Hate Series 1: Raven Rei Chui

By divine29shewaram

532K 13.3K 484

"Loving you is the greatest mistake that i have ever done. Kaya hinde na ko magtatangkang gawin iyon muli dah... More

author's note
prologue
main character of this story
raven
birth of hatred (flashback)
jealous jerk (back to reality)
taking what's mine
war
roux regrets
truth
akin ka lang
hurt and hatred
confrontations
another revelation
my friend's home
rouxie&gideon
sister's regret
creating a bond
betrayal
no escape
sexy morning
dinner disaster
Regret for breakfast
Him and her
renrei falls.
forgiving?
scared
option
Questions
punishment
punishment 2
she got back
three Queens
the finale
special chapter.
special chap.

2 weeks

12.5K 315 30
By divine29shewaram

Raven pov

Nakatingin lamang ang lahat sa akin habang lumuluha na si donya Carla, kahit ako man ay nararamdaman na rin ang pag-agos ng luha mula sa aking mga mata pero wala na akong pakealam kung isipin nilang mahina pa rin ako ngayon sapagkat galit ako at gusto kong ilabas ang lahat ng hinanakit ko. Naisip ko rin kasi na hindi naman pwedeng lagi kong itago mula sa kanila ang aking galit, because slowly it's killing me.

"Lahat na lang si Janelle! Lahat na lang siya ang magaling, I'm always hidden from her shadow! Tanong ng tanong ako kay mama bakit ni minsan hindi ngumiti si lolo sa'kin? Bakit parating may galit ang tingin ni tito Archie sa'kin?! Bakit si lola hindi man lang ako pinapansin? Bakit ilag ang lahat ng tao sa'kin? Bakit ako lagi ang mali? Bakit ako na lang lagi ang nasasaktan? at bakit ako lagi ang hindi nakakaranas ng pagmamahal? Masakit dito! Masakit! " Dinuro-duro ko ang dibdib ko habang nanlalabo ang paningin ko pero hindi ko inaksayahang punasan ang mga luhang tumakas mula sa aking mga mata. Nakakapagod na e' hindi ko na alam kong hanggang kailan ko gagawin 'to sa sarili ko. Itong mga paghihirap lalo na 'yung lagi kong pasan ang bigat ng lihim na meron ang dating Rei.

"A-anak h-hindi ko a-alam.." Nanghihinang sabi ni Archie pero umiling lamang ako, as those dark secrets I have is drowning me deeper, kung saan wala akong magawa kundi yakapin ulit ang dati kong katauhan. I am talking for her, the woman who locked herself from everyone, a woman who cried for help, who cried for everyone to love her back and accept her not because they need to, kundi iyon talaga ang nararamdaman nila.

"Hindi mo alam? Pero kahit bilang pamangkin mo at isang Chui sana tinuring mo pa rin akong kasapi ng pamilya n'yo! Tao ako! Pero ang turing n'yo sa'kin ay mas masahol pa sa hayop. " Sinamaan ko silang lahat ng tingin, inisa-isa ko ang bawat taong nanakit sa akin I want to see those eyes who made me kneel, mga matang mapanghusga at mga matang noon ay puno ng pandidiri akong tinititigan. But now? Hindi ko na alam ang gagawin o mararamdaman sapagkat ang nakikita ko lamang sa mga mata nila ay ang pagsisisi at sakit, hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba o magwala ako sa harap nila. Ang hirap kasi e' sobrang hirap, dahil bakit ngayon pa? Bakit ngayon ko pa iyan nakita.

"Pero nagsisisi na kami Rei we want you to be part of our family." Madamdaming sambit ni Janelle as tears join her words. Naninikip ang dibdib ko, seeing her like that made my inside scream telling me to stop this torture ngunit hindi iyon ang tamang gawin dahil mahirap magpatawad sobrang hirap lalo na't sobrang hapdi ngayon ng mga sugat ko na muling nagbukas at malaya nilang nakikita.

