The Princess And The Butler [...

By cia_stories

1.3M 29.4K 1K

Kailee is a simple girl living on her own. Kailangan nyang rumaket at magdoble kayod sa pagtitinda ng kung an... More

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Forty Five
Epilogue
Final Note
Special Chapter One
Special Chapter Two
Special Chapter Three
Special Chapter Four
Huhu
Special Chapter Five
Hwuahwua!

Seventeen

26.2K 604 18
By cia_stories

Dissappointed

Kailee's POV

Kinakabahan ako.

Hindi ako mapakali. Mabilis lumipas ang dalawang linggo hanggang sa naging isang linggo na lang at ito ngayon, sabado, sa oras ng alas-otsyo ng gabi kakatayin ako.

Char lang! Pero kahit na! Parang ganun na din ang pakiramdam ko. Mamaya na kasi ang 20th Anniversary ng Park Empire.

Kasabay ng pagdidiwang ng annibersaryo ng kumpanya ay ang pagpapakilala sa akin ni tatay bilang anak nya.

Sa totoo lang ay hindi naging maganda ang dumaan na linggo, masasama palagi ang tingin sa akin ng mga estudyante sa PLU dahil palagi kong kasama si Aidan na marami pa lang fans sa school. Pero buti na lang at kaklase ko sya sa lahat ng subjects at hindi nya ako nilulubayan kaya hindi nakakalapit sa akin ang mga ito. Perong kitang-kita sa mga mata ng kababaihan na gusto nila akong lapitan at kalmutin sa talim ng mga tingin nila.

Hindi ko na lang pinapansin. Isa pa ay ang pag-iwas ko kay sungit. As much as possible ay lumalayo na ako, hindi din naman ako nahirapan dahil abala sya sa pag-aasikaso ng magaganap na party.

"Look up dear." Sabi ni Ms. Mariella na syang nagme-make up sa akin ngayon. Napaaga ang uwi nya para dito at mabuti na lang dahil hindi ako nakatanggap ng sermon dahil katanggap-tanggap naman daw ang mga pinagsususuot ko sa school.

Iyon nga lang ay hindi ko na pwedeng hindi sundin ang mga daily styles na ginawa nya kapag papasok ako next week dahil nga sa mga panahong iyon ay kilala na ako bilang anak ng pinakamayamang businessman sa buong bansa at maging sa Asya.

"Hindi ka kailangang kapalan ang make-up because you're already beautiful dear, just always remember to be confident, chin up and just remember everything I thought you."
Sabi ni Ms. Molly na kasama din namin sa grooming room.

Ngumiti na lamang ako dito dahil hindi ako makasagot gawa ng abala si Ms. Mariella sa paglalagay ng manipis na blush on sa akin.

Nang matapos ay tinulungan ako nina Ella at Pamela na isuot ang gown na ginawa para sa akin.

"Ang ganda mo po young lady." Malaki ang ngiting sabi nina Ella at Pamela.

"Salamat" iyon na lang ang naisagot ko.

Pinuri din ako nina Ms. Mariella at Ms. Molly na ikinapula ko. Hindi ako sanay.

(Kailee's get up. I do not own the pic. Found it on the net.)

Pinili ko na rin na maging simple ang susuotin ko, pumayag naman ang designer dahil sya na rin mismo ang nagsabi na ang isusuot ko ang magdedescribe kung anong klase akong tao.

She was happy with my choice kaya ito ang kinalabasan ng gown ko. It's a simple gown na pinaresan ng nude color high heels at nakapuyod ang buhok ko into a low messy bun. Sa nakaraang isang linggo kasi ay sinabihan ako ni Ms. Molly na magsuot ng di-takong na sapatos sa pagpasok para masanay ako sa paglalakad.

Mabuti na lang talaga at laging naka-alalay si Aidan sa school dahil madalas akong matilapid. Pero ngayon ay maalam na ako at medyo sanay na. Masakit nga lang sa paa.

"You're beautiful dear! Let's go?" Tanong sa akin ni Ms. Molly at wala na akong nagawa kundi tumango at nagpasalamat kay Ms. Mariella.

Iniabot sa akin ni Ella ang purse ko na ang tanging laman ay wallet at cellphone saka kami lumabas sa grooming room.

Nang makarating kami sa second floor ay nandoon na si tatay nag-aabang sa dulo ng staircase. Nang makita nya ako ay agad syang napangiti na sinuklian ko din naman.

