CHAPTER 24 -- IN HER ROOM
KEIZER OLIVARES
Nung pumasok ako ulit sa loob ng audi after kong maka-usap si Sheri, hindi na ako bumalik sa stage. Nagmadali akong kuhanin lahat ng gamit ko.
“Keizer, ang galing talaga ng tandem natin,” sabi ni Angela nang makita nya ako sa backstage.
Hindi ko sya pinansin. I’m still thinking about Sheri. She’s not okay.
“Saan mo gustong kumain?” Tanong nya.
“Uyyyy! Muling ibalik!” Panloloko nung mga nandito sa aming dalawa.
Lumabas ako nang wala man lang akong pinapansin kahit sino.
“Keizer! Ano ba!?” Sigaw ni Angela.
Napatingin ako sa kanya pati yung mga taong nandito.
“Ano bang problema mo?” Naiinis na tanong ko.
“Bakit hindi mo ‘ko pinapansin?”
“Kailangan ba pansinin kita palagi?”
“Kausapin mo ‘ko ng maayos,” utos nya.
“Angela, I don’t have time for your drama. May hinahabol ako, and please stop this.”
Tumalikod na ako at nag-start maglakad. She hugged me from the back.
“Keizer, please, I’m sorry. Naka-usap ko na sina mommy at daddy regarding our relationship, pumapayag na sila,” sabi nya.
I took her hands off me and faced her.
“OUR relationship? May ganun pa ba tayo?” I told her mockingly.
“We’re gonna have it back.”
“Stop this nonsense. We’re done.” Umalis na ako ng tuluyan.
Tumakbo ako papunta sa office nila Sheri.
“Si Sheri?” Hingal na hingal na tanong ko kay Apple.
“Nagpahatid na sya kay Sam pauwi,” sagot nya.
“Sigurado ka?” Ang sabi ko sa kanya kanina, hintayin nya ako at ihahatid ko sya.
“Oo.”
“Thanks.” Sinara ko na yung pinto.
Pinuntahan ko sya sa bahay nila.
“Good afternoon po,” bati ko sa mama nya. “Umuwi na po ba si Sheri?” Tanong ko.
“Oo. Nasa kwarto sya nagpapahinga. Nahilo daw sya dun sa event kanina sa school,” sabi nung mama nya. “Pasok ka iho,” invite nya.
“Thank you po.”
“Gusto mo ba syang makita?”
“Pwede po ba?”
“Of course! Come here.” Umakyat kaming dalawa.
Tumigil kami sa tapat ng isang pinto at binuksan yun ng mama nya.
“O, pasok ka. Just leave the door open, ha.” Iniwan nya ako dun.
Pumasok ako sa kwarto nya.
Hindi mo maikakailang babae ang may-ari ng room na ito. Lavender ang pinta nung buong room tapos yung mga gamit dito madalas violet, yellow, pink at white lang. Pero mas lamang ang mga violet na gamit.
Malaki yung kama nya, white yung headboard at violet and yellow ang bed sheets. Nakadapa syang natutulog, pero yung mukha nya naka-side view.
Nilapitan ko sya at umupo ako sa gilid ng kama nya. Inayos ko yung buhok nya na naka-cover sa mukha nya.
I noticed na may luha dun sa mata nya na nag-flow hanggang sa may ilong nya. Pinunasan ko yun.
Bakit sya umiiyak?
The kiss?
So hindi sya nahihilo.
Pinanood ko syang matulog.
I’m sorry Sheri. Paulit-ulit na lang kitang nasasaktan.
Suddenly, gumising sya. Dahan-dahan nyang iminulat ang mga mata nya.
Tinitigan nya ako. Nagulat siguro sya na nandito ako ngayon.
“Kamusta ang pakiramdam mo?” Tanong ko.
“Bakit ka pa nagpunta dito? May CTHM Night pa kayo, di ba?”
“Uunahin ko pa ba yun kesa sayo?” Kahit hindi ako maka-attend dun, wala akong pakialam. Ang importante sa akin ngayon ay yung nararamdaman nya.
“Okay na ako. Hindi na ako nahihilo. Bumalik ka na sa school.” Utos nya.
“Hindi ka naman talaga nahihilo, eh,” I accused her.
Umikot sya sa kama nya at tumalikod sa akin.
Hinawakan ko ang balikat nya. “Sheri, di ba sabi ko sayo dati, sabihin mo sa akin lahat ng nararamdaman mo. Wag mong itago.”
Umupo sya sa kama nya at humarap sa akin.
“Sagutin mo ng totoo lahat ng itatanong ko, okay?” Sabi ko sa kanya. “Bawal magsinungaling.”
Tumango sya.
Nagtanungan kami, mata sa mata. Lahat ng tanong ko at sagot nya diretso lang.
“Nahihilo ka ba talaga kanina kaya ka lumabas ng audi?”
“Hindi.”
“Lumabas ka ng audi dahil dun sa pag-kiss ko kay Angela?”
“Oo.”
“Umiyak ka dahil dun?”
“Oo.”
“Nagseselos ka?”
“Oo.”
“Galit ka sa ‘kin?”
“Konti,” sagot nya.
“Konti lang?”
“Oo.”
“Bakit?”
“Kasi mas galit ako sa sarili ko.” Nagulat ako sa sagot nya.
“Bakit ka galit sa sarili mo?”
“Kasi hindi ko kayang tanggapin ang lahat ng nakikita at naririnig ko ng hindi ako nasasaktan ng sobra.”
“Ano bang naririnig mo?”
“Bagay na bagay daw kayo ni Angela, sayang daw dahil nag-break kayo at sana daw magkabalikan kayo. Pero ang pinakamasakit sa akin, yung marinig ko na mahal na mahal ka pa din nya.” Napaiyak sya nang sabihin nya yun.
“Sheri, naririnig mo lang yun. Wag mo silang pansinin kasi hindi nila alam kung anong meron sa ating dalawa.” I wiped her tears.
“Hindi mo naman maalis sa akin na hindi ko pansinin ang mga bagay na yun, eh. Syempre hindi ko naman maiiwasang hindi makarinig ng mga ganun at lalong hindi ko mapipilit ang sarili kong wag akong masaktan.” Tuloy lang ang patak ng luha nya.
“Sheri, may itatanong ako sayo ulit. I want you to give me an honest answer.” Hinawakan ko yung pisngi nya at tumingin sya sa mga mata ko.
Hinihintay nya yung itatanong ko.
“Mahal mo ba ako?”
A piercing silence followed.
She sobs. “Sob--sobra.” Her voice broke and she burst into tears.
I pulled her arm and hugged her tightly. She wrapped her arms around me and continued crying.