Class 3-C Has A Secret 2 | co...

By enahguevarra

9M 155K 54.2K

"Because some secrets ... just might kill you." ••• Date started: January 29, 2013 Date finished: June 22, 20... More

C3CHAS TRILOGY
C1: Moriendo Renascor.
C2: Pity on me, Death.
C3: She, who forgets.
C4: Honor the vanquished.
C5: Doomed Reality.
C6: The thread of Death.
C7: Embrace your iniquity.
C8: Ballad of Death.
C9: Dreadful past.
C10: Sleuth.
C11: Know thyself.
C12: Lies.
C13: Incognito.
C14: Nostalgia.
C15: Truth be told.
C16: Lifeless. (part 1)
C17. Lifeless (part 2)
C18: Missing.
C19: The liar.
C20: Rules of the jungle.
C21: Hidden agenda.
C22: Judas' kiss
C23: Lost Alice.
C24: A friend and a foe.
C25: The unspoken truth.
C26: Paranoia
C27: The first weakest rabbit.
C28: Behind those lies.
C29: Lifesaver.
C30: The catastrophe of life.
C31: Ironic truth.
C32: Two black cats
C33: The white rabbit has the answer.
C34: The Prodigal son.
C35: Someone is back.
C36: The white rabbit.
C37: Friendship.
C38: Kill the Pillar.
C39: The clockmaker's daughter.
C40: Eliminate the wolves.
C41: Darkness
C42: Wolf's cry.
C43: Hunt the wolves.
C44: Alliances.
C45: Endgame
C46: Fade to black
C47: The Fall of the Pillar
C49: Pitch Black
C50: Hide and Seek.
C51: Turncoat
C52: Trust no one
C53: Friends do kill
C54: Dangerous
C55: An hour to live
C56: Pillar's Trap
C57: The End
EPILOGUE
Special Chapter: HANAKO
Special Chapter: Balot ba o Penoy?
C3CHAS Spin-Off

C48: START

96.1K 1.9K 268
By enahguevarra


"Death smiles at us all, all a man can do is smile back." ― Marcus Aurelius, Meditations

--------------------------------------------x

LUNA'S POV

 

"SIGURADO KA BA talagang mapagkakatiwalaan mo yang Raphael at Sapphire na iyan?" mukhang pang-apat na beses nang tinatanong ni Andy ito sa akin at hindi ko alam kung bakit hindi siya makuntento sa sagot ko.

Nakakairita lang.

"Nakakairita kang kausap." Tangi kong tugon.

"Nag-aalala lang siya, Luna," wika naman ni Nurse Tin na nasa tabi lamang ni Andy.

Anong pinag-aalala niya sa akin? Kaano-ano ko ba ang lalaking 'to?

"Kaysa sa nag-aaksaya tayo ng oras sa pag-uusap tungkol sa ganito. Pwede bang pag-usapan na lang natin ang plano nyo kaysa sa plano nila?" sabi ko naman.

Tumango sa akin si Andy saka nagsimulang magsalita, "Tulad ng sinasabi ko kanina, mas magiging maayos sana kung hindi na matutuloy ang party dahil ibig sabihin 'nun, hindi itutuloy ng grupo nila Miaka ang plano nila pero dahil sa itutuloy pa rin sa di malamang dahilan, kailangan din nating ituloy ang plano na naisip ni Nurse Tin."

Psh. Kahit kailan talaga, ang daming sinasabi.

"Pagkatapos ng gagawin nyo nila Sapphire. Papatayin muli ang lahat ng ilaw at kami naman ang gagalaw papunta sa mga killers. Habang wala silang kamalay-malay sa mga mangyayari, doon namin sila kukuhanin. Mukhang tapos na rin naman ang papel mo sa panahon na iyon sa plano ninyo nila Raphael di ba? Kaya pwede mo kaming tulungan?"

Tumango lang ako sa kanya.

Ilang minutong katahimikan ang nangibabaw sa aming tatlo hanggang sa may naalala ako.

"May binigay sa akin si Spade, isang envelope. Ang sabi doon, ibigay ko raw sa media ang envelope na iyon pero may nilagay siyang panahon. Mukhang hindi maaring buksan pero binuksan ko rin naman. Hindi ko mapigilan."

"Ano ang laman?" tanong ni Nurse Tin.

"Isang punit na papel. Ang nakakagulat, mga pangalan ng lahat ng parte ng Laketon, lahat ng sikretong opisyal pati na rin lahat ng kontribusyon nila."

Nanlaki ang mga mata ni Andy ng sinabi ko iyon. Mukhang alam na niya ang sinasabi ko dahil siya naman talaga ang unang nagbanggit nito sa akin.

