Class 3-C Has A Secret 2 | co...

By enahguevarra

9M 155K 54.2K

"Because some secrets ... just might kill you." ••• Date started: January 29, 2013 Date finished: June 22, 20... More

C3CHAS TRILOGY
C1: Moriendo Renascor.
C2: Pity on me, Death.
C3: She, who forgets.
C4: Honor the vanquished.
C5: Doomed Reality.
C6: The thread of Death.
C7: Embrace your iniquity.
C8: Ballad of Death.
C9: Dreadful past.
C10: Sleuth.
C11: Know thyself.
C12: Lies.
C13: Incognito.
C14: Nostalgia.
C15: Truth be told.
C16: Lifeless. (part 1)
C17. Lifeless (part 2)
C18: Missing.
C19: The liar.
C20: Rules of the jungle.
C21: Hidden agenda.
C22: Judas' kiss
C23: Lost Alice.
C24: A friend and a foe.
C25: The unspoken truth.
C26: Paranoia
C27: The first weakest rabbit.
C28: Behind those lies.
C29: Lifesaver.
C30: The catastrophe of life.
C31: Ironic truth.
C32: Two black cats
C33: The white rabbit has the answer.
C34: The Prodigal son.
C35: Someone is back.
C36: The white rabbit.
C37: Friendship.
C38: Kill the Pillar.
C39: The clockmaker's daughter.
C40: Eliminate the wolves.
C41: Darkness
C42: Wolf's cry.
C43: Hunt the wolves.
C44: Alliances.
C45: Endgame
C46: Fade to black
C47: The Fall of the Pillar
C48: START
C50: Hide and Seek.
C51: Turncoat
C52: Trust no one
C53: Friends do kill
C54: Dangerous
C55: An hour to live
C56: Pillar's Trap
C57: The End
EPILOGUE
Special Chapter: HANAKO
Special Chapter: Balot ba o Penoy?
C3CHAS Spin-Off

C49: Pitch Black

87.3K 2K 292
By enahguevarra


"People often believed they were safer in the light, thinking monsters only came out at night. But safety – like light – is a façade." ― C.J. Roberts, Captive in the Dark

--------------------------------------------x


MIAKA'S POV


SINILIP KO ANG ORASAN. Saka ko napansin na bilang na lang pala ang oras bago ang party na 'yon. Nasa harapan ko si Sapphire. Nakatali. Nakatakip ang bibig ngunit matalim pa rin ang tingin sa akin. Ang kapal talaga ng mukha niya. Wala ng makakapantay sa lakas ng loob niya.

Marahas kong tinanggal ang tape na nakatapal sa bibig niya.

 "Long time no see, Miaka." Bati pa niya.

Isang sampal agad ang sinalubong ko sa kanya pagkasabi niyang iyon. Kumukulo ang dugo ko. Kapag hindi ako makapagpigil baka mas malala pa ang matanggap niya. Tumingin lang ulit siya sa akin at malakas ulit ang loob na ngumiti nang matamis na akala mo ay magkaibigan kami.

"Buti nakakangiti ka pa sa taong muntik mo ng mapatay noon?" matigas kong pagkakasabi.

"Buti nakakaharap ka pa sa taong muntik ng pumatay sayo noon? Hindi ka na ba natatakot, Miaka?" at isang sampal na naman ang nakuha niya sa akin.

"Ang kapal talaga ng mukha mo Sapphire! Ikaw ang may kasalanan ng—" ngunit bigla siyang nagsalita.

"Ako? Miaka, alam mo ba yang mga sinasabi mo? Kasi alam kong alam mo na si Hanako ang may kasalanan. Siya, hindi ako. Kung muntik man kitang mapatay, siya ang dapat mong sisihin!" sabi pa niya. "Mula noong sinabi sa akin ng buong klase ang nangyari. Pilit kong binalik ang alaala na iyon sa utak ko at alam mo ang nalaman ko?"

Napaatras ako. Hindi ko dapat siya pakinggan. Puro kasinungalingan lang ang sasabihin niya. Lolokohin lang niya ako tulad ng lagi niyang ginagawa noon! Hindi totoo ang mga sinasabi niya!

"Si Hanako ang may plano ng lahat ng iyon. Alam mo kung bakit ikaw ang pinapunta niya sa party? Kasi gusto niyang pahirapan ka namin—"

Agad akong sumigaw, "Hindi! Kasinungalingan iyan! Pinapunta niya ako roon kasi hindi niya kayang humarap sa lahat. Pinapunta niya ako roon kasi iyon ang utos mo sa kanya!"

Ngunit nagpatuloy lang din ulit si Sapphire sa pagsasalita.

