Once more

By xxakanexx

2.7M 100K 26.7K

Rocheta Grace Emilio have always excelled in anything. She was always the first choice but when it comes to t... More

Once more
Prologue
Challenge # 01
Challenge # 02
Challenge # 03
Challenge # 04
Challenge # 05
Challenge # 06
Challenge # 07
Challenge # 08
Challenge # 09
Challenge # 10
Challenge # 11
Challenge # 12
Challenge # 13
Challenge # 14
Challenge # 15
Challenge # 17
Challenge # 18
Challenge # 19
Challenge # 20
Challenge # 21
Challenge # 22
Challenge # 23

Challenge # 16

97.5K 3.6K 877
By xxakanexx

Rocheta's

"Ma, okay naman po ako. You don't have to worry. Oliver is taking a good care of me. Kung gusto ninyo po dumalaw kayo sa akin ni Aswell bukas. Tutal weekend naman."

Kausap ko si Mama sa kabilang linya habang pinapanood ko si Oliver habang nagmamando siya sa mga tauhan niya habang nagpapapitas siya ng mangga. Masaya iyong buhay farm. Lahat ng pagkain fresh -- nakakatuwa nga kasi bumalik iyong gana kong kumain.

"Love!" Napatingin ako nang marinig ko siyang sumigaw. I saw him walking towards me. May hawak siyang isang piling ng saging habang hubad. Iyong sira - sirang pantalon lang iyong suot niya. Napalunok ako. Ilang beses ko palang nakikita iyong abs niya... ang sarap naman kasing hipuin noon.

"I have bananas! Si Mrs. Emilio ba iyan?" Tanong niya.

"Oo. Nangangamusta lang. Tapos na kayo?" I asked. Kinuha ko iyong towel at ipinamunas iyon aa pawis niya. Ang bango pa rin ni Oliver kahit na pawis na pawis na siya.

"Ang dami mo namang ani."

"Oo nga! May mangga saka duhat pa roon. Lahat iyon ibebenta sa palengke sa Batangas bukas. Iyong iba ipinatabi ko. Baka kasi gusto mo ng mangga at duhat."

Hindi naman ako kumakain ng duhat pero nginitian ko pa rin siya kasi naman habang nagsasalita siya ay nagtataas baba ang dibdib niya. Hinaplos ni Oliver ang mukha ko pagkatapos ay yumuko para kausapin ang tyan ko. Palagi niyang ginagawa iyon. Hindi pa naman nakakarinig ang baby namin ay palagi naman niyang binabasahan ng kwento iyon na para bang talagang nagbo-bonding silang dalawa.

"Tired ka na ba, anak? Gusto mo nang mag-nap? Si Mommy kasi panay matigas ang ulo. Panah nakasunod kay daddy baka daw kasi mawala ako."

Nanloloko na naman siya. Piningot ko siya sa ilong tapos ay natatawang kinurot siya sa tagiliran. Sa totoo lang, kinikilig talaga ako sa kanya. Ang gwapo ni Oliver. Mabait pa siya. He's almost perfect kaya nga hindi ko alam kung bakit ko nararanasan ang  mga ito.

Perfect na ako, perfect pa siya paano pa kaya ang magiging anak naming dalawa? Juskopo!

"Sira! Loko ka baka marinig ka ng mga tao sa labas! Akalain nila pinikot kita!" I hissed. Tumawa lang siya sa akin pagkatapos ay hinagkan ako. Napakalambing ni Oliver. Parang napapalitab na nga niya si Red sa puso ko. Hindi ako sigurado pero alam kong may nararamdaman na ako para sa kanya.

May posibilidad kaya na magmahalan kaming dalawa? Sa pagkakataong ito, gusto kong mahalin na ako sa oras na magmahal rin ako. Pagod na akong masaktan at maghintay.

"Lika na. Mananghali na tayo nang makapagpahinga ka na rin." Hinawakan niya ang kamay ko at pumasok na kami sa loob mg main house. Naamoy ko na iyong pananghalian namin at nakakagutom na talaga.

