niya naman ako.

 

“Get your filthy hands off her!”

Kinuha niya yung baril na nasa likuran niya at tinutukan ako. Tumingin siya kay Daniel.

 

“Filthy hands? Magsalita ka ulit ng masama tungkol sa akin at tutuluyan ko siya!” Ngumiti naman siya. “Sa totoo lang, all I wanted was you. Pero naisip ko na mabuti na rin kung isasama ko si Kee. Dahil alam kong hindi kita makukumbinsi kapag wala siya dito.”

 

“Anong kailangan mo sa’kin?! Wag mong tutukan ng baril si Kathryn!” Nagsimula nang magwala si Daniel. Ngayon ko naramdaman yung sobrang takot na pwedeng mangyari sa’ming dalawa.

 

“All I wanted ay mapansin mo ako.”

 

“Sa tingin mo ba sa ginagawa mo ngayon, hindi kita napapansin?!”

 

“Manahimik ka!” Ikinasa na niya ang baril. Napatingin ako sa kamay niya. Hindi man lang siya nanginginig. Sanay na siyang humawak ng baril. Wala siyang kaluluwa.

“Inakala ko talaga na mapapansin mo na ako. Pero nagkamali ako. Hindi mo ba ako natatandaan? Ako yung batang nakita mo sa park na may dalang lobo noon. Kaway ako ng kaway sa’yo noon pero di mo ako pinapansin dahil may tinitingnan ka. Nung elementary tayo, sumasali ako sa lahat ng club kung saan ka kasali. Lagi akong nakikigrupo sa’yo. At nang dumating ang graduation, sobrang saya ko noon at pumapalakpak ka nang matawag ako bilang salutatorian ng batch natin. High school na nang nagdesisyon akong lapitan ka at sabihin sa’yo kung gano kita kagusto. Pero saka namang dumating ang araw na kinawayan mo ‘ko. Sobrang saya ko noon. Pero hindi pala ako ang kinakawayan mo. Kundi ang babae sa likod ko. Si Carmen.” Nagpadala siya ng upuan at umupo roon. “Sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako magpapatalo kahit kanino. Kaya kinaibigan ko siya. Naghire ako ng investigator para imbestigahan siya. Nagpapapansin pa rin ako sa’yo, pero si Carmen lang ang tinitingnan mo. Isang araw nalaman ko na lang na kayo na pala. Hindi ko akalaing mababalewala lahat ng paghihirap ko. At doon na ako nabuo ng galit. Pinangako ko sa sarili ko na makukuha kita. Santong dasalan o santong paspasan.”

 

“Nagagalit ka sa’kin dahil hindi kita napapansin?!”

 

“Nagagalit ako sa’yo dahil binabalewala mo ang lahat ng ginagawa ko! Natatandaan mo ba yung hot air balloon? Ako ang nageffort nun eh! Nakita mo na akong nakatayo sa tabi mismo nun na may hawak na  ‘Hi. I love you. Fly away with me.’ Pero si Carmen ang pinuntahan mo at pinasalamatan mo! Siya ang sinama mo sa hot air balloon kahit na dapat ako yun! Napakamanhid mo!”

Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kanya o magagalit. Naiintindihan ko ang sitwasyon niya. Pero hindi naman ata tama na umabot siya dito.

“Emma, tigilan mo na ‘to…” Sinubukan kong kuhain ang simpatya niya pero hindi ata gumana at sinipa niya ang upuan.

 

“Tigilan? Tingnan mo ‘to kung sinong magsalita.” Humarap siya sa akin. “Akala ko, matatapos na ang problema ko pag wala na si Carmen. Pero nakalimutan ko nga pala na isa ka pang sagabal.” Hinila niya ang buhok ko at sinampal-sampal.

“Anong ginawa mo kay Carmen?!” Tinanong naman siya ng matalas ni Daniel.

 

“Haven’t you heard? She’s dead.”

 

“Ano?!” Napasigaw kaming dalawa. Pinatay niya si Carmen?!

“Well, almost. Alam kong niloloko ka lang niya. Pero bakit parang wala lang ang lahat?“

Sinasabi ko na nga ba eh. Hindi hallucinations yung nakikita ko noon. Totoong may ibang boyfriend si Carmen.

 “Enough of this talk.Know what Kee? May gusto akong ipakilala sa’yo.”

Pinitik niya naman ang mga daliri niya at may lalaking lumabas. Nakajacket siyang itim at nakatungo siya. Nang umangat na ang ulo niya, parang gusto ko siyang sampalin. Si Albie.

