Hello, Daddy

By starlighteuuu

625K 12K 480

Pano na lang kung malaman mo isang araw buntis ka at ang malala pa King of Campus ang ama ng batang dinadala... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Epilogue

Chapter 35

19K 342 17
By starlighteuuu

Napangiwi na lang ako sa mga pagkaing nakikita ko sa harap ko. 2 months na simula ng grumaduate kami. Medyo malaki laki na rin ang tyan ko. Feeling ko nga tumataba ako dahil sa mga hinahain sakin ni Mama araw araw. Para akong bibitayin sa mga pagkain.

"Serina, ubusin mo lahat yan. Hindi mo ba tinatandaan yung bilin ni Xander sayo?" naiinis na sambit ni Mama. Si Xander ay nagtatrabaho na at dito na rin siya natutulog, ayaw kasi ni Mama na malayo ako sakanya dahil malulungkot lang daw siya kung magisa lang daw siya dito sa bahay. Naintindihan ko naman kaya pumayag ako. Ayoko rin namang iwan si Mama dito.

Maggagabi na at parating na rin siguro yun si Xander. Kumain na lang ako kahit wala akong gana. Mas gusto ko lang humiga at magpahinga feeling ko kasi ang bigat bigat na ng tyan ko kahit limang buwan palang ito.

Bigla naman bumukas ang pinto at nakita ko agad si Xander. Ngumiti agad siya ng nakita ako at lumapit sakin. Bigla naman siya akong hinalikan sa pisngi na lagi niyang ginagawa tuwing paguwi niya. Argh! Kinikilig parin ako kahit kailan. Hindi na 'ko nasanay sa mga ginagawa ni Xander.

"Kamusta ang baby 'ko?" Ngumiti siya sakin at binaling ang tingin sa tyan ko. Agad naman nawala ang ngiti ko kanina. Akala ko tuloy ako ang sinasabi niyang 'baby'

"Tignan mo baby oh, nagseselos si Mommy Serina." Pangaasar niya sakin. Inirapan ko lang siya at kumain ulit. Hinarap naman niya ang mukha ko sakanya kahit ngumunguya pa ako.

"I love you" bigla naman naginit ang pisngi ko sa sinabi ni Xander. Muntik ko pang mabuga yung kinakain ko sa mukha niya buti na lang napigilan ko pa. Pano kasi bigla bigla na lang nagsasabi ng ikakakilig ako.

Nilunok ko naman agad ang nginunguya ko saka pinalo siya sa braso. Tumawa lang siya at nakikain na rin.

"Mama, sumabay na po kayo samin kumain" sambit ni Xander kaya lumapit na samin si Mama. Napangiti ako dahil nandito ang mga mahal ko. Wala na nga talaga akong hihilingin pa.

Matapos kaming kumain feeling ko sobrang bigat ko. Kaya nauna na akong umakyat para magpahinga. Bawal daw kasing magpuyat baka daw makasama kay Baby. Kaya maaga ako parating natutulog. Naghalf bath lang ako tsaka dumeresto na sa kama.

Napatingin ako sa kisame at inaalala lahat ng mga nangyari sa akin. Akala ko hindi ko kakayanin lahat ng sakit at pagod na naranasan ko noon. Hindi ko inakala na magiging maayos ang lahat hindi pala maayos kundi naging perpekto na. Hindi ko man nakita si Papa nagpapasalamat na rin ako sakanya dahil alam kong mahal na mahal niya kami ni Mama at babantayan niya lang kami.

Lalong lalo na si Xander. Hindi ko inaakala na makikilala ko ang kagaya niya. Akala ko puro kalokohan lang ang alam niya sa buhay. Hindi ko rin inakala na mamahalin ko ang lalaking iyon. Oo bwisit na bwisit talaga ako sa pangtitrip niya sa 'kin noon pero sa pangtitrip niya na yun ay nahulog ako. Nahulog ako sakanya ng hindi ko namamalayan. At masayang masaya ako ngayon dahil kasama ko na siya.

