Vampire's Chain [VP BOOK II]

By FinnLoveVenn

390K 16.6K 3.7K

|| VAMPIRES PET BOOK 2 || Akala mo tapos na. Akala mo ayos na. Akala mo na nakawala kana, pero ang totoo niya... More

AUTHORS NOTE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
BOOK III
KIDD CROSS STORY
KS CHAPTER 1
KS CHAPTER 2
KS CHAPTER 3
KS CHAPTER 4
KS CHAPTER 5
KS CHAPTER 6
KS CHAPTER 7
KS CHAPTER 8
KS CHAPTER 9
KS EPILOGUE
DANIEL HEARTFILLIA STORY
DS CHAPTER 1
DS CHAPTER 2
DS CHAPTER 3
DS CHAPTER 5
DS CHAPTER 6
DS CHAPTER 7
DS CHAPTER 8
DS CHAPTER 9
DS CHAPTER 10

DS CHAPTER 4

1.1K 54 22
By FinnLoveVenn

GABRIELLE's POV

Nakita ko ang pagkagulat niya at ang pagtulo ng dugo sa bibig niya.

"Baka nakakalimutan mo andito pa ko," sabi nung lalaki sa likod niya at hirap niya 'tong nilingon.

"Kukunin ko 'tong puso mo at ireregalo ko sa ex-girlfriend kong nagpakatanga sayo." Napaubo ng dugo si Daniel at nangangatal na tumingin sakin.

Ako naman hindi alam ang gagawin at halos mapaluhod na sa takot dahil sa mga nakikita ko.

"Teka hindi inutos satin to ni Kidd." pigil nung lalaking may hawak sakin na para bang takot na takot na.

"Ha? Iniisip mo pa din ba 'yan pagtapos niya patayin ang mga kasama natin?" Hindi nakaimik 'yung lalaking may hawak ng patalim sa sinabi nung lalaki isa pa at iniling na lang ang ulo nito.

"Let's go back, say goodbye to her Daniel Lockhart." napatingin siya sakin at halos mawala na ko sa sistema ng unti-unti niyang hinihila ang kamay niya palabas kasama ang puso ni Daniel.

Napapikit na lang ako at nakarinig ako ng pagbagsak ng katawan sa sahig, pagdilat ko na kita ko 'yung lalaki na nakahandusay na sa sahig at nasa harap namin si Kidd hawak-hawak ang kwelyo ni Daniel.

"Are you sure? You will give your heart for this girl?" Nang hihinang lumingon si Daniel sa kaniya.

"Ga*o ka talaga." 'yun na lang na sabi ni Kidd at hinila niya na ako at si Daniel palabas ng pinto.

"Hey! Ibinigay mo na sila sakin hindi ba? Akin na at papatayin ko sila Kidd!" Hindi lumilungon si Kidd at sinabing,

"Inutusan lang kita at wala akong ibinigay sayo." akmang susugurin niya sa Kidd sa sobrang galit.

"Duwag ka! Isa kang kahihiyan sa mga Cross!" Sigaw nito kay Kidd at agad niya kaming tinulak at sinangga ang kamay ng lalaki.

"Dreck, you're a bastard not a Cross," sabi niya at binali ang kamay nito kaya umimpit ng hiyaw 'yung lalaki sa sakit.

Binuhat niya si Daniel at hinagis ang cellphone sakin.
"Call Six, faster!" At ginawa ko ang inutos niya agad-agad.

Mga ilang minuto pa ay dumating na sila at may kasamang doctor, imbes na sa hospital dumaretsyo ang sasakyan ay sa mansion lang ng mga Lockhart ito dumaretsyo.

Hindi na ko nakapasok sa gate at inihatid na lang ni Kidd sa apartment ko, sa buong byahe ay hindi ako makapagsalita at ayaw umalis ng panginginig ng katawan ko.

"Hey may kasama ka ba sa bahay niyo?" sabi niya sakin at umiling ako, mahigpit kong hinahawakan ang kamay ko na sobrang lakas ng pangangatog.

"Red? Where is he?" umiling ako.

"Wa-Wag ba-baka madamay ang ku-kuya ko." tumingin siya sakin at bumalik ang tingin sa daan.

"Like I care," sabi niya at dumaretsyo sa apartment saka ako inutusan buksan ang pinto at pinapasok sa loob.

Marahas siyang kumatok sa kabilang pinto kung saan andoon ang kuya ko at agad din naman 'tong lumabas.

"Ano! Umagang umag--!" Napatigil si kuya Red sa paghiyaw ng makita si Kidd at ang kamay nito na may dugo.

"Take care of her." saka 'to umalis at hindi man lang inintay mag salita si kuya Red.

