Vampire's Chain [VP BOOK II]

By FinnLoveVenn

389K 16.6K 3.7K

|| VAMPIRES PET BOOK 2 || Akala mo tapos na. Akala mo ayos na. Akala mo na nakawala kana, pero ang totoo niya... More

AUTHORS NOTE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
BOOK III
KIDD CROSS STORY
KS CHAPTER 1
KS CHAPTER 2
KS CHAPTER 3
KS CHAPTER 4
KS CHAPTER 5
KS CHAPTER 6
KS CHAPTER 7
KS CHAPTER 8
KS EPILOGUE
DANIEL HEARTFILLIA STORY
DS CHAPTER 1
DS CHAPTER 2
DS CHAPTER 3
DS CHAPTER 4
DS CHAPTER 5
DS CHAPTER 6
DS CHAPTER 7
DS CHAPTER 8
DS CHAPTER 9
DS CHAPTER 10

KS CHAPTER 9

3.4K 178 66
By FinnLoveVenn

AIRA's POV

♡♡♡

Nitong mga nakaraang araw hindi ako mapakali.

Oo hindi nawawala sa isip ko si Kidd dahil hindi madaling gawin 'yun at kalimutan pero hindi ko din alam bakit parang may mali na nang-yayari.

Sabagay ano pa bang mali bukod sa iniwan ko siya at galit na siya sakin ngayon? Putol na ang buong koneksyon naming dalawa at wala nang kahit ano pang namamagitan pa samin.

Nakakalungkot pero totoo, ito na siguro 'yung tamang desisyon para sa aming dalawa dahil kailan hindi kami pwedeng maging dalawa.

Pwera na lang kung hindi na nila kikilalaning step dad ko siya at hindi na sila mamakialam. Pero pano nga ba nila hindi siya kikilalaning tatay ko? At isa pa kung maging ganun ba mamahalin na ba niya ko?

Mukhang hindi pa din naman, kaya ito ako lalayo at lalayo na lang sa kaniya para makalimutan na siya.

Mag-iisang buwan na din ako dito sa apartment na tinitirahan ko at sa aaminin hindi ako sanay sa ganItong set up ngayon.

Pinalaki niya ko ng maranya kaya nahihirapan ako mag-adjust pero kakayanin ko dahil simula't sapul hindi naman talaga ako mayaman.

Alam ko din na tinutulungan lang ako nila tito Danrious at iba pa para makahanap ng maayos na part time job, alam kong hindi rin ako papabayan ni Kidd kahit may galit siya sakin.

Dahil kahit pinutol niya ang credits ko may natira pa din doon sa pangalan ko na siyang pinagkukunan ko ng pagkain ko sa araw-araw.

"Macey okay na ba 'yan?" Tanong ko sa best friend ko na tinutulungan pa din ako mag-ayos ng gamit sa bahay.

Sa tagal ko na din nag-iistay dito hindi ko pa din naaayos ang mga gamit ko sa bahay, medyo busy kasi ako para sa pag-papasa ng mga requirements ko sa trabaho last week at iba pang kailangan para mabuhay mag-isa kaya ito, ngayon ko lang na aasikaso ang bahay ko.

"Friend saan ko ilalagay 'tong mga papers mo? Ang dami dami tapos meron pa atang bagong dating oh, I think last two weeks?" sabi niya at lumapit ako sa kaniya.

"Let me see." kinuha ko ang envelop at tinignan ang laman nito.

Inabot ko muna sa kaniya ang sandok na hawak ko at siya naman ang nagluto sa kusina.

Binuksan ko ang envelop at medyo nagtaka sa laman nito.

"Aira Dela Cruz?" Kumunot ang noo ko at inisip kung mali lang ba ng padala dito.

Binuksan ko pa ang maliliit na sobreng laman nito at doon tumambad sakin ang katotohanan.

Ang istoryang nasa likod ng buong pagkatao ko. Napahawak ako sa bibig ko.

Lahat ng pangalan na naka-sulat dito ay ang mga magulang at pinagmulan ko, 'yun mga papeles na kailangan ko para maging ako.

