I want to dedicate this to earthtotine!!! Gurl thank you for your time reading my stories...gaya nga ng sabi ko...salamat sa pagaaksaya mo ng oras para dito..sana hindi ka magsawa sa pagbabasa!!
TO ALL: Sa lahat ng humihilinh ng BOOK 3??? Guys psensya na....wala na talagang book 3 ang MYHSIY!! Sorry!! Pero, I assured you an ending na hindi niyo inaasahan!
I love you all!!
Chapter 51
ROBIE’S POV
SETTING: KWARTO NI ROBIE
Nararamdaman kong may iba kay Kath. Hindi man ako sigurado pero alam kong buntis siya. Namumutla. Madalas mahilo at nagsusuka. Parang unti unting gumuguho ang mundo ko. Si Brent malamang ang ama. Alam kong mahirap ang sitwasyon ito para kay Kath. Buntis siya at ang ama noon ay ikakasal naman sa iba.
Hawak ko ang scrapbook at ang kwintas. Para nararamdaman ko ang bigat ng responsibilidad ko sa buhay ni Kathryn. Madali kong kinuha ang kotse at tinungo ang isang lugar kung saan ko unang nakilala si Kath ng personal at unang beses ko siyang minahal.
Ilang saglit lang ay narating ko na ang burol. Malinaw na malinaw pa sa akin ang mga pangyayaring iyon. Pangyayaring kung hindi ako dumating ay baka kung ano nang nangyari kay Kath. Ipinark ko ang kotse. Bumaba ako aty naglakad kung saan naroon ang malaking puno. Nalaman kong meron inengrave sa punong iyon. Nakalagay sa scrapbook.
Naroon nga. DJ love Kath. Nakakainggit na pagmamahalan. Dito sa lugar na ito nagsimula ang pagibig ko kay Kath, at siguro dito rin ito magtatapos. Hindi ko pa man napapatunayang Brent is DJ, nararamdaman ko namang siya ito. Brent, kung ikaw nga si DJ...sana mahalin mo pa rin si Kath gaya ng pagmamahal mo sa kanya dati.
Masakit para sa akin ang pangyayaring ito. Martir na kung martir pero siguro ganoon tlaga pag tunay kang nagmamahal. Natututo kang maglet go.
Letting go has never been easy but holding on can be as difficult. Yet strength is measured not by holding on, but by letting go.
ARIA’S POV
Nasa hotel ako kasama ni Tita Ampy. Namiss ko talaga siya ng sobra. Siya na rin ang halos tumayong magulang sa akin.
Ampy: I am very happy that at last you are getting married.
Aria: Me too Tita.
Ampy: So what’s your plan after the wedding?
Aria: Ahm..were planning na sa Madrid na maghoney moon. And I’ll ask Brent na sa Madrid na kami magstay. For good.
Ampy: Bakit ayaw mo ba dito sa Pilipinas? The company is here...
Aria: Mas tahimik sa Madrid....simpleng buhay.
Ampy: Okay...mabuti nga iyon at may titira na sa bahay. Sayang naman ang bahay niyo doon.
Tumamlay ang mga mata ko.
Ampy: What’s wrong?? Meron ka bang problema Aria?
Aria: Nothing I am little bit tired. Ahm..Tita..mauuna na pala ako. Baka kasi hinahanap na ako ni Brent.
Ampy: Won’t you join us for lunch?
Aria: No na. Sa bahay na lang.
Ampy: Anyways Aria, parang hindi ko nakikita si Don Miguel..
Aria: He’s busy. Pero alam niyang you’re here na.
Ampy: O sige mag ingat ka.
Aria: Thanks!
Sa paglipat sa Madrid alam kong hindi papayag si Brent. Siya nga ang nagpumilit noon na umuwi sa Pilipinas. Pero pipilitin ko siya. Hindi ako matatahimik dito. Hangga’t may Kathryn Bernardo...hindi ako matatahimik.
BRENT’S POV
Mas lumalapit ang kasal, mas naguguluhan ako. Parang sasabog ang utak ko. Napanaginipan ko na naman ang babae, mabuti na lamang at wala si Aria. Sinamahan ang Tita niya sa hotel nila. Naguguluhan ako sa sinasabi ng babae, paulit ulit kasi niyang sinasabi ang “HUWAG KANG UMALIS”. ..paulit ulit.
Natatakot ako na baka kapag tapos na ang kasal ay don ko pa siya makikilala. Alam kong unfair ang lahat pero mas unfair yung pagpapakasal sa isang babaeng hindi mo mahal kundi pagaalala lang ang nararamdaman mo sa kanya.
