╰42nd Catch╮

3.9K 140 7
                                    

◈ Caught By A Beast ◈

╰42nd Catch╮

NAGPAPASALAMAT siya sapagkat hindi na nagmatigas pa si Arq. Hindi na niya ito pinagkaabalahan pang tingnan nang bumangon ito at tuluyang lumabas sa kanyang silid.

Hindi siya sigurado kung uuwi na ba ito o matutulog pa rin sa kabilang silid. Pero hindi na niya inalam pa kung ano nga ba ang gagawin nito. Ayaw niyang sundan si Arq sapagkat nakatitiyak siyang hindi na naman siya makakaalis sa tabi nito.

Sa kasamaang-palad ay hindi siya pinatulog ng pag-iisip kay Arq sa buong magdamag. Sobrang lakas ng tibok ng kanyang puso na para siyang aatakihin kaya hindi rin niya nagawang pumikit dahil iniisip niyang baka mamatay siya sa pagtulog.

Paglabas niya ng silid ay ilang minuto pa siyang nakatulala sa pinto ng katapat na silid. Iniisip niya kung doon ba natulog si Arq at kung naroroon pa ito sa mga oras na iyon.

Nasagot ang mga katanungan niya nang makita siya ni Pearl.

"She left last night." Paniniyak nito.

Kaagad niyang sinimangutan ang kapatid nang maalala na ito ang nag-text kay Arq para pumunta sa kanila. "Bakit mo naman siya tinext para magpunta dito? Hindi naman siya ang iniiyakan ko kagabi."

Kitang-kita niya sa mukha ni Pearl kung gaano ito naguluhan sa sinabi niya. "Ano'ng tinext? Hindi ko nga alam ang number no'n. Alam ko nga nagpunta 'yon dito para kunin ang sasakyan niya."

Siya naman ang naguluhan sa tugon nito. "H-hindi ikaw ang nagpapunta sa kanya dito?"

Napatapik na lamang siya sa kanyang sentido nang tumango si Pearl. Napaniwala siya ni Arq sa palusot nito. Kung hindi pala sinabi ng kanyang kapatid na umiiyak siya, paano iyon nalaman ni Arq? Talaga bang gano'n kalakas ang pakiramdam nito?

Ang nakakahiya pa'y tila siya na rin ang nagpatunay kahapon na umiiyak nga siya.

"Teka, umiiyak ka kahapon? L.Q. kayo?" Parang natatawang tanong ni Pearl.

Inirapan niya ito. "Nagtanong ba sila daddy kung bakit gabi na nakauwi si Arq?"

"Hindi sila nagtanong sa'kin. Pero naabutan ko kagabi si Dad at si Arq na nag-uusap at nagtatawanan. Para nga silang close, e."

That's another thing that surprised her. Did Arq and her father really talk? What did they talk about? She's curious but nervous at the same time. She doesn't want to be questioned by her father about Arq because she knows, she can't answer without stuttering.

Magkasabay silang magkapatid na bumaba para mag-almusal. Mabuti na lang ay hindi siya tinanong ng kanilang mga magulang tungkol kay Arq.

Dahil halos wala siyang tulog ay wala rin siyang ganang kumain. Tanging gatas lamang ang kanyang almusal, na tila walang nakapansin. Kaya pumasok siyang nang matamlay. Mula kahapon hanggang sa ngayon, wala siyang ibang iniisip kundi si Arq. At sa tingin niya, konti na lang ay mababaliw na siya.

Matapos ang kanyang ikatlong klase ay lunch break na. Nagbabakasakali siyang makakasama si Andy kaya naisip niyang kontakin ito. Hindi online si Andy kaya nag-text na lamang siya nang sa gayon ay matanggap kaagad nito ang kanyang mensahe.

Naglalakad siya sa corridor ng mga oras na iyon. Alam niyang maraming estudyante sa RDGU pero parang doble ang bilang ng nakakasalubong niya ngayon. At sa patuloy niyang paglalakad ay parang sumisikip ang paligid.

Sinubukan niyang huminto sapagkat alam na niyang hindi maganda ang nangyayari. Subalit sa sandali niyang pagtigil ay bigla namang umikot ang kanyang paningin hanggang sa hindi na niya alam kung ano ang mga sumunod na nangyari.


Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now