The Princess And The Butler [...

By cia_stories

1.3M 29.3K 1K

Kailee is a simple girl living on her own. Kailangan nyang rumaket at magdoble kayod sa pagtitinda ng kung an... More

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Forty Five
Epilogue
Final Note
Special Chapter One
Special Chapter Two
Special Chapter Three
Special Chapter Four
Huhu
Special Chapter Five
Hwuahwua!

Fourteen

25.7K 555 12
By cia_stories

Back to School

Kailess's POV

This is it.

This is really is it is it.

Charing lang! Actually, ngayon ang unang araw ko sa PL University. Hindi ko alam kung nababagay ba ako sa school na iyon.

Pero bahala na. Basta dapat focus lang ako sa studies. Iyon na lang ang gagawin ko.

Kamusta na kaya si Aidan? Nakakamiss din pala ang kolokoy na iyon.

Hindi ko pala nakwento no? May nag-iisa akong kaibigan, bestfriend pa nga eh. Sya yung nakwento kong nagrecommend sa akin sa livelihood program. Hindi ko sya madalas makasama dati pero tuwing sabado o kaya linggo ay bonding time namin. Dati kasi silang nangungupahan sa isa sa mga pintong pinauupahan nina Aling Jenna kaya naging magkaibigan kami.

Ang random ko no? Pero anyway, naalis ako sa pagmumuni-muni ng may pumasok sa pintuan ng kwarto ko.

Inalis ko ang earphones na nasa tenga ko dahil nakikinig ako kanina ng music. Oha! Nagagamit ko na yung cellphone ko pero hindi ko pa ganoon gamay.

Mabuti't matyaga akong tinuruan nina Piolo, Johnny, Ella at Pamela, pati nga si Mang Bert ay daig pa ako dahil nakikisabay din sa pagtuturo sa akin.
So far maalam na akong kumuha ng picture, magtext, tumawag at magpatugtog at magdownload ng music.

Grabe pala yun! May bayad pati kanta! Hindi ko naman napigilan sina Ella at Piolo dahil pinagpipindot nila ang mga kantang nabanggit ko na gusto ko. Eh ang dami nun! Huli ko ng nalaman na may bayad pala yung halos karamihan sa dinownload nila.

"Tay!" Sabi ko at napaayos ng upo. Nakaindian sit kasi ako sa kinauupuan ko dahil nasa tapat ako ng study table.

I know, mukhang unlady like, wala eh, nakasanayan ko na yun, saka nasa bahay lang naman.

"Ngayon ang unang araw ng klase mo diba?" Nakangiti nitong sabi sa akin.

"Opo, medyo kinakabahan nga po ako eh." Sagot ko sabay lagay na ng notebook at ballpen sa backpack ko.

Salamat naman at yung mura ang binili nina Ella at Pamela.

"Huwag kang kabahan. Ikaw pa? Kaya mo yan, anak kaya kita." Buong pagmamalaki nyang sabi sa akin saka inayos ang buhok ko.

"Oo nga pala, nalaman ko kay Alex na sinabihan nya ang president ng university na itago munang anak kita. Ayos lang ba sa iyo yun? Hindi ko pa kasi binubulgar sa lahat dahil hinihintay ko din ang permiso mo. Kaya din napagpasyahan kong sa 20th anniversary na ng kumpanya kita ipakilala para makapag-isip isip ka pa." Sabi nito sa akin at napangiti na lang ako.

Ako pa rin pala ang iniisip nga, hindi naman kasi maayos na naipaliwanag ni Sungit kung bakit kailangan na lihim muna ang pagiging anak ako ng tatay ko.

"Sa anniversary nyo na lang tay. Para rin naman makapagsimula ako ng hindi napapansin ng iba." Sabi ko.

"Hay nako, manang-mana ka talaga sa akin. Alam mo bang mahiyain din ako noon? Ang nanay mo lang ang nageencourage sa akin sa pakikipagusap sa mga kasosyo ko at di kalaunan ay natutunan ko na ring makihalubilo ng hindi nagtatago sa likod ng nanay mo." Natatawang pagkwento nya sa akin kaya natawa na din ako.