"You are beautiful anak." Sabi nya ng makababa ako.

"Gwapo nyo din tay." Sagot ko na ikinatawa nya.

"Let's go? Tayo na lang ang hinihintay doon." Sabi nya at huminga muna ako ng malalim bago tumango.

Pinagbuksan kami ng pinto ng  sasakyan nina Piolo at Johnny. Si Mang Bert ang driver na maingat na pinaandar ang sasakyan papunta sa Park Hotel.

Tahimik lang naman kami sa byahe, tulad ng napagusapan ay mauunang bumaba si tatay at ako ay ibababa ni Mang Bert sa back entrance dahil bago ako ipakilala ni tatay ay kailangan nya munang magbigay ng kaunting speech.

I know, pang grand entrance ang datingan pero iyon ang gusto ng organizer na walang iba kundi si Ms. Mariella din kaya wala na akong nagawa. Nakaabang sya sa akin doon para i-guide ako papunta sa event room ng hotel.

Napansin kong huminto na ang sasakyan sa tapat ng hotel at halos mamutla ako ng makita ang napakaraming media men na nag-aabang. Tinted ang sasakyan kaya hindi nila kami nakikita, pero dito pa lang ay kita ko na kung paano nila birahan ng tanong ang mga dumadating na sikat na businessmen at mga sikat na personalidad na imbitado din sa party.

Napansin naman iyon ni tatay kaya hinawakan nya ng mahigpit ang aking kamay kaya napatingin ako sa kanya.

"Huwag kang mag-alala anak, alam ko ang nararamdaman mo, pero kalaunan ay masasanay ka rin. May mga tao talaga na magiging interesado sa buhay mo matapos ng gabing ito pero huwag kang mag-alala dahil kasama mo ako. Kasama mo na si tatay ngayon. Okay?" Sabi nya sa akin at dahil sa kaba ay tumango na lang ako.

Alam ko naman iyon, sa lumipas na mga buwan ay pinaramdam ng mga nasa mansyon na hindi na ako nag-iisa. Kasama ko na si tatay, at maaaring makilala nga ako ng lahat, pwedeng macurious sila at panghimasukan ang buhay ko pero alam kong may kasama na ako.

May poprotekta na sa akin dahil hindi na ako nag-iisa.

Hinalikan ako sa noo ni tatay saka sya lumabas na ng kotse.

Agad namang isinarado nina Piolo mula sa labas ang pintuan ng kotse at pinaandar na ni Mang Bert ang sasakyan papunta sa likod ng hotel.

Nang makarating doon ay nagpasalamat ako kay Mang Bert at nag-aja sign naman sya sa akin na ikinangiti ko.

Bumaba ako't agad sinalubong nina Piolo at Johnny, tumabi sila sa akin at inescort ako papasok sa hotel kung saan nandoon agad at nagaabang si Ms. Mariella.

"Kaya nyo yan ma'am." Bulong ni Piolo sa kanan ko.

"Oo nga po, huwag na kayong kabahan, nasa tabi nyo lang kami." Dagdag pa ni Johnny sa kaliwa ko.

Napangiti naman ako sa dalawa, ang supportive eh.

"Salamat." Bulong ko din pabalik at nagfocus na sa tinatahak naming hallway.

"This way dear." Sabi ni Ms. Mariella habang nakalahad ang kamay sa isang pintuan.

Binuksan nya iyon at doon bumungad ang likod ng stage ng event hall ng hotel. Tingin ko ay ito ang stage dahil natataningan ng makapal na kutina ang harapan. Mula sa gilid ay tanaw ko ang liwanag na nagmumula sa mismong event hall.

May malamyos na musika ang maririnig sa paligid. Nacurious tuloy ako kung anong itsura ng party.

Lumipas ang dalawang oras at para maglibang ay naglaro kami ng bato-bato pik nina Piolo at Johnny. Hindi din naman mainit dahil malamig at naka-aircon ang buong hall.

Napapailing na lang si Ms. Mariella sa pagkaisip bata namin pero hinayaan nya na lang kami. Nakatulong din naman dahil nawala ng kaunti ang kaba ko.

Maya-maya ay nakarinig na kami ng palakpakan. Narinig kong inintroduce na ng host si tatay at ang palakpakan ng mga tao. Sumilip ako mula sa kurtina at nakita ko si tatay na nagsasalita na.

