Once more

By xxakanexx

2.7M 100K 26.7K

Rocheta Grace Emilio have always excelled in anything. She was always the first choice but when it comes to t... More

Once more
Prologue
Challenge # 01
Challenge # 02
Challenge # 03
Challenge # 04
Challenge # 05
Challenge # 06
Challenge # 07
Challenge # 08
Challenge # 09
Challenge # 10
Challenge # 11
Challenge # 12
Challenge # 13
Challenge # 14
Challenge # 16
Challenge # 17
Challenge # 18
Challenge # 19
Challenge # 20
Challenge # 21
Challenge # 22
Challenge # 23

Challenge # 15

99.1K 3.8K 654
By xxakanexx

Really Right

Rocheta's

"Hindi ko alam anak. Hindi ko nga alam na nagpunta si Oliver kagabi sa bahay. Ang Tatay mo, hinihintay ka kagabi. Hindi pumapasok sa bahay. Kung hindi pa tinawag ni Aswell, hindi uuwi."

Napahinga ako nang malalim. Dinalaw ako ni Mommy sa ospital. Nag-aalala kasi siya sa akin dahil nalaman niya kay Ave Maria na nag-spotting na naman ako pero okay naman na ako ngayon. Lalabas na nga ako ng ospital ngayon. Hinihintay ko na lang si Oliver, ang sabi niya kasi sa akin ay may aayusin lang daw siya.

"Kamusta naman po si Tatay?"

"Malungkot..." Mama smiled. "Pero matigas ang ulo noon, hindi niya ipinapakita na nalulungkot siya dahil umalis ka ng bahay. Ikaw ang first princess ng Tatay mo kaya dinibdib noon iyong pag-alis mo. I won't ask you to come home. Malaki ka na at alam kong marami kang gusting patunayan sa Tatay mo." She held my hand. "Nagpaalam sa akin si Oliver, doon daw muna kayo tityra sa farm. Pumayag, Rocheta. He promised that he will take care of you."

I smiled at Mommy again. Hinalikan niya ako sa noo tapos at niyakap nang mahigpit. Napansin kong bumukas na ang pinto. Naroon na si Oliver kasama ang Mommy niya – si Mrs. Nina Consunji.

"Hello po. Good morning." Bati ko sa kanya. Ngumiti naman ang Mommy ni Oliver sa akin.

"Kamusta ka na, Rocheta?" Nakipangitian rin siya kay Mommy.

"I'm good po. Lalabas na po kami ng ospital ngayon."

"Medyo Malaki na iyang tyan mo. Is Oliver taking care of you? He better take care of you. Kapag hindi papaluin ko siya sa pwet."

"Ma naman." Natatawang sabi ni Ollie. "Ready ka na?"

"Oo." Inalalayan niya akong bumaba ng kama. Si Mama ay kinuha ang gamit ko. Palabas na kami ng pinto nang maramdaman kong may dumadaloy na naming dugo sa akin. Humigpit ang hawak ko sa kanya.

"What's wrong?" He asked. Napatingin siya sa binti ko. "Damn!" He muttered. Kinarga niya akong muli at inilapag sa kama. Si Mama ay tinawagan agad si Tita Danelle habang ang Mama ni Oliver ay hinawakan nang mahigpit ang mga kamay ko.

"Relax, Hija. Everything is gonna be okay."

Hindi naglipat ang minuto ay dumating na si Tita Danelle. Naiiyak ako dahil for the first time, nararamdaman kong sumasakit ang puson ko. Tita Danelle told the nurse to take me to the operating room. Si Oliver ay nakasunod sa amin. Hawak niya ang kamay ko.

"Baby, please hold on..." Narinig ko si Ollie. Humawak siya nang napakahigpit sa aking kamay pero kinailangan niyang bumitaw dahil hindi siya pwedeng pumasok sa loob ng operating room.

"Tita, masakit na po..." Sabi ko.

"Don't worry. I am going to do everything."

Pinatulog ako. May ideya ako kung anong gagawin nila sa akin at sa baby pero natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ito. Inaalagaan ko naman ang sarili ko. Why is this happening to me?

