Caught by a Beast [GxG]

Oleh NyreneMorana_

381K 12.7K 1.2K

***UNDER REVISION When Lara's world shifts with her family's move, it unveils not just a new place, but a rea... Lebih Banyak

◈ Caught By A Beast ◈
╰1st Catch╮
╰2nd Catch╮
╰3rd Catch╮
╰4th Catch╮
╰5th Catch╮
╰6th Catch╮
╰7th Catch╮
╰8th Catch╮
╰9th Catch╮
╰10th Catch╮
╰11th Catch╮
╰12th Catch╮
╰13th Catch╮
╰14th Catch╮
╰15th Catch╮
╰16th Catch╮
╰17th Catch╮
╰18th Catch╮
╰19th Catch╮
╰20th Catch╮
╰21st Catch╮
╰22nd Catch╮
╰23rd Catch╮
╰24th Catch╮
╰25th Catch╮
╰26th Catch╮
╰27th Catch╮
╰28th Catch╮
╰29th Catch╮
╰30th Catch╮
╰31st Catch╮
╰32nd Catch╮
╰33rd Catch╮
╰34th Catch╮
╰35th Catch╮
╰36th Catch╮
╰38th Catch╮
╰39th Catch╮
╰40th Catch╮
╰41st Catch╮
╰42nd Catch╮
╰43rd Catch╮
╰44th Catch╮
╰45th Catch╮
╰46th Catch╮
╰47th Catch╮
╰48th Catch╮
╰49th Catch╮
╰50th Catch╮
╰51st Catch╮
╰52nd Catch╮
╰53rd Catch╮
╰54th Catch╮
╰55th Catch╮
╰56th Catch╮
╰57th Catch╮
╰58th Catch╮
╰59th Catch╮
╰60th Catch╮
╰61st Catch╮
╰62nd Catch╮
╰63rd Catch╮
╰64th Catch╮
╰65th Catch╮
╰66th Catch╮
╰67th Catch╮
╰68th Catch╮
╰69th Catch╮
╰70th Catch╮
╰71st Catch╮
╰72nd Catch╮
╰73rd Catch╮
╰74th Catch╮
╰75th Catch╮
╰Final Catch╮

╰37th Catch╮

4.2K 166 9
Oleh NyreneMorana_

◈ Caught By A Beast ◈

╰37th Catch╮

"DO you know Baybayin?"

Naguguluhan siyang tumingin kay Arq. Sa sobrang kahihiyan na nadarama, hindi niya alam kung nagsalita ba ito o hindi. "Huh?"

Arq smiles. "These symbols are Baybayin alphabets." She starts explaining as she points to her tattoos. "...this is my first tattoo, my first name."

Napatango siya. "Kaya pala hindi ko maintindihan pero familiar 'yong symbols. Elementary days." Aniya sabay tawa. Pero sa totoo lang, pakiramdam niya ay ang engot niya sapagkat hindi niya man lamang nalaman na Baybayin pala ang mga simbolong iyon. "...ang cute. Bakit naman 'yan ang naisip mong ipa-tattoo, at sa may puson pa?"

"I was only first year highschool when I got this one. It was a dare. Dapat nga sa batok kaya lang magagalit si dad kapag nakita niya. Kaya dito na lang dahil wala namang tendency na iche-check ni dad 'tong puson ko."

"Ang hilig mo sa dare, 'noh?"

"Hindi naman. Mahilig lang ako sa adventure."

"E, 'yong sa likod mo? Dare din ba?" Dagdag niya nang maalala na may iba pa pala itong tattoo na nakita niya.

"Oh!" Arq exclaims. "...my second tattoo. The Hawk, for being one of the Silver Hawks' members. The third one is the hourglass, denoting how much I value time. And lastly, the World Map on a compass. It has dots on it for the places I've been." She thoroughly explained before turning to face her. And then she continues, "My name is Rogue, a Hawk that glides around the world to appreciate its beauty that's worth my precious time. Ayan ang ibig sabihin ng mga tinta ko sa katawan."