"Wag mo na akong isipin, nandito naman ako" napatingin ako sa pinto at nakita ko si Xander na nakashorts lang at walang pangitaas na damit.

"Magdamit ka nga!" sigaw ko sakanya at binato ko yung unan na katabi ko. Tumawa lang siya at parang hindi narinig ang sinabi ko, kundi lumapit pa siya sakin.

"Bakit pa ako magdadamit, nakita mo na—" hindi ko na siya pinatapos magsalita at agad kong nasuntok ang ilong niya.

"Hala. Xander hindi ko sinasadya, sorry" napatakip ako ng bibig ko ng makita ko siyang hawak hawak ang ilong at nakayuko. Napakalakas ata ang suntok ko siya at parang namimilipit siya sa sakit. Nilapitan ko siya at pilit tinatanggal ang kamay niya.

"Xander, sorry.." Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakayuko parin siya. "Sorry.." Napayuko na rin ako.

Nakarinig naman ako ng mahinang tawa kaya napatingala ako. Tumatawa lang siya kaya agad ko siyang inirapan dahil pinagtitripan nanaman niya ako.

Naalala ko pa yung pinagtripan niya rin ako isang beses. Nakita ko kasi siyang nasa cr at sobrabg daming dugo ang nasa pulsuhan niya. Alalang-alala pa ako nun dahil akala ko nawalan siya ng malay sa sovrang daming dugong lumabas sakanya. Saktong wala pa si Mama nun at may pinuntahan. Umiiyak na ako nun ng pinupunasan ang pulsuhan niya. Tapos narinig ko siyang tumatawa kaya napatingin ako sakanya. Tuwang tuwa pa siya sa ginawa niya. Umiyak iyak pa ako tapos pinatripan niya lang pala ako. Ilang araw ko din siyang hindi pinansin nun.

"Hindi ka nakakatuwa" sambit ko saka tumalikod na sakanya. Akala ko naman dumugo na ang ilong niya dahil sa pagsuntok ko. Naramdaman ko na lang na humiga rin siya. Nanlaki naman ang mata ko ng bigla niya akong yakapin mula sa likod.

"Sorry. Hindi ko na uulit yun. Ayoko ng hindi mo ko kinakausap. Hindi ako sanay na hindi naririnig ang boses mo." Sambit niya habang hinahaplos ang buhok ko. Kinilig naman ako sa sinabi niya kaya humarap ako sakanya. Hindi ko napigilan ang ngiti ko. Ngumiti rin siya saka niya ako hinalikan sa noo. Napangiti na lang ako tsaka niyakap siya. Ang sarap sa pakiramdaman habang kayakap mo yung taong mahal mo.

Napapikit na rin ako dahil inaantok na ako. Hinayaan ko na lang sa tabi ko si Xander. Ngayon lang kami magtatabi simula ng dumating siya dito. Hindi pa nga rin ako sanay kaya sa lapag siya natutulog. Pero hahayaan ko muna ang sarili ko habang kayakap siya ngayon.

"I love you, Serina." sambit niya na ikinangiti ko.

                                ~*~

Nagising ako at bumungad agad sakin ang mukha ni Xander na mahimbing na natutulog. Sobrang tangos ng ilong niya at ang haba ng pilikmata niya. Idagdag mo pa ang pink niyang labi. Hays nakakaadik na yata ako sa lalaking to. Kaya kahit pagmasdan ko lang siya buong araw ay hindi ako magsasawa.

"Alam kong gwapo ako" napabalikwas ako ng magsalita siya. Minulat naman niya ang mata niya saka ngumiti. "Goodmorning loves, Goodmorning baby" sambit niya at lumapit sakin at hinalikan ang tyan ko.

"Loves?" Kunot noong tanong ko. Tumango naman siya at tumayo sa kama.