Akong si Aira Dela Cruz at hindi si Aira Cross. Napaupo ako dahil sa panlalambot ng mga binte ko.

"Hoy, bakla okay ka lang?" Sinilip niya ko at nakita niya ang mga luha sa mata ko.

"Uy Kira ano nang-yari sayo?" Nanginginig kong inabot sa kaniya ang papel na hawak ko at dahan-dahan niya 'tong binasa.

Halata sa mga mata niya ang pagkagulat at hindi rin alam ano ang gagawin, niyakap niya na lang ako ng mahigpit saka pinat ang likod ko.

Panay pagpapatahan ang ginawa niya sakin at mahigpit na yakap ang pinadama sakin.

"Friend puntahan mo siya," sabi niya sakin at para bang automatiko akong tumayo at sinunod ang mismong sinabi niya.

Tumungo ako sa kaniya at ngumiti siya sakin.
"Kausapin mo siya at kahit anong sabihin niya andito lang ako dadamayan ka." tumango ulit ako at hinubad ang apron na suot ko saka tumakbo papalabas ng bahay.

Hindi ko na naisip ang itsura o ano pa mang suot ko, ang tanging tumatakbo sa isip ko ngayon ay kailangan ko siyang kausapin at tanungin.

Lahat ng mga tanong sa isip ko at mga salitang gusto ko sa kaniya sabihin noon ay sasabihin ko na, lahat ng mga pag-amin na hindi ko maamin noon sa kaniya, aaminin ko na.

Basta maiparating ko lang lahat ng mga salitang gusto kong sabihin sa kaniya, para lang maiparamdam ko ang mga damdamin ko na itinatago sa kaniya.

Lahat ng 'yun gusto ko ipakita, iparamdam at iparating sa kaniya.

Mahal na mahal kita Kidd please lang pakinggan mo lahat ng sasabihin ko sayo ngayon.

Huminto ako sa pagtakbo at pinara ang taxi sa kalsada. Hindi na ko nag-isip pa at pinara agad ang sasakyan na nasa harap ko.

Tinuro ko ang daan at mga ilang oras pa dumating kami sa mansion na dating tinitirahan ko.

Inabot ko sa kaniya ang bayad at halos manginig ang mga paa ko matapos ko bumaba ng sasakyan.

Humakbang ako papasok sa loob ng mansion at pinagbuksan ako ng gate ng guard.

"Miss Aira ano pong ginagawa niyo dito." tanong sakin nung guard at pilit akong ngumiti.

"Ah si pa-- Kidd." sasabihin ko sana ang dating tawag ko sa kaniya pero inisip ko na kalimutan na 'to.

"Ah wala po siya dito maam," sabi niya sakin at medyo na lungkot ako.

"Asan siya? Nakakapasok na ba siya?" Parang balisa siya at hindi makatingin sakin ng daretsyo.

"Ah opo na sa trabaho." medyo hindi ako mapakali at parang may mali sa mansion.

"Ah ganun ba? Sige hayaan mo na lang akong kunin ang na iwan kong gamit sa kwarto." palusot ko sa kaniya dahil nagtataka talaga ako ngayon sa mansion.

Para siyang patay na patay ngayon at mukhang walang tao sa loob.

"Sige maam dalian niyo lang po," sabi niya sakin at ngumiti ako sa kaniya.

"Sure saglit lang ako." tumango siya at hinayaan na akong pumasok.

Namadali akong maglakad at habang papalapit ako ng papalit, pabilis naman ng pabilis ang tibok ng puso ko.

Pagpasok ko sa loob at tumambad sakin ang tahimik na mansion, ni isang tao ay wala, walang bakas ng mga maids o miske ni Kidd.

Daredaretsyo akong tumakbo papaakyat ng hagdan at tumungo sa mga kwarto sa pasilyo. Isa isa ko 'tong binuksan at hinanap ang mga tao dito pero wala ni isa.

"Asan ang mga tao dito?" medyo nagtaka na ko at pumunta sa kwarto ni Kidd ngunit wala ding tao doon.

