╰1st Catch╮

18.1K 350 10
                                    


◈ Caught By A Beast ◈

╰1st Catch╮

FOURTH Year.

Dahil ito na ang huling taon gusto sana niyang maging memorable ito para sa kanya bilang isang kolehiyala. Subalit mukhang hindi pa mangyayari ang bagay na ninanais dahil sa hindi inaasahang balita mula sa mga magulang.

Ang University kung saan siya naging loyal at  nagturo sa kanya ng maraming bagay, maraming kalokohan, ay mapapalitan na sa huling taon niya sa pagiging kolehiyo. Nakakalungkot lang isiping sa huling taon pa sila aalis sa lugar na kinalakihan. Hindi niya lubos maintindihan kung bakit kailangan pa nilang lumipat ng tinitirahan at kailangan pa niyang ma-transfer sa ibang University. Gaano na lang ba katagal ang isang taon? Kung kaya lang niyang mapag-isa ay magpapaiwan na lang siya para lang matupad ang kanyang inaasam na mangyari sa huling taon niya sa kolehiyo. Marami na siyang plano— silang dalawa ng matalik niyang kaibigan— na sa kasamaang-palad ay mapupurnada pa.

Sa lugar na ito na siya nagkaisip, lahat na ng mga tao dito ay kilala, kasundo at kabisado niya na ang araw-araw na gawain sa kanilang paligid. Ganonpaman, hindi parin niya kayang mamuhay nang walang kasama, pero mahirap rin para sa kanya ang umalis. Mas mahirap sa loob niyang iwanan ang childhood best friend na si Gigi.

Of course, who would want to be away from their best friends whom they could lean on at all times? How unfortunate that Gigi is still in school, she doesn't know if they could personally bid each other goodbye. Her best friend would certainly get mad as soon as she gets the news about them moving out. She doesn't even want to leave like this. Therefore, she starts to think about a way to see her best friend where her parents would approve.

"Dad... Magpapaalam lang ako kay Gigi. Pwedeng mamaya na tayo bumyahe?" Pakiusap niya sa ama na patapos na sa pag-aayos ng kanilang mga gamit.

Akala niya ay hindi siya nito narinig dahil abala ito sa ginagawa kaya uulitin sana niya ang nasabi nang magsalita ito. "Lara, ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na kailangan na nating umalis. Mahaba-haba pa ang ibibyahe natin. Pwede mo namang i-text na lang si Gigi o kaya magvideo chat na lang kayo pagdating natin sa lilipatan natin." Paliwanag ng ama.

She stomps her feet as she strides near her father. As a courtesy to their friendship, she must talk to her best friend face to face. "Dad naman. Kapag tinext ko siya ngayon, baka mag-cut 'yon ng class niya. Besides, we'll never have the chance to see each other again— in person, I mean." She insists.

Bumuntong-hininga ang kanyang ama at itinigil pa ang ginagawa para lang harapin siya. "Anong oras ba siya uuwi?"

"Six."

Nanlaki ang mga mata ng dad niya na para bang isa siyang multo sa harapan nito. "Six?! No. We're not going to waste five hours waiting for your best friend, Lara. Hindi mo alam kung gaano kahaba ang ibi-byahe natin para makarating sa bago nating lilipatan."

"Eight hours." Singit ng kanyang nakababatang kapatid na may bitbit na malaking box. Mukhang tanggap na nito ang paglipat nila kaya mabilis pa sa alas-kwatro ang pag-iimpakeng ginagawa.

O, baka may iniiwasan? If I know, chance na niya 'to para makalayo. Hmp! Teka! Her eyes almost bawled out of their sockets by the realization. "Seriously?!"

"Seriously." Her mom seconds the motion. They were all busy packing things but her.

Napailing-iling siya at pabagsak na naupo sa sofa na tila ba nawalan na ng pag-asa. Hindi niya maintindihan kung bakit ba ganon na lang kalayo ang lilipatan nila. San ba sila pupunta? Sa bundok? Hindi niya kayang manirahan sa bundok. Paano siya mabubuhay sa bundok? Malakas ba signal ng WiFi doon? Malinis ba ang tubig? Hindi ba siya mangingitim sa sobrang init at alikabok?

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now