Palabas na ako ng bahay ng saktong pagdating ni Aria. Madali siyang bumaba s kotse niya.
Aria: San ka pupunta?
Brent: Huh??? Iritang tanong ko.
Aria: I mean...may meeting ka?
Brent: Mag store visit lang.
Aria: Gusto mo samahan kita?
Brent: No need.
Aria: Okay. What time ka uuwi?
Pasakay na ako ng kotse ng tumingin ako ulit sa kanya.
Brent: Aria??
Parang natakot din siya. hindi naman siya ganito. Pero ewan ko kung bakit siya naging palatanong. Sumakay na ako sa kotse at umalis.
KATH’S POV
Ngayon ang schedule ko for my medical examinations. Isa ito sa mga requirements para s apagalis ko papuntang Greece. May halong kaba pero I have to face this. A child without a father. Bigla akong naawa sa magiging baby ko kung nagkataon pero it’s either me or Aria ang mawalan. I need to be considerate. Siya ang nauna. Siya ang mahal dahil siya ang pakakasalan. All in all...siya ang mas may karapatan.
Narating ko ang clinic. Naupo muna ako sa couch dahil may kasalukuyan pang inneexamine ang doctor. After a minute lumapit na ang nurse.
Nurse: Ms. Kathryn...it’s your turn na po. Pasok na po kayo.
Kath: Salamat.
Pagkasabi no’y pumasok na ako sa loob ng examination room. It tooks half an hour. After non ay bumalik na ulit ako sa couch para hintayin ang results.
Ilang saglit lang din ay tinawag na ako ng nurse assistant para papasukin sa Doctor’s office para sa resulta. Papasok pa lang ako ng malaki na ang pagkakangiti ni Doctor Sanchez..
Doctor Sanchez: Ms. Bernardo have a seat.
Kath: Thank you.
Doctor: all the results were good.
Ngumiti ako.
Kath: Thank you
Doctor: Meron rin pala akong good news...
Kath: Po???
Doctor: You are one month pregnant! Congratulations!
Nagulat ako. Nanlaki pa nga yata ang mga mata ko. It is positive. I am pregnant.
Doctor: Ms. Bernardo, are you okay? Humawak siya sa braso ko.
Tumango ako.
Doctor: Ang swerte niyo dahil ang healthy ng baby. Matutuwa ang husband niyo.
Napalunok ako. Husband. Yon ang nakakalungkot na part. Wala akong matatawag na husband.
Lumabas ako ng clinic ng parang wala sa sarili. Buntis ako. Yon lang ang nasa isip ko.
Naglalakad ako sa parking lot ng may mabunggo ako. Si Brent.
Sobra akong nashock. Brent.....buntis ako.. gusto kong sumigaw pero parang uminit ang ulo ko ng makita ko ang pagmumukha niya.
Brent: Kath???
Kath: Iiwas sana ako ng daan ng humarang siya.
Brent: Let’s talk.
Kath: About??
Brent: us...
Kath: There is no US. Diniinan ko talaga ang pagkakasabi ng US.
Paalis ako ng hawakan niya ako sa braso.
Brent: Kathryn....alam mo kung anong nararamdaman ko.
Kath: I don’t know. Siguro nga may nangyari...pero bakit ba kailangan nating balikan? Nakapamili ka na ng buhay mo..and you choose a life without me.
Brent: Kathryn...ikaw ang mahal ko.
Kath: Gusto mong maniwala ako?
Brent: I want you....
Kath: Ayokong maging dahilan ng pagkasira ng buhay ng ibang tao. Let’s stop being selfish Brent.
Nagulat ako ng yakapin niya ako. A hug na parang gusto kong tugunin. Parang natutunaw ako. Gusto kong umiyak. Pero hindi...galit ako sa kanya. Galit na galit.
Nagpumiglas ako para makawala kay Brent.
Kath: I don’t want to see your face anymore.
Umalis ako at madaling sumakay sa kotse. Pinaandar ko iyon at umalis. Nang malamang kong nakaalayo na ako ay inihinto ko ang kotse. Nahihilam na kasi ako sa luhang naipon sa mata ko. Wala ka nang dapat pang malaman Brent. Maging maasaya ka na lang para sa akin. ayokong guluhin ang buhay mo.
Brent....pasesya na...buntis eh!!!
guys...ba't di ko kayo matiis??? Hay nako!!!!