Napatingin siya sakin at nataranta ng makita na madaming dugo ang nasa puti kong uniform.

"Anong nang-yari sayo? Sinaktan ka ba nila? Huy, Gabs mag salita ka!" Kinalog kalog niya ko at ako hinahanap pa din ang mga salitang hindi ko mailabas sa bibig ko.

Hindi ko alam saan mag uumpisa at panay ang panginginig ng mga kamay ko habang andito pa din ang mantya ng dugo niya.

"Si da-Daniel kuya." na ngatal na ang labi ko at sunod-sunod na bumaksak ang mga luha sa mga mata ko.

Niyakap niya ko ng mahigpit at bumuhos na ang mga luha ko.

"Kuya si Daniel! Kuya!" iyak na ko ng iyak at habang kinakalma niya ko ay pinapasok niya na ko sa bahay.

Mga ilang oras pa bago ako mahimasmasan at siya naman 'tong hindi mapakali sakin.

Paikot ikot siya sa harap ko at hindi mapakali, naikwento ko na sa kaniya lahat ng nang-yari pati na din ang mga pang-yayari kala ate Kaelynn.

"Totoo ba lahat 'yun sure ka ba na hindi ka niloloko ng kambal?" Pinipilit niyang hindi paniwalaan ang mga dahilan ko dahil ayaw niyang tanggapin lahat ng mga sinabi ko.

Nakita ko na din siyang umiyak kanina at halos hindi na makatiis na sugurin ang mga Lockhart sa mansyon nila pero hindi niya din ako maiwanan mag-isa at ayaw ko din siyang payagan dahil baka lalong lumaki ang gulo.

Umiiyak siya kanina at parang talong talo sa Danrious na 'yun, puro mura at masasakit na salita ang naririnig ko sa kaniya at panay pagsisisi at mga kamalian niya ang mga sunod niyang sinabi.

Sinisisi niya ang sarili niya at bakit hinayaan niyang kunin ang ate namin ng mga halimaw na 'yun.

Pero ngayon hindi ko alam kung sino ang dapat kong tawaging halimaw.

"Gabrielle! Ano ba tinatanong kita totoo ba lahat ng 'yun?" nabalik ako sa ulirat at na takot sa paghiyaw niya kaya muli na naman tumulo ang mga luha ko.

"Ahh sorry!" binatukan niya ang ulo niya at lumuhod sa harap ko.

"Sorry Gabs nahihirap lang ako tanggapin ang lahat." umiling na lang ako at umiyak na naman ng umiyak.

Lahat samin hindi kayang tanggapin ang mga pang-yayari, sino ba naman kaya intindihin lahat ng iyon sa loob ng isang araw.

Hindi pa ko nakakatakas sa mga bangungunot na binigay sakin ng tiyuhin ko tapos ito na naman, panibagong bangungot na ikukulong ako sa mga ilang taon?

Pareho kaming naglabas ng sama ng loob ni kuya at nagdamayan lang, naririnig kong pabalik balik si ate Nana sa labas ng pinto pero walang lakas ng loob pumasok.

Mga ilang araw pang hindi matahimik ang pag-iisip ko, ilang beses kong tinangka puntahan si Daniel sa mansyon nila pero pinangungunahan ako ng takot.

Ilang araw na din akong hindi pumapasok at walang balita sa labas ng bahay na to.

Basta ako andito at nagmumokmok sa loob ng bahay, gusto ko bumalik sa ampunan pero baka madisappoint sila ate Anna doon.

Bumalik ako doon ng wala sa sarili at hindi na tapos ang pag-aaral ko.

Tumayo ako dahil nararamdaman kong pabalik balik si ate Nana sa pintun ko, siya din ata walang lakas ng loob para harapin ako.

Hindi siya kumakatok sa pinto pero alam kong siya 'yun dahil kada bubukas ang pinto sa apartment niya maririnig ko na ang mga yabag niya sa harap ng pintuan ko.

Nagugutom na ko at si kuya Red naman ay umalis para bumili ng makakain naming dalawa, hindi niya din ako hinayaan lumabas ng bahay at baka daw hinahanap pa din ako ng mga gunawa samin noon.

"Aww aray." na rinig kong sabi ni ate Nana at tumayo na ko para lumapit sa pinto saka siya pinagbuksan at nakita ko siya na may hawak na mainit na palayok at hiyang hiya na humarap sakin.

"Ah Gabs." hindi niya alam kung saan siya mag uumpisa kaya pinulot ko 'yung na laglag niyang pot holder at kinuha 'yung hawak niya saka siya pinapasok sa loob.