"Oo nga pala tay, ito po ba ang kwarto ko noong bata pa ako? Yung bago kami mawala?" Tanong ko

"Hmm..hindi, hindi pa kasi ganito kalaki ang bahay natin noon, isang simpleng two-storey house pa lang ang tinitirhan natin noon. Pero may care taker ang bahay at noong hindi pa kita nakikita ay napunta ako doon tuwing sabado at linggo."

Kwento nya pa at tumango-tango ako.
Tama pala ang kwento ni sungit.

"Osya, sa susunod na lang ulit tayo magkwentuhan dahil baka malate ka pa." Sabi nito sa akin kaya tumayo na rin ako.

"Goodluck anak. Ngayon pa lang proud na sa iyo si tatay." Sabi nya sa akin saka ako hinalikan sa buhok habang yakap-yakap ako.

Kumalas kami sa yakap at nauna na syang lumabas. Isinuot ko na ang sapatos ko at tinignan ng huling beses ang sarili sa salamin.

Walang uniform sa PLU kaya nakafreestyle lang ako. Hindi ako pinayagan ni Ms. Mariella na magsuot ng simpleng tshirt at pants dahil pumunta pa talaga sya kahapon dito sa mansyon para ayusin ang wardrobe ko for the whole month.

Inatasan nya pa sina Ella at Pamela na kuhanan ako ng picture ng whole body para isend sa kanya ng masiguro nyang isinusuot ko ang mga sinabi nya.

Pero dahil isa akong napakamasunuring bata, iba ang isinuot ko! Bwuahahah!

Sigurado din namang hindi ako makukutusan ni Ms. Mariella dahil wala sya sa bansa at nasa Europa ito.

Isinukbit ko ang backpack ko saka bumaba na at dahil nakakain na ako ng breakfast kanina ay humalik lang ako sa pisngi ni tatay na kasalukuyang nagbabasa ng dyaryo sa salla at nagpaalam na umalis.

"Alis na po ako tay." Sabi ko at tumango ito't binigyan ako ng aja sign.

Kaloka, gumaganon si tatay! Haha!

"Good morning young lady!" Masiglang bati ni Piolo habang hinihintay akong makapasok sa nakabukas na pinto ng kotse.

Sumaludo ako sa kanya ng pabiro at pumasok na sa sasakyan.

"Good morning Mang Bert!" Bati ko dito.

"Good morning ma'am." Bati nito at pinaandar na ang sasakyan.

Tulad ng napagusapan, sa malayo lang din sina Piolo at Johnny para bantayan ako.

Tinuruan din nila ako kung anong pipindutin sa cellphone ko para macontact sila.

Speed dial no. 2 sila Johnny at Piolo, sina Ella at Pamela naman ay no.3 at si Mang Bert ang no.4
Hindi ko alam kung sino ang Speed Dial No. One, sila Ella kasi ang nagset ng mga speed dial sa phone ko at hindi na daw nila pinalitan ang nakainput na speed dial no.1

Ipinagkibit balikat ko na lang.

Umandar na ang kotse at tinahak ang daan papuntang PLU, almost one hour ang byahe papunta sa school dahil malayo ang PLU sa mansyon, at dahil 8 am ang start ng unang klase ko ay seven pa lang at umalis na kami.

Nasaan kaya si sungit? Matapos kasi nya akong ihatid sa mansyon para masukatan ay umalis din sya agad. Hindi ko talaga matantya ang schedule ng masungit na iyon. Minsan susulpot bigla at minsan naman ay bigla ding mawawala.

Teka! Bakit ko ba sya iniisip?? Psh.

Change topic na nga!

Oo nga pala, halos mag-iisang buwan na rin ako sa mansyon. Ang bilis no?

Two weeks from now ay gaganapin na ang party at doble training ang inaabot ko kay Ms. Molly.

