If I'm Not In Love

By winglessbee

53K 1.8K 296

They say "Chase your dream" so im chasing mine and it's you. More

Not In Love
PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40

25

972 36 8
By winglessbee

Hindi ako nakasagot at napatingin lang ulit sa kamay naming magka-intertwined. Hindi ko mapigilang mapangiti kahit na ramdam na ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko, which is hindi ko maintindihan kung bakit dahil hindi naman siya si Ethon. Buong akala ko, si Ethon lang ang kayang magpabilis ng tibok ng puso ko dahil may gusto ako sa kanya.

I felt a squeezed in my hand then Troy let go of it afterwards. Bigla akong nanghinayang. Now, I feel so empty. Ganito pala ang feeling ng may kaholding hands tapos bigla ka na lang bibitawan. Parang may bigla nawala sayo.

"Hindi tayo pwedeng magholding hands sa loob ng classroom," bulong ni Troy sabay tawa.

Bigla akong napatingin sa kanya saka siya hinampas sa braso. Nasa mood na siyang mang-asar ngayon? Para talaga siyang babae. Magulo. Napailing na lang ako.

"Leila! Troy! Uy nakita namin yon! Ano? Kayo na?" salubong samin ng classmates namin.

Umiling ako saka tumawa. Grabe sila, hanggang ngayon pala may malisya pa rin sila samin. Bigla akong inakbayan ni Troy na tumatawa rin saka ako hinila papunta sa  upuan namin.

"Sagutin mo na daw ako," sabi niya pagkaupo namin habang tatawa tawa pa rin. "I didn't know, I'm courting you, Lala"

Natawa na lang din ako saka napailing. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang dumi ng isip nang ibang tao. Porke't palaging magkasama ang isang babae at lalaki, nagliligawan o magnobyo na. Alam naman namin ni Troy ang limits namin sa isa't isa and we respect that. Atsaka, si Ethon ang gusto ko ngayon. Kahit hindi ako sigurado kung hanggang kelan ko siya gusto dahil wala namang kasiguraduhan sa mundo, but the thing is, I like him now. Present tense.

May humila ng mahina sa buhok ko. "Lala"

Lumingon ako kay Troy na napangalumbaba sa desk ko habang nakatingin sakin.

"Bakit?" tanong ko.

"Kamusta na kayo ni Ethon? May progress na ba?"

Agad akong napangiti sa tanong niya. Kung progress ang pag-uusapan, meron na. Parang traffic sa Edsa, mabagal pero atleast umuusad.

"Kinakausap na niya ko," ngiting ngiti na sagot ko.

Umangat ang kilay ni Troy saka ngumisi. "Is that so?"

I nodded saka pareho na kaming umayos ng upo nang pumasok na yung professor namin.

May biglang umakbay sakin pagkalabas na pagkalabas ko ng classroom pero agad din namang naalis ito.

"Tss. Why are you here?" narinig kong tanong ni Troy kay Nico na nasa tabi ko na.

Ngumisi si Nico saka binalik na naman yung kamay niya sa balikat ko. "Sasabay maglunch, ano pa ba?" sagot nito.

I saw Troy shook his head pero hindi na umimik. Nico chuckled then wrapped his arm around my neck para ilapit ang tenga ko sa bibig niya. "Nasa likod si Ethon," bulong nito.

Mabilis akong lumingon sa likod and confirmed that Nico's not lying. I smiled instantly nang magtama ang mga mata namin. Pero hindi siya ngumiti pabalik. Seryoso lang siyang nakatingin sakin at hindi rin naman nagtagal ang titigan namin, dahil mabilis siyang nag-iwas pagkatapos ng two to three seconds. Typical Ethon Esguera, pero sabi ko nga, may progress dahil naging three seconds na yung tinatagal nang titig niya. My smile gets wider at the thought.

"Sasabay din siya, okay lang ba?"