"Then I don't want to be part of your family. Wala akong pakealam kung nagsisisi kayo dahil alam kong panandalian lang 'yan, alam ko kasing kaya n'yo iyan ginagawa ay dahil may kailangan kayo sa'kin! At sinabi ko na nga 'di ba? handa kong ibigay ang shares ko sa inyo. Iuwi n'yo lang ako! Kaya pwede ba tama na itong kalokohan na ito tapusin na natin 'to at nang mawala na ang peste sa buhay ko." Muli'y lahat sila ay nawalan ng imik, habang nagkaroon naman ako ng pagkakataon na punasan ang mukha kong basang-basa na ng luha. Oo nangako akong gaganti ako pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga nangyayari at 'yon ang mas nagpaparamdam sa akin ngayon ng mga emosyon na hindi ko alam kung hanggang kailan ko mapipigilan ang mga iyon dahil ngayon pa lamang ay gusto ko nang sumabog sa sobrang sakit.

"So ayaw n'yo?" mapang-uyam na sambit ko at napansin kong umiwas lamang sila ng tingin kaya natawa ako ng mahina bago muling magsalita.

"Sabihin n'yo lang kung anong kailangan n'yo at ibibigay ko makawala lang sa lugar na ito." Agad na tumalikod ako sa kanila at tumakbo ako papuntang kwarto. Habang tumatakbo ako ay paunti-unting nagsibalikan ang mga masasakit na nakaraan na parang bangungot na naging dahilan upang mapahagulgol ako. Nang marating ko naman ang kwarto ay agad na pumasok ako at sinarado ang pinto ngunit kasabay rin ng ingay na narinig ko nang magsara ang pinto ay ang panghihina ng aking katawan, kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan na akong napasandal sa nakasaradong pinto saka napapikit.

"I am so tired of this pain.." Mahinang saad ko, at dahil sa mga naganap ay hindi ko na alam ang gagawin ko, hell! kung bakit kasi ang tanga ko. Inakala ko pang kapag bumalik ako rito ay makakaganti na ako ngunit nagkamali ako dahil ako pa ata ang mahihirapan ngayon dahil nang makita ko sila bumabalik ang lahat ng sakit at unti-unting natitibag ang pader sa puso ko na ilang taon kong binuo.

Every words I uttered came out like Rei is begging again for them to see her, nakakainis kasi kahit naging Raven na ako ay baki ganito pa rin? Bakit nasasaktan pa rin ako sa bawat hakbang na ginagawa ko.

"Mahal na mahal kita anak.." Sobrang sakit kung kailan kailangan ko ng pamilya na siyang makakayakap at magpapatahan sa akin ay siya namang pagsampal sa akin ng katotohanan na noon pa lamang ay wala na akong pamilya at ang nag-iisang taong nagmamahal sa akin ay maaga na ring binawi mula sa akin, namatay siya dahil sa hirap na dinanas niya mula sa mga pamilyang dapat tinanggap kami at tinulungan.

Pero sa totoo lang hindi ko na alam kung gumaganti na ba ako o hindi, kasi sa mga nagaganap ay ako rin naman ang nasasaktan, which is not right, dapat ako 'yung nagsasaya pero hindi e' ako pa ngayon ang lugmok sa isang tabi at umiiyak.

Natigilan ako ng makarinig ako ng mga papalapit na yapak at huminto iyon sa harap ng pinto ng kwartong kinalalagyan ko ngayon.

"Alam ko ate na masakit ang mga ginawa namin. Pero h-hindi naman namin ginawa ito para makuha ang shares o kung anong meron ka. Ginagawa namin ito dahil nagsisisi kami at gusto naming makabawi sa'yo.." Pinakinggan ko lang ang mga sinasabi nito. Hindi ko alam kung maniniwala ba ko pero ang daming nangyaring masasakit sa nakaraan ko. Sa nakaraan na ni minsan hindi ko sila nakasama o ni minsan hindi nila ako sinamahan at sinabihang magigng okay lang ang lahat dahil andiyan lang sila, andiyan lang sila para suportahan ako at tanggapin ako bilang isang pamilya. So because of that I am not ready to forgive at mas lalong hindi pa ko handa na magtiwala ulit.

"Ate, p-please kahit dalawang linggo hayaan mo kaming ipadama sa'yo na parte ka ng pamilya namin at sa gano'ng paraan ay makabawi naman kami at kapag natapos ang dalawang linggong 'yon papakawalan kana namin at sana magawa mo na kaming patawarin." Natulos ako dahil sa narinig kong pahayag nito.