Doon ko din natuklasan na ang dami pa lang kailangan na kutsara't tinidor sa pagkain. Hindi kasi uso sa akin un eh, minsan nga kung anong pinangtimpla ko sa kape ay sya na ring kutsara ko sa pagkain ng agahan.
At ang matinde, sinamahan pa ng kutsilyo!

Nakakaloka.

Tinuruan ako ni Ms. Molly ng tamang pagkain, pagsasalita at pagharap sa mga bisita, paglalakad ng may poise at kahit ang pagtawa na hindi labas ang bagang.

Next meeting nya ituturo sa akin kung paano magtago ng emosyon, pero hindi ung tipong magyeyelo ka kapag tinignan kita. What she means is how to handle different cases dahil bilang nag-iisang tigapagmana daw kasi ay maraming gusto na makita akong bumagsak.

They expect me to be perfect, to be rightful with the title of being the heiress of Park Empire.

Alam kong mahirap, kaya nga ako kinakabahan eh. Pero si Ms. Molly na rin ang nagsabi sa akin na ang mga lesson na itinuturo nya ay mga proper etiquette lamang sa mga nabibilang na okasyon at hindi ang buong pagkatao ko ang binubuo nya.

Magkaiba ang personality sa character, ika nga nya. Nakilala na nya ako bilang babaeng hindi sumusuko at matyaga (flattered naman ako), iyong mapagkumbaba daw at mahiyain, iyong maganda ang kalooban at mabait.

Oy! Hindi ko bini-build up ang sarili ko ah! Sya nagsabi nyan!

Pero anyway, iyon nga. Sya na rin ang nagsabi sa akin na kayanin ko, na maging matatag ako sa pagiging  nagiisang tigapagmana at ang nagiisang prinsesa ng tatay ko.

"Ms. Park, nandito na po tayo." Sabi ni Mang Bert kaya napatingin ako sa kanya at sa may bintana.

Nandoon ang iba't-ibang klase ng mga estudyante, pero iisa lang ang pagkakapare-parehas nila. Lahat sila mayayaman.

Nakabukas ang dalawang engrandeng gate ng PLU at may mga sports car pa akong nakitang pumasok. Ang iba naman ay bumaba na lang sa tapat ng entrance mula sa sasakyan na lulan sila.

Grabe, hindi ko talaga ineexpect na mag-aaral ako dito. Dati dinadaan-daanan ko lang tong gate na ito at pasimpleng sumisilip sa loob mula sa gate kapag wala si manong guard.

"Salamat po Mang Bert. Have a good day!" Sabi ko at sumaludo naman sya sa akin at bumaba na ako.

Huminga ako ng malalim at bumuga ng apoy. Char lang!

Ayun, pumasok ako sa gate at agad naman akong hinarang ng guard.

Nice. Gandang salubong ah?

"Nasaan ang ID mo Ms.?" Tanong nito

"Unang araw ko pa lang po manong kaya kukuhanin ko pa lang po ang ID ko sa registration office." Sabi ko.

"Ganoon ba? Teka, mukhang bago ka ah?" Sabi pa nya habang may sinusulat na kung ano sa isang papel.

Napapoker face ako sa narinig. Hindi kuya, matagal na ako, kaya nga kukuha pa lang ng ID diba?

Pero syempre hindi ko un sinabi, nginitian ko na lang ito at tumango.

"Oh heto, temporary pass mo hanggang sa makuha mo na ang ID mo. Madalas kasi ay hapon mo pa makukuha iyon kaya lung lalabas ka ng university ay ipakita mo lang ito kapag papasok ka ulit." Paliwanag nya sa akin.

Mabait naman pala si kuya.

"Sige po. Salamat po!" Sabi ko saka nagpatuloy na sa paglalakad.

Dumaan muna ako sa registration office at tama nga si manong guard. Hapon ko pa daw makukuha mga after lunch kaya iniwan ko na lang ang pangalan ko't naglakad na papunta sa magiging classroom ko.

Dahil second month na ngayon