Huli kong pinuntahan ay ang opisina niya at doon medyo may nagbago.

"Bakit sa silid lang na 'to bukas ang ilaw?" Medyo kinakabahan at natatakot ako sa mga nang-yayari pero ito ang lalong nag-uudyok sakin na maghanap pa.

Inikot ko ang buong silid at medyo na paisip ako sa nakita ko.

Yung malaking book shelf dito ay napapalibutan ng mga kandila na medyo hindi tama dahil papel ang mga libro at ang kandila ay pwede makasunog agad sa mga libro.

Lumapit ako dito at tinignan ang mga kandila na nakapalibot sa bawat gilid nito.

Doon ko napansin ang isang siwang sa gilid ng kahoy.

Napaurong ako.

"Meron ba nito dito dati?" Halos kumawala na ang tibok ng puso ko sa kaba dahil sa mga nakikita ko ngayon.

Pero nilakasan ko pa din ang loob ko at sinubukan itulak ang book shelf at na gulat ako ng umurong ito.

Pag-urong nito tumambad sakin ang isang malalim na lagusan at isang walang sindi na lampara.

Kinuha ko 'to kahit na nginginig ang mga kamay ko saka sinindihan gamit ang mga kandila na nakasabit sa dingding nito.

Pagsindi ko ay lumiwanag ang pasilyo at makikita mo kung gaano kahaba ito.

Napalunok ako dahil sa takot at kaba dahil pupuntahan ko ang madilim na lagusang ito ng mansion na ngayon ko lang na kita.

Huminga ako ng malalim at sinimulan ihakbang ang mga paa ko.

Pababa ng pababa sa madilim na lagusan na 'yun at tanging ilaw lang galing sa apoy ng lampara ang gamit ko.

Humahawak ako sa gilid dahil madilim ang dinadaanan ko, mga ilang minuto pa ay na rating ko ang isang malaking kwarto, inilawan ko 'to at sa kwarto na 'to ay may mga anim na selda? O madami pa.

Nanginginig akong humakbang pa dahil hindi ko alam kung ano pang nag-iintay sakin sa loob.

Napalunok ako at hindi muna gumalaw, huminga ako ng malalim at pumikit.

Sa pagpikit kong 'yun nakarinig ako ng malalim na paghinga, kumunot ang noo ko at inisip kung akin ba 'yun.

Tinakpan ko ng isang kamay ang bibig ko at pinigilan ang paghinga ko saka pumikit ulit at nakinig maigi.

Maliban sa pagpatak ng tubig ay may narinig ulit akong malalim na paghinga.

Kinabahan ako at mahigpit na hinawakan ang hawakan ng lampara.

"Kidd ikaw ba 'yan?" Lakas loob kong tanong na umeko sa kulob na kwartong 'yun.

"Kira?" Mahinang sabi nito at ewan ko ba kung bakit at kusa ng gumalaw ang katawan ko para hanapin siya.

Sa pagmamadali ko hindi ko na pansin ang hinahawakan ko at na dali ang kamay ko ng isang matalim na bato.

"Aaah aray." inilawan ko 'to at tinignan kung saan ako na dali, isang crack at matalim na bato ang humiwa sa kamay ko.

Pinunas ko lang 'to sa damit ko at hindi na pinansin ang patuloy na pagdugo nito.

"Kidd asan ka?" Lahat ng selda ay tinapatan ko ng ilaw at lahat 'to ay walang tao hanggang sa umabot na ko sa pinaka dulo at napabitaw sa lamparang hawak ko.

"Kidd?" Tanong ko doon sa lalaking na kaupo sa sulok at hawak-hawak ang ulo niya.

"Kidd ikaw ba 'yan?" Muling tanong ko at lumapit dito, hinawakan ko ang rehas at inaninag ang imahe niya.

Medyo madilim at hindi ko na pansin ang lampara na hawak ko.

"Kidd ako 'to si Kira, sorry kung iniwan kita, andito na ko okay ka lang ba?" Tanong ko at hindi pa din siya nagsasalita.