Nakakamangha ang kumpletong paliwanag nito. Bukod doon ay natutuwa rin siya dahil sumagot ito sa kanyang tanong na parang too personal na nga kung tutuusin.

"Ang galing naman. Akala ko trip mo lang magpa-tattoo."

Nagkibit-balikat ito, "After my name, naisip kong magpa-tattoo ng trip ko lang. Mabuti na lang, hindi ko na tinuloy. 'Coz I realized that it wouldn't be worth it."

"Okay. Bakit wala ka pa 'nong para sa Classy Ladies?" Naalala niya na Queen ito ng naturang sorority, kung saan din sana sasali si Pearl.

Kung meron itong tattoo ng Silver Hawks dapat meron din itong para sa Classy Ladies.

"Hindi ko pa kasi alam kung paano ko isisingit ang Classy Ladies sa mga tattoo ko."

"Buti naman hindi ka nagpa-tattoo ng pangalan ni-" Huli na para mapagtanto niya ang napipintong katanungan.

Masyadong matalino si Arq para hindi nito makuha ang ibig niyang itanong kahit pa nagawa niyang huminto.

"Shakira." Dugtong nito.

Marahan siyang tumango.

"Almost. Because she was insisting. Ayoko ng ganon. Ayoko talaga sa lahat ay 'yong inuutusan ako." Sagot nito na may halong konting inis.

Subalit hindi niya pinansin ang inis nito nang may tanong na bigla na lang umusbong sa kanyang isipan. Ako kaya?

°Hoy, Lara! Ano'ng ikaw? Ma-feeling ka talaga!°

There's a part of her that wants to know more about Arq- at this very moment. Because it looks like she's willing to answer it all and she wants to take advantage of it. But realizing that Arq has the ability to shift her mood frequently, she chooses not to ask for more.

Arq is staring at her and seemingly wants to say something when interrupted by the ringing of her phone. In haste, she ascends from the water and picks up her clothes from the bank. At the same time, her eyes follow the divinity that Arq possesses.

She actually looks like a pervert in doing so.

But honestly, who wouldn't get mesmerized? No matter what Arq wears, she always looks hot. What more now that she's barely wearing anything?

°Tomboy ka na rin, Lara.° Nanghihinang sabi ng kanyang ego na ikinatawa niya nang bahagya.

The truth is, she cannot tell now.

"Hello? Yes. We're on our way. Thanks." Arq responded before ending the calll and looking back at her. "It's Pearl. Tapos na daw siya sa ginagawa."

Sa sobrang galak niya sa trip nila ni Arq ay muntik na niyang makalimutan ang kapatid. "Bakit hindi ako ang tinawagan niya?" Kaagad din siyang napakagat-labi nang mapagtanto ang tanong. "No. Don't answer." Pagbawi niya habang iwinawagayway ang kamay.

Iniwanan nga pala niya ang bag sa sasakyan ni Arq kaya kung tinatawagan man siya ng kapatid ay hindi niya masasagot.

Pag-ahon niya mula sa tubig ay tila nakaramdam siya ng lungkot. Uuwi na sila. Dito na naman magtatapos ang pagkakasundo nila ni Arq. Babalik na sila sa pagbabangayan.

Kung pwede lang niyang pahintuin sa pag-ikot ang mundo, gagawin niya. Nais niyang sulitin ang pagkakataon hanggang sa makilala nang lubusan si Arq. Ngunit malabo siyang mapagbigyan ng tadhana.

"Lara?" Arq called.

Napakurap-kurap siya atsaka ito tiningnan. "Ah? Hah? Oo... Tara na." Nauutal niyang sabi bago ito lagpasan.

Hinawakan kaagad niya ang laylayan ng basang damit nang hindi tuluyang humapit sa kanyang katawan ang suot. Hindi siya komportableng humahapit ito sa bandang dibdib. Lumapit siya kay Arq na kasalukuyang isunusuot ang mga hinubad na damit.

"Ganyan ka na? Mababasa din kaya 'yang damit mo." Puna niya.

"It's fine with me. Matutuyo naman ako habang nasa byahe tayo." Katwiran nito.

