Hello, Daddy

By starlighteuuu

625K 12K 480

Pano na lang kung malaman mo isang araw buntis ka at ang malala pa King of Campus ang ama ng batang dinadala... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 30

16.5K 314 11
By starlighteuuu

Hindi ko alam kung ilang beses na akong umiyak ng dahil kay Xander. Pagkatapos niyang umalis ay umiyak lang ako ng umiyak. Magang maga na ang mga mata ko. Pinilit ko paring pumasok kahit hinang hina na ako. Hindi na rin ako nakakain dahil nawala sa isipan ko. Lagi na lang kasing ginugulo ni Xander ang isip ko. Bwisit na lalaking yun.

New year na nga pala. Ang bilis ng panahon. Isang linggo na akong nagtatrabaho dito at isang linggo na rin ng hindi ko nakikita si Mama. Kamusta na kaya siya? Nagaalala kaya siya sakin? Hays

"Serina sure ka bang kaya mong magisa mamaya?" biglang tanong ni Celia. Hanggang ala sais lang kasi siya ng gabi dahil magbobonding daw sila ng pamilya niya. Tumango naman ako at ngumiti. Sanay naman na akong magisa.

"Ah.. Sasamahan ko na lang si Serina hanggang magsara ang shop." Napatingin kaming dalawa kay Jiro na nagpupunas nanaman ng mga lamesa.

"Akala ko ba may family dinner kayo?" sambit ni Celia na parang nauutal pa. Itong dalawang to hindi pa magkaaminan eh. Halata namang crush ni Celia si Jiro.

"Hindi dadating si Mom. So naisip ko na wag na lang ding pumunta. Wala rin namang kwenta" ramdam ko ang lungkot sa pagsasalita ni Jiro. Hindi na rin siya nakatingin samin.

"Ganun. Osige. Kayo ng bahala mamaya ah?" Tumango naman ako tsaka nagumpisa na sa pagtatrabaho.

Medyo madami dami din ang customer namin lalo. New year ba naman paniguradong ang daming pera ng mga tao. Habang nasa counter ako ay nakatingin lang ako sa glass wall ng shop. Nagbabaka sakaling makita ko siya ulit. Iniisip ko nanaman siya.  Nakakainis na.

Mabuti na lang at hindi halata ang magang mata ko. Alam kong kukulitin nanaman ako ni Celia at pipiliting magkwento. Sobrang daldal pa naman nitong si Celia baka ikwento niya pa kay Travis kapag nagkataon.

Pati si Zoey ay namimiss ko na rin. Nakausap ko siya nung nakaraan sa telepono at nasa Japan parin sila. Next week pa ata sila makakauwi ng papa niya. Ang dami naming pinagusapan. Miss na miss niya na rin daw ako at ang dami daw niyang pasalubong sakin. Hindi ko pa sakanya sinasabi ang nangyari. At wala siyang alam na kahit ano. Mas mabuti na iyon para naman hindi rin siya magalala sakin. Gusto ko ng umuwi sa bahay. Hindi parin ako sanay na wala si Mama sa tabi ko.

"Yung manliligaw mo ang aga nanaman dito" napalingon ako kay Celia at sa pintuan. Nandun nga si Travis at nakangiti nanaman.

"Hi, Serina" dumeretso naman siya sa counter at humarap sakin.

"Anong order mo?"

"Ikaw. Pwede ka ba?" napalingon ako agad kay Travis at sinamaan siya ng tingin. "Biro lang, Kahit ano basta masarap" nagpeace sign pa siya at tumingin kay Celia na katabi ko at kumindat.

"Wag mo nga akong kinikindatan diyan, Travis. Nagmomove on na ako sayo. Break na tayo!" sabay irap ni Celia kay Travis kaya natawa nanaman si Travis sa ginawa ni Celia. Puro kalokohan talaga tong Travis na to.

"Anong oras pala magsasara itong shop?" tanong ni Travis habang humihigop ng kape. Wala naman siyang pake kung may umoorder dahil nakaharang siya sa harap ko.

Bigla naman may lumapit na dalawang babae.

"Goodmorning Ma'am" nakangiting bati ko sakanila pero na kay Travis lang pala ang atensyon ng dalawang to. Halatang kinikilig kilig pa sila. Napatingin naman si Travis sakanila kaya biglang kinindatan naman ni Travis at ngumiti pa ang loko. Kahit kailan pafall talaga ang lalaking to.

