╰50th Catch╮

3.9K 178 17
                                    

◈ Caught By A Beast ◈

╰50th Catch╮

"OH my God! Arq!" Sigaw niya nang masaksihan ang pagkakasapak ni Arq kay Zach.

Natumba kaagad ang huli sa isang mesa. Sa lakas ng pagkakasubsob nito ay nawasak din kaagad ang mesa kaya sa semento ang bagsak ni Zach.

Dahil sa kaguluhan ay natigil sa pagkain at napatayo na ang halos lahat ng mga estudyante. Nakatuon ang buong atensyon ng mga ito sa kanila.

Lalo siyang nabahala nang makitang tinatanggal ni Arq ang arm sling nito. Tinangka niya iyong pigilan ngunit mas mabilis itong kumilos. Pwersahan nitong inunat ang kanang braso dahilan para mabanat at matanggal na rin ang bendang nakabalot doon. Sa nakikita niyang kilos ni Arq, parang hindi ito pilay.

Nakatunganga lamang siyang pinapanood si Arq. Mayamaya ay napansin niyang unti-unting tumatayo si Zach.

Inaasahan niyang titigil na ito dahil sa natamong suntok. Ngunit sadyang sutil din ito sapagkat tinangka pa nitong suntukin si Arq.

Mabilis naman iyong nasalag ng kaliwang braso ni Arq kaya hindi dumapo ang malakas na suntok ng binata sa mukha nito.

"Mararamdaman mo ngayon kung paano ka masapak ng injured na kamay!" Sigaw ni Arq kasabay ng muli nitong pagsuntok sa mukha ni Zach.

Sa pagkakataong iyon ay ginamit na nga nito ang pilay na kamay.

A soft crack reaches her ears, which makes her cringe. She doesn't know if that either came from Arq's hand or Zach's face.

Nonetheless, she walks towards Arq to stop her from causing more disfigurement. "Arq. That's enough already."

Sa halip na sumagot ay nanatiling nanlilisik ang paningin ni Arq kay Zach. Para nitong gustong burahin sa mundo ang binata.

"Arq! Oh, fvck!"

Nilingon niya ang pinanggalingan ng pagsigaw na iyon. Doon niya nakita ang mga kaibigan nila ni Arq.

"Lara? Oh my!" Napatakip ng bibig si Andy sa gulat nang mapatingin ito kay Zach.

"Ano'ng nangyari dito?" Kunot-noo namang tanong ni Elijah na tumalima sa kaibigan nitong si Arq.

"Savage, huh? There you are again." Zach stated in a spiteful manner.

Mangha siyang napabaling sa binata. Sa tono ng pananalita nito ay parang gusto rin nitong asarin ang mga kaibigan ni Arq. Kaya imbes na maawa siya sa duguan nitong itsura ay parang gusto na lang niya rin itong sapakin sa bibig nang sa gayon ay tumigil na sa pagsasalita ng ikakapahamak pa nito lalo.

Gumalaw si Arq para sugurin na naman si Zach subalit agad siyang humarang pati na rin ang tatlo nitong matalik na kaibigan.

"Kami ng bahala sa kanya, Arq." Seryosong pahayag ni Greco.

Nakaramdam siya ng matinding kaba sa sinabi nito. Para iyong may kaakibat na kakaibang mensahe. Nakakatakot.

"'W-wag niyo na siyang saktan." Bigla niyang nasambit dahil sa takot na baka lalong magulpi si Zach.

Hindi naman sa kinakampihan niya ang binata. Sa katunayan ay naiinis nga siya. Pero hindi pa rin makatarungan kung lalo itong magugulpi. Nag-iisa lang ito laban sa tatlong kaibigan ni Arq. Kay Arq nga na babae pa ay bugbog na ito. Paano pa kaya sa tatlong kalalakihan?

"Don't worry, Lara. He won't die." Sabi pa ni Greco.

Even though Greco assures her, she can't still guarantee that Zach won't receive further punishment from the group.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now