"Hindi, Miaka. Kapatid ko si Hanako at kahit na kapatid ko lang siya sa ama, alam ko ang takbo ng pag-iisip niya. Pinapunta ka niya roon kasi gusto ka na niyang mawala sa buhay niya! Ayaw na niya sa sobrang pagka-possessive mo! Siniraan ka niya sa akin. Madami siyang sinabi na masama na kinagalit ko. Hindi naman kita siguro susugurin ng walang rason di ba? Lasing na lasing ako 'nun, Miaka."

"Hindi! Wag mong siraan si Hanako!" muli kong sigaw.

Nanlaki ang mga mata niya sa akin at ang mga sunod niyang sinabi ay mas sinabi pa niya nang malakas, "Maniwala ka Miaka. Si Hanako ay may pakana 'nun. Gusto ka niyang mawala sa piling niya, gusto niyang kumawala sa'yo. Inabanduna ka niya mula pa noon. Masyado ka lang naniniwala sa pagkakaibigan nyo pero nagsawa na siya. Tulad ng pagkasawa niya kay Blake. Kilala mo naman siya di ba? Madali siyang magsawa. Matagal na siyang nagsasawa sa'yo."

Dalawang magkasunod na sampal ang binigay ko muli sa kanya.

"Huwag na huwag mong sasabihan ng masama si Hanako sa harapan ko! Mas kilala ko siya. Kaibigan ko siya!" at isang sampal na naman ang pinakawala ko sa kanya. Hinawakan ko siya nang marahas sa panga at itinaas ito sapat para magkatitigan kami. "Hintayin mo lang Sapphire, masasaksihan ng lahat ang kamatayan mo. Mas matindi pa ang mararanasan mo. Intayin mo lang."

Agad kong inalis ang pagkakahawak sa panga niya at natuon ang pansin ko kay Kuro na papalapit sa paanan niya. Tinawag ko si Kuro ngunit mas lalo siyang lumapit sa paanan ni Sapphire at ilang sandali ay dinilaan niya iyon nang dinilaan na para bang maamong-maamo sa kanya.

"Gusto ako ng pusa mo."

Ngumiti siya muli sa akin ngunit agad naman iyon nawala nang pumasok si Francis sa kwartong pinaglalagyan niya.

"Spade? I-Isa ka sa kanila?" nauutal pa niyang sabi.

Hinatak ko si Spade papalapit sa akin at ako na mismo ang tumugon sa tanong ni Sapphire, "Tulad ng sinabi ko sa'yo. Hintayin mo na lang ang kahihinatnan mo."


RAPHAEL'S POV


Nandito ako sa isa sa mga comfort room ng venue ng party. Inayos ko ang bow tie na nakasuot sa pagitan ng collar ng puti kong polo. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at saka napangiti. Sana matapos na 'to at matatapos ito na humihinga pa rin ako. Para sa sarili ko, para sa pamilya ko at para sa mga kaibigan namin na namatay dahil sa walang kwentang larong ito.

Ilang sandali ay dinukot ko ang phone ko sa bulsa ng slacks ko. Tinawagan ko si Clyde.

"Clyde, nasan si Sapphire?" pamungad na tanong ko.

Agad naman niyang sinabi na nandoon pa rin si Sapphire sa kwartong pinaglagyan nila sa kanya.

"Gusto mo ba siyang makausap?" tanong niya.

"Kung hindi delikado, gusto ko sana." Tugon ko habang tumitingin-tingin sa paligid. Pakiramdam ko'y may tao. Hindi ko alam. Baka mali lang ang nararamdaman ko. Sana.

"Sapphire," pabulong kong sabi. "Anong nangyari? May nalaman ka ba? Anong oras pupunta sila Miaka rito?" sunod-sunod kong tanong.

"Teka, sandali lang, si Clyde na ang bahala na magsabi sa'yo ng mga sagot doon pero may isa akong nalaman."

Agad na tumibok nang mabilis ang dibdib ko.

"Ano iyon?"

"Si Spade ..."

Anong si Spade?

"Bakit?" tanong ko ulit.

"Isa sa kanila si Spade. Nakita ko siya. Pumasok siya at lumapit kay Miaka. Tatlo lang ang nandirito, si Spade, Miaka at Clyde. Hindi ko makita yung iba."

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala. Iyon din ang akala ko dati pero nitong mga nakaraang linggo, sigurado akong hindi na siya kabilang doon. Pero ano ito? Bakit ang sabi ni Sapphire—totoo nga kaya?

Ilang segundo ang nakaraan at may kung anong tumutunog sa may pintuan—na para bang may magbubukas ng pintuan.

"Sige, Sapphire mamaya na lang. Mag-ingat ka."

Binaba ko na agad ang phone. Tumingin ako sa kapapasok lang. Si Austin. Sunod na pumasok si Sir Buendia na pumwesto sa tabi ko at inayos rin ang suot niya. Ilang sandali ay tumingin siya sa akin.

