Destined Fate

By marwawang

135K 3K 474

"She deserve to live, but fate killed her." She said as she closed the book ending the magic. More

First Page
Chapter 1: Dream?
Chapter 2: CL.OH.TB.FS.WL.
Chapter 3: Same people?
Chapter 5: Officially Enrolled
Chapter 6: Hangin Ulit
Chapter 7: EA Games
Chapter 8: Jamaica Taylor
Chapter 9: Ice Shield
Chapter 10: Pink
Chapter 11: First Warning
Chapter 12: The First POV
Chapter 13: Uncontrollable
Chapter 14: Sudden Treat
Chapter 15: Killing Curiosity
Chapter 16: Switch Settings
Chapter 17: Kylie in Light
Chapter 18: Dark King's Princess
Chapter 19: I Like You
Chapter 20: Casting System
Chapter 21: Find The Exit
Chapter 22: Royal Section
Chapter 23: Fire Prince?
Chapter 24: Cold Bodies
Chapter 25: Unexpected Revenge
Chapter 26: Mission
Chapter 27: Still Fragile
Chapter 28: 30th Day
Chapter 29: His Point Of View
Chapter 30: Good Prince
Chapter 31: The Fate
Chapter 32: In The Dark
Chapter 33: The Missing Princess
Chapter 34: Unacknowledged Past
Chapter 35: I'm Not Gay
Chapter 36: Kingdom of Crystals
Chapter 37: Queen Asha's Story
Chapter 38: Mr. Tee's First Lesson
Chapted 39: Then All of the Sudden...
Chapter 40: Celestia
Chapter 41: 3rd Person
Chapter 42: Slaying a God Makes You a God

Chapter 4: Missing Baton

5.3K 147 52
By marwawang

Jamaica Villanueva




Pare-pareho sila ng mga mukha. Ang pinagkaiba lamang ay ang kulay ng kanilang balat, mata, at buhok.

Pinalibutan nila akong apat. Habang nakangisi. Una akong napatingin kay "Erhana... Danaya... Islander.."

Bumaling naman ako sa tatlong lalaki. "Tyrone Taylor.. K-keith Phiro.." Nauutal ako habang tinitignan ang nakakunot ang nuong si Keith.

Nakakapanibago, parang ang manly niya. Hindi siya Babakla-bakla, iba ang aura niya ngayon. Its kinda new lalo na't sanay ako sa bakla niyang anyo.

At napatingin ako sa aking likuran. Habang tinitignan ko ang kaniyang mga mata ay parang may spark.

"Z-zachary.... Shadows.." Parang may kumikinang, na di ko alam kung paano ipahiwatig.

'Magkaiba sila, Jamaica. Wangis lamang ang pareho sa kanila.' Biglang sinabi ng aking kaluluwa.

Tumingala ako, mas nagiging attractive tignan si Zach dahil sa piercing niya na kumikinang. Shet!

Ilang minuto pa akong tumitig, hanggang sa tumikhim si Erha, na kumuha sa aking atensyon.

"Kailangan na nating bumalik sa Light. Tapos ko nang linisin ang mga sugat at dugo dito, ni isa walang nagamot ang aking kapangyarihan. Damn! I felt like I was so useless for the nth time!" Naiinis nitong turan at frustrated na ginulo ang buhok.

"Erha's right. Let's teleport nalang para mas mapadali ang pagbalik sa Light. And besides, kailangan mo nang mag-enroll Jamaica. Last week pa ang pasukan. Mabuti nalang at napaaga ang pagpunta mo dito." Malamig ang tinig ni Tyrone habang sinasabi niya ito.

Nakita kong naunang nag-teleport si Erha. Kulay-kape ang dust na lumitaw pagkatapos niyang mawala.

Nakangisi si Keith at Tyrone habang sabay na naglaho. Napa tingin ako kay Zach, na seryoso akong tinititigan habang nakapamewang at nakasandal sa malapit na puno.

Naintindihan niya siguro ang nais ipahiwatig ng aking mga tingin kung kaya't umirap ito at lumapit sa aking gawi.

''Damn, girl. You dont know how to teleport?" Inis niyang tugon. Dahan dahan akong tumango.

"O-oo hehe." Sagot ko.

"Tss. Kumapit ka." Iritado niyang sabi at ipinatong ang aking kanang kamay sa kaniyang balikat.

Napasinghap ako ng wala sa oras. Nandun na naman ako sa feeling na nay something, hindi patatas.. Kundi kuryente! Shet!

"Kumapit ka lang, in less than a second, mararating na natin ang Light. Kaya wag kang malikot." Napansin niya ata na medyo nanginginig at balisa ako.

Maging ako ay hindi alam kung bakit ako nagkaganito.

Gayunpaman, narating namin nang matiwasay ang Light. Sa unang pagtapak ko sa lupain nito, kakaiba na ang aking naramdaman. Pinagmasdan ko and kabuuan ng lugar.

Its not as magical as the fairytail books tells me. It looks normal, just like Earth.

Ang pinagkaiba lamang ay, may magic dito. And that makes this world unique.

Nilasap ko ang hangin. Napakalamig at napaka-kumportable.

"Hey. Kailangan muna kitang iwan dito. I have some important matters to do. Pumunta ka nalang sa Light Academy, is it okay?" Parang nalungkot ako sa kaniyang pagpapaalam. Pero tumango ako at pilit na ngumisi.