"E, ako? Sa'n naman ako magbibihis?" Aniya habang nakaturo sa sarili.

Tinitigan siya nito matapos nitong makapagsuot ng damit. "Go, hide again."

Nangunot ang noo niya. "Magpapalit po ako ng undies! Okay lang sana kung damit lang."

Nakita niyang saglit itong natigilan. Lumingon ito sa paligid na para bang may hinahanap. Kapagkuwa'y naglakad ito papunta sa kung saan. Habang siya naman ay pinupulot ang sapatos at ang paper bag kung saan naroroon ang kanyang pamalit. Pagtayo niya ay nakita niyang may hawak na itong mga dahon ng saging.

"Tara dito!" Tawag nito.

Nag-aalangan siyang lumapit.

"I'll cover you with these. So, go ahead and change your clothes now." Arq suggested.

Her eyes broadened. "Hala! Seryoso ka?!"

She frowns, obviously starting to get annoyed. "Of course. Bilisan mo na para makaalis na tayo."

"Ayoko. Hindi ko kayang magbihis lalo na't nandyan ka pa." Reklamo niya.

Arq sighs in defeat. "Alright then." She then throws the leaves, turns in the other direction, and then firmly declares, "...then we're leaving."

Napamaang siya. Kani-kanina lang ay maayos sila. 'Yong tipong inaasahan niyang malabo itong magsusungit lalo na't ang ganda ng pag-uusap nila. Halos close na nga sila. Pero eto na naman ang pagsusungit ni Arq. Segu-segundo 'ata ang pagbabago ng mood nito.

Bago pa man din ito makalayo ay hinabol na niya ito at hinawakan sa braso. "Teka lang."

Takte!

Wala na siyang ibang pagpipilian. Hindi pwedeng basang-sisiw siyang sasakay sa sasakyan nito. Lalong hindi naman pwedeng hindi siya magpapalit. Kung hindi lang siya natukso sa malinis na tubig, hindi sana siya namomroblema ngayon.

"Sige na. Magbibihis na ako." Aniya na inaaaprubahan ang suhestyon ni Arq.

Bumuntong-hininga ito atsaka muling pinulot ang mga dahon ng saging na hawak kanina. "Okay."

Itinuro niya ang puno kung saan siya nakapagbihis kanina. Kailangan lang niya ng harang ngayon kumpara kanina sapagkat huhubarin na rin niya pati ang suot na panloob.

"Arq, 'wag kang maninilip, ha? Lagot ka talaga sakin." Banta niya.

Arq merely twitches her mouth and finds a way to hold the leaves to avoid taking a glimpse at her as she changes.

Hindi sa nagmamaganda siya, alam naman niyang wala itong interes sa kanya lalo na sa katawan niya subalit gusto pa rin niyang maniguro kaya sinabihan niya itong tumalikod. Siya na ang nag-ayos kung paano nito hahawakan ang mga dahon habang nasa ganong posisyon.

"'Yan okay na. Magbibihis na 'ko. 'Wag kang lilingon." Pag-uulit niya.

"Faster. Kapag ako nangawit, masisilipan ka talaga." Naiiritang sagot nito.

Napasimangot siya at inambahan ito ng suntok habang ito'y nakatalikod. Hanggang doon lang ang kaya niyang gawin dahil hindi naman niya ito talaga kayang saktan. Sa palitan pa nga lang ng salita ay talo na siya.

Bago pa man din ito mangawit ay binilisan na niyang kumilos. Sa topak nito, hindi imposibleng bibitawan nito ang mga dahon kapag ito'y nangawit. Naiilang siyang naghubad ng basang suot.

She removes her lower garments hastily and changes them. That's how anxious she is right at the moment. When she takes off her bra, she notices that Arq moves a little. Getting more uncomfortable, she instinctively covers her chest.

"Arq!" She exclaims.

"Ano?!" Naiinis nitong tugon na hindi naman lumilingon sa kanya.

"'Wag ka ngang magalaw dyan. Mamaya mapalingon ka pa sakin bigla!" Naiinis rin niyang sabi.