Makakaya ko ba silang pakisamahan ng dalawang linggo? Ngayon pa lang halos magwala na ako. Kaya ko ba? Pero iyon lang ang paraan para makaalis ako rito. Sabi niya papakawalan nila ako oras na matapos ang dalawang linggo pero mukhang ang hirap gawin iyon. But I need to make them trust me nang sa gano'n ay makaisip ako ng paraan at plano na makawala sa lugar na ito.

'Sige lang tingnan lang natin kung makatagal sila sa presensiya ko. Iinisin at gagalitin ko sila para lumabas na ang tunay nilang anyo! Deceiver, liar and a fucking demon! At kapag mapagod na sila alam kong sila mismo ang magbabalik sa'kin sa Manila.' Napangisi ako sa naisip ko. Humanda sila! I've never been called Vengeful Queen for nothing.

So I compose myself sak ko binuksan muli ang pinto just to face this woman whom i shared the same blood. I grin while looking at her face, her eyes is red from crying. Bakit ba ang galing umarte ng babaeng ' to?, ewan ko ba parang pinipiga ang puso ko sa nakikita kong lungkot sa mga mata nito namimihasa na talaga itong babaeng 'to bwisit! Pero kailangan kong pigilan ang sarili ko, sapagkat ayokong maulit pa ang pagkakamali ko kahapon dahil nang sundin ko ang puso ko ay ito ang kinalabasan. I am now trap in this freaking island na hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo matatagpuan.

"Ok listen, papayag ako pero huwag mong i-expect na magiging maganda ang pakikitungo ko sa'yo o sa iba mo pang kasama. At saka gusto kong panindigan mo ang sinasabi mong ibabalik mo ako pagkatapos ng dalawang linggo." Akala ko masasaktan ito sa paraan ng aking pananalita pero hindi ko napaghandaan ang sunod nitong ginawa, she widely smile and hug me. I was stunned by her action at hindi ko alam kung anong dapat gawin panandalian akong nawalan ng wisyo.
"Thank you ate!" Masayang sambit nito na kinahimasmasan ko kaya agad na tinulak ko ito dahil hindi kasi pwedeng makipaglapit ako rito, saka isa itong kalaban na dapat gagantihan ko kaya wala sa option ang basta ko na lamang itong yakapin pabalik o tanggapin.

"Dont touch me AGAIN!" Galit na usal ko saka ang kapal ng mukha ng babaeng ito para yakapin ako. Hindi naman porke't tinanggap ko ang gusto niya ay pwede na niya ako yakapin kung kailan niya gusto at umakto pang tila isa kaming masaya at close sa isa't isa.

"I-i'm s-sorry.." Nauutal nitong sabi na kina-irap ko.

"I want to rest pwede bang umalis kana?" I know that I'm treating her like a trash right now but I need to do it. Kailangan kong maka-survive rito ng dalawang linggo at magagawa ko lang 'yon kung iwawaglit ko ang nararamdaman kong pangungulila sa sarili kong kapatid sapagkat ayokong umuwing luhaan. Ayokong bumagsak lang ako muli sa lugar kung saan wala akong ibang kasama kundi ang aking mga luha.

"S-sige-" hindi ko na ito pinapos sa pagsasalita dahil sinara ko na ang pinto at napabuntong-hininga ako shemay! Nakakastress langhiya.
Sana lang mapanindigan kong hindi magpapaapekto sa kanila dahil ngayon pa lang ramdam ko na ang unti-unting paglambot ng puso ko kay Janelle at masamang balita iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

180K 3.2K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
35.5K 1K 24
Leandro Buenaventura, a well-known certified Playboy. He loves to play girl's heart and left them after he got what he want. Hindi uso sa kanya ang '...
156K 4.2K 26
Trail never liked his controlling parents. Ngunit gaya ng palagi nitong itinatatak sa kukote nilang magkakapatid, hangga't nasa puder sila ng mga mag...
893K 14.6K 36
COMPLETED(R-18)TAGALOG.FOR MATURE READERS ONLY. ****All Rights Reserved 2016