Class 3-C Has A Secret 2 | co...

By enahguevarra

9M 155K 54.2K

"Because some secrets ... just might kill you." ••• Date started: January 29, 2013 Date finished: June 22, 20... More

C3CHAS TRILOGY
C1: Moriendo Renascor.
C2: Pity on me, Death.
C3: She, who forgets.
C4: Honor the vanquished.
C5: Doomed Reality.
C6: The thread of Death.
C7: Embrace your iniquity.
C8: Ballad of Death.
C9: Dreadful past.
C10: Sleuth.
C11: Know thyself.
C12: Lies.
C13: Incognito.
C14: Nostalgia.
C15: Truth be told.
C16: Lifeless. (part 1)
C17. Lifeless (part 2)
C18: Missing.
C19: The liar.
C20: Rules of the jungle.
C21: Hidden agenda.
C22: Judas' kiss
C23: Lost Alice.
C24: A friend and a foe.
C25: The unspoken truth.
C26: Paranoia
C27: The first weakest rabbit.
C28: Behind those lies.
C29: Lifesaver.
C30: The catastrophe of life.
C31: Ironic truth.
C32: Two black cats
C33: The white rabbit has the answer.
C34: The Prodigal son.
C35: Someone is back.
C36: The white rabbit.
C37: Friendship.
C38: Kill the Pillar.
C39: The clockmaker's daughter.
C40: Eliminate the wolves.
C41: Darkness
C42: Wolf's cry.
C43: Hunt the wolves.
C44: Alliances.
C45: Endgame
C46: Fade to black
C48: START
C49: Pitch Black
C50: Hide and Seek.
C51: Turncoat
C52: Trust no one
C53: Friends do kill
C54: Dangerous
C55: An hour to live
C56: Pillar's Trap
C57: The End
EPILOGUE
Special Chapter: HANAKO
Special Chapter: Balot ba o Penoy?
C3CHAS Spin-Off

C47: The Fall of the Pillar

98.8K 1.9K 634
By enahguevarra




"He lies."

--------------------------------------------x

RAPHAEL'S POV


HINDI MAPAKALI ANG LAHAT habang nakapila ang buong high school students ng Laketon Academy dito mismo sa loob ng gymnasium. Ginulat ni Mr. Laketon ang lahat sa inilagay niya at inanunsyo niya— ang tungkol sa isang malaking event na ilang taon na ring hindi pinagdidiwang. Ang mas nakakapagtaka, maglalaan pa siya ng isang gabi dito mismo sa Academy para sa isang engrandeng party.

Pumunta sa harap ang isa sa mga matataas na posisyon sa eskwelahan at may hinandang malaking screen para sa projector. Pumwesto siya sa gilid habang nakatayo nang tuwid at ilang sandali ay nag-play na ang video.

Nakita namin doon sa video si Mr. Laketon na nagsasalita. Ang sinasabi niya ay ang tungkol sa plano niya lalo na ang tungkol sa party, kung kailan ito, kung ano ang dapat abangan dito at kung anu-ano pa.

Ngunit biglang nag-iba ang nasa harapan naming lahat. Naging itim muna ang buong screen hanggang sa nag-play ulit ito. Si Mr. Laketon pa rin ang nakit namin. Ngunit iba na ang sitwasyon sa video, may kasama na siya at nakatali si Mr. Laketon sa isang upuan habang naka-blindfold.

Nakasuot ng maskara ang kasama niya sa video. Isang maskara na pati ang buhok hanggang sa batok at sakop. Nakasuot rin siya ng makapal na jacket at mayron siyang hawak na ... malaking kutsilyo.

Napakunot ang noo ko sa sumunod na eksena. Habang tahimik na nakaupo si Mr. Laketon ay ginagala ng nasabing tao sa likuran niya ang kutsilyo sa leeg ng Presidente ng eskwelahan. Agad na nagsibabaan ang ilang admin at staff na nasa stage upang itigil ang video ngunit bago pa nila nagawa iyon, nasaksihan na namin ang paggilit sa kanyang leeg.

Agad na nagkagulo sa loob ng gymnasium. Madaming hindi mapakali. Madaming nagtataka. Madaming sumisigaw at mayroon din namang mga estudyante na hindi pa rin makaalis sa kinatatayuan nila at tanging pagtitig lang sa malaking screen ang nagagawa—katulad ko.

Hindi ko lubos maipasok sa isipan ko ang nangyari, ang nasaksihan ng lahat. Namatay na si Mr. Laketon? Sino ang gumawa nito?

Napatingin ako kay Blake. Nasa may gilid lang namin sila at tulad ko, nakatayo lamang siya. Ngunit ang pagkakaiba, nakangiti siya.