"Lahat ng iyon, ilegal. Matataas ang mga ospital at kaya pala ganun kalakas ang kapit ng Laketon. Kaya pala kayang-kaya nilang magpalakad ng isang walang kwentang laro sa eskwelahan niya. At kaya pala, hindi siya natatakot." Nakapameywang kong sabi. "At kapag nailabas ito, lalo na't wala na si Mr. Laketon, agad na babagsak ang Laketon Academy. Matatapos na. Basta makaraos lang tayo sa darating na party," tuloy-tuloy kong sabi.

"At sa pagbagsak ng Laketon, babagsak din kayo Luna."

Napatingin ako kay Nurse Tin ng sinabi niya iyon. Pumaibaba ang tingin ko kasabay ng isang mabagal na pagtango sa kanya.

Madadamay ang repustasyon ng pamilya namin, ang Levesque dahil sa nasa pahina rin iyon ang pangalan ng stepdad ko. Sigurado talaga na madadamay ang lahat.

Pero ano nga ba ang magagawa ko? Kasalanan niya iyon.

Kailangan niyang magdusa.

"At gagawin mo nga iyon, Luna?" tanong muli ni Andy.

"Bakit naman hindi?" tugon ko.

"Magandang ideya pero mapagkakatiwalaan mo ba talaga yang Spade na yan? Bakit niya papabagsakin ang korporasyon ng sarili niyang pamilya?"

Tumingin ako nang deretso sa mga mata ni Andy, "Tanga man ang taong iyon pero iba naman siya sa tinuturing niyang tatay."

Sana.

Narinig kong tumawa nang mahina si Andy, "Masyado kang mabait, Luna."

Umirap ako sa kanya at binaling na lang ang atensyon ko kay Nurse Tin nang may naalala muli ako.

"Gusto ko lang itanong, Nurse Tin, hindi ba kayo ang batch noong may natagpuan na mga chop-chop na katawan sa Room-101A? Ano ang kwento tungkol doon?" tanong ko sa kanya.

Sa di malamang dahilan, para bang biglang nagdilim ang ekspresyon ng mukha niya ngunit tumugon naman siya agad sa tanong ko, "Finals na 'nun at alam mo naman sa rules of the jungle. Every finals, the jungle have to judge all the selected rabbits." Sa pagkakataong iyon, parang naluha naman siya. Ano ba talaga ang nangyari noon?

"Lumipas ang isang linggo, walang namatay sa aming mga selected rabbits. At tulad ng nasa rules ulit, 'Revenge is the key. Death is the punishment.' Tinipon lahat ng rabbits sa isang kwarto kasama kami at doon nagsimula ang paghihiganti namin. Sa lahat ng tao roon, kami lang ni Yuko ang nabuhay." Tumingin siya sa akin, "Talagang sinadya namin ni Yuko na matira hanggang sa huli dahil siya ang pinakamatalik kong kaibigan. Walang iwanan, hanggang sa dulo ... iyon ang sabi niya sa akin pero nagkamali ako."

Gusto ko pa sanang tanungin siya nang tanungin ngunit para isang maling ideya para gawin ko iyon. Bigla kasi siyang umiyak.

Napatitig kami ni Andy sa isa't-isa habang nagtataka sa kung ano nga ba talaga ang nangyari. Nagkibit-balikat sa akin si Andy kasabay naman ng pag-vibrate ng phone ko.

Agad kong sinagot ang tawag ni Raphael.

"Nawawala na si Sapphire."

Napangiti ako.

Magsisimula na.


SPADE'S POV


Kaharap ko ngayon si Miaka habang hawak niya si Kuro. Nakaupo ako nang maayos sa isang silya sa harap ng dining table at tahimik na lumalagok sa hawak kong soda. Ilang beses ko itong pinipisil sa pagpipigil sa inis.

Naiinis ako.

Naiinis ako dahil sa namatay yang lintek na Laketon na iyan.

Naiinis ako dahil kahit na wala siya, nileleche niya pa rin ang buhay ko.

Anong sinabi niya dati na wala akong makukuha na kahit ano sa kanya? Kung hindi siya nagsisinungaling noon ... bakit niya sa akin ipapamana ang buong Laketon Academy pati na lahat ng pagmamay-ari at negosyo niya?

Gustong-gusto niya talagang naghihirap ang mga tao sa paligid niya.

"Ayos ka lang ba Francis?" tanong niya.

Tumingin ako sa kanya at kahit na gusto kong sumimangot at wag siyang pansinin ay hindi ko magawa bagkus ay ngumiti ako at umiling, "Wala lang 'to Mia."

Ngumiti rin siya, "Excited na kong matapos ang lahat ng ito Francis. Babalik tayo sa dati. Mapaghihiganti na rin natin si Hanako."

