Hello, Daddy

By starlighteuuu

625K 12K 480

Pano na lang kung malaman mo isang araw buntis ka at ang malala pa King of Campus ang ama ng batang dinadala... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 18

14.4K 300 14
By starlighteuuu


Pagkalabas ko ng bahay ay dumampi agad sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Malapit na nga palang magpasko napakabilis talaga ng panahon. Mabuti na lang ay walang mukhang Travis ang sumalubong nanaman sa akin kundi mababadtrip na nanaman ako sa pagmumukha niya.

"Boom shakalaka!!" Napapikit ako sa gulat ng marinig ang malakas na boses ni Travis. Iiwasan ko na talaga ang pagkakape at sunod si Travis.

"Ang bilis ng panahon no? Malapit na agad magchristmas" Wika ni Travis kaya napatingin naman ako sakanya at pumikit ito na parang dinadama ang ihip ng hangin. Napangiwi na lang ako sa ginawa. Mung timang kasi siya.

"Serina! Travis!" Napalingon kaming pareho ng makita namin si Zoey habang kumakaway habang katabi niya ang kanyang ama. Ewan ko ba sa tuwing nakikita ko ang papa ni Zoey ay nagiiba ang pakiramdam ko siguro dahil nangungulila parin ako kay papa na iniwan kami.

"Hi Zoey, Hi po" bati ko kay Zoey at sa ama niya. Ngumiti naman ito sakin pero may kakaiba rin sa itsura niya.

"Wow! Look Dad may nunal din si Serina sa ilalim ng mata niya ngayon ko lang yan napansin Serina." Nakangiting wika ni Zoey. Napatingin naman ako sa ama niya at ngumiti rin ito.

"Ah. Hehe, Nagkataon lang siguro" Tumango tango naman si Zoey at humarap sa ama niya.

"Sige, Dad una na po kami" Tumango ang ama niya.

"Take care of yourself. Sweetie" Ngumiti naman si Zoey at pumasok na ang papa niya sa loob ng kotse.

"Bakit hindi mo kamukha ang Papa mo Zoey?" Tanong ni Travis kaya napatingin sakanya si Zoey. Parang nagisip ito kaya nagtaka rin ako. Malayong malayo nga ang itsura nila pero halatang close na close sila sa isa't isa.

"Kamukha ko kasi si Mom kaya ganon hihi" Tumango naman si Travis at pumunta na kami sa kanya kanyang room. Hindi ako inihatid ni Travis dahil may gagawin daw siya. Mas gusto ko na yun para hindi kami pagtinginan ng mga babae dito. Parang hindi na sila nasanay.

"Himala hindi nakabuntot sayo ang lalaking yon" Sambit ni Xander at agad na umupo sa upuan niya. Naalala ko naman ang sinabi ni Travis kahapon.

Alam kong may gusto sayo si Xander..

Bwisit na Travis yon. Niloloko lang ata ako non eh. Tsaka isa pa malabong magkagusto sa akin si Xander. Mas maraming magaganda sakin dito pero atleast sakin natural.

"I-ikaw si Serina diba.." Napatingin ako kay Harry Potter hindi ko kasi alam ang pangalan niya ayan na lang ang itatawag ko sakanya mula ngayon.

"Oo bakit?" Nakangiti kong sagot sakanya. Nauutal kasi siya at ilang na kausapin ako.

"G-gusto mo bang pumunta sa party? Birthday Party" Wow. Akalain mo yun inimbitada niya pa ako. "Kung hindi ka b-busy" sabi niya pa ulit kaya tumango tango ako. Tsaka pagkain din yun no. Isama ko kaya si Travis para naman may kasama ako pati si Zoey.

"Ah. Pwede ba kong magsama ng kaibigan?" Tanong ko kaya lumingon naman siya sakin. Tumango ito kaya napangiti ako.

"Count me in" Napatingin naman kaming dalawa ni Harry Potter kay Xander na biglang nagsalita.

"Sige" sambit ni Harry. Ano ba kasing pangalan nito.