"Oo, ikaw loves ko" kung pwede lang magtitili ngayon ay ginawa ko. Bakit ba kasi ganto magpakilig ang lalaking to. Hindi makatarungan. Umagang umaga binabaliw nanaman niya ako.

Inirapan ko lang siya at lumabas na ng pinto. Pero ilang sandali lang ay binuksan niya ulit yon.

"Loves" sabay kindat niya at mabilis na sinara ang pinto. Narinig ko pa ang tawa niya mula sa labas. Magtata-talon na sana ako sa kama kaso inisip ko muna ang kapakanan ni Baby baka isipin niyang lumindol at maalog pa siya sa loob kaya wag na. Tumayo na lang din ako at bumaba.

Gising na rin si Mama at may nakahain ng pagkain. As usual ang dami nanaman. Si Xander ay kumakain na din dahil maaga pa ang trabaho niya. Kumain na rin ako dahil nagutom ako bigla sa mga pagkain.

"Ma? Diba ngayon pupunta sila Zoey tsaka Tito?" Pagtatanong ko kay mama kaya napatingin siya sakin.

"Hindi daw sila makakapunta dahil may aasikasuhin ang Tito mo. At si Zoey ay may pupuntahan daw na katrabaho" sambit ni Mama kaya bigla akong nalungkot. Namimiss ko na rin si Zoey kaso lang may trabaho siya kaya bihira na lang dumalaw. Kaya akala ko pupunta sila ngayon. Si Travis naman sobrang busy dahil sa trabaho niya rin. Namimiss ko na tuloy ang mga yon.

"Serina, Anak may pupuntahan pala ako. Ikaw muna ang bahala dito sa bahay" sambit ni Mama saka ako tumango. Natapos na kaminv kumain at umalis na din si Mama agad. Nagmamadali ata at ang aga aga pa.

"Hindi ka ba papasok?" Tanong ko kay Xander habang nanonood sa TV. Umiling lang siya. Magkatabi lang kami at kanina pa siya tingin ng tingin sa cellphone niya. Ngumiti ngiti pa siya at parang ang saya saya nila ng kausap niya. Bigla naman akong nainis dahil kanina niya pa ako hindi pinapansin. Kanina pa rin siya pindot ng pindot sa cellphone niya.

Hindi naman sila naguusap ng girlfriend niya dati diba? Hiniwalayan na daw niya ito noong nagusap kami nung gabing sinabi niya ang lahat sakin. Alam kong nagsasabi niya noon ng totoo pero sino namn kaya ang kausap niya. Biglang nagring ang cellphone niya kaya mabilis siyang tumayo at lumabs ng bahay. Aish! Baka katrabaho niya lang yun. Hindi naman ako nagseselos, basta naiinis lang akong may kausap siyang iba at ngumiti ngiti pa siya.

Mga ilang minuto rin bago siya pumasok ng bahay. Hindi parin mawala sa yung ngiti niya. Dinaanan niya lang ako at umakyat sa itaas. Nagsimula na akong kabahan. Medyo matagal tagal rin siya sa itaas. Tatayo na sana ako ng makita siyang nakaayos at pormadong pormado. Amoy na amoy ko pa ang pabango at nakawax din ang buhok niya.

"Saan ka pupunta?" Dahil sa kuryosidad ko ay tinanong ko na siya. Hindi naman kasi ganyan ang suot niya kung papasok siya kaya nagtataka na ako.

"May pupuntahan lang. Babalik din ako agad." Sambit niya at mabilis na umalis. Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko dahil parang may mali. Hindi dapat ako nagiisip ng ganito. Aish! Nakakainis. Nagiinit na ang sulok ng mata ko na parang nagbabadya nanaman ang luha ko.

Kalahating oras na ang nakakalipas ng umali si Xander. Nakatingin lang ako sa pinto ng biglang nagring ang telepono. Mabilis ko naman sinagot at nanginginig pa ang kamay ko.

"Hello?"

