Keeping You Forever✔

By dauntlessj09

5.2K 480 52

LANGUAGE: TAGALOG-ENGLISH #103 HIGHEST RANKING ACHIEVED IN CHICKLIT 2022-01-10 #212 HIGHEST RANKING ACHIEVE... More

Chapter 1: Not My Type
Chapter 2: Help Care Organization
Chapter 3: Annoying
Chapter 4: Interview
Chapter 6: Dinner
Chapter 7: Game
Chapter 8: Feelings
Chapter 9: Kiss
Chapter 10: Courting
Chapter 11: Monthsary
Chapter 12: I love you too
Chapter 13: Ex
Chapter 14: Anniversary
Chapter 15: Trust
Chapter 16: Unfair
Chapter 17: Broken
Chapter 18: Alone
Chapter 19: Friends
Chapter 20: Transformation
Chapter 21: Chase
Chapter 22: Space
Chapter 23: Forgiven
Chapter 24: Promise
Epilogue
Author's Thanks!

Chapter 5: Reporter

320 37 4
By dauntlessj09

Arah's POV

"Here. Thank you." Wika ko sa librarian matapos kong isauli ang libro na ginamit ko sa thesis namin.

Lumabas na ako ng library at sakto namang papasok si Dave. Mukhang kakatapos lang din ng practice nila.

Naka white t-shirt ito at suot ang pang basketball nitong shorts na green. Naka white sport shoes ito na malinis tinginan.

Oo na, gwapo na itong tingnan.

"You done?" Tanong nya.

"Yeah."

"Let's go."

"How's practice?" Tanong ko habang naglalakad kami palabas ng building.

"Eto pagod." Bigla naman itong ngumiti sakin kaya napa iwas agad ako ng tingin. They way kasi he smile, parang namamagnet ka.

"Oh! I forgot–" Bigla naman akong napa tingin sa kanya. Guess he forgot something dahil kumakapa ito sa bulsa nya.

"Why?" Tanong ko.

"Pwede bang dumaan muna tayo sa gym saglit? Naiwan ko kasi yung phone ko kay Alexander, teammate ko."

"Ok." Maikli kong tugon.

Ng makapasok kami sa gym ay natigilan ang lahat ng kasamahan ni Dave ng makita ako.

Problema nila?

"Pare, may bago ka palang girlfriend ngayon?" Bigla naman akong nagulat sa sinabing iyon ng medyo mayabang nyang teammate.

Lumapit naman si Dave dito kaya hindi na ako sumunod sa kanya. I just stood sa entrance ng gym kasi wala naman akong kakilala sa kanila.

Dave and that guy talked for a few seconds bago ito lumapit sa isa pa nyang kasamahan na iniabot sa kanya ang phone nya. That must be Alexander.

Matapos non ay umalis na kami saka nya ako hinatid sa amin.

***

"Ate! Nandito na yung Dave. Lumabas ka na jan!" Mabilis naman akong napa suklay ng buhok ko sa harap ng salamin.

"Oo. Lalabas na." Sagot ko kay Steve. Rinig na rinig ko nga mula sa kwarto ang halakhak ni mama tsaka ng unggoy na yun.

Ano na naman kaya ang pinaguusapan nila?

Nakilala na din nilang lahat si Dave ng maihatid ako kanina.

Naalala ko tuloy kung pano maging reporter si mama.

Flashback

"Good evening po." Magalang na bati ni Dave kay mama na kakauwi lang galing sa ospital.

"Ikaw ba si Dave? Pasok ka hijo." Anyaya naman ni mama sa kanya papasok sa loob ng bahay. Hindi naman ganun kalaki ang bahay namin. Dalawang palapag lang atsaka mga simpleng dekorasyon.

Tumango naman si Dave saka sumunod kay mama sa loob. Na ikwento ko kasi kanina sa call kay mama na darating ang kaibigan ko.

Nakita kong tinuturuan ni Steve si Fina sa may kusina.

Binigyan naman ako ng makahulugang tingin ni Steve na inilingan ko na lang.

"Ma, si Dave nga po pala. Kaibigan ko po. Hinatid nya ako ngayon kasi iinterviewhin ko sya mamaya." Pagpapakilala ko kay Dave kay mama.

"Hello po tita." Ngumiti naman uli si mama.

"Welcome sa bahay namin Dave. Pasensya ka na at hindi gaano kalaki." Umiling naman si Dave saka umupo sa sofa.

