Vampire's Chain [VP BOOK II]

By FinnLoveVenn

389K 16.6K 3.7K

|| VAMPIRES PET BOOK 2 || Akala mo tapos na. Akala mo ayos na. Akala mo na nakawala kana, pero ang totoo niya... More

AUTHORS NOTE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
BOOK III
KIDD CROSS STORY
KS CHAPTER 1
KS CHAPTER 2
KS CHAPTER 3
KS CHAPTER 4
KS CHAPTER 5
KS CHAPTER 6
KS CHAPTER 7
KS CHAPTER 8
KS CHAPTER 9
KS EPILOGUE
DANIEL HEARTFILLIA STORY
DS CHAPTER 1
DS CHAPTER 2
DS CHAPTER 3
DS CHAPTER 4
DS CHAPTER 6
DS CHAPTER 7
DS CHAPTER 8
DS CHAPTER 9
DS CHAPTER 10

DS CHAPTER 5

1K 45 14
By FinnLoveVenn

GABRIELLE's POV

Pano ka makakapunta sa paroroonan mo?

Pano ka makakarating sa kaniya?

Lalo't na hindi mo alam ang bahay niya?

Iyan ang problema ko ngayon, ang lakas kong umalis sa bahay ng hindi ko naman alam saan ang bahay nilang mga Lockhart.

Puro hirap at pagsasayang lang ng pamasahe ang inabot ko sa lakad na 'to.

Tinatawagan ko siya pero ayaw niyang sagutin ang mga tawag ko at na balitan kong na gising na naman siya matapos ang aksidente na 'yun.

Ilang linggo na din ba lumipas 'yun at ang pagmumokmok ko? At ilang araw na ba akong hindi pumapasok at panay ang isip saan ba siya nakatira.

Miske kasi si kuya Red at ate Nana ay hindi alam, pero unti-unti na naman ako nakakahanap ng hint kung saan ang bahay nila matapos ang mga ilang araw na paghahanap ko sa kaniya.

At ngayon inaakyat ko ang pinakamatarik na daan na nadaanan ko sa tanang buhay ko.

Hello ano 'to? Bundok ba 'to? At isa pa bakit walang ibang tao ang nakatira dito?

Kahit mga tindahan man lang ay wala talaga saka sobrang dalang dumaan ng tricycle.

Trinay ko ngang sumakay sa tricycle kanina pero tinanggihan nila ako dahil bukod sa matarik ang daan kulang na din ang pera ko pamasahe.

Kaya ito ako tiis panget na hinahakbang ang paa ko sa pataas na daan.

"Wala bang tubig?" Lingat ako ng lingat at wala akong mahanap na tindahan sa lugar na 'to.

Umiling ako at inisip na kung si ate Kaelynn nga nakaakyat dito ako pa kaya? Dapat makaya ko din 'to.

Tumingala ako at na tanaw ang napakalaking gate na kulay puti at pula.

Na buhayan ako ng loob at nagkalakas para humakbang pa papunta sa patag na lupa.

Hinihingal kong nilapitan ang gate at tinignan ito.

Pagtinignan mo siya sa loob ay parang may gubat pa na nakaharang dito bago mo makita talaga ang bahay nila.

Tagong tago dahil syempre mga bampira sila.

Lakas loob akong ng door bell at lumabas mula sa guard house ang isang lalaki at ngumiti sakin.

"Yes ma'am?" Tanong nito at ngumiti din ako habang hinahabol pa din ang hininga ko.

"Kaibigan po ako ni Daniel Lockhart pwede ko po ba siyang makita?" tumingin 'to sa kasama niya at umalis.

"Saglit lang po at itatawag namin sa mansion," sabi niya at tumango ako.

Umalis siya saglit at bumalik bitnit ang bote ng tubig.

Bampira din kaya ang lalaking 'to? Mukha naman siyang mabait.

"Tubig muna ma'am, pasensya na kung hindi ka namin pwede papasukin sa loob ng gate at mapaupo."
Umiling ako, mukhang tao naman ang isang 'to.

"Bakit po?" tumingin siya sakin ng may pagtataka.

"Ha?" Na pansin niya siguro na titig na titig ako sa mga kilos niya.

"Ah, wala wala hahaha." napakamot ako ng ulo at tumingin ulit sa kaniya baka sakaling sasagot siya sa itatanong ko

"Isa ka ba sa kanila?" Mabilis kong tanong at na gulat siya.

Nagkamot 'to ng batok at tumawa sa harap ko.

"Sir, hindi daw po." biglang sabi nung guard na tumawag sa mansion kanina.

Tumingin siya sakin at nagbow
"Pasensya na ma'am hindi daw po pwede dumalaw." kumunot ang noo ko at inis na sinagot nung guard.

"Pakitawagan naman ulit at paki sabi na si Gabs 'to." matapang kong sabi at nagtinginan lang ulit sila.