"Ahm, gusto lang sana kita bigyan ng ulam ko, masyado kasing napadami 'yung luto ko," sabi niya at tinago ang kamay niya sa likod niya.

Di halatang na pasobra ang luto niya, halatang sinobrahan niya talaga para saming dalawa ni kuya Red.

Madalas kasabay namin siya kumain dahil wala kaming kasama sa bahay at pare-pareho kaming malungkot pagnakain mag-isa.

Pumunta ako sa likod niya at hinawakan ang na paso niyang kamay.

"Kukuha ako ng basang bimpo," sabi ko at hinila 'yung upuan para umupo siya.

Umiling siya at pinigilan ako "wag na Gabs." na iilang siyang tumingin sakin.

"Hindi mo ko dapat tulungan, okay lang ako." tumingin siya sakin at malungkot na ngumiti.

"Pasensya kung hindi ako naging mabait na ate sayo, sorry din dahil bampira ako." 'yung ngiti niya ay na sabayan ng pagpatak ng mga luha niya.

Mabilis niya 'tong pinunasan at binawi ang kamay niya na hawak ko.

"Gabs thank you at sorry kung hindi ko agad na sabi sayo ang totoo." lumakad siya palayo at lumabas na ng pinto.

Napayuko ako at tinignan ang kamay ko, ramdam ko pa din 'yung init ng kamay ni ate Nana na halatang pasong paso na dahil sa pagbubuhat ng kasirolang mainit pa.

Umupo ako at tinignan 'yung niluto niya, inabot ko 'yung tasa at sumandok ng sinigang na niluto niya.

Humigop ako ng sabaw at sumandok na din ng kanin, kumain ako ng kumain at tinatak sa utak ko na hindi lahat ng uri nila ay masasama.

Hindi lang sila sinuwerte ipanganak na normal katulad namin, hindi nila kasalanan na uhaw sila sa dugo at mga nilalang na na bubuhay sa dilim.

Wala silang kasalanan sa mga kasalanan ng ibang kauri nila, may kaniya-kaniya din silang buhay at pananaw.

Naiiyak ako habang na higop ng mainit na sabaw, bagong luto niya lang 'to at sobrang sarap dahil puno ng pagmamahal.

Pagtapos ko kumain ay tumayo ako at inayos ang sarili ko.

Pumunta ako sa harap ng apartment niya at kumatok, mabilis niya 'tong binuksan at mahigpit ko siyang niyakap.

Umiyak siya at ganun din ako, puro iyak na lang ang ginawa ko sa buong linggong 'to at halos lahat ng luhang hindi ko mailabas noon ay nagsilabasan ngayon.

"Ate thank you at sorry din, hindi mo kasalanan 'yun at alam kong mahal mo kami." tumango tango lang siya at sobrang lakas ng pag-iyak.

Ilang araw ba niya sinisisi ang sarili niya? Ilang araw din ba siyang isip ng isip sa gagawin niya?

Hindi siya kasali dito at alam ko bakit hindi niya magawang aminin samin ang mga sikreto nila, dahil syempre mapapahamak lang kami paglumabas ang sikreto na 'yun.

Pinatahan ko siya at pinat ang likod niya, humiwalay ako ng yakap at ngumiti sa kaniya.

"Ate pupuntahan ko si Daniel, paki sabi kay kuya Red okay na ako." pinunasan niya ang luha at sipon niya sabay tango na lang.

Bumaba na ko ng hagdan at naglakad papunta sa mansyon nila Daniel, buti na lang at tanda ko ang daan.

"Hoy! tingin mo saan ka pupunta?" Nakasalubong ko si kuya na may dala na pinamili niya.

"Sa lalaking nagligtas sakin?" sabi ko at tinignan niya lang ako at sinuri maige.

Hinihintay ko na pagbawalan niya ako at pigilan pero tinalikuran niya lang ako at naglakad na sabay sabing.

"Pag na kita mo ang kambal niya, pakisapak at pakisabing babawiin na natin ang ate mo sa kaniya." tumawa ako at napabulong.

"Kung gusto iwan ni ate si Danrious." at naglakad na papunta sa sakayan ng jeep.





To be continued

Continue Reading

You'll Also Like

29.4K 856 37
She's lost in the Alpha's Town. There's no map, meaning there's no turning back.
69.4K 1.7K 43
Axalia Ashtrid lives her life as she wanted, rebel against her father, become a delinquent, and do whatever she wants just to ease the pain of the pa...
182K 5.9K 32
I can tell when people are lying. Gaya ng isang lie detector machine, nakakaramdam ako ng munting boltahe ng kuryente na dumadaloy sa katawan ko sa t...
10.2K 839 54
Black Cinque Society Series #1: Clarrici Dein Alvendia (Queen of Love)