"Ayos lang po yun tita." Naka ngiti nyang wika. Bigla namang tumikhim si Steve habang nilalagay ang miryenda sa mesa at umupo sa tabi ni mama.

"Simple lang ang ate ko. Hindi maarte sa katawan Hindi nga marunong mag make up." Panimula ni Steve na ikinalaki ng mga mata ko.

"That is much better. Simplicity is beauty." Sagot naman ni Dave.

"Steve..." Saad ko. Napa iling naman si mama. Bumalik naman si Steve sa kusina kasama si Fina.

"Ilang taon ka na hijo?" Tanong ni mama sa kanya.

"20 na po."

"Anong kurso mo ba?"

"Business administration po. 4th year college na po ako."

"Graduating ka na pala hijo. Sa tangkad mong yan, I'm sure basketball player ka." Tumango naman si Dave kay mama.

"Opo. Varsity player po ako ng campus." Sagot nya.

"I see. Kaya pala ikaw ang iinterviewhin ng anak ko." Naka ngiting saad ni mama.

"Panganay nyo ho bang anak si Carla?" Nabigla ako sa tanong ni Dave. Tumango naman si mama.

"Oo, pangalawa naman yung si Steve na 4th year highschool at yung si Fina na kasama ni Steve sa kusina yung bunso, nasa grade six pa." Bumaling naman ang tingin ni Dave sa dalawa na nag tatawanan pa. Napa iling na lang ako.

"Alam mo, si Arah ang team leader sa magkakapatid. Ang kukulit." Biglang saad ni mama.

"Ma!" Nguso ko. Napa tawa naman silang dalawa ni Dave.

"Close na close po pala sila."

"Nako hijo. Sobra. Kayo ba, ilan kayong magkakapatid?" Napa tingin naman ako kay Dave.

"Dalawa lang po kami. Yung ate ko po nasa France. Doon sya naka tira at nag ta-trabaho. Minsan lang sya kung maka bakasyon dito sa Pinas." Napa tango naman ako.

"May asawa na ba ang ate mo?"

"Engaged pa lang po. Next year pa po yun ikakasal."

"Mga magulang mo?"

"Yung daddy ko po nasa States ngayon dahil sa business trip. May sarili po kaming negosyo at kumpanya na si daddy ang namamahala. Si mommy naman po may sariling negosyon. Isang feminine botique." Ang yaman talaga ng unggoy na 'to. Hirap abutin. Pero wala naman akong planong abutin sya. Tss.

"Kaya pala business ad ang kinuha mo." Wika ko. Lumingon naman ito sakin saka ngumiti at tumango.

Matapos non ay iniwan ko na sila sa sala para maasikaso ang sarili. Nag paalam na din si Dave na aalis na sya at babalik uli para sunduin ako.

End of flashback

Lumabas na ako sa kwarto ko saka pumunta ng sala kung saan naabutan ko sina mama at Dave na naka tingin sa isang photo album.

"Tapos na ako ma! Aalis na kami." Agaw ko ng atensyon nila. Nakita ko namang napa hinto si Dave at napatitig sakin. Na conscious tuloy ako bigla.

"Naku Arah ang ganda mo talaga, gusto mo lagyan kita ng eyeliner anak?" Offer ni mama.

"Ang oa mo naman ma. May pa eyeliner eyeliner ka pang nalalaman. Alam mo namang hindi ako comfortable sa mga ganyan." Sagot ko saka umiling.

"Ikaw talaga. What's wrong with it ba?" Anito.

"Ayoko nga po." Lumapit na lang ako dito saka sya niyakap.

"Sige ma, alis na kami. Babalik din naman ako kaagad." Pagpapaalam ko. Tumayo naman si Dave saka tumabi sakin.

"Sige po tita. Alis na kami." Wika nya kay mama.

"Ingat kayo Dave ha, wag mong pabayaan ang anak ko." Bilin ni mama sa kanya.

"Makaka asa po kayo tita."

"Bye ate Arah! Kuya Dave!" Kumaway naman kami ni Dave kay Fina habang tumango lang si Steve sakin at ngumiti.

"Ingat kayo."

"Bye!"

Continue Reading

You'll Also Like

22.1M 534K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
1.4M 23.4K 41
Ako pala si Allyza Dela Cruz, Ally for short. I'm 20 years old at nagtatrabaho sa isang sikat na kumpanya. I have a gay bestfriend. He is Ian Caleb...
10.5M 44K 8
Who knew that all it takes is just one badarse speed racer to capture the heart of a young bratty billionairess? Highest Rank Achieved: #2 in Romanc...
27.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...