"Anak! Pumunta ka dito sa park ngayon na. Jusko! Nakita ko si Xand—"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Mama kaya mabilis akong lumabas ng bahay. Nakapajama lang ako at puting shirt at hindi ko na inalintana ang suot ko. Kaya siguro ako kinakabahan. Nangingilig na rin ang luha ko habang tumatakbo. Medyo malapit lang ang park na sinasabi ni Mama. Nakahawak lang ako sa tyan ko bilang alalay.

Napatingin ako sa buong paligid kakaonti lang ang tao at pinagtitinginan na ako ng iba. Wala akong pake kung ano man ang sabihin nila. Hinanap agad ng mata ko si Mama, pero ni anino niya ay hindi ko makita. Sobrang sikip na ng dibdib ko at tumutulo na rin ako luha ko dahil hindi ko sila makita.

Napaupo na ako at yumuko. Tuloy tuloy lang ang luha ko.

There are times
When I just want to look at your face

Napaangat ang ulo ko na may marinig ako. Nanlaki ang mata ko ng makita siya sa harap ko.

There are time
When I just want to feel your embrace
In the cold night

Inilahad niya ang kamay niya sakin at kinuha ko naman 'yon. Magkaharap na kami ngayon at kitang kita ko ang mukha niyang nakangiti at ang mata. Parang naluluha siya pero halatang pinipigilan niya.

I just can't believe that you are mine now

Huminto siya sa pagkanta kaya napatingin ako sa paligid. Nandoon ang sila Mama, Zoey , Travis, Tito at ang mga magulang ni Xander. Napansin ko rin ang mga college schoolmates namin na nandun pati si Lio. Hindi ko alam ang irereact ko sa nakikita ko.

You were just a dream that i once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with anything in this world

Ngayon ay kay Xander na ako nakatingin. Nakita ko ang pagtulo ng luha niya. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

"Sa lahat ng babaeng nakilala ko. Ikaw lang ang kakaiba. Sabi nila panget ka, pero para akin ikaw na ang pinakamaganda. Hindi ko kayang ikompara ka sa iba dahil mas higit ka kaysa sakanila. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito pero isa lang ang masasabi ko. Sobrang saya ko. Sobrang saya ko dahil nakikila kita. Mahal na mahal kita, Serina"

"You're all I need to be with forevermore.. Ikaw lang yung babaeng pinangarap ko na iharap sa altar. Ikaw lang yung kailangan ko habang buhay. Serina Salazar."

Patuloy parin ang pagtulo ng luha ko ng makita ko ang papadaan na truck. May malaking nakasulat doon. Isang salita na kinagulat ko. Biglang lumuhod si Xander at may kinuha siya sa bulsa niya

"Will you marry me?" Sambit ni Xander. Napatingin ulit ako sa tarpaulin na nasa truck. 'Will you marry me?' Parehas ng sinabi ni Xander. Napatingin ako sa mga taong mahahalaga na nasa likod ni Xander. Naiiyak din sila lalong lalo na si Mama.

Pinako ko na ang atensyon ko kay Xander. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko ng hawak ko ang mukha niya.

"Yes" sambit ko at agad naman siyang tumayo at niyakap ako. Pagkatapos niya akong yakapin ay nilagay niya na ang singsing sa daliri ko. Nagsisigaw siya doon at niyakap ulit ako.

"Mahal na mahal na mahal kita, Serina Salazar" sambit niya na ikinasaya ko.

"Mas mahal na mahal na mahal na mahal kita, Alexander Green!" sigaw ko naman

Continue Reading

You'll Also Like

11.3K 161 21
We don't do sex. We just cuddle. We comfort them. We listened to their rants. We hug them. We let them fondle our breast. But never go beyond that. W...
146K 11.2K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
27.6K 830 52
Ang tanging hiling lang naman ni Julietta ay makaahon sa kahirapan.Dahil ulila na siyang lubos at walang pamilya.Nakatira sa maliit na kubo at tangin...
1.2M 53.8K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...