Ensaladang mangga, tinapa saka pakbet ang handa ni Ollie para sa lunch namin. Mapaparami na naman ang kaib ko. Naiisip ko nga na tataba ako dahil sa mga luto niya pero naisip ko rin na hindi naman ako tabain kasi ang perfect ko talaga.

Halos hindi ako gumagalaw habang kumakain dahil sinusubuan ako ni Oliver. Kulang na lang nguyain niya ang pagkain saka isubo na lang sa akin. Nagkakatawanan pa kaming dalawa pero natigil iyon nang mag-ring ang phone ko. Nakita kong si Mama na naman iyon kaya kaagad kong sinagot.

"Yes, ma?"

"Rocheta, pumunta ka dito ngayon sa ospital. Nandito na si Red. Kararating lang nila galing Seattle. He's recovering. As his doctor kailangan nandito ka."

Hindi ako agad nakasagot. Paano na si Oliver? Hindi ako pwedeng umalis basta. Kung sasabihin ko ba sa kanya ay papayagan niya ako? Iginagalang ko ang nararamdaman niya kaya gusto kong malaman niya ang lahat sa akin. He is very honest with me. Ayoko namang magsinungaling sa kanya.

"Okay, Ma." Binaba ko ang phonr at hindi mapakaling tumingin kay Ollie.

"What's wrong?"

"Red is back."

Tumaas ang kilay niya.

"So?"

"Nasa ospital siya ngayon. Isa ako sa mga doctor niya kaya kailangan ako doon."

"But you're on leave." Ungot niya.

"Mama called already... I'm sorry. It will be quick, Ollie... please?"

He took a deep breath.

"Fine. Pero dapat nakikita ko kayo. Hindi ako papayag na ganoon na lang kayo ni Red. He has to know his bounderies. Girlfriend kita at dapat ipamukha ko iyon sa kanya."

Tumawa ako pero nakaramdam naman ako ng kaba. Inayos ko ang sarili ko. Nagpaalam naman si Ollie na magbibihis at nang makabalik siya ay niyakag na niya ako. Sumakay kami sa kotse niya. Sa back seat ako nakapwesto. Ayaw niyang nasa harapan ako dahil siya nanan daw ang kinakabahan.

Dalawang oras ang itinagal nang byahe naming dalawa. Pagdating sa ospital ay inalalayan niya pa ako. Pagpasok namin sa silid ni Red ay naroon siya, nakahiga sa kama habang tinitingnan ni Uncle Marcus ang tahi niya sa dibdib.

Our eyes met pero sa tyan ko siya nakatingin na para bang tinitingnan niya kung malaki na ba iyon.

"Hi..." Bati ko sa kanya. Tumango si Red. Alam kong may tampo siya pero wala akong panahon. Nandito lang naman ako para kay Mama. Humigpit ang hawak ni Oliver sa kamay ko.

"His vitals are stable. I just need you here for the reccomendation or referral. Naka- leave na kasi si Etanf, Red so ako na muna ang hahawak ng case mo."

"What is Oliver doing here?" Anas ni Red. "May hindi ka pa ba nasisir sa buhay ko?"

"Boyfriend ko siya, Red kaya nandito siya." Ako na ang sumagot. Napailing siya.

"Kapag ba nalaglag iyong baby, boyfriend mo pa rin siya?"

"Tang ina mo, Red! Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw naman ni Ollie. Napahawak ako sa tyan ko.

"Hindi ka naman ganyan noong 19 ka."

"Eh kubg sinusuntok kaya kita kahit bagong opera ka?"

"Tama na!" Sigaw ko. "Bawal nga akong ma- stress. Red, tama naman na! Alam kong sobrang ganda ko! H'wag na kayong mag-away!"

Napahawak pa ako sa tyan ko. Hindi naman na kumibo iyong dalawa. May ilang papeles lang akong tiningnan at binasa after noon ay uuwi na rin naman kaming dalawa ni Oliver. I asked him to wait outside.

Habang binabasa ko ang mga charts ni Red ay dama ko ang nga titig niya sa akin. Hindi naman ako nagsasalita. Ayoko nang pag-usapan ang nga bagay - bagay. Ang sa aming dalawa ay tapos na. Palagay ko may nararamdaman nga ako para kay Oliver.

