╰63rd Catch╮

3.4K 135 8
                                    

◈ Caught By A Beast ◈

╰63rd Catch╮

THE scene deprives her of sleeping soundly.  She never expected that Arq would react as if she was affected by their act. Gigi's simple gesture of holding her waist leads to a surprising physical altercation with her ex-lover.

"I can't believe that she actually has those freaking eyes! Lara, bakit gano'n kaganda sa personal ang mga mata niya?" Hindi makapaniwalang usal ni Gigi.

Kanina pa nito sinasabi ang bagay na iyon subalit pinipigilan pa ang sarili sapagkat kasama pa nila ang kanyang daddy. Subalit ngayong dalawa na lamang sila sa kanyang silid, hindi na nito napigilan ang sobrang pagkamangha.

Tumaas ang kilay niya. "Matapos mong mainis sa kanya, sobrang charmed ka naman ngayon. Ano 'yan?"

Hindi nito pinansin ang sinabi niya."Kaya naman pala naakit ka sa kanya, bessy. Alam mo, para ngang gusto kong dukutin 'yong mga mata niya tapos i-display sa kwarto ko. Ano sa tingin mo?"

Napangiwi siya sa ideya ng kaibigan sabay tulak nang mahina rito. "Kadiri ka, alam mo ba 'yon? Akala ko ba ayaw mo sa kanya? Why the sudden change? May chance na bang—" putol niyang sabi sapagkat tumili na ito kaagad.

"Grabe ka, Lara! Marunong lang talaga akong maka-appreciate ng mga magagandang bagay na nakikita ko! Pero hindi pa rin okay sakin si Arq pati 'yong pakikipag-relasyon mo sa kanya 'no!"

Akala niya ay nagbago na rin ang pananaw nito matapos makita si Arq. Gano'n kasi ang nangyari sa kanya, aminin man niya o hindi.

In addition, she doesn't want Gigi to harbor too much animosity towards Arq. It may cast her as a fool but she comes to the realization that she wants a ceasefire now. She can't even explain why she felt that all of a sudden.

But she can't tell that to her best friend.

Naramdaman niyang tinutusok-tusok ni Gigi ang  kanyang pisngi. "Hoy! Nagda-daydreaming ka na naman dyan! Sinabi ko lang na maganda 'yong mga mata niya pero hindi pa rin mababago no'n ang katotohanang sinaktan ka niya. At babae pa rin siya! Hmp!"

Sumimangot siya. "Grabe ka talaga sakin, bessy. Hindi ko naman nakakalimutan ang mga bagay na 'yon." 

"Good. Baka lang kasi kailangan kong ipaalala every second."

"Hindi kailangan, bessy." Ngumiti siya nang may kasamang kalungkutan.


NOW, the days she looked forward to have arrived; the new semester commences. Gigi turns out to be their chauffeuse. It's more convenient for her, especially since she's trying to steer clear of being interrogated by her father regarding Arq.

Just as soon as they spot the Savage after Gigi parks the car, her best friend's mind quickly devises a plan. She almost jumps out of the car to open the door for her.

She steals a brief glance at the group but quickly meets the meaningful stare of Elijah, depriving her of the chance to see if Arq is looking in their direction. To avoid drawing attention, she quickly looks away

"Thanks," she uttered to Gigi once she was out.

"Sa dami ng mga estudyante dito, sila talaga ang unang bubungad sa'tin. Nakakasira ng araw." Saad naman ni Pearl na bumaba na rin kasunod niya.

Alam na nito ang plano nilang magkaibigan. Himala ngang wala itong naging tutol.

"Alam mo, feeling ko kahit anong acting niyo ni Gigi, endgame mo pa rin 'yang si kamahalan." Dagdag pa ni Pearl.

Halos sabay nilang nilingon ito ni Gigi.

"Bakit naman?" Tanong ng kanyang kaibigan.

"Hindi mo ba nakita kung paano niya tiningnan si Arq kani-kanina lang?"

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now