Sinong anak ang mapapangiti kahit na nakita niya sa mismo niyang harapan ang pagpatay sa sarili niyang ama?

Lumapit sa amin si Sir Buendia at sinabing, "Dumiretso na kayo sa classroom. May meeting na magaganap. Maari na kayong umuwi kung gusto nyo." Humihingal siya at halatang nagulat rin.

Pinapila ko muli ang buong klase ngunit sa inaasahan ko, karamihan ay hindi sumunod sa akin. Para sa kanila, hindi na ako dapat pagkatiwalaan pa. Ngunit tulad ng sinabi ni Sir Buendia, dumiretso ang 3-C sa classroom.

***


Tahimik sa loob at wala ni isang balak magsalita. Tumayo ang iba sa amin at hinanda ang mga gamit nila, mukhang uuwi na. Masyadong mabilis ang nangyari. Sino naman kaya ang may pakana 'nun? Bakit kailangang sa harap pa ng lahat ipakita ang nangyari?

Napalingon ako kay Spade na nakatulala sa hawak niyang lapis at iniikot-ikot ito sa kanan niyang kamay. Ilang beses rin siyang napapakagat sa labi at para bang ilang sandali ay mapapaluha siya.

Nagsialisan ang iba at iilan na lang kami na natira dito sa loob hanggang sa lumapit sa akin si Sapphire na iika-ika pa rin. Kumunot ang noo ko. Halata na umaarte lang siya ngunit bakit?

"Itutuloy pa rin ang plano. Sigurado akong hindi iuurong ang party."

Hindi ko alam kung ano ang nasa isipan talaga ni Sapphire at iyon ang naisip niyang plano. Delikado. Paano kung maunahan kami? Paano kung mapahamak siya?

Lumapit sa amin si Luna habang naka-halukipkip. Kahit na parang ganun pa rin ang mukha niya katulad ng dati nitong reaksyon. May kakaiba ngayon. Mukhang hanggang ngayon, gulat pa rin siya.

"Seryoso ka ba, Raphael sa sinabi mong plano?"

Napatingin sa akin si Sapphire na para bang tinatanong na kung bakit si Luna ang pinili ko. Tumaas ang isa niyang kilay sa akin habang ako ay tinuon muli ang pansin ko kay Luna na naghihintay ng sagot.

"Mukha ba akong palabiro?"

Umirap siya. "Siguraduhin mong gagana yan. Gusto kong manalo at isa pa, hindi porket sasali ako sa plano mo ay kakampi nyo na ako. Hindi ako lubos na nagtitiwala sa'yo lalo na sa kanya," at tumingin siya kay Sapphire. "Ayoko sa mga umaarteng kawawa. Siguraduhin mong yang kaartehan mong pilay ay may mararating kung hindi lulumpuhin kita."

At pagkatapos na sabihin ni Luna iyon ay umalis siya.

"Sa lahat ba naman ng kaklase natin, siya pa ang napili mo?" nakataas pa rin ang kilay na sabi sa akin ni Sapphire.

Tahimik ko lang na inayos ang gamit ko at tumayo na rin. Hindi ko pinansin si Sapphire bagkus ay napatingin ulit ako kay Spade na nakadukdok sa desk niya. May bilang na mga estudyante na nasa may dulo ng classroom at mukhang tulog rin.

Umalis na ko sa loob ng classroom at napagdesisyunan na umuwi na lang para tignan si nanay na may sakit ngayon.

Malapit na ang party. Ilang araw na lang at sana maging maayos ang lahat. Para sa pamilya ko, hindi ako susuko sa larong ito.

Pagkalabas ko ay nasalubong ko ang iilang teachers na papunta sa kabilang daan kung nasaan ang iba pang mga offices. Nagbubulungan sila. Napahinto ako nang may dumaan muli na iba pang staff at sa pagkakataong ito, narinig ko na ang sinabi nila.

Na kinagulat ko rin.

"Hindi ko alam na nag-aaral pala dito ang nag-iisang anak ni Mr. Laketon. At ngayong wala na si Mr. Laketon, sa kanya ibibigay ang buong Laketon Academy kapag nasa tamang edad na siya! Napakaswerteng bata!"

Tulad ng reaksyon ko kanina sa gymnasium, hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.

Sino sa kanila?

Si Spade o si Blake?


MIAKA'S POV


Nakatingin lang ako kay Sir Buendia habang ang iba naman ay nakaupo rin katulad ko. Nandito kaming lahat sa pulang silid, na isang sikretong kwarto sa loob ng Laketon Academy. Kung bakit kami nandirito ay mukhang alam ko na.