"Ano?! Bakit naman bawal akong gumalaw? Nangangawit na ako!"

"Matatapos na 'ko, 'wag ka na lang malikot dyan!" Aniya habang lalong binibilisan ang pagbibihis.

Nang matapos ay kinalabit na niya si Arq na napalingon kaagad sa gawi niya. "Ah, thank God." Sambit nito sabay tapong muli sa mga dahong hawak. "...see? Nakapagbihis ka din. Akala mo naman kasi mamanyakin lagi."

"Hmp! Mabuti na rin 'yong sigurado 'noh!" Ayaw na sana niyang makisabay sa pang-iinis nito kaya lang ay para na naman siya nitong hinahamon.

"Psh. Hindi ako manyak, Lara. Kahit pa magbigay ka ng motibo, hindi ako ganong klaseng tao." Banat pa nito.

She's convinced but a bit insulted, in the same manner. Arq could've said something that wouldn't accentuate insult but she always chooses otherwise.

Kahit magbigay pa siya ng motibo? Siya talaga ang magbibigay ng motibo? Hindi siya cheap na babae. Ganonpaman, hindi niya masabi ang nasa saloobin.

She is such a loser.

"Tara na nga. Gusto ko ng umuwi." Sa halip ay sabi na lang niya bago nagpatiuna sa paglalakad. Alam niya kung saan sila galing kaya ayos lang kahit pa mauna siya.





.. ARQ ..

SHE bites her lower lip as regret creeps into her senses right off. She doesn't want to offend anybody, especially Lara but the way she talks is hard to change. She has been this way since most of her friends are rude males.

Pero naisip na rin niyang baguhin ang gawi ng pagsasalita niya kay Lara. Dahil noong naging sila ni Shakira, naging malambing naman siya at maayos makipag-usap. Iyon nga lang, hindi naging sapat iyon para magtagal ang kanilang relasyon.

Marahil sa pag-iisip ng nakaraan ay parang nalungkot ang puso niya. Kaya mabilis din niyang iwinaglit ang bagay na iyon sa kanyang isipan.

Nang marating nila ang kanyang sasakyan ay pinigilan niya ang pagtawa nang makitang hindi nagtagumpay si Lara sa pagbubukas ng pinto. Mukhang nakalimutan nito na dapat lang na i-lock ang sasakyan kapag iiwanan.

"Hintayin kasi ang may-ari." Aniya matapos ma-unlock ang sasakyan gamit ang dalang susi, atsaka binuksan ang pinto para sa dalaga. "...Your Highness." Biro niya na may kasama pang pagbibigay-galang.

As expected, Lara is not impressed. Instead, she rolls her eyes before climbing into the car.

Nang makasakay na ito ay umalis rin sila kaagad.

Only relaxing music dominates while they are travelling. Lara appears to be exhausted as she leans back on her seat. They both fell into complete silence which she doesn't mind at all.

And then moment after, Lara dozed off.



.. LARA ..

"IS she dead?"

"Ay, grabe ka sa ate mo. Natutulog lang naman siya."

Unti-unti siyang napamulat ng kanyang mga mata dahil sa ingay na nauulinigan. Gusto pa sana niyang ipagpatuloy ang pagtulog subalit naistorbo na siya ng ingay ng mga nagsasalita sa kanyang paligid.

When she totally opens her eyes, the presence of her sister and Andy instantly comes into view.

Napabalikwas siya nang maalalang nasa sasakyan siya ni Arq.

"Oh, gosh!" Sambit niya sabay tapik sa kanyang sentido.

Mukhang panaginip lamang na magkasama sila ni Arq sapagkat wala naman siya sa sasakyan nito ngayon.

"Hindi ko muna tinext si daddy. Ayaw ka kasing ipagising ni Arq kaya hinayaan ka na lang muna naming matulog ng mahimbing." Bungad ni Pearl.

Doon niya nakumpirma na magkasama nga sila ni Arq kanina. Na isinama siya nito sa sanktwaryo nito at naligo sila sa batis.

Nilingon niya si Andy para tanungin ng, "Oh, ano'ng ginagawa mo dito?"