"Hoy! Hindi ka naman niya inimbita" napalingon naman si Xander sakin at ngumisi. Hindi siya naging gwapo sa pangisi ngisi niya.

"S-Serina okay lang n-naman na sumama siya.." Napatingin naman ako kay Harry. Tsaka tumango wala naman akong nagawa dahil birthday party ni Harry yun. Ewan naiinis lang talaga ako kay Xander.

"Lio ang pangalan ko" mabuti naman at hindi na siya nauutal. Mukhang magkakaroon ako ng bagong kaibigan. Nginitian ko naman si Lio at ganon din siya. Si Xander ay wala na rin dito sa harap namin.

"Alam mo bang nakakainis ang lalaking yon! Dapat hindi ka pumayag na pumunta sa siya kaarawan mo" sambit ko at napasandal na lang ako sa upuan ko. Wala pa kasi ang prof namin. Napatingin naman ako sakanya at nakita ko siyang ngumiti. Hala ngumingiti na siya.

"Kaibigan ko si Xander" Agad akong napalingon sakanya. At napakunot ng noo. Ang lalaking yun kaibigan niya.

"Kaibigan? Parang hindi ko naman kayo nakikitang magkasama?" Tanong ko at ngumiti ulit siya.

"Ako ang umiiwas sakanya. Baka kasi pagnalaman nilang may kaibigan si Xander na katulad ko ay masira ang imahe niya. Sikat na estudyante si Xander sa paaralan na ito hindi ako nababagay maging kaibigan niya. Kaya kahit ganon ay tinitiis ko na lamang" napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Lio. "Aasahan ko kayo mamaya. Serina" dagdag niya pa kaya nagthumbs up ako habang nakangiti.

"Kaya ka pala niya nagustuhan" kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Huh?"

"Wala. Sabi ko nandyan na ang prof natin" napatingin naman ako sa pintuan at papasok na ang prof namin.

Nakakaboring. Napakalumanay talaga ng boses ng nitong prof namin. Parang hinihele niya kami sa boses niya. Ang ibang kaklase ko ay natutulog na rin. Hays.

Bigla naman nagring ang bell at agad na nagsilabas na ang mga kaklase ko. 

"SERINAAAAAAAA!" Napatingin naman ako sa tumawag ng pangalan ko. Bakit ang hilig nilang isigaw ang pangalan ko.

"Ano nanaman yun Travis"

"Hm. Wala. Masama bang tawagin ang pangalan mo. Para sakin ang pangalan mo ang pinakamaganda sa lahat" napahinto agad ako sa sinabi ni Travis.

"Ewan ko sayo. Baliw!" Tumakbo na ako papunta sa susunod na room namin.

"Hoy! Serina sandali" napalingon ako kay Travis at tumatakbo na rin siya. Napapatingin din sakanya yung mga ibang babae at para silang nakakita ng artista at tinututok ang camera ng cellphone nila sa tumatakbong Travis. Hays sikat talaga ang isang to.

"Ay tanga" Napahawak ako sa noo ko. Napatingala ako at nakatayo nga sa harap ko si Xander. Sakit nun ah.

"Okay ka lang ba Serina?" Tumango tango naman ako saka ako inalalayan ni Travis patayo.

"Okay lang siya" sambit ni Xander habang nakatingin kay Travis. Si Travis naman ay sinamaan ng si Xander

"Tara na Travis. Malelate na tayo" hila ko sa damit niya at agad naman siyang sumunod. Nakabusangot naman ang mukha niya habang naglalakad kami.

"Problema mo? Ikaw nabangga?" Sarkastikong sabi ko sakanya.

"Pano kung nabagok ang ulo mo? Tingin mo okay lang yun? Sakin hindi." Sabi niya ng hindi tumitingin sakin.

"OA mo, Nga pala Travis. Gusto mong pumuntang party. Birthday party tiyak maraming pagkain dun. Mamaya inimbita kasi ako ni Lio"

"Sinong Lio?"