“Hi babe.” Kinindatan niya ako. Gustong gusto kong basagin ang mukha niya sa sobrang panginginig at pandidiri sa kanya.

“Babe ka dyan? Nakakadiri ka! Lubayan mo nga ang kapatid ko kung ayaw mong mabugbog ulit kita!”

Lumapit naman siya kay Daniel at hinila siya patayo hawak hawak ang kwelyo niya.

“Akala mo ba takot na ako sa’yo ngayon? Asa ka. Katiting na pasa lang ang iniwan mo sa’kin dati. At ngayon, ibabalik ko sa’yo ang mga ibinigay mo. Dadagdagan ko pa.”

Niyukom na ni Albie ang kanyang kamay at akmang susuntukin si Daniel. Pero tinawag naman siya ni Emma at napigilan ang pagsuntok niya.

 

“Albie, wag muna ngayon. May usapan tayo.”

 

“Ano bang ginagawa niyang bastardo na yan dito?! Akala ko ba ikaw lang ang may kailangan sa’min?!” Inis na sigaw ni Daniel. Oo nga. Bakit andito siya?

“Anong ako lang? Ako ang may kailangan sa’yo DJ. Siya ang may kailangan kay Kee.”

 

“Bakit?! Anong gagawin mo sa kanya?!” Sinubukan niyang makawala. “Pakawalan niyo ako dito!”

“It’s a surprise.” Tumingin siya sa akin. “Siya lang ang makakaalam.”

Sa unang pagkakataon, talagang natakot ako para sa sarili ko at sa buhay ko. Ayokong mababoy kaya kailangan na naming makatakas dito.

“Hmmm… Ano kaya? Opposite sex or same sex?”

 

“Toss coin na lang tayo. Pag heads, opposite. Pag tails, same.”

Dumukot siya ng pisong barya mula sa bulsa niya. Ikinatakot ko ang paghagis niya ng piso sa ere hanggang sa lumagpak ito sa lupa. Nagkatinginan kami ni Daniel.

“Tails.”

Kahit si Emma ang makakasama ko, hindi ko pa ring masasabing ligtas ako. Kami ni Daniel.

“Ma’am, may mga pulis ho sa labas. Hinahanap po kayo ni Sir.” Sabi ng isang lalaki na galing sa labas. Tumingin sa’min si Emma.

“Bantayan niyo yan. Pag nakatakas yan, kayo ang lagot sa’kin.”

Umalis naman sila. Naiwan kaming dalawa ni Daniel at ilan sa mga lalaking alagad nila. Napabugtong hininga naman ako. Pakiramdam ko ay mamamatay na ako.

Sumitsit naman si Daniel at napatingin ako kaagad sa kanya.

“Happy thoughts.” Pinikit niya ang mga mata niya at nagrelax. Nagegets ko ang sinasabi niya kaya pumikit na rin ako.

Inalala ko lahat. Simula sa una. Inalala ko yung araw na nagpisilan kami ng pisngi. Malakas yung pagkapisil namin sa isa’t-isa kaya sumakit yung pisngi namin nung gabi. Inalala ko yung araw na nagtampo siya. National Siblings Day kasi yun. Nagluto siya ng dinner para sa’min pero late na ako umuwi at nakapagdinner na din sa bahay ng kaklase ko. Sayang daw effort niya kaya nagkulong sa kwarto niya hanggang sa magmakaawa ako na lumabas siya. Inalala ko yung nagprepare kami ng date nila ni Carmen, pero nung nadaplisan ako ng apoy nung posporo, nag-alala siya sa’kin. Inalala ko nung inuulit niya akong matakaw at mataba nung papunta kami sa isla nina Julia. Inalala ko nung sinayaw niya ako. Sinayaw niya ako isang gabi at pinaramdam niya sa akin na isa akong prinsesa. Nilayo niya ako sa lahat ng problema ko.

“Happy thoughts Kath.” Narinig ko ulit siyang magsalita. “Ako bahala sa’yo Kath.” Tumango naman ako at patuloy na nag-isip. Ano kaya ang iniisip ni Daniel?

“Kuya, may ihi na dito!”

Napamulat ako ng sumigaw si Daniel. Tumingin ako sa kanya at tumingin siya sa may pants ko. Hindi naman basa. Anong sinasabi niya?

“Kuya! Kuya! Naiihi na yung kapatid ko! Pag dito umihi yan ikaw magbubuhos ha?!”

Tiningnan naman ako nung lalaki. Tumango na lang ako kahit naeewan ako. Ang gulo ni Daniel eh.

“Kuya! Ano ba?! Di mo pa ba yan kakalagan?! Pag lumabas ang ihi nyan dyan, papanghi yan! Kalagan mo na yan!”