Nang natapos kami ni Uncle Marcus ay lumabas na ako nang silid pero wala roon si Oliver kaya sinabi kong hihintayib ko siya sa clinic ko.

Iniisip kong kausapin si Red nang masinsinan pero hindi pa siguro sa ngayon. Hindi ko kailangan ng stress sa buhay. Hindi ko pa rin naman alam kung magiging maayos ba siya. Kapag nag-usap kaming dalawa, kailangab pareho kaming walang sakit at wakang dinadala.

"Hello, Doc! Namiss namin kayo!" Bati ng secretary ko. "Kahapon nga po pala may naghahanap sa inyo, Salve Sison iyong pangalan. Ina-apply niya kasi sa program natin iyong anak niya. May HCM iyong bata, Doc. Ten years old ba. Aba'y kay gwapo!"

Agad na ibinigay ng secretary ko iyong chart nang sinasabi niyang bata at ang mga requierements na hinihingi sa heart program na sinimulan ng lolo ko na hanggang ngayon ay ipinapatupad sa ospital na iyon.

Odelone Sison.

Iyon ang pangalan ng bata. Ten years old na siya at mag-e-eleven na siya sa first week ng December. Maamo iyong mukha nang bata. I made a mental note na tawagan si Mama para ibigay sa kanya ang mga papel na ito. Siya na siguro ang mag-aabot kay Uncle Marcus.

Inipit ko sa bag ko iyong papers na iyon at naghihtay lang kay Ollie hindi rin naman nagtagal ay dumating na siya. He was smiling at me and he was looking so pogi. Ang yummy niya - ang sarap dilaan.

"Let's go?"

"Pa-kiss muna..." Tudyo ko pa. Tumawa siya tapos ay napailing. Hinalikan naman niya ako. Napabuntong - hininga pa nga ako.

Mukha kasing may tama na ako sa kanya.

----

"Good evening po, Mr. Emilio."

Nagulat ako nang kasahan ako ng baril ni Mr. Emilio. Hindi nga yata talaga ako masasanay sa mga pinagagawa niya kapag naroon ako. Naiwan sa farm si Rocheta kasama si Mama at Papa. Ako naman ay dumalaw muna sa bahay nila Rocheta para ipakita sa mga magulang noya na sinsero ako sa mga pinapakita ko sa kanila. Gusto kong matanggap ni Mr. Emilio na kaming dalawa nga at papanindigan ko na ang kung anong mayroon kaming dalawa ng anak niya.

"Ido nga! Magpakatao ka naman." Sabi ni Mrs. Emilio.

"Ano bang ginagawa mo dito? Nasa iyo na ang anak ko. Ano pang binabalik- balikan mo dito?"

"Kayo po at ang permiso ninyo."

"Permisong ano? Hindi naman epektibo ang ginawa ni Orion na pagpapapunta dito sa tyuhin ninyong ulol! Dinamay ninyo pa ang kapatid kong nananahimik naman na sa Singapore! Anong permiso na naman iyan?!"

"Permiso pong maging boyfriend ni Rocheta."

Tumawa nang malakas si Mr. Emilio.

"Hanga ako sa'yo tao kang humaharap sa akin. Pero kahit gaano mo itago ang baho ng pagkatao mo, Consunji, naamoy kita ay umaalingasaw iyon na parang patay na daga."

Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin ngunit may kurot ng kaba sa puso ko.

"Walang Consunji na malinis. Ang tatay mo lang ibang babae ang nabuntis kay may Artemis kayo. Si Ares Consunji may Marie Mercedes, si Yael Consunji - demonyong nagkatawang tao pero ikaw?  Mas masahol ka pa sa lahat! Mamamatay - tao ka! Pinatay mo ang sarili mong anak! Masahol ka pa sa akin! Sa tingin mo matatanggap kita para sa anak ko? Hinahayaan ko lang si Rocheta ngayon pero kapag stable na siya, magugulat ka dahil bigla na lang siyang mawawala sa'yo. Gago ka! H'wag kang magmalinis! Kilalang - kilala na kita. Akala mo siguro dahil nanahimik ako nitong mga nakaraang linggo ay ayos na tayo. Gago! Tuso ako, Consunji. Mamamatay tao ako pero mas masahol ka sa akin. Pinatay mo ang sarili mong anak. Nakakasulasok ang pagkatao mo."