"Kaklase ko" tumango tango naman siya bilang sagot. Ang sakit pala talaga ng pagkakabangga ko dun kay Xander.

                           ~*~

Isang malakas na tugtog ang bumungad samin kahit nandito pa lang kami sa labas ay rinig na rinig na ang malalakas na speaker na nanggagaling sa malaking bahay na ito. Napakalaki nito at hindi ko akalain na dito nakatira si Lio. Ang simple niya lang kasi manamit kaya nagmumukha pa siyang nerd dahil sa suot niyang eyeglasses.

"Woah. Mukhang masaya dito" Sambit ni Travis ng agad kaming makapasok.

"Serina. Sure ka bang dito na yun?" Tumango tango naman ako. "Party!" Sigaw pa ni Zoey na halatang excited na rin.

Pumasok na kami sa loob at rinig na nga namin ang hiyawan sa mga schoolmates din ata namin. Napakunot ang noo ko ng makita ang mga babaeng nakaswim suit at palakad lakad lang sa tabi tabi. May pool pala ang bahay nila. Grabe ang yaman pala ni Lio.

"Serina" napalingon naman ako at nakita ko si Lio na may dalang baso na may lamang wine.

"Lio, Mga kaibigan ko si Zoey tsaka si Travis" tumingin naman si Lio sa kanilang dalawa at ngumiti.

"Kilala ko sila. Mga sikat sa school natin" sambit niya. "Kumain na ba kayo?" Umiling naman ako agad. Ito lang naman ang habol ko dito.

"Travis? Mukhang nandito ang mga kaibigan mo. Puntahan mo kaya muna?" Wika ko at agad naman napatingin sakin si Travis.

"Talaga? Sige hahanapin ko muna sila" ngumiti naman ako at agad naman siyang nawala. Madaming girls hindi na ko magtataka. Sumunod naman kami ni Zoey kay Lio.

"May problema ba?" Tanong ko kay Zoey kanina pa kasi siya tingin ng tingin sa cellphone niya.

"Ah wala naman, sandali lalabas lang ako" tumango naman ako at napabuntong hininga.

Pagkarating namin ay sandamakmak na ang pagkain na nakahain.

"Iiwan muna kita dito ha?" Sabi ni Lio at tumango naman ako agad. Mas marami akong makakain kung walang titingin sakin. Hihi. Kumuha na ako ng pagkain at mukhang masasarap nga ito.

"Take it off"

"Yummy"

"Take it off!"

"Take it off"

Napatingin ako sa nagkukumpulan sa malawak na bahagi ng bahay nila Lio. May mesa na nakalagay sa gitna at napatingin ako sa lalaking kasalukuyang nasa ibabaw nito.
Muntik ko ng mabuga ang spaghetting nasa bibig ko at malamang si Xander ang nasa ibabaw nito. Nagkakasiyahan sila habang si Xander ay may hawak na bote at mukhang alak pa ang nasa loob nito. Umupo muna ako sa isang tabi at pinagpatuloy ang pagkain ko. Pabalik balik na rin ako sa mga pagkain nila na parang hindi naman nababawasan sa sobrang dami. Yung totoo ako lang ba kumakain o ako lang talaga ang patay gutom dito?

"Take it off!"

Napatingin ako ulit sakanila at pinagkakaisahan nanaman ulit nila si Xander na mukhang may tama na. Sabagay lagi naman siyang may tama sa ulo. Unti unti nitong tinanggal ang v-neck niyang itim at nanlaki ang mata ko ng magtama ang mata naming dalawa. Alam kong walang tao sa likod ko at ako lang ang tao dito sa dereksyon ko. Hindi basta hindi ako ang tinignan niya. Napatingin ulit ako Xander at nakangisi na ito at wala ng damit. Waaah! My virgin eyes.

"Ang yummy bes!"

"Kanin na lang kulang!"

"Sarap mo!"

Nilapag ko at platong hawak ko at kinuha ang tubig na nasa mesa. Masyadong marami ng tao dito sa loob kaya nagpasya akong lumabas muna at pumuntang garden. Napansin ko kasing maganda rito at kakaunti lang ang tao. Napangiti agad ako ng may makita akong swing at agad akong umupo dito.

