╰25th Catch╮

5.2K 167 15
                                    


◈ Caught By A Beast ◈

╰25th Catch╮

HINDI niya maitago ang kanyang ngiti nang siya'y makauwi. Ang weird lang sapagkat sa kabila ng madalas na pambabara sa kanya ni Arq ay tila ba natutuwa siya sa progreso ng pagkakaibigan at nasasanay na siya rito. Kahit pa hindi masasabing pagkakaibigan talaga ang nagaganap pagitan nilang dalawa. Hindi rin naman masasabing nagugustuhan na niya ito. Gusto lang niya ng ideya na unti-unti na niya itong nakikilala.

Nang makapasok na siya sa kanyang silid ay tsaka lamang niya naisipang ilabas ang bagong cellphone na binili sa kanya ni Arq. Ayaw niyang ipakita sa mga magulang, lalong-lalo na kay Pearl, ang bagay na iyon dahil katakot-takot na tanong ang matatanggap niya. Tiyak na ipapasauli pa iyon ng kanyang ama kay Arq at ito na lamang ang bibili ng cellphone para sa kanya. 

Naisip niyang masasayang ang binili ni Arq kapag ibinalik niya iyon sapagkat naniniwala siyang itatapon lang nito ang naturang bagay kaya tama lamang ang kanyang naging pasya na hindi iyon ipakita sa kanyang buong pamilya. Alam niya na ang halaga ng cellphone na binili nito ay hindi biro, hindi kaya ng bulsa niya kung tutuusin.

A little while after opening it, she instantly receives a message from Arq. She must know ways to titillate a girl considering her text message and the name she registered on her contacts. As much as she wants to disregard her teasing, Arq is very good at it. Therefore, she can't blame herself for assuming that she is rather special to Arq. 

Kahit naba-badtrip siya sa topak nito ay napangiti siya sa munting papuso nito sa phone niya. Bawing-bawi kaagad si Arq sa mga pagsusungit nito sa kanya.

 Bawing-bawi kaagad si Arq sa mga pagsusungit nito sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napabuga siya ng hininga dahil sa kapreskuhan ni Arq. Hindi na lang niya pinansin ang text nito. Iniiwasan niyang magkapikunan silang pareho kaya ayaw na rin niya itong patulan pa. Atsaka, lalo lamang mauubos ang enerhiya niya.

Sa katunayan nga'y paghiga pa lamang niya sa kanyangg kama ay kaagad na siyang hinila ng antok. Ramdam na ramdam niya ang pagod sa halos buong araw na pag-iikot nila ni Arq sa mall. Ngunit hindi rin nagtagal nang maalimpungan siya. At nang tingnan niya ang oras sa katabing cellphone ay kaaagad siyang napabalikwas.

Hindi dahil sa oras.

Kundi dahil sa dami ng notifications na tila gustong pasabugin ang screen ng kanyang cellphone. 

83 notifications from Arq, to be exact!

"The hell..." Halos namamaos pa niyang usal, dala na rin ng bagong gising.

She starts to open the notifications only to get floored upon seeing 55 missed calls and 28 text messages. She quickly feels the chilliness crawls up her spine. 

Napakagat siya sa kanyang daliri dahil sa tensyon na nararamdaman. Sa dinami-rami ng notifications ay wala man lamang siyang narinig na tunog na bumulabog sa kanya. Tila himbing na himbing siya sa pagtulog.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now