"First of all, I would like to thank everyone who are gathered here today to celebrate with the 20th Anniversary of this Empire. Especially our dear employees, who have worked hard and my fellow businessmen who gave their trust to our company. We will not be able to last for twenty years without your help and hard work, and I hope we will still be at the top for the coming years."

Lahat ay pansin kong tahimik at nakikinig. Karamihan ay may mga ngiti sa kanilang mga labi at ang ilan naman ay tumatango-tango bilang pagsangayon.

Iyon ang maganda sa pamamalakad ni tatay, hindi lang sya magaling na negosyante pero pinapahalagahan nya din ang kanyang mga empleyado.

"But my happiness isn't only about the   achievement of our empire but also because I have found my treasure after searching for a long time, my daughter."

Lahat ng tao sa hall ay napasinghap, hindi na ako nagulat dahil naikwento na sa akin ni tatay na hindi alam ng mga tao na may anak sya. They thought na tumanda syang binata.

Nakita kong natawa si tatay at tumango-tango na parang naiinitindihan ang mga naging reaksyon ng mga tao. Ang ilan sa mga ito ay mga nagbubulungan pa.

"Yes,yes. I know all of you are shocked. But I am a father too. I also have a family, I lost them and after so many years, my happiness can not be explained by words when I found them. When I found her."

Medyo nangilid ang luha ko ng marinig ko iyon, damang-dama ko kasi ang speech ni tatay.

Kahit nakakadugo ng ilong ang english nya ay hindi ko mapigilan matouch.

"Huwag kang iiyak dear, sayang ang make-up." Paalala ni Ms. Mariella kaya natatawa kong inabot ang tissue na binigay nya.

"Everyone, I would like to introduce to you my one and only daughter. Kailee Amia Park."

Inilahad ni tatay ang kamay nya sa direksyong lalabasan ko. Huminga muna ako ng malalim at itinulak ako ng bahagya ni Ms. Mariella papalabas mula sa kurtinang pinagtataguan ko.

There's a spot light on me.

Doon ako dahan-dahang lumabas. Every eyes was on me, hindi ko malaman kung natutuwa ba sila o ano. Nanlalamig ang mga kamay ko dahil sa kaba pero pilit kong itinatago.

They shouldn't see me weak and easy to break. Because starting from now ay siguradong titignan na nila ang magiging kilos ko.

My father told me that some will try to use me against him, some might think I'll be easy to manipulate and so on. Kaya hindi dapat ako maging mahina.

Dahil doon ay inalala ko ang mga itinuro sa akin ni Ms. Molly. I stood up, chin up and walked elegantly towards my father.

Nang makalapit ako kay tatay ay doon ko narinig ang palakpakan nila. Siguro'y napansin na nila ang pagkakahawig naming mag-ama ngayong magkalapit kami.

Agad na lumapit sa may ibaba ng stage ang ilang media men na invited sa loob at kinuhanan kaming mag-ama. Umakyat din ang board members pati na rin ang mga businessmen na kasosyo at nabibilang sa empire ni tatay at pincituran kami na kasama ako.

After that, we went off the stage at doon na sila nagsimulang magkwentuhan pati na rin ang mismong party. Ipinakilala akong muli ni tatay sa kanila at doon ko nakilala ang mga katrabaho nya.

"It's nice to meet you hija. You have a very beautiful daughter Mr. Park" saad ni Mr. Palaez na syang Vice President.

Palaez? Sounds familiar. Pero hindi na lang ako nagsalita kahit gusto kong magtanong.

"Well, kanino pa ba magmamana Emanuel?" Pabirong saad ni tatay.

Binati pa ako ng iba at nagexcuse naman ako sa kanila na kukuha lang ng maiinom.

Nanunuyo ang lalamunan ko at feeling ko ang sikip doon sa kinalulugaran nila tatay.

They sound so formal at nagsimula na silang magusap patungkol sa business.

May mga terms naman na familiar ako pero mas malalalim na ang ginagamit nila sa pagsasalita kaya bago pa duguin ang ilong ko ay umalis na ako.

"Hoo.." napapaypay na lang ako sa sarili gamit ang kamay habang nakasandal ang isa kong kamay sa lamesa.

Tinignan ko ang buffet table pero wala akong ganang kumain kahit mukhang masasarap ang nakahain.