Lumapit pa ko ng lumapit at pilit siyang inaabot hanggat kaya ko pero maikli ang mga braso ko para gawin 'yun.

Tumutulo na ang dugo ko at medyo sumasakit na ang kamay ko sa lalim ng sugat nito.

Napapikit ako sa sakit at aalisin ko na sana ang braso ko sa loob ng rehas ng biglang may humila dito.

Napasubsob ako sa rehas at pilit pa ding hinihila ang braso ko dito.

"Ahhh aray ko!" Parang mahahati ang katawan ko sa ginagawa niya ngayon, pilit niyang pinapasok ang buong katawan ko sa maliliit na pagitan ng mga rehas.

"Aray tama na please aray." napapaiyak na ko sa sakit at pagkakadiin ng mahahabang kuko niya sa kamay ko.

Pilit kong inabot ang lampara sa tabi ko at tinapat sa mukha ng halimaw na nasa harapan ko.

Pagtapat ko dito halos tumigil ang mundo ko. Mabilis niyang binitawan ang kamay ko at ako mabilis din 'tong binawi sa kaniya.

Nanginginig ang buong katawan ko at para bang hindi na ko makapag-isip pa. Napaupo ako sa malamig na semento at nanginginig na tinignan ang lalaking mahal ko.

"Kidd anong nang-yari sayo?" Nakita ko siyang tumayo at para bang hindi ko alam kung anong gagawin at ikikilos ko.

Gusto kong lumapit sa kaniya pero sa sobrang takot ko na paurong ako.

Nilingon niya ko at tumingin sakin, ibang iba na ang itsura niya at sobrang na kakatakot 'to.

Itim na ang mga mata niya at pula ang gitna nito, ang kulay niya ay kulay violet na at lumalabas dito ang mga kulay berde niyang ugat, halos gulo-gulo na din ang buhok niya at lahat ng pangil niya ay nakalabas na.

"Aa--nong na nang-yari sa-yo?" Nauutal kong tanog sa sobrang takot ko.

Lumapit lang siya sakin at dinilaan ang mga dugo ko sa mahahaba niyang kuko.

"Bumalik ka." halos manlambot ako ng marinig ang boses na 'yun.

Iniisip ko na sana nililinlang lang ako ng mga mata ko sa mga oras na 'to pero matapos niya magsalita halos gumuho ang buong sistema ko.

"Ki-dd babak-kit ka na nag-ing gan-yan." tinuro ko siya at parang sumama ang timpla niya.

"Bakit hindi mo na ba ko mahal ngayon dahil sa itsura ko? Sabihin mo?" Tumalon siya sa harap ko at humawak sa rehas, hindi niya inaalintana ang pag-usok ng balat niya sa liwanag ng apoy.

"Tara dito mahal kong anak," sabi niya at ngumisi.

"Ay mahal ko lang pala walang anak." ngumisi siya sakin at tinitigan akong maigi ng mga itim niyang mata.

"HAHAHAHAHAHA." para siyang na wawala sa sarili at tawa ng tawa.

"Natatakot kana sakin ngayon? Ayaw mo na sakin ngayon? Kung ganun? Pwede ba akin na lang dugo mo?" Galit niyang sabi at mahigpit na hinawakan ang mga bakal saka pilit 'tong binubuksan.

"Alam mo bang sobrang sarap ng dugo mo! Siguro dahil ako ang nagpalaki sayo hahahaha." napaurong na lang ako sa pagkakaupo habang siya unti-unti nang na papalaki ang butas ng rehas at maaari na siyang makalabas.

Nangangatog ako at puro luha ang na sa mukha ko, pero hindi ko magawang tumayo o gumawa man lang ng paraan para pigilan siya.

Para bang gusto ko na mamatay at kunin niya na lang lahat ng dugo ko, kahit na takot na takot ako hindi ko na maisip na tumakbo pa.

Pumikit na lang ako at pinakinggan ang pagkakayupi ng mga bakal na nagsisilbing rehas niya.