Binalik ko ang tingin kay Nico saka tumango. "Alam mong hindi mo na kailangan tanungin yan, because obviously, 'yes' will always be my answer for Ethon"

Nico laughed that caught Troy's attention. He nudged me and asked me what's Nico's problem. Sinabi ko sa kanya yung sinabi ko kay Nico. Umiling lang siya saka tipid na ngumiti at binalik na yung tingin sa daan. Mabilis kong nakita si Melissa na kumakaway samin pagkapasok namin sa canteen. But her smile slowly vanished habang papalapit kami na para bang may hindi siya nagustuhan sa nakikita niya kaya tumungo agad siya.

"Kami na lang mag-oorder, anong gusto niyo?" tanong ni Nico.

"Kay Mel na lang kunin mo, I know what to order for Lala," sabi naman ni Troy.

I stared at Melissa as I sat across her at medyo napakunot ang noo ko nang bigla siyang nag-iwas ng tingin nung magtama ang mga mata namin. I tilted my head at napatingin ako bigla kay Ethon na nakatitig sakin bago naglakad na papunta sa counter.

Hindi maalis ang ngiti ko habang hinahabol siya nang tingin hanggang marinig kong magsalita bigla si Melissa sa tapat ko.

"I think he likes you.." sabi nito.

I shifted my gaze on her and she gave me a tight smile bago ibaling ang tingin sa ibang direksyon. Umiling ako pero hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko. Ayokong mag-expect, alam ko kasing mas masakit ang balik sakin kapag mali pala yung assumption ko. Hindi na lang ako nagcomment sa sinabi niya at hinintay na lang ang boys na makapag-order.

"Sisig on the way!" announced ni Nico nang papalapit na siya sa table namin habang hawak hawak ang tray.

Tumingin ako sa tray na hawak ni Troy at napangiti ako na hindi sisig ang kinuha niya para saming dalawa. He chuckled as he sat next to me at inilapag agad sa tapat ko ang caldereta and rice pati na yung isang bote ng mineral water.

"I was tempted, if you may ask.." bulong niya sakin.

Napailing na lang ako. Alam ko naman na gustung gusto niyang matikman ang mga pagkain na may ingredients na itlog, pero hindi niya ginagawa dahil hindi naman ako papayag. Ako kaya ang bantay niya at alam niyang ako yung malalagot kila Tita Honey kapag naospital siya.

Nico suddenly cleared his throat nang biglang tumabi sakin si Ethon. I looked at him, pero agad din siyang nagsimulang kumain pagkaupo niya. My smile widened. Kung ganito ba naman palagi, makakatipid siguro ako dahil busog na agad ako sa panonood sa kanya. Totoo pala yung nababasa ko sa libro at napapanood ko sa movies, presence palang niya buong buo na ang araw ko. Ganito pala ang feeling kapag katabi mong kumain ang taong gusto mo, nakakakaba at nakakaexcite at the same time.

Troy nudged me, snapping me back from my reverie kaya nagsimula na rin akong kumain bago pa niya ako sermonan. Tahimik lang kaming lahat sa simula na parang magkakagalit kami habang kumakain, but Nico couldn't take the silence. Being a talker is really hard to remained silent even just for a couple of seconds.

"Tara, let's just cut our remaining classes," suggestion nito.

Sinimangutan ko siya, "Bad influence ka talaga"

"Ang sakit mo naman magsalita sakin, Lala!" sabi nito habang nakahawak sa dibdib niya at umaarteng nasasaktan.

Napangiti na lang ako saka napailing. Ang layo talaga ng personality niya kay Ethon na tahimik lang sa gilid ko at parang may sariling mundo, pero okay lang dahil katabi ko naman siya.

"Ethon, ikaw ang magyaya para hindi makatanggi si, Lala" nakangising sabi ni Nico habang makahulugang nakatingin sakin.

I sighed.

Kung si Ethon ang magyaya na mag-cut, hindi ako makakatanggi. Napailing na lang ako at nag-abang sa sasabihin ni Ethon, but nothing comes out. I frowned at Nico, but he just shrugged his shoulder then shook his head whilst chuckling.

"Fine. Papasok na tayo," sabi nito saka nagpatuloy sa pagkain.

Troy nudged me again, "Eat.." sabi nito kaya pinilit kong ubusin ang pagkain ko kahit hindi ganun kasarap. Gusto ko kasi ng sisig, pero ayoko namang mainggit si Troy samin kaya hindi ko na lang pinahalata.