Umalis ulit 'yung isa at maya-maya ay lumabas na ulit 'to.

"Hindi daw po kilala, paalisin na daw po," sabi nito na lalong nagpainit ng dugo ko.

Matapos kong akyatin at sayangin ang pera ko para sa pamasahe ay hindi niya man lang ako haharapin o makausap man lang.

Ang matindi pa n'yan itinanggi niya pa ko!

"Hoy! Daniel Lockhart baka! Lumabas ka diyan aho!" sigaw ko with matching Japanese words pa na halatang nagpawirdo ng tingin sakin ng mga gwardya.

"Maam wag na po tayo mag iskandalo dito hindi ka din po nila maririnig." inabot ko ang kwelyo niya at dumakit ang mukha niya sa bakal ng gate nila.

"Wala akong pake kung isa ka sa kanila o kung malakas ka pa sakin pero ito sabihin mo sa amo mo ah, wala din akong kilalang Daniel Lockhart paghindi niya ko kinausap sa school!" sabi ko at binitawan ang kwelyo niya.

Lumingat lingat ako sa paligid at hinanap ang CCTV nila sa gate, tumingin ako dito at nag bad finger saka winagayway 'to.

"Tsk, sayang ang effort." bulong ko at padabog na umalis.

Nang makita ko ulit ang daan ay na lula ako at para bang mangiyak ngiyak na inisip na sayang lang lahat ng hirap ko kanina.

Ngayon naman ay dadausdos akong maige sa bwisit na daan na 'to.

Mukha along tanga nakabadongkabado at galit na galit habang dahan-dahan kong binababa ang katawan ko sa lintik na daan na 'to.

Untimg maling hakbang lang gugulong ako dito, bwiset na mga bampira ito pahirap talaga.

Mabilis akong nakababa dahil sa padausdos na ito pababa, muntikan na din masira ang nag iisa kong rubber shoes dahil sa ginawa ko 'tong preno pababa.

Inames na buhay ito puro kamalasan simula ng ipanganak ako!

Inis na inis akong umuwi sa apartment ko at sumalampak sa kama saka kinuha 'yung laptop kong bulok at na nood na lang ng anime na pinapasa ko pa noon sa tropa ko.

"Ba't ba kasi walang internet." inis kong bulong at pagbukas ko ng laptop saktong pa low ba't pa ito na lalong magpainit ng ulo ko sa inis.

"Ahhh! Ba't ba ang malas-malas ko? Bwisit na buhay 'to!" Sigaw ko at nagpagulong gulong sa kama.

Walang may pake sakin dahil wala si kuya Red at ate Nana dahil kakapasok lang nila, gabi na at pagod na pagod na ko sa lakad na 'yun tapos wala naman ako na pala.

Pumunta ako sa kusina at naghanap ng makakain doon saka nakita ang tirang ulam ni ate Nana sakin.

May note pa ito at sabing initin ko na lang."Hayyyy." napabuntong hininga ako at ginawa ang nakasulat sa lalagyan.

Pinainit ito at kinain saka, tinignan ko ang orasan at may 8 hours pa ko para matulog.

Kung hindi ko siya makikita sa bahay edi iintayin ko siya sa school. Titignan ko kung pumasok na siya tutal matagal na naman siyang magaling hindi ba, baka bumalik na siya sa school.

Ngumiti ako at pumunta na sa kwarto ko para matulog.

❦❦❦

Alas kwatro na ng umaga at andito ako sa tapat ng gate namin at nakahood, tinitignan ko ang bawat istudyanteng na labas sa school at kahit anong gawin tago ko sa mukha ko at napapansin pa rin nila ako dahil sa amoy ko.

Dahil ako lang ang mortal dito.

Malayo pa lang ay na tanaw ko na siya at mabilis akong pumasok sa loob ng school ng naka ID pero hindi nakauniform.

Pumunta ako sa sasakyan niya at nagtago sa likod nito, nakita ko siya palinga linga at alam kong alam niya na andito na ko.

Kaya naman ay mabilis ko siyang nilapitan nung papalapit na siya sa sasakyan niya.

"Senpai!" sabi ko at napaurong siya.

"Bakit hindi mo sinsagot ang tawag ko? At bakit ayaw mo ko kausapin? Kamusta ka na ba? okay ka lang ba? Sorry talaga wala akong na gawa nung araw na 'yun." nakatingin lang siya sakin at parang hindi alam ang gagawin.

Lumapit ako at hinawakan ang kamay niya.

"Thank you sa lahat ng ginawa mo," sabi ko at napatitig siya sakin kaso mabilis niya din 'tong iniwas.

"Umalis kana," sabi niya at kumunot ang noo ko, mahigpit kong hinawakan ang kamay niya at tinignan siya.