"Mukhang wala ka talagang balak batiin ang teacher at kaklase mo, Raphael?" nakangiti niyang tanong.

"Sorry sir pero wala tayo sa eskwelahan ngayon." Tulad niya, nakangiti rin akong tumugon. "Mauna na ko," sabi ko pa.

Sa paglabas ko, saglit akong tumitig kay Austin. Siya ang susi para magtagumpay ang plano namin.


LUNA'S POV


Hawak-hawak ko ang dalawang pahina kung saan makikita ang flow ng event, ang mga unang magsasalita at kung anu-ano. Kanina ko pa pabalik-balik na binabasa ang isang parte kung nasaan ang isang pangalan na hindi ko makilala. Ang nakakapagtaka, pangalan lamang ang nandito at walang apelyido.

"May problema dyan?" narinig kong tanong ni Raphael na kakatabi lang sa kinatatayuan ko.

"May isang tao na di ko kilala rito," tugon ko habang halos nakadikit pa rin ang mga mata ko sa pahina na iyon. Ilang sandali ay lumingon ako kay Raphael, "Sino si Benjamin?"

Nag-isip pa muna si Raphael bago sumagot, "Ang alam ko, si Blake iyan."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Nagpaiba siya ng pangalan?" tanong ko muli sa kanya.

Tumango siya, "Hindi ko alam kung bakit basta ang alam ko, siya yan. Tuwing may special events lalo na kung may kinalaman sa Laketon, iyan ang tinatawag sa kanya. Benjamin Laketon ang totoo niyang pangalan. Baka si Mr. Laketon lang din ang nagpaiba sa pangalan niya ... para matago siya kung bakit ay wala akong ideya."

Napaisip ako. Benjamin. Walong letra. Muli ko rin naalala ang babala niya sa akin noon. Ang kaalaman niya sa relasyon namin ni Denise noon. Ang relasyon nila ni Hanako. Ang litrato niya noon na galling kay Mr. Laketon na dinikit sa blackboard.

Si Blake—Benjamin ... maari kaya?

"Oo nga pala, huwag ka na rin mag-alala tungkol doon sa pagtawag ng mga pulis, nagawan nan g paraan basta ang importante, maayos ang mga unang mangyayari. Dapat kalkukado ang lahat. Kung papalya ang mga unang mangyayari ... magkakagulo," wika ni Raphael. "May dapat ka rin palang malaman."

Muli akong napatingin sa kanya nang sinabi niya iyon. Ano ang dapat kong malaman?

"Ano iyon?" tanong ko naman.

"Kasama si Spade sa grupo nila Miaka."

Sapat na ang pitong salitang iyon para mapasimangot ako. Dapat nanatili pa rin sa isipan ko ang duda ko sa kanya. Nakakairita talaga ang tangang iyon.

"Sigurado ka?"

"Oo."

Matalim akong umirap sa kanya. Naiinis na talaga ako ngayon. Ang sabi ko pa naman, iba siya sa tatay-tatayan niya ngunit mali. Hindi ako nagtiwala, umasa lang ako na iba siya.

Isa na siyang kalaban ngayon. At kapag nakita ko siya baka ako ang tumapos sa kanya bago pa niya kami maunahan.

"Pumasok na tayo. Malapit ng magsimula," nakangiting sabi niya sa akin.

Tumango ako.

 --------------------------------------------x


 - A U T H O R ' S   N O T  E  -


 DEDICATED KAY Ohohannah. Hannaaaaaah! Nakita ko rin ang wattpad acc mo haha. (Tho, di ko sure kung alam ko na dati pa, ulyanin talaga eh). Thank you talaga ng marami! See you soon at ang kyot talaga nung bidyu. Chos. Labyu. God bless ♥

PITCH BLACK. meaning: Completely dark.

Thank you sa mga matyagang naghihintay ng UD! Dun sa mga nagrereklamo, ayos lang. Hindi naman ako nag-uud kasi naiinip na kayo, nag-uud ako para doon sa mga naghihintay talaga. 4 hours ang pagitan ng kinalalagyan ko dyan sa Pinas ngayon. Ni wala akong laptop dito, nakikigamit lang sa nanay ko. So ayun, bye.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 62K 53
"How can we make this world better?" St Venille High just got blooder! A fresh batch of students got enrolled in the 6th class. In the bizarre world...
383K 1.7K 1
Ang University na ito ang namamahala upang tulungan ang napiling humanimal na protektahan ang mundo laban sa gustong sumakop nito. Humanimal, half hu...
1M 30.5K 50
You can understand the story without reading the whole Death Game series.
40.6K 256 13
#2 poem Nawili akong tumula, dahil naging malaya. Malayang iparamdam at ipagsigawan na ako'y lumaya. Sa mga salita, ako'y natutong magsalita. |Spoke...