Umalis na lang ako doon at nagpalakad-lakad. Pansin ko din na pinagtitingin ako ng ilang mga tingin ko ay kaedaran ko rin at anak din ng mga businessmen. May mga pamilyar na mukha dahil nakikita ko ang iba sa PLU.

Some employees greeted me na sinagot ko naman ng simpleng tango at maliit na ngiti.

Pero all in all. I'm alone. Nakatayo lang ako habang pinagmamasdan ang paligid.

Lahat nakasuot ng mga eleganteng damit, may ilang kalalakihan ding tinitignan ako out of curiosity siguro.

Ba't kaya hindi ko pa nakikita si sungit? Diba dapat nandito sya?

Teka nga, ba't ko ba sya hinahanap? Iniiwasan ko nga pala sya, mabuti na palang hindi ko pa sya nakikita.

Gulat na napatingin ako sa taong kumuhit sa balikat ko mula sa likod.

"Hi!" Nakangiting bati sa akin ng isang lalaki. Mukhang kaedaran ko rin, maayos ang buhok na kulay brown, matangkad, mabango, gwapo at mukhang playboy.

Ms. Molly taught me how to criticize and observe people. Di ko pa  masyadong gamay pero tignan mo nga naman at nagagamit ko ngayon.

"Hello." Matipid kong sagot.

"Well, a beautiful lady shouldn't be alone right? I'm Zack De Guzman." Sabay lahad nya ng kamay sa akin at tinanggap ko ito't again, matipid na ngumiti.

Inalis ko din agad ang pagkakahawak ko sa kamay nya pero ayaw nyang pakawalan. Hinigit ko ulit pero mahigpit talaga ang kapit nya.

"Uhmm..I think you should let go of my hand." Nakangiwi ko ng saad dahil unti-unti ng nawawala ang ngiti ko.

Mukha namang natauhan sya dahil agad nya ding binitawan.

"I'm sorry about that, I was just mesmerize by your beauty." Sabi nito at gusto kong mag-roll eyes sa pagkabolero nya kung wala lang sya sa harap ko.

"Ah.." sagot ko na lang.

"Well--"
Naputol ang pagsasalita na naman nung Zack ng may biglang umakbay sa akin at agad akong nakahinga ng maluwag ng makilala ito.

"Yo dude! I'll get my bestfriend now. Bye!"

"Wha--"

Hindi na nakamaang pa yung lalaki dahil nailayo na ako ni Aidan. Invited nga din pala sya.

"You're a savior! Ililibre talaga kita ng kwek-kwek sa monday." Exagerrated na sabi ko na ikinatawa nya.

"Mukhang hindi mo talaga gusto makausap ang anak ni Mr. De Guzman ah?" Natatawa nyang sabi kaya napatingin ako sa kanya.

"Sinabi mo pa. Kanina pa ako binobola eh. Nga pala, gwapo natin ngayon ah?" Tukso ko sa kanya sabay pabiro syang siniko na ikinangisi nya.

Pabiro naman syang nagpogi sign at hinagod ang buhok paitaas. Hindi naman nagulo dahil ganoon na talaga ang ayos nito.

"Syempre naman. Saka anong ngayon lang? Araw-araw kaya!" Litanya nya kaya napairap na lang ako.

"Hambog ka din eh." Sabi ko sabay pingot sa ilong nya.

"Aray naman!" Angal nya na ikinatawa ko na lang.

"Oh? I didn't knew that you knew my son hija." Napatingin kami sa nagsalita at si Mr. Palaez pala.

I knew it! Bakit ba nakalimutan kong napalitan na nga pala ang surname ni Aidan katulad ng akin.

Palaez ang surname ng ama nya. So he's Aidan's father?

Tumingin ako kay Aidan para makumpirma ang hinala ko. Tumango naman sya at ngumiti.

"She's my bestfriend pa, we're together since we were kids." Paliwanag ni Aidan sabay akbay sa akin.

"Really? That's a news, I thought you don't like to hang out with girls? No offense hija." Sabi nito at tumango naman ako sign na naiintindihan ko.

"Well, she's an exeption." Sagot ni Aidan.

"Well, that's good to hear. I'll leave you two now, enjoy." Nakangiti nitong sabi sa amin at sinuklian naman namin ng ngiti din.

Humarap ako kay Aidan at itinakip ko ang tissue sa ilong ko.

"Wait, dinugo ilong ko." Biro ko na ikinatawa ni Aidan.