Pinaghihiganti mo lang ang sarili mo. Hindi si Hanako. Hindi sa mga ginawa nila sa kanya kung hindi sa kung anong ginawa nila sa'yo at kung ano ang ginawa ni Hanako sa'yo.

Napailing ako sa mga naisip kong sabihin kay Miaka. Magagalit lang siya at kapag nagalit siya, magiging ibang tao na naman siya. Ewan ko. Hindi naman sa mukha siyang baliw na pinakita ang pangalawang sarili niya pero nag-iiba talaga ang aura ni Miaka. Nakakatakot.

Alam ko naman na mula pagkabata, medyo madamot na siya lalo na kung ako at si Hanako ang usapan. Ayaw niyang nakikipagkaibigan kami sa iba. Ayaw niyang nakikisalamuha at nakikipagtawanan kami sa iba. Ang gusto lang ni Miaka ... siya lang ang kaibigan namin dahil sa kami lang naman ang tinuturing niyang kaibigan.

Hindi ko alam na hanggang ngayon, ganito pa rin pala siya—ay hindi, mas lalo siyang lumala.

"Francis, ayos ka lang ba?"

Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya.

"Masyado ka atang seryoso ngayon? Nasan na ang Francis kanina na nagbibiro at tumatawa pa?"

Ngumiti ako at tumayo. Umarte na masaya. "Sinong nagsabi na seryoso ako? Naku nga, Mia, si Kuro lang ata ang seryoso lagi eh."

Ngumiti siya. Tumalikod. At sa pagtalikod, malakas niyang binulong, "Ayokong nagsisinungaling. Ayokong may nagsisinungaling sa akin. Ayaw mo rin iyon di ba ... Francis?"

Lintek na buhay. Kailangan ba ako makakatakas sa mga ganito. Sa totoo lang, hindi ko naman kailangan na sumama sa kanya. Hindi ko na kailangan na tuparin ang pangako ko dahil hindi lahat ng pangako, dapat tuparin. Hindi lahat ng pangako ay karapat-dapat na ipagpatuloy pa.

Pero naisip ko na baka kapag sumunod ako sa agos, maayos ko pa ang lahat. Susunod muna ako kay Miaka hanggang sa kaya ko na siyang pilitin sa mga bagay-bagay.

Ang importante ngayon, matapos muna ang laro nila.

"Oo naman Mia. Dapat totoo tayo sa mga tao. Dapat hindi tayo nagsisinungaling," tugon ko sa kanya.

"Mabuti naman Francis dahil si Hanako ... hindi niya nagawa iyan. Nagsinungaling siya. Niloko niya ako—tayo. Ngunit napatawad ko na siya mula pa noon dahil kaibigan ko siya. Tama naman ang ginawa ko di ba?" Sa pag-upo niya ay tumingin siya sa akin na para bang naghihintay ng sagot.

Tumango lamang ako.

"Kaya nga natutuwa ako ngayon na ayos na kaming dalawa. Pinatawad na rin niya ako Francis. Pinatawad na ko ni Hanako."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. May sasabihin pa sana siya nang biglang nagring ang phone na nasa mesa, ang phone na bigay sa kanya ng Sir Buendia dati pa para kontakin siya.

Ako ang lumapit para tignan ang message na iyon. Limang salita lamang ang nasa message ngunit nagbigay ng kilabot sa buong katawan ko.

'Nasa amin na si Sapphire.'


SAMANTHA'S POV


Pagkabukas ng pintuan ng kwarto ko, agad na bumungad sa akin ang kulay pink kong room. Ang dingding, ang sapin sa kama, ang side table pati na rin ang kurtina. Napahiga agad ako sa malambot na kama at napangiti.

Naalala ko kasi si kuya Blake. 

Tumingin ako sa pader na kaharap mismo ng kama ko. Nandoon ang ilang pictures ni kuya Blake. Wala, inspirasyon lang. Hindi rin naman pupwedeng makapasok ang mga tao dito sa bahay sa kwarto ko. Mahigpit kong bilin. Ayaw kong makita nila ito.

Sunod na hinanap ng mga mata ko ang cabinet ko. Tumayo ako at lumapit roon. Pagbukas ko,  isang matamis na ngiti na naman ang naipinta sa mga labi ko. Gustong-gusto ko ang amoy ng koleksyon ko mula pagkabata.

Tumingin ako sa mga damit at pumili ng pangtulog nang nahawakan ko ang isang kulay pulang dress ba susuotin ko sa nalalapit na malaking party sa Laketon. 

Hindi ko alam kung para ba talaga ito sa anniversary ng eskwelahan o baka nagdiriwang lang ang lahat ng staff ng Laketon sa pagkamatay ni Mr. Laketon.

Kung ganun nga, ang sama naman nila.