"Bakit ka nandito?" Aish! Bakit ang hilig nilang manggulat. Napalingon naman ako sa nagsalita sa likod ko at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Xander ngayon ay suot na ulit niya ang damit niya.

"Pumasok kana sa loob mukhang nagkakasiyahan kayo doon" giit ko at napatingin lang sa itim na kalangitan.

"So pinapanood mo talaga ako" napalingon naman ako sakanya at sinamaan siya tingin. Kapal din ng kalyo nito sa mukha.

"Hindi kita pinapanood no! Sadyang nandun lang ako kanina pa at hindi ko sinasadyang mapanood ka ng nakahubad. Bastos!" Sigaw ko sakanya tumawa naman siya at umupo sa kabilang swing. Pumipikit pikit pa siya at mukhang lasing na.

"Hindi ako lasing" sambit niya.

"Wag mo nga akong niloloko. Matulog kana kaibigan mo naman si Lio siguradong pwede kang matulog dito sa bahay nila. Tatawagin ko lang siya" tumayo na ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Napatingin ako sakanya at tumayo din siya.

"I-ikaw na lang ang maghatid sakin. Hindi mo mahahanap ang ungas na yon" sambit niya. Aish nakakainis talaga ang lalaking to. Ano pa bang magagawa ko.

Nasa pangalawang palapag ang kwarto na tinutukoy niya at nasa pinakadulo.

"Hoy, Xander dito na ba yon?" Sabay turo ko sa itim na pinto at agad naman siyang tumango. Mukhang. wala na nga siya sa sarili niya. Binuksan ko naman ang pinto at tumambad sakin ang malaking kwarto at may malaking kama. Ika ika kaming naglalakad dahil sa kabigatan niya.

"Aish ang bigat mo!" Sigaw ko sakanya ng maibagasak ko na siya sa kama. Nakapikit lang siya pero ngumiti parin. Lalabas na sana ako ng hawak niya ang kamay ko at bigla akong hilain.

"Xander!" Sigaw ko sakanya. Bigla niya akong dinagaanan ang magkaharap na ang mukha namin. Naginit agad ang pisngi ko.

"Bakit sa tuwing nakikita kita bumibilis ang tibok ng puso ko?" Ngayon ay nakadilat na ang mga mata niya. Nakatitig pa siya sa akin at hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Serina..."

"Xander! Aalis na ko" kahit anong tulak ko sakanya ay hindi parin siya gumagalaw.

"Serina. Lahat ng sinabi ko sayo noon totoo yon. Serina..." Naramdaman ko na lang na may tumulo ng luha sa pisngi galing sa mga mata ni Xander. Para akong napako at wala ng lumalabas sa bibig ko.

"Serina, Mahal kita" unti unting bumuhos ang mga luha sa mga mata niya. Walang akong maramdaman ngunit parang kusang gumalaw ang kamay ko papunta sa pisngi ni Xander upang punasan ang mga luha niya.

Unti unti niyang nilapit ang mukha niya sakin at naramdaman ko na lang ang paglapat ng labi niya sa akin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at wala akong maramdaman kundi ang tibok ng puso ko lang. Napapikit na lamang ako at maramdaman kong gumalaw na ang labi namin sa isat isa. At ang mga kamay ni Xander na unti unting inaalis ang suot ko.

Continue Reading

You'll Also Like

68.1K 1.7K 22
Shiloh Esperanza was a transferee student. She's your typical innocent good girl who always follows orders around, listens to her parents, follows he...
1.1M 20.8K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
746 186 62
Sebastian Easton Madden is a gamer that has a passion for reading stories with unhappy endings. He is known for his brain almost like Einstein and hi...
27.6K 830 52
Ang tanging hiling lang naman ni Julietta ay makaahon sa kahirapan.Dahil ulila na siyang lubos at walang pamilya.Nakatira sa maliit na kubo at tangin...