"Iintayin mo ko d'yan? Sige Aira saglit lang si daddy," sabi niya at halos sumigaw na ko sa takot pero walang lumalabas sa bibig ko.

Nawala ang ingay at dahan-dahan kong binuksan ang mata ko.

Nakita ko siyang nakaupo sa harap ko at parang inintay lang matapos ang mga panalangin ko.

Ngumiti siya sakin at lahat ng pangil niya ay lumabas, na wala ang bilis ng tibok ng puso ko at nanginginig na hinawakan ang mukha niya.

Nakangiti lang siya na parang demonyo sa harap ko hindi katulad ng lalaking minahal ko, pero anong pake ko? siya pa rin 'to hindi ba.

Napaiyak ako at pilit ding ngumiti na parang baliw sa harap niya, siguro nga mas mabuti kung ibigay ko na lang sa lalaking mahal ko ang dugo o buhay ko, tutal sobrang laki ng utang na loob ko sa kaniya at higit sa lahat sobrang mahal na mahal ko siya.

Tinitigan ko siya at ginalaw galaw niya ang ulo niya na parang bata at tuwang tuwa na mapahidan siya ng dugo ko sa palad.

"Hahaha tapos ka na ba?" Nabato ako at hindi makagalaw ng hawakan niya ng mahigpit ang braso ko at na wala ang ngiti niya sa mukha.

"Ako naman!" Sigaw niya at mariin kong pinikit ang mga mata ko.

Pero ilang segundo pa ay bigla siyang bumuglata sa harap ko.

Napatingin ako sa lalaki sa likod niya at may mga kasama pa 'to.

"Tama na 'yan Kidd," sabi nung matangkad na lalaki at puno ng dugo ang kamay.

Bumulagta si Kidd sa bisig ko at niyakap ko siya, nahipo ko ang madaming dugo sa likod niya at nanginginig akong tinignan 'to.

Lumingon siya sa lalaking na sa harap namin.

"Kuya greed inaantay kita," sabi niya at matamis na ngumiti sa kuya niya.

"Sorry huli na ko," sabi na lang nung lalaki at ngumiti lang si Kidd kasabay ng pagbalik ng anyo niya sa dati.

Umagos ang napakadamig dugo mula sa likod niya tagos hanggang dibdib niya at mukhang parte ng puso niya ang tinamaan.

"Kidd hoy." inuga ko siya at panay lang ang ngiti niya sakin.

"I love you I love you I love you." paulit ulit niyang binibigkas sa harap ko at ako parang hindi na makagalaw pa.

"Teka lang! Hoy ano ba wag kang pipikit! Aaaahhh! tulungan niyo kami dalhin natin siya sa hospital please please po." nangangatog na ko dahil nararamdaman ko na ding basa ang damit ko ng dugo niya.

"Please po! Please! Tito Dan? Tito Niel?" tanong ko sa iba pang lalaking na katayo lang at na nonood ng pagkamatay ng lalaking mahal ko.

"Ah no! Please tulungan niyo ko." lumapit 'yung isang lalaki na nakatayo lang at nakita kong si tito Niel nga ito.

Umiling siya sakin at hinawakan ang kamay ni Kidd.

"Im sorry," sabi niya at halos panawan na din ako ng ulirat sa mga emosyon na hindi ko na kayang dalahin pa.

Iyak ako ng iyak at panay ang tampal sa pisngi ni Kidd pero na walan na ng buhay ang mga mata nito at hindi na gumalaw pa.

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

403K 10.3K 54
[WARNING: Contains cringey stuff hihih Will edit soon] Neil Drace Knight is one of the mythical creatures feared by everyone. A creature that feeds t...
55K 4.1K 55
Mula pagkabata ay gusto nang mapabilang ni Fenris sa Order of the Purple Lily, ang elite military force ng continent ng Narguille. Pero merong isang...
13.4M 642K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
1.8M 42.5K 58
Eve Henderson-a troublemaker, a tricky devil, a short-hot-tempered girl, a bitch with a heart, a bullyhater, a notorious hacker, a Mafia Heiress, a r...