Napatigil kaming lahat at napatingin kay Ethon nang bigla siyang tumayo dala dala ang tray niya.

"Aalis ka na?" I asked.

Akala ko dededmahin niya lang ako like he always did, but then, I was wrong. Much to my glee, he looked at me then nodded his head bago umalis dala ang tray niya. Hindi ko man narinig yung nakakainlove niyang malalim na boses, hindi ko pa rin mapigilang mapangiti ng abot tenga habang hinahabol ko siya nang tingin. Parang gusto ko tuloy siyang sundan pero pinigilan ko ang sarili ko, dahil may mga kasama ako. Dapat siguro, simulan ko nang sanayin ang sarili ko na kiligin.

"Aalis na din ako. Magi-start na yung klase namin," paalam ni Melissa na nakapagpabalik ng tingin ko sa kanila.

Mabilis na naglakad si Melissa paalis dala yung tray niya. Tumingin ako kay Troy na nakakunot agad ang noo nang makitang nakatingin ako sa kanya. Umiling siya saka tumayo dala yung tray namin. "Let's go," sabi nito nang makitang hindi pa ko tumatayo kasama ni Nico.

"Hindi mo ihahatid si Melissa sa classroom nila?" tanong ko habang tumitingala sa kanya.

"Why?"

I pouted then stood up, "Akala ko ba dumadamoves ka na?"

"I didn't say that.."

Umiling na lang ako saka tumingin kay Nico na nasa likod ko na parang walang balak tumayo sa kinauupuan niya, "Papasok ka ha"

"Yes, ma'am!" he grinned, amusement was very evident in his eyes.

Mabilis akong hinila ni Troy paglabas ng canteen pagkalapag niya ng tray. Narinig ko yung sigaw ni Nico, pero tuluy tuloy lang sa paghila sakin ni Troy kaya naiwan na namin si Nico sa loob.

"Teka, si Nico"

"Aakbayan ka na naman nun. Tss," Troy huffed without taking a glance on me.

Napangiti ako saka tinusok yung tagiliran niya kaya napahinto siya bigla, "Selos ka?" I chuckled.

Umangat ang gilid ng labi niya saka ako hinila palapit sa kanya at umakbay sakin. "I'm not the jealous type," he answered as he shrugged his shoulder.

Hinampas ko ng mahina yung tyan niya saka umiling. Kung maririnig siguro kami ng ibang tao, they'll probably think we're a couple. Marami naman nagsasabi, kahit noon pa, but it didn't made us awkward with each other. Hindi naman kasi dapat pinoproblema kung anong iniisip ng ibang tao tungkol sayo o sa ginagawa mo. All we have to do is enjoy the moment while it last, pero syempre, dapat walang nasasagasaan na ibang tao.

"Kaya ka ba hindi nagseselos kay Ethon kapag magkasama sila ni Melissa?"

His steps halted kaya napahinto rin ako dahil nakaakbay siya sakin. The corner of his lips lifted nung tumingin siya sakin. I stared at him. Ayan na naman kasi yung infamous smirk ng mga Perkins. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin mafigure out ang ibig sabihin ng smirk nitong si Troy. Very mysterious.

"I'll tell you a secret"

I felt my eyes twinkled in excitement. I think ito na yung right time na aamin na sya sa wakas about sa feelings niya kay Melissa. I stared at him expectantly. He leaned forward at nilapit niya ang bibig sa tainga ko.

"I'm starting to get jealous," he whispered then I saw Ethon and Melissa at the far corner walking together papunta sa classroom nila.

Continue Reading

You'll Also Like

5.8K 373 39
There's a reason in every season. Siguro nga may dahilan lahat ng nangyari sa atin, noong panahong iyon.
128K 11.9K 64
The love story of VictoRi continues. This time let's see how these executives will Set-Up Daniel Monteiro and Allona Mendez for them to realize that...
1.2M 42.3K 56
Born in a strict and ambitious family, Syerana cannot handle the pressure that her family gives. As her family tries to control every decision she ma...
1.1M 20.8K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...