Hindi ako nakapagsalita. Hindi man niya ako pinaalis ay umalis ako. Ang lakas nang kabog ng puso ko. Hindi ko alam kung paano niya nalaman iyon but then I realized that he is a bad man and he has many connections at alam kong hindi lang iyon ang nalamn niya sa akin -- baka nga nahanap na rin niya si Salve Sison.

I drove fast. Hindi ko pa sigurado kung anong daan ang tintutungo ko pero natagpuan ko ang sarili kong nakaparada sa tapat ng bahay nila Salve.

Eleven years na ang nakakalipas pero walang pinagbago ang bahay nila.

Napaawang pa ang labi ko nang makita ko siya. Isinasara niya iyong gate. She is well. May tinitingnan pa siya sa phone niya. Bumaba naman ako.

"Salve..." Tinawag ko siya. She looked at me. May takot sa kanyang mga mata.

Tumakbo siya palayo sa akin.

"Salve!"

I tried getting inside. Ang tagal kong tumatawag doon. Kailangan ko siyang makausap pero hindi na siya lumalabas at wala nang sumasagot.

Hindi naman nagtagal ay may mga pulis na dumating.

"Mister, nangugulo raw kayo. Nagreport iyong mga kapitbahay."

Napilitan akong umalis. Ilang beses kong nahampas ang manibela ko.

Damn it! Hindi dapat ganito! Dapat ako lang at si Rocheta ang nasa relasyong ito at kunv magkakaroon man kami ng problema, dapat ay si Mr. Emilio lang iyon. Hindi pwedeng pati ang nakaraan kong pinagsisihan ko na ay kasama pa rito. Matagal nang nangyari ang kay Salve. I was young and stupid but I have goals at kung hindi ko naman ginawa iyon ay hindi ako makakarating dito ngayon. Gusto ko lang naman nang tahimik na buhay.

Ilang taon ko ring pinagsisihan iyon. Bakit ba hindi na lang ibigay sa akin ang ngayon?

Inaalagaan ko si Rocheta Grace. Ibinibigay ko ang lahat ng pangangailangan niya. Nasa kanya ang lahat ng atensyon ko, hindi pa ba sapat iyon?

Nagsisi na ako. Binago ko ang buhay ko and now I am trying to make things right. May kulang pa ba?

Gabi nang makauwi ako. Nagtext si Mama sa akin na nakakain na raw si Rocheta at kasalukuyang nagpapahinga. Wala ako sa mood kumain. Talagang nasira ang araw ko dahil sa pagkakaalam ni Mr. Emilio nang nakaraan ko at sa pagkakakita ko kay Salve kaya pag-uwi ko sa farm ay dumiretso ako sa kwarto. Tulog na si Rocheta. May mga files siyang binabasa kaya inisa-isa kong alisin iyon sa tabi niya.

Napansin kong binabasa niya ang file ni Red. Inis na ipinailalim ko iyon. Ilalagay ko na ang lahat sa bedside table nang malaglag ang isang file - ang unang nabasa ko ay ang pangalan ng pasyente...

Odelone Sison.

Mabilis ang mga mata ko - nabasa ko agad ang pangalan ni Salve sa mother's name...

Pinakatitigan ko ang pangalan ng bata at ang litrato niya.

"Fuck!"

Continue Reading

You'll Also Like

Crazier By Cher

General Fiction

1.3M 56.9K 19
Childhood sweet hearts sina King Japhia at Aswell. Mahal nila ang isa't isa, pero hindi ganoon kadali ang lahat. They have two kids, they love each o...
32.2M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
1.3M 57.1K 22
Darkness. Maria Juana Sihurano is full of darkness. Pakiramdam niya ay hindi na siya muling babalik sa dati dahil sa kadilimang dala ng kanyang nakar...
Must Get Out By Cher

General Fiction

2M 106K 32
All her life, Avery Apelyido has stayed within the four corners of her home. But a forced vacation trip to Barcelona gives her a rollercoaster ride s...