"Besh kinindatan ako"

"Ako yun gaga"

"Ako nga sabi eh"

Napangiwi naman ako ng bigla silang magaway. Nakatingin pa ang ibang mga tao dito sa loob at wala silang pake kahit may nanonood na sakanila.

"Tignan mo yung ginawa mo Travis. Nawalan tuloy ng costumer" inis na sabi ko kaya tumawa lang loko. Tumingin naman siya sa dalawang babae na malapit ng magsabunutan.

"Miss wag na kayong mag-away." Napatingin naman ang mga ito ka Travis. Napailing na lang ako sa ginagawa ng lokong to.

"Koya. Pwede bang ikaw na lang ang orderin namin?" Pabebeng sabi ni girl 1 agad namang tumawa si Travis

"Sorry miss. May umorder na kasi sakin. Itatake-out niya pa nga ako"

"Huh? Sino" sambit ni girl 2 at agad namang tumingin sakin si Travis at tinuro ako.

"Siya" nagulat ako ng sabihin iyon ni Travis. Napatingin din ang dalawang babae sakin at biglang umirap.

"Duh mas maganda pa kaya kami sakanya. Di bale para sayo bibili kami" sabay kindat nung girl 1 kay Travis. Napangiwi na lang ako ng irapan ulit nilang dalawang babae matapos makuha ang order nila. Si Travis ay tawa lang ng tawa habang kumakain ng cake. Mabulunan ka sana.

Pagkadating ng hapon ay dumagsa ang mga costumer karamihan puro cake ang binibili nila. Si Travis ayun nakaupo lang matapos mapagod kakatayo at daldal sa harap ko. Mukhang naglalaro lang siya sa laptop niya o kung ano lang. Sabi ko nga ay umuwi nalang siya pero ayaw naman niya. Inuubos niya lang ang oras niya dito sa shop.

"Serina, mauuna na ako ah. Kayo na ang bahala dito ni Jiro" namula naman ang pisngi niya ng banggitin ang pangalan ni Jiro. Ngumiti nalang ako ng nakakaloko kaya hinampas niya ako ng mahina sa braso. Tinawanan ko lang siya kaya nagpaalam na at nagmamadaling umalis.

Ala sais na rin ng gabi. Mamaya pang alas dyis ang out ko kaya maghihintay pa ako ng apat na oras dito sa shop.

"Hindi ka ba napapagod magtrabaho?" tanong ni Travis kaya nginitian ko lang siya at umiling.

"Kung hindi ako magtatrabaho. Sino nalang ang magpapakain samin ni baby? Tsaka kailangan kong kumayod at magipon. Hindi naman ako pwedeng humingi kay mama ng pagpapanganak ko. Tiyak magagalit sakin iyon. Tsaka para sa anak ko lahat gagawin ko. Kaya hindi ako napapagod." Nakangiting sambit ko kay Travis pero nginitian niya lang ako ng malungkot. Alam kong galit siya kay Xander dahil hindi ako pinanagutan ni Xander. Hindi ko naman kasi sinasabi kaya hindi alam ni Xander na may anak na siya na magiging daddy na siya.

Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Natatakot ako na baka madismaya lang ako sa sasabihin niya. Baka hindi niya tanggapin ang anak namin. Mas masasakta lang ako kapag nangyari yun. Tsaka ayoko ng umiyak baka nakakaapekto pa to kay baby at baka lumaking iyakin siya.

"Sinabi ko naman sayong pwede akong maging second daddy diba?" sambit ni Travis kaya kinotongan ko lang siya.

"Baliw ka. Akala mo ganon lang kadaling umako ng responsibilidad. Hindi madaling magpalaki ng bata Travis. Alam ko yun dahil kay Mama. Pinalaki ako magisa ni mama ng wala siyang kinakapitan na kung sino. Tanging ako lang ang naging inspirasyon niya. Walang tumatanggap saming kamaganak dahil nagpabuntis daw ng maaga si mama. Pero pinalaki niya parin ako ng maayos kahit minsan ay kapos kami. Pero sinira ko lang lahat ng iyon. Hindi naman ako nagsisisi na nabuntis ako. Dahil alam kong regalo sakin to ng Diyos. Kaya mamahalin ko ng sobra sobra ang magiging anak ko. Hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino"
pinigilan ko ang pagbabadyang bumagsak ang luha ko. Ayoko ng umiyak ulit tama na yun. Sobrang dami ko ng nilabas na luha. Ngumiti lang ako ng pilit kay Travis para hindi niya mapansin na durog na durog na ang puso ko. Ang anak ko na lang ang kinakapitan ko. Siya nalang ang nagbibigay ng lakas sa akin.