I didn't know what time it was when I woke up pero si Oliver ang una kong nabungaran. Hawak niya ang kamay ko at namumugto ang mga mata niya. I bit my lower lip. When he realized that I was awake agad siyang tumayo at hinagkan ako sa noo nang paulit-ulit tapos ay pinakatitigan ako.

"The baby is fine." He smiled. "Tita Danelle had to operate on you. You had dilated cervix. I'm sorry if I couldn't do anything, Rocheta Grace." Hindi ko siya maintindihan. Okay naman na kami ng anak niya pero nalulungkot pa rin siya. "Palagi kong sinasabing aalagaan kita, pero wala naman akong magawa sa sitwasyon mo. I wish I could've done something more. Love, I'm sorry. I am very sorry."

Hinaplos ko ang mukha niya.

"Ano ka ba? Everything is gonna be fine."

"Hindi. Hangga't hindi lumalabas ang bata, hindi natin alam iyon. Pero pangako, gagawin ko lahat para sa inyong dalawa. This aren't just promises. I am going to do everything."

------------

Oliver's

"Hello, ako si Artie, ako iyong ate ni Oliver. Buti naman at nandito ka na sa farm ni Ollie mag-stay! Everything here is fresh and clean and green! Aalagaan ka ni Ollie! Alam mo ba? Bata pa lang iyan mahilig na iyan sa lupa! Noong hindi pa masyadong developed iyong CLPH, madalas siyang nagpapagulong sa putikan kasama noong pinsan naming si Apollo tapos kaya lang siya titigil kasi magagalit si Papa, tapos maliligo na siya nakakatawa kapag naaalala ko noong bata pa siya maliit pa iyong toytoy niya ngayon nakabuntis na iyong kapatid ko! Ang galing diba? Kumain ka na ba, Rocheta? Naku! Dapat dadalawin kita sa ospital kaya lang itong si Lantis – iyong anak kong lalaki, nilagnat kaya hindi kami makaalis ni Piedro sa bahay kasi nga iyak siya nang----"


"Ate! Hoy! Tama na, okay? Simpleng good morning at nice to meet you, okay na. Pagod na si Rocheta. Magpapahinga na siya sa kwarto, okay?"

Inalalayan ko si Rocheta Grace at nilagpasan namin si Ate Artie. Hindi ko alam kung bakit siya nandito ngayon. Hindi ko nga napansin iyong kotse niya sa labas. Siguro tinawagan siya ni Mama kaya nandito na naman siya. Ang alam ko kasi pupunta ang lahat dito mamaya para makilala si Rocheta at sabay-sabay na rin kaming kakain.

Matapos ang apat na araw, pinayagan na rin ni Tita Danelle na lumabas si Rocheta ng ospital pero hindi naman niya hinayaan na kaming dalawa lang ang magbyahe pauwi rito. Isinakay si Rocheta sa ambulance. May kasama rin kaming isang nurse at isang doctor na ina-sign ni Tita Danelle sa kanya.

Naging maayos naman ang byahe niya. Tita Danelle advised Rocheta to take a rest – nag-leave na siya sa trabaho niya at wala akong ibang balak gawin kundi ang pahigain siya at alagaan. Kahit iyong pinakamaliit na paggalaw niya ay ako na ang gagawa.

"Are you okay? Anong gusto mo? Tubig?"

"Hindi. Okay naman ako, Oliver. Maraming salamat." Sabi niya pa sa akin. I only smiled at her. Hinagkan ko siya sa noo tapos ay nagpaalam akong lalabas muna ng silid. Ipinalipat ko ang mga gamit ko sa itaas sa bedroom sa ibaba dahil hindi advisable kay Rocheta ang umakyat-manaog pa at hindi ko rin naman iyon gusto.