Dahil sa nabalitaan kong patay na si Mr. Laketon.

Hanggang sa oras na ito, hindi pa rin ako makapaniwala. Masyadong mabilis. Wala man lang kung anong pasabi.

Hindi sa grupo namin nanggaling ang video ngunit maari rin na sa amin. Maaring may personal na balak ang isa sa amin o kaya may ibang plano ang isa sa amin upang magawa iyon.

Sa sitwasyon ngayon, mukhang magiging magulo ang plano.

"Tuloy pa rin ang plano na sinabi ni Austin dahil tuloy pa rin ang party. Sa party na iyon, ia-anunsyo rin ang magiging Presidente ng Laketon, isang estudyante. Mapapasakanya ang lahat ng kayaman kapag nasa tamang edad na siya." Napasandal si Sir Buendia sa pulang pader na may bakas pa ng dugo.

Pumaibaba ang tingin ko. May nararamdaman akong kakaiba sa mga nangyayari.

Itinaas naman ng katabi ko ang kamay niya na akala mo'y sasagot sa klase. Muli kong napansin ang suot niyang pulseras. May kung anong kamalditahan ang nasa ekspresyon ng mukha niya ngayon katulad ng madalas niyang aura.

"Nagkataon lang siguro at isa pa, nakita na raw ang bangkay ni Mr. Laketon." Ngunit mukhang naghalo ang pagtataka at kung ano man na reaksyon sa mukha niya. "Ang kaso, mga malalapit na kamag-anak at kaibigan lang ang pwedeng makalapit sa burol. Yun ang balita ko."

"Paano kaya kung ang bagong tagapagmana ang dukutin natin para masimulan ang gagawin sa party? Hindi ba ... mas maganda iyon?" wika ni Sir Buendia pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.

"Hindi! Hindi pupwede. Dapat yung sinabi ko lang. Siya lang," sabi ni Austin na para bang kinakabahan masyado. Kakaiba talaga siya.

Napatingin ako sa isa naming kasama nang tumayo siya. Lumakad siya paabante at mukhang lalabas. Sinundan ko naman siya. Nang lumabas siya sa pinto at paakyat na sa mahabang hagdanan pataas sa Room 101-A.

"San ka pupunta? Umuulan sa labas. Wala kang payong di ba?"

Lumingon siya sa akin.

"Nagsend siya ng text. Pinapapunta niya ako sa bahay nila. Mukhang may problema siya."

Ngumiti ako.

"Si Abigail?"

Hindi siya sumagot bagkus ay naglakad na lang siya muli paakyat.

"Clyde!"

Lumingon muli siya.

"Aabangan ko ang plano nyo. Alam ko na. Mabuti at ginawa mo iyon. Basta siguraduhin mo na mamamatay ang dapat mamatay. Isa na siya 'dun."

Ngumiti siya, "Ililigtas ko ang lahat."

Pagkasabi niya 'nun ay nawala na siya sa paningin ko.


Huli na Clyde, sumunod ka lang sa agos. Marami ng namatay. Huli na para gumalaw ka. Nagpakaduwag ka. Wala ng magagawa ang kabayanihan mo ngayon.

--------------------------------------------x


- A U T H O R ' S N O T E -


DEDICATED KAY LittleMissCupid. Hi! Naku, maraming maraming salamat po sa pagbabasa at sa comment mo sa last chapter which is parang pag-analyze sa story at kung sino ang mga killers. Maraming salamaaat sa patuloy na pagbabasa! *Huuugs*

MALAPIT NG MATAPOS. Below 60 chapters na lang po ito. Sana matapos ko na agad. Sobrang busy po sa school dahil sa finals. Sana maintindihan nyo. =D

ABOUT KAY CLYDE. Pakibasa ang C21: Hidden Agenda. Doon ko talaga nilagay ang clues lalo na about sa Hidden Agenda niya sa group. Tsaka dun sa juice box nga haha. Ayun. Siya yung 'He Lies'.

Comment/s would be highly appreciated. Thank you sa pagbabasa. <3

Continue Reading

You'll Also Like

16.4K 882 44
Highschool Stories #3 | Moments make memories-and entities. *** A novelette. Suffering from continuos distresses after the passing of his friend, Jim...
654K 21.3K 28
This is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a...
244K 7.5K 79
An all boys school that turns into a normal school for everyone. Highest Rank Attained as of 2018-2021 #152 in Teen Fiction 05/24/18 07/29/18 Finish...
40.6K 256 13
#2 poem Nawili akong tumula, dahil naging malaya. Malayang iparamdam at ipagsigawan na ako'y lumaya. Sa mga salita, ako'y natutong magsalita. |Spoke...