Patalon-talon pa akong bumalik sa kama at isa-isa kong nilapag doon ang hinuhubad kong damit upang makapagpalit. Pagkapalit ko, kinuha ko agad ang phone ko at tinawagan si kuya Blake.

"Hello kuya Blake! Kamusta? Nandyan ka ba sa lamay?" napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano? Bakit walang lamay? Ang alam ko--ang sabi sakin--"

Ngunit agad niyang pinatay ang tawag.

Sa pagbaba ko ng phone, agad akong nakaramdam ng kaba. Tumingin ako sa paligid.

May nakatingin sa akin.

Napatayo ako at muling inilibot ang mga mata ko sa apat na sulok ng kwarto ko.

"Sino yan?!" sigaw ko sa kung sino man.

Kinuha ko muli ang phone ko at agad akong nag-dial ng number niya ngunit hindi niya sinasagot. Napakagat ako sa labi dahil sa inis, sa kaba ngunit hindi ako takot. Alam kong ligtas ako sa bahay.

Napalingon ako sa may bintana nang may narinig ako na kaluskos. Kung kani-kanina 'y hindi ako takot. Para bang bigla kong kinain ang mga salitang iyon. Ngunit nilabanan ko iyon. Dahan-dahan akong naglalakad papalapit sa bintana. Bigla kong binuksan ang bintana ngunit isang itim na pusa na may pulang bilog-bilog na pulseras sa leeg niya.

Napasinghap ako sa inis. Bakit nandito ang pusang ito? Pano siya nakaakyat?!

"Shuuu!" pagtaboy ko sa pusa.

Imbis na umalis ay lumapit pa sa akin ang pusa. Dinilaan niya nang dinilaan ang braso ko at ilang saglit ay napaatras ako. Tumingin kasi sa akin ang pusa na may kakaibang kislap sa mga mata. Inilabas niya ang mga matatalim niyang ngipin at para bang kakagatin ako. Sa pag-atras ko ay para bang naalarma na rin siya at tumalon paibaba, Tinanaw ko siya hanggang sa makarating siya sa ibaba. 

Halos napalundag naman ako sa gulat sa paglingon ko. Muli akong napaatras dahil sa labis na kilabot na nadama ko.

Nasa sulok ng kwarto ang isang babaeng may maikling buhok, walang mukha o maari kong masabi na napakalabo ng mukha niya para makilala. Hindi rin malinaw ang suot niya, basta ang alam ko, kulay itim ito. May hawak siyang pulang lubid at ilang sandali ay lumalapit siya sa akin. Mabilis. Na para bang lumulutang. Pilit niyang inaabot ang pulang lubid. Sumigaw ako ngunit hindi siya mawala hanggang sa ilang dangkal na lang ang layo niya sa akin.

Sa pagpikit ko ay bigla akong napadilat.

Isang panaginip. Bahagya akong umupo at nakita ko na nakabihis pa rin ako ng pang-alis. Tinignan ko ang phone ko at nakita kong hindi pa ako tumatawag kay kuya Blake.

Sht. Nakakakilabot ang panaginip na yun ah?

Ang ,mas nagpapakilabot sa akin ay hindi lang basta tungkol sa panaginip. Kahit na malabo ang mukha ng babae sa panaginip ko. Kahit na hindi ko siya makilala roon. Pero alam ko--alam na alam ko .... si ate Hanako iyon.

Anong ibig sabihin ng panaginip ko na iyon? Lalo na yung sa pusa?

Nag-vibrate ang phone ko at isang message ang bumungad sa akin.

 --------------------------------------------x


 - A U T H O R ' S   N O T  E  -


Susunod na chapter na po ang party. Pasensiya na kung masyadong matagal. Mula March 21 ay nasa ibang lugar kasi at halos kakauwi ko lang noong isang araw. Basta intay lang sa ud hahahahaha. Thank youuuuu!

Comment for opinions at kung anu-ano. Pwede nyo akong i-PM dito if may tanong kayo. Di kasi ako nakakareply sa comments. Private message na lang para makita haha. 

Continue Reading

You'll Also Like

3M 72.4K 56
"Hindi lahat ng mabuti ay mabuti at hindi lahat ng masama ay masama" - Tiffany Rochefort Achievement - #1 in Mystery Thriller
WISH GRANTED By ♪

Mystery / Thriller

30.4K 2.2K 105
Enigma I ❝ they say that not all wishes come true... they are wrong. because with only some clicks, your desires will be granted with this app. but o...
963 97 63
Si Psyche Faith Dimagiba ang babaeng gagawin ang lahat para lang mapansin ng lalaking kanyang minamahal kaya naman ginamitan niya ito ng gayuma. Ngun...
654K 21.3K 28
This is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a...