Paglabas ko ng silid niya ay napansin kong isa-isa nang nagdadatingan ang mga kapatid ko. Naroon na si Odysseus kasama si Irish at Irene. Si Ate Artie ay karga si Lantis habang nakikipag-usap sa bayaw kong si Piedro. Pierdo was smiling. Hinalikan niya pa si Ate. Sigurp natutulig na siya sa mga pinagsasabi ng kapatid ko. Napapailing ako.

I can also smell Mama's cooking. Narinig ko na rin ang boses ni Papa. Alam kong kausap niya si Achilles. Hindi naman ako nagkamali dahil maya-maya ay Nakita ko nang nagtatakbuhan si Eli, Vulcan at si Luna.

"Rolliver! Rolliver! Rolliver!"

Sumalubong sa akin si Eli, agad ko siyang kinarga. She was giggling.

"Nasaan si Raketa? Nandyan si Mommy kasama si Orpie. Wala na siyang titik paks eh. Galing na siya eh! Nasaan si Raketa?"

"She's inside, resting. Nasaan ang Daddy mo?" Hinahanap ko si Apollo.

"Wala. Nasa Bokaray siya ngayon. May kausap siyang liyent eh."

"Eli, client iyon saka Boracay." Pagtatama ni Vulcan sa pinsan niya.

"Hay naku, palagi na lang mali iyong mga sinasabi ni Eli. Bulol na siya tapos panay mali. Parang iyong kaklase ko sa elementary school, kaya pala siya mali kasi wala siyang dalawang teeth sa harapan. Ayon, tinatawanan siya ng mga classmates namin. Sinumbong ko nga iyon sa mga teachers namin tapo---"

"Hoy Luna alam mo ba na sobrang daldal mo? Ang sakit na ng ears namin ni Vulcan kaya minsan ayaw ka naming kalaro! Ang daldal mo! Hatakin ko tongue mo!"

Sukat ba naman umiyak si Luna dahil sa sinabi ni Eli. Tumakbo siya papunta sa Mama niya tapos si Vulcan ay natatawa lang. Ibinaba ko si Eli at saka ako lumuhod sa harapan niya. I held her hand.

"Masama iyon. Hindi mo dapat sinabi iyon kay Luna. She's your cousin."

"Pero ang daldal niya super. Si Vulcan nagdugo iyong ears noong minsan nag-swim siya sa house kasama namin saka ni Daddy Kambal."

"Basta bad iyon, Eli. Say sorry to Ate Luna. Go."

"Okay, pero mamaya pwede ko Makita si Raketa?"

"Oh sure." I smiled. Hinawakan ni Vulcan ang kamay ni Eli at saka pinuntahan na si Luna. Ako naman ay dumiretso sa kusina para manguha ng isang baso ng tubig. Natagpuan ko roon si Mama at Papa na nangkukwentuhan pa.

"Ma..." I called her. Hinalikan ko siya sa pisngi. Humalik na rin ako kay Papa.

"Nasaan si Rocheta?" Papa asked.

"Sa kwarto po. Iniwan kong nagpapahinga." Magalang na wika ko.

"Pupunta ang Mama Hera mo." Sabi ni Mama sa akin. Si Papa ay nakatingin lang.

"What?" I asked. Na-awkward kasi ako.

"I'm just glad that you did it differently this time, Oliver. Pero gusto kong malaman kung anong balak mo sa mag-ina mo? Magpapakasal ba kayo ni Rocheta?"

"Hermes, napag-usapan na nating dalawa iyan noon. Hindi mo pipilitin si Oliver na magpakasal. Gusto mo bang maulit iyong nangyari kay Yael noon? Gago iyong pamangkin mong iyon eh."

"Na tumino naman dahil mabuti iyong napangasawa. At mukhang mabuti rin naman si Rocheta. May hahanapin pa ba ang anak mo? Doctor iyon, mabait, maganda, maliban sa ama niya, wala naming problema sa pamilya. Ano bang gusto mo, Oliver? Hanggang ngayon ba makikipaglaro ka pa rin sa iba't ibang babae? Hindi na kayo bata ni Odysseus. Panahon na para lumagay kayo sa tahimik! Kita ninyo si Apollo at Achilles, si Yael, si Hunter, si Hyron – lahat ng pinsan ninyo matino na, anong gusto mong gawin sa buhay mo? Magkakaanak ka na!"