"May kinailangan lang akong papeles. Sakto naman na nakita ko kanina si Pearl at sinabi niya sakin na nag-date daw kayo ni Arq. Ikaw, ah! Di ka man lang nagsasabi." Medyo nang-aasar nitong sagot.

Saglit niyang binalingan ang kapatid para lang samaan ito ng tingin. Kung ano-anong sinasabi nito kay Andy. Kahit pa ilang beses niyang pinaniwala ang sarili na date ang ginawa nila ni Arq, sa kasamaang-palad ay iba ang dating no'n sa huli.

"Hindi kami nag-date. May pinuntahan lang siya at isinama niya lang ako." Deny niya.

"If you say so." Andy shrugged her shoulders, obviously expressing that she didn't believe her.

"Teka, nasan ba tayo? Atsaka paano ako napunta dito?" Pag-iiba niya nang mapansin na nasa isang kwarto pala sila.

Pamilyar ang silid pero gusto pa rin niyang kumpirmahin.

"Savage's quarters. Tulog ka at ayaw kang istorbohin ni Arq kaya ang ginawa niya ay binuhat ka na lang." Diri-diretsong sagot ni Andy na parang normal lang ang pagbubuhat sa kanya ni Arq sa tuwing nakakatulog siya kasama nito.

"Na naman?!" Halos pasigaw niyang sambit.

Napatango-tango lang ito at pati na rin si Pearl.

°Two points for your humiliation!°

Napabuntong-hininga siya. Hindi pa natatapos ang tsismis tungkol sa unang beses na pagkarga sa kanya ni Arq habang mahimbing ang kanyang pagtulog, ngayon ay madaragdagan na naman. Kailangan na niya itong makausap at patigilin sa ginagawa nito.

Mas gusto pa niyang istorbohin siya nito sa pagtulog kaysa palagi na lang siyang bubuhatin at ilalagay sa pwesto kung saan siya mas magiging komportable.

Regardless, she still finds Arq's gesture sweet.

"Asan si Arq?" Tanong niya nang maisip na nakalimutan na naman siya nito.

"She's outside. Mamaya ka na lumabas dahil kasama niya 'yong tatlo niyang kaibigan." Suhestiyon ni Andy.

Sang-ayon siya sa sinabi nito. Ayaw niyang makita ang reaksyon ng mga kaibigan ni Arq kapag lumabas siya sa silid ng opisina ng mga ito.

She just feels relieved, knowing that Arq did not leave. She's certain that Arq will ignore her because she's not someone important. She's just a girl who likes to assume things between Arq and her, and that's why she ends up being disappointed.

She can't help it. Arq has a different shade of sweetness and even her rudeness oddly amazes her. Crazy, isn't it?

Pero iyon ang nararamdaman niya at hindi niya kayang ikaila sa sarili. Kahit pa gaano ito kasakit magsalita at ilang beses man siyang balewalain ay hindi niya pa rin ito kayang iwasan.

Is it what I think it is? Pero parang ang bilis naman.

°Oh, God forbid.° 😭

◈◈◈

blãçknøte;

Want to see a character illustration of Arq? Please support my page by liking/following/sharing etc.

*See external link.* https://www.facebook.com/nyrenemorana/

Happy Reading, humans!

Comment, Vote, Follow. Salamuuuuch! ❤

★★★

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

475K 15.5K 75
Comanche is a Native American word that means "he who fights all the time". The name is a fitting one for the mysterious biker who is part of the Dea...
195K 5.2K 53
[Unedited] Alex Lenon Roa a respected Head Engineer of Roa Corporation and a Professor in Custadio Imperium University. Cassidy Janea E. Castro an A...
806K 22.4K 32
BOOK TWO: BOSS'S EX PERSONAL ASSISTANT... FROM THE BOSS'S COLLECTION... It's been five years since Riley left Wyatt, they've had no contact whatsoeve...
36.5K 1.3K 125
| Professor x Student | don't judge the book by it's cover | ------ MEET ME IN THE AFTERGLOW - Life Story of Elle Riley Gomez. ------- On Going...