Siya naman ay seryoso ng nagteleport.

Hmm.. Anong magandang gawin? Maglakad-lakad nalang kaya muna ako? Nice, nice.

"Lola, ano ho ito?" Mangha kong tanong sa nasa mid's 50 na ata na babae habang tinuturo ang isang stick (more like a wand kung tignan) na lumulutang habang kumikinang.

Nagulantang ang ginang at lumapit sa aking gawi habang tinitignan ang bagay na aking tinuturo. Bahagyang nakakunot  ang kaniyang nuo.

"Hindi mo alam kung ano iyan hija?" Gulat niyang tanong. Ako naman ay naguguluhang napatango.

"Opo. Ano po ba ito? Nakakamangha! Lumulutang! Well, ano ba namang aasahan ko sa lugar na puno ng mahika." Kibit-balikat kong turan.

Mula sa pagkakunot ng nuo ay ngumiti ang ginang. "Nasaan ka nanggaling, ineng? Wala kang alam sa kapangyarihan gayundin sa Baton subalit naamoy ko sa iyong dugo ang Light Mage. Kung kaya't pagkakalooban kita ng libreng baton ng sa gayon ay bumukas ang iyong isipan sa mundo ng mahika."

"A-ahh. Nanggaling po ako sa Earth, at s-salamat nalang po pero di ko matatanggap ang alok niyo. Hehe." Nagkamot ako ng ulo at nginitian ang ginang.

"Wag kang mag-alala ineng, wag mahiya. Tanggapin mo ito bilang malugod na regalo ko sa iyo!" Ngiti niya at inabutan ako ng baton. (Another term for wand, maybe ito ang nakasanayan nilang pangalan.)

"Naku! Maraming salamat po talaga!" Sabi ko ulit at yumuko. Gayunpaman, nagpaalam na ako sa ginang.

Ano kaya ang meron sa baton at meron ang mga mages nito? Akala ko ba witch lang ang may nga ganito?

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad kahit naguguluhan pa rin ako. Marami pa akong nakitang iba't ibang bagay na bago sa aking paningin pero isinawalang bahala ko na ito, kailangan ko ay angkop na tirahan, trabaho at ilan pang mga bagay na kailangan upang ako ay mabuhay dito.

"Ahh kuya, saan ang daan patungo sa Light Academy?" Kaswal kong tanong.

"Dumiretso ka, tapos lumiko sa kanan, then sa kaliwa, kanan na naman then sa kaliwa tapos diretso diyan, makikita mo ang lagusan patungo sa Light." Sabi niya. Tumango na lang ako at nagpasalamat. Hawak hawak ko pa rin ang aking baton.

Diretso.. Lumiko sa kanan.. Hmm... Then sa kaliwa.. Kanan... Kaliwa.. Kanan then diretso.

Siguro ay tama ang tinurong direksyon ng lalaki, sapagkat natatanaw ko ilang metro mula sa aking kinatatayuan ang isang puting lagusan (more like a gate, siguro ganito ang tawag nila rito).

May banner-like na bagay sa taas ng gate na kumikinang, mas lalo itong nagiging attractive tignan dahil tinatamaan ito ng sikat ng araw.

Bumuntong hininga ako at inayos ang sarili, obvious naman na magulo at madumi pa rin akong tignan ngayon, pero wala akong ibang choice. Ito ang sinabi ni Zach sa akin kanina.

Tumikhim ako upang makuha ang atensyon ng bodyguards (o kung meron man) sa loob. Pero walang nakapansin kung kaya't minabuti kong maghintay nalang muna.

Inabot ako ng mga ilang minuto hanggang sa napagpasyahan kong pumasok nalang.

Inuna kong pinasok ang aking kamay at kakaibang hangin ang naramdaman ko, nakakapangilabot. Nakakatindig balahibo. Gayunpaman. Minadali ko ang pagpasok.

"Aray!" Daing ko nang bigla akong mahulog sa tapat ng isang puno. Sht! Ang sakit sa likod. Huhu! Ilang kamalasan ba ang nangyari sa akin ngayon?

"Okay lang ho ba kayo ma'am?" Tanong ng isang lalaking napadaan. Hindi ako sumagot kaya tinulungan niya akong makatayo.

Naglabas siya ng kulay-kape na mahika at pumunta ito sa aking direksyon.

At sa isang pitik, naglaho lahat nang aking sugat at sakit sa katawan. "Ma'am, dadalhin ko na ho kayo sa Dean's Office upang makapag-enroll." Sabi nito at naglakad. Sumunod naman ako.

"Sino ka po ba, kuya?" Taka kong tanong dahil ang cool ng kapangyarihan niya.

"Ako si Ace. Maa-ACEahan sa panahon ng kagipitan , isa sa mga punong kawal. Land manipulator major in healing so healer ako. Alam kong newbie ka dahil bago ka lang sa paningin ko." Paliwanag niya na parang nababasa kung ano man ang nasa isip ko. Kumindat pa ang loko!


Napatango na lamang ako at tumahimik na habang nagtatakha kung bakit naglaho ang regalong baton ng ginang.

Continue Reading

You'll Also Like

286K 6K 33
WATTPAD BOOKS EDITION You do magic once, and it sticks to you like glitter glue... When Johnny and his best friend, Alison, pass their summer holid...