Hindi ako nakakibo sa mga sinasabi ni Papa. May point naman siya. Gusto ko rin naming pakasalan si Rocheta pero ayokong i-pressure siya ngayon. Gusto kong maging maayos muna ang lahat – si Mr. Emilio, ang anak naming dalawa – lahat nang iyon, so, I'm just making sure that everything is in place before I make another move.

"Atlas, kumalma ka na nga!" Natatawang sabi ni Mama. "Kaya ka lang naman ganyan dahil hanggang ngayon, hindi mo matanggap na nagmana sa'yo itong dalawang anak mong lalaki." Mama was giggling. Napangiti na lang ako at kumuha ng isang basong tubig at bumalik na sa silid.

Nagtaka ako nang hindi ko Makita si Rocheta sa kama. Agad akong kinabahan, hindi na ako mapakali. Pagtalikod ko ay siya naming paglabas niya ng bathroom.

"Bakit ka tumayo?" Agad ko siyang inalalayan.

"Naiihi naman kasi ako no. Saka hindi ako baldado. Buntis lang ako. I can manage." She even gave me her smile – which I think that I don't deserve especially tuwing naiisip kong wala akong magawa tuwing nag-spotting siya.

"Dapat tinawag mo ako." Naiinis na naman ako.

"Oliver, okay nga lang. Walang blood sa urine ko. Sabi kasi ni Tita, i-monitor ko raw. H'wag ka nang magalit. Sige, kahit tulog ka kapag tatayp ako gigisingin kita, okay? Okay ka na?"

"Tsk... makakatanggi ba ako sa gandang iyan?"

Napahagikgik siy. She even flipped her hair.

"I know. Ang ganda ko diba!"

Naupo na ako sa kama at ibinigay sa kanya ang baso ng tubig. Inubos naman niya iyon at saka siya nahiga. Tinabihan ko siya. She rested her head on my chest. Pinaglaruan ko naman ang buhok niya.

We were comforted by silence at wala naman akong problema roon. I was thinking about her and our child to be – kung sinong magiging kamukha niyon, kung paano siya tatawa kapag masaya siya, kung anong sound nang iyak niya...

I am excited.

I sighed. Kung nabuhay kaya iyong anak ko... siguro kasing edad na siya ni Yohann ngayon, siguro kung lalaki siya baka kamukha ko siya. Malakas daw kasi ang dugo naming mga Consunji.

Hindi iisang beses kong napapaniginipan ang ginawa ko. May parte sa pagkatao kong galit sa sarili ko. Hindi ko nga dapat ginawa iyon pero huli na. Wala na ang baby ko at kailangan kong mabuhay na kalakip ang kahayupang iyon. Ang mahalaga ay ang ngayon at ang mag desisyon ko.

"Atlas Victorious."

"What?" She looked at me.

"Sabi mo mag-isip ako ng name sa baby boy. Iyon ang naisip ko. Atlas Victorious. Parang ang powerful kasi saka sobrang gwapo noon! Tapos ayusin natin iyong name ng baby girl, Nina Georgina diba? Gawin nating Eternity Faith. Para unique. Pwede bang iyon na lang, Oliver?"

"Oo naman... lahat ng gusto mo..." I kissed her temple. I sighed. I'm making things really right this time. 

Continue Reading

You'll Also Like

32.2M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
897 12 2
Allejo Jasfer Villarica & Hermoine Ritz Solarte Blurb: Two different families. Two powerful bloodlines. Solarte and Villarica are one of the bigges...
All for love By Cher

General Fiction

1M 40.9K 24
Originally arranged to be married, Nandiandra Guevarra's world comes crashing down when she finds out that Raphael Arandia falls in love with another...
1.3M 57.1K 22
Darkness. Maria Juana Sihurano is full of darkness. Pakiramdam niya ay hindi na siya muling babalik sa dati dahil sa kadilimang dala ng kanyang nakar...