"Bakit senpai? Sorry kung wala akong na itulong at pabigat ako sayo, gusto ko lang makabawi sayo saka kung iisipin mong na tatakot ako sayo o sainyo wala na kong pake makabawi lang ako sa ginawa mo," sabi ko at siya naman ang tumingin sakin ng deretsyo.

"Tigilan mo nga 'yung pagtawag mo sakin senpai." tinitigan niya kong maigi at nilapit ang mukha niya sakin.

"Ang weird mo!" tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Isa pa wala ka namang mabibigay nakapalit, depende na lang kung ibibigay mo ang katawan mo sakin." blangko ang ekspresyon ng mukha niya.

Wala kang makikitang ano mang emosyon kundi blangko lang.

Hindi ko alam kung siya ba ito o ibang tao.

Basta ang na raramdaman ko ngayon ay takot at kaba.

"Ano? Magagawa mo ba? Pwede din naman ibigay mo 'yung puso mo sakin kapalit ng muntikan ko ng pagkamatay?" lumapit siya sakin at napaurong ako.

"Pwede din 'yun, tutal hindi mo naman matutumbasan 'yung paghihirap at takot ko nun hindi ba? Gusto mong maramdaman 'yung na ramdaman ko nung mga oras na 'yun?" Lumapit siya ng lumapit hanggang sa na corner niya na ako sa sasakyan niya.

"Sabihin mo lang gagawin ko ngayon na mismo." napalunok ako at nakita ang mga mata na niya puro lungkot ang makikita.

Napabaling ako ng mukha at mabilis siyang sinampal.

Na gulat ako sa ginawa ko at siya naman hawak-hawak lang ang pisnge niya.

"So na nanampal din pala ang mga tomboy?" sabi niya sakin na nagpaiyak na sakin maige.

Tumakbo na ko papalayo sa kaniya habang pinipigilan ang pag-iyak ng malakas.

Kahit sanay na kong sabihin ng salitang 'yun, salitang mukha akong lalaki o para akong lalaki okay lang eh.

Pero sa kaniya na feeling ko espisyal ako? hindi eh.

Masakit pakinggan lalo't na sa kaniya ko na rinig 'yung katagang maganda ako at hindi dapat itinatago ang pagkababae ko.

Kaso ito siya ngyon, isinampal sakin ang katotohan na mukha akong lalaki, at dapat lang akong maging isa.

Tumakbo ako pabalik ng apartment at nagsarado ng pintuan at umiyak ng umiyak buong araw.

Parang hindi na siya si Daniel na kilala ko, tinawag niya pa kong weird samantalang tuwang tuwa siya pagtinatawag ko siya nun noon.

Ano bang nang-yari sa kaniya? Ganon ba siya kagalit dahil sa wala akong ginawa at tinignan lang siya habang kinukuha ang puso niya sa kaniya?

Ganon ba siya na inis dahil nung una ay takot na takot at diring diri ako sa kaniya?

Bakit? Akala ko hindi siyang mababang tao para mag-isip ng ganun.

Akala ko ba iba sya?

Akala ko siya na 'yung lalaking makakaintindi sa kung ano ako at bakit ako na kakaganito.

Napasubsob na lang ako sa unan ko at inilabas ng sama ng loob ko.

Papasok pa ba ako bukas?

Makakaya ko pa ba siyang kausapin at makita bukas?

Tumagilid ako ng higa at na kita 'yung clip na binigay niya sakin noon.

Napahawak ako sa pisnge kong hinalikan niya noon na basa na ng luha ngayon.

"Senpai bakit ka gan'yan ngayon?" Para kong tanga na kinakausap 'yung clip at maluha luhang na alala 'yung araw na ibinigay niya sakin 'to.

Nung araw na masaya kaming nag-uusap kahit lagi niya kong binubwiset at 'yung araw na sinabi niyang gusto niya ko kahit hindi ko naman 'yun iniisip.

Gusto niya ba talaga ako?
Kung totoo 'yun bakit niya ginagawa sakin ito ngayon? Anong dahilan?

Siguro kailangan ko pang habaan ang pasensya ko at intindihin siya.

Bukas itatry kong kausapin ka ulit, hindi ako magsasawang mangulit sayo katulad ng ginagawa mo sakin noon.

To be continued


AN: 'yung sinasabi niya po dito ay 'yung Special chapter sa VP. If nakalimutan niyo na po pwede niyong balikan.

BAKA - idiot the same as AHO in Japanese.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 42.5K 58
Eve Henderson-a troublemaker, a tricky devil, a short-hot-tempered girl, a bitch with a heart, a bullyhater, a notorious hacker, a Mafia Heiress, a r...
14.3M 623K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...
21.3M 545K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
69.4K 1.7K 43
Axalia Ashtrid lives her life as she wanted, rebel against her father, become a delinquent, and do whatever she wants just to ease the pain of the pa...