"Basta kapag kailangan mo ako nandito lang ako palagi ha?" Sambit niya saka ngumiti. Nginitian ko lang din siya.

Alas dyis na nagmasara kami ng shop ni Jiro. Mukhang malungkot nga rin si Jiro eh. Dahil siguro hindi makakarating ang mommy niya sa dinner nila. Tahimik lang siya kanina.

"Kain tayo? Libre ko" sambit ni Travis kaya pumayag agad ako. Gutom na gutom na rin naman ako tsaka sayang yung libre. Dinala ako ni Travis sa isang restaurant.

"Ano ka ba! Baka mahal dito. Doon nalang tayo sa karinderia" Hinihila ko naman ang damit ni Travis.

"Mura lang dito, Serina wag kang magalala nakakain na ako dati dito. Tsaka masasarap din ang pagkain dito." Wala na akong nagawa at pumayag na lang din ako. May lumapit naman saming babae at dinala kami sa pangdalawahang upuan. Nahiya tuloy ako bigla dahil para kaming nagdedate ni Travis.

"Sabi mo hindi mahal dito" inis na sambit ko ngunit tumawa lang siya. Ang mamahal pala ng pagkain dito. May nakita pa akong ang presyo ay umabot ng dalawang libo. Grabe may ginto ba ang pagkain nila dito.

Pinagmasdan ko na lang ang palagid karamihan puro couples pa ang kumakain. Nakakahiya talaga.

"Bagay po kayo" napatingin naman kami sa babaeng nagseserve ng pagkain. Napangiwi lang ako dahil sa sinabi niya at si Travis at ngumitngiti pa.

"Tao po kami" sambit ko na lang kaya tumawa ang babae. Umalis na rin siya ng mailagay niya ang pagkain sa lamesa namin. Mukhang masarap nga dito kaya tinikman ko na ang order ko. Sobrang sarap nga. Kaso nga lang mahal. Pagtyatyagaan ko na lang ang tinda sa karinderia, masarap din naman dun eh.

Habang umiinom ako ng tubig ay nagulat na lang ako ng makita ang dalawang couple na papasok sa restaurant na to. Masaya pa silang naguusap ng lapitan sila ng babae. Nakakapit pa sa bewang nung babae ang kamay ni Xander. Tumalikod na sila samin at umupo sa bakanteng upuan. Takalikod sakin ang babae at nakaharap sakin si Xander. Hindi niya pa ako nakikita.

Parang dinudurog ng paunti unti ang puso ko. Durog na nga dinudurog pa lalo. Pinigilan kong wag umiyak nanaman. Sinabi ko kasing last na yun nung dumating si Xander sa bahay ko.
Para akong napako habang nakatingin sakanila. Masayang masaya sila sa isa't isa. Bigla na lang hinalikan ng babae si Xander sa labi na mas kinagulat ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayoko ng tumingin sakanila pero parang hindi ako makagalaw sa inuupuan ko.

"Tara na, Serina. Magpahinga kana pagod ka diba?" ng marinig ko ang boses ni Travis at napatingin ako sakanya. Nakita niya ba sila Xander?

"A-ah sige" nginitian lang ako ni Travis saka ako hinila para makatayo. Napatingin ako sa direksyon nila Xander ng magtama ang mga mata namin. Wala siyang reaksyon na kahit ano. Bigla naman hinarang ni Travis ang mukha niya sakin.

"Tara na" sambit niya saka hinawakan ang kamay ko. Hindi na ulit ako tumingin kila Xander.

Baka kasi pagtumingin ako sa mga mata niya. Baka hindi ko na kayanin.

Continue Reading

You'll Also Like

281K 19.5K 90
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
14.2K 968 40
--- [DISCLAIMER] This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the auth...
1.4M 56.2K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...