"Sinong niloko mo? Eh nakakaintindi ka ng English. Sa talino mong yan?" Sagot nya sa akin.

"Whatever. Di na pala kita ililibre ng kwek-kwek. Naalala kong mamumulubi ako sayo sa katakawan mo." Sabi ko na ikinamaang nya.

"Excuse me, ako? Matakaw?" Di pa makapaniwalang tanong nya.

"Oo, bakit? May angal ka?" Nanghahamon ko tanong.

"Wala! Pero matakaw ka din noh. Saka wala ng bawian. Ikaw taya sa monday." Sabi nya sabay belat pa sa akin.

Nagmake face na lang ako sa kanya at natatawang hinila na lang nya ako.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sasayaw. Pakitaan mo sila ng skills mo. Talent kaya ang sumayaw ng parehong kaliwa ang paa."

Inis na pinalo ko sya sa braso na ikinatawa lang nya. Pinagtitinginan na kami ng mga ilang bisita pero wa-pakels lang ang kasama ko. Besides, hindi ko na rin pinapansin since sinabihan din naman ako ni tatay na mag-enjoy din sa party na ito.

Hindi ko alam kung anong ideya ang pumasok sa utak ng taong nagmamanage ng sound system dahil ng pumunta kami sa malawak na space kung saan pwedeng magsayaw ay ginawa nyang slow na kanta ang kaninang lively.

"Anong trip nung nasa sound system?" Tanong ko na ikinatawa ni Aidan.

"Gusto mo sugurin ko? Tanungin natin kung anong gusto nya."

"Away o gulo?" Pagtatanong ko na ikinatawa namin pareho.

May mga pagkakataon talaga na magbestfriends lang ang nakakaintindi ng mga bagay-bagay sa pagitan nila. At isa kami doon.

May nangyari kasi sa kabataan namin na umuwi kaming dalawa na madungis at may bukol sa noo dahil nakipaaway kami ng dahil lang sa nilalaro naming jolen. Kami ang nagtanong pero kami ang nagkauntugan, ayun, bukol ang inabot namin.

Saka pala sermon kina nanay at tita Angie.

"Psh. Hayaan na nga. Sayaw na lang tayo, kunyari prom night. Diba di tayo umatend noon?" Sabi nya na ikinatango ko.

Parehas kasing walang budget at di rin naman kami mahilig sa ganoon kaya di kami umattend.

Nagsimula ng gumalaw si Aidan at nakailang ngiwi din sya dahil aksidente kong natatapakan ang paa nya. Ang epic lang ng sayaw namin.

Pero bakit kaya nung si sungit ang kasayaw ko hindi ko sya natapakan? I even danced smoothly with him.

Maybe because of his rules?

Try ko ngang i-apply.

Pero nang mag-angat ako ng tingin kay Aidan, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ko mai-apply sa kanya.

It's not the same eyes that looked at me with longing, eyes full of emotions that are unexplainable. Iyong tipong mga matang may gustong sabihin pero hindi nya magawa.

It's not Alexander's eyes.

Ang mga mata kasi ni Aidan ay puno ng saya, warm love, and his eyes were bright.

"Oh? Ba't natahimik ka?" Napatingin ako sa kanya at umiling na lang at ngumiti.

"Wala naman, may narealize lang akong isang bagay."

"Na ang gwapo ko?" Tanong nya na ikinatawa ko.

"Sira! Hindi no." Natatawa kong sagot at napanguso na lang sya. Isang habit na parehas kami.

"Pagbibigyan na lang kita ngayon." Sagot nya na ikinailing ko na lang ng nakangiti.

Hindi ko sinasadyang napadako ang tingin ko sa gilid ng hall.

Our eyes locked but I was disappointed when he look away then left.

Alex left the hall with a girl in his arms.

Continue Reading

You'll Also Like

39.2K 1K 54
KENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang...
228K 5.3K 46
Beguiled and seductive, she gets all men that take her fancy, but her hunger for carnal pleasures cannot be satiated.
1.4M 46.6K 40
Heartbreakers Series #4: Uriah Kylo Penalver Si Aryn Valerie "Areli" Lopez ay ang isa sa mga maraming taga-hanga ni Uriah Kylo Penalver, the Cold Hea...
1.1M 32.7K 30
Dawn who is forced to marry a man who was suppose to marry her sister from the accumulation of their debt. Siya ang sumalo ng lahat na dapat ay respo...