 

“O-Opo. Naiihi na po ako.”

 

“Di ba?”

Bigla naman akong nakaamoy ng di maganda. Parang gusto kong sumuka sa pagkakataong ito. Ang sama ng amoy eh! Sa oras na ‘to, gusto kong sampalin si Daniel. Anong ginagawa niya?!

 

“Grabe pare! Ang tindi!”

 

“Oo nga pre! Parang di nakadumi ng isang taon!” Nagtabon naman sila nung mga ilong nila. Grabe talaga ‘tong si Daniel. Kala mo may skunk sa likuran eh!

“Sorry Kuya! Nadudumi na ‘ko eh!”

 

“Pare, kalagan mo na yan! Ang bangis! Pagbanyohin mo na muna!”

Lumapit sa’kin yung isang lalaki at kinalagan ako. May lalaki ring lumapit kay Daniel para kalagan siya. Tumingin siya sa akin at napatingin ako sa kanya. Nabigla na lang ako sa mga sumunod na pangyayari.

“Takbo Kath!”

Pinatumba ko yung lalaking nagtanggal sa’kin sa pagkatali ko at napatakbo na rin ako. Hinarangan ako nung isang lalaki at kinapitan niya ako.

“Daniel!”

Sinubukan kong kumalag sa kapit nung lalaki. Napatayo si Daniel at tumakbo pero sinalubong siya ng suntok nung kasamahan nila. Napabagsak siya sa sahig.

“Wag niyo siyang saktan! Daniel!”

Sinimulan na nilang bugbugin si Daniel.

“Daniel! Bitiwan niyo siya! Daniel!”

Pinilit kong pumalag pero kinapitan nila ako ng mahigpit habang binubugbog nila si Daniel. Ayokong makita ‘to. Ayokong makita ang pagsakit ng buong sistema ni Daniel. Sa bawat suntok at sipang ginagawa nila, sa bawat sugat at dugo na lumalabas sa katawan niya, tumitigil ang ikot ng mundo ko at ilang beses na sinasaksak ang puso ko.

“Daniel!”

Pagkatapos ng ilang minuto, tinigilan na nila si Daniel at pinakawalan na nila ako. Hinagkan ko siya at niyakap ng mahigpit. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong umiyak. Tiningnan ko siya ng diretso sa kanyang mga mata at kinapa ang pisngi niya.

“Daniel!”

 

“Kath…”

Hingal siyang magsalita. Napapapikit na siya. Ramdam ko ang paghina ng buong katawan niya. Patuloy kong kinakapa ang pisngi niya. Napalingon ako saglit para tingnan kung may iba pang nakakakita sa amin. Binalik ko ang tingin ko sa kanya at wala na siyang malay.

“Daniel, gumising ka.” Hinawi ko yung buhok niya at niyugyog ang ulo niya. “Daniel? Daniel!” Wala. Hindi siya umiimik at hindi rin siya kumikibo. “Daniel! Gumising ka please! Daniel!” Niyakap ko siya. At patuloy na humagulgol.

Lumapit naman sa amin yung mga lalaki at pinilit na paghiwalayin kaming dalawa. Kumapit ako sa kanya pero hinila nila palayo sa’kin si Daniel. Binuhat nila siya palayo habang hinila ako nung isang lalaki at nilagyan ako ng panyo sa bibig. Iginapos niya akong muli sa poste.

Naiisip ko na kung ano na ang nangyayari kay Daniel ngayon. Hindi ko maiwasang makaisip ng hindi maganda dahil wala nang iba pang matatakbuhan ang isip ko. Patuloy ko na lang iniiiyak ang pangalan niya at kung gano ko siya kamahal.

“Tss, tss. You lost your turn Albie.” Sabi ni Emma kay Albie habang lumalakad sila palapit sa akin. “Nakawala na yung business mo.”

 

“Ano? Ang daya naman!”

“Sorry.” Nginitian niya si Albie. Napatingin siya sa’kin. “Kalagan yan at dalhin sa kwarto.”

Sumunod naman yung lalaki. Bumilis naman kaagad ang tibok ng puso ko. Nilagyan niya ako ng blindfold at iniupo sa isang papag.

“Swerte ka pa rin Kee at hindi ko sinabi kay DJ ang totoo mong nararamdaman sa kanya.” Di na lang ako umimik. “Oo nga pala, kailangan mong magbihis. Dahil ibuburol ka na.” Pinatungan niya naman ang damit ko ng isang dress. Naramdaman kong lumapit siya at bumulong sa tainga ko. “Have fun.” Nanginig ang buong katawan ko at nararamdaman kong bababuyin ako.

Narinig kong tumunog nang mahina ang heels niya at ang pagsarado ng pinto. Pinakiramdaman ko ang buong lugar. Tahimik. Mukhang ako lang ang andito.

Nagulat ako nang may humila sa akin at kinaladkad ako palabas ng kwarto. Hindi ko na pinansin kung sino siya. Tinanggal niya yung blindfold ko at tinulak ako papasok ng isang kwarto. Tumama ang katawan ko sa isang la mesa. Humarap ako sa kanya at humingi ang simpatya niya pero agad niya akong tinampuyong. Hinila niya ang buhok ko nang malakas at patuloy na sinaktan ako. Naglabas siya ng kutsilyo at pinagtangkaan niya akong saksakin. Itulak niya ulit ako pabalik sa la mesa at saka sinampal ako nang malakas.

Naramdaman ko ang sarili kong bumagsak at ang pagtama ng ulo sa malamig na sahig. At nawalan na ako ng malay.

DANIEL’S POV:

Nagising na lang ako sa loob ng puting kwarto. Nakahiga ako sa kama at may nakakabit na mga tubo sa braso ko.

“Nasaan ako?” Ang sakit ng ulo ko. Halos wala akong matandaan. Ang naaalala ko lang ay ang pagkaligtas ko kay- “Si Kath?! Kailangan niya ako!”

May dumating na mga nurse para pakalmahin ako pero hindi ko kayang kumalma ngayon! Asan si Kathryn?!

Ilang araw na ang lumipas. Maayos na ang kalagayan ko, sa tingin ko. Kinasuhan ko na sina Emma at Albie. Nasa kulungan na sila ngayon. Si Kath? Wala akong balita sa kanya. Nagpahire na ako ng ilang investigators para hanapin siya, pero walang resulta. Minsan nga, nawawalan na ako ng pag-asa.

Makikita ko pa ba siya? Buhay pa ba siya?

Hindi ko alam. Pero matutuwa ako kung malalaman kong buhay pa siya.

“Sir! Sir!” Tumakbo naman papunta sa’kin na hingal na hingal yung isa sa mga investigators ko. “May balita na po ako tungkol kay Kathryn!”

 

“Ano?! Sabihin mo!”

 

“Sir! T-Teka. 5 minutes…”

 

“Ano ka ba? Wala akong panahon para sa limang minuto! Anong balita?!”

 

“Nasa St. Luke’s Hospital po siya! Dinala po siya sa ospital ilang minuto nang kayo’y isugod din! Kritikal po ang kondisyon niya ngayon at hindi po nila alam kung makakasurvive pa po siya dahil sa dami ng dugo na nawala niya!”

Inunahan ko na siya at sumakay na sa kotse ko. Humarurot na ako papunta sa ospital. Tingin ako ng tingin sa relo ko. Hindi ako mapakali. Kailangan ko siyang maabutan. Ng buhay.

Nakarating naman ako kaagad sa ospital. Hindi ko na inabalang pumirma sa kung ano anong papel na inaabot nila. Kailangan kong malaman ang kwarto niya. Bigla kong narinig ang nakakabinging tunog ng flatline. Napatingin ako sa kwarto na nasa kaliwa ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Alam kong hindi si Kathryn iyon pero kinatakot ko ang pag-ulit ng pangyayaring iyon kay Kathryn.

Wala na akong panahon para magaksaya ng oras kaya tinakbo ko na lang. Tinakbo ko ang isang maze na walang katapusan. Sa bawat kwarto na nalilinga ko, tumutunog ang flatline.

 

“Hintayin mo ‘ko Kath…” Mabigat kong sabi. “Wag mo akong iwanan Kathryn.”

Pakiramdam ko, nasa loob ako ng isang pelikula. Pelikulang ako ang bida at ngayo’y nasasakdal sa isang malaking problema. Mabigat ang pakiramdam ko. Masakit ang puso ko. Hindi siya pwedeng mawala sa’kin.

“Wag kang bibitaw…” Binilisan ko ang takbo. “Maging malakas ka para sa’kin…”

Napatigil ako sa harap ng kwarto niya. At ngayo’y nagsisisi ako na tumigil pa ako sa pagtakbo. Pero may mga pagkakataon talaga na hindi ka na makakatakbo sa mga problema mo. Wala na. Gumuho na ang mundo ko at basag na ang puso ko. Napaluhod na lang ako.

Isang flatline.

Patay na si Kathryn.

Continue Reading

You'll Also Like

187K 5.6K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
87.3K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
1.2K 286 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...