╰54th Catch╮

4K 141 5
                                    

◈ Caught By A Beast ◈

╰54th Catch╮

AS Arq mentioned, they began a video call. She had just completed her nighttime routine, preparing herself for bed, when she received the video call invitation. She accepted it unequivocally and without hesitation.

Arq's table is adorned with a visible mound of paperwork. Aside from that, her gaze is drawn to the expansive bookshelf in the background. There's a tinge of embarrassment as she realizes she owns no more than ten books.

It's a relief that Arq doesn't feel the need to flaunt her intelligence by discussing bookish topics. Because if she did, engaging in conversation would become perplexing for her.

"Political Science ang natapos mong course, di ba?" Tanong niya nang mapansing medyo tumatahimik na sila.

"Yeah." Tango ni Arq habang nakapokus ang mga mata sa binabasa nito. 

Lalo itong kaakit-akit kapag nakasuot ito ng salamin. Parang sobrang talino nito at sopistikada.

"Bakit hindi ka pa kumuha ng Master's Degree? O kaya naman bakit hindi ka na lang kumuha ng Business Management? Base sa ginagawa mo ngayon parang mas okay kung iyon ang naging kurso mo."

May sinulat muna ito bago siya sinagot. "Next year siguro kukuha na 'ko ng Masteral. Tinuruan ko lang talaga si Greco kung paano i-manage ang school niya."

Napatango siya.

Gusto niyang magtanong nang magtanong subalit mas nagugustuhan na niya ang panoorin lamang si Arq habang abala ito sa ginagawa. Hindi niya napapansing napapangiti siya lalo na sa panaka-nakang pagkunot ng noo nito.

"Ikaw naman. Di ba may Master's Degree 'yang course mo?" Tanong nito sabay tingin sa kanya.

Hindi niya alam kung nahuli siya nitong nakangiti kaya napangiti rin ito. Ganonpaman, hindi na lamang niya inintindi kung nahuli nga siya nitong nakatitig lamang habang may malawak na ngiti sa mga labi.

Tumango siya. "Yep."

"Kukuha ka kaagad ng Master's Degree pag-graduate mo?"

"Hmm... Actually, wala pa talaga akong plano."

"Oh," umangat ang pareho nitong kilay atsaka ibinalik ang paningin sa binabasa. "Sabay na tayong kumuha ng Master's Degree. Kung okay lang sa'yo."

Ngumiti siya. Hindi maikakailang gusto niya ang suhestiyon nito. "Pwede. Good idea."

Muli itong nag-angat ng tingin sabay ngiti. "Okay, deal yan honey."

"Oo nga pala. Arquinn ang gamit mong last name?" Pag-iiba niya.

Naalala niyang napag-usapan nila ng kanyang mommy ang tungkol kay Arq habang nagliligpit sila ng pinagkainan. Ang totoo nga niyan ay parang mas marami pang alam ang mga magulang niya kaysa sa kanya. Alam ng mga ito na isa si Arq sa kambal na anak ng Mayor. 

Ayon sa kanyang mommy ay nalaman ng mga ito ang maraming bagay tungkol kay Arq nang magpaalam ito na manliligaw sa kanya. Sa totoo lang ay nakakatuwa ang effort ni Arq na ipakilala ang sarili sa kanyang pamilya.

Nang tanungin naman siya ng kanyang mommy kung ano na ang estado ng panliligaw nito, hindi siya nakasagot kung sila na ba. Hindi siya makaamin sapagkat ayaw niyang masabi ng mga ito na mabilis siyang bumigay. Subalit dahil sa pananahimik niya, malamang alam na ng mga ito kung ano'ng estado nila.

Tumango si Arq.

"Bakit hindi La Rivas? Di ba iyon naman ang surname ni Mayor?"

"I prefer to use Arquinn. Pero hindi naman iyon ang ginagamit ko kapag sa mga importanteng bagay. Ayoko lang magpakilala kaagad bilang anak ng Mayor. Ayokong gamitin ang pangalan ni dad para lang magustuhan ako ng ibang tao." Paliwanag nito.

Caught by a Beast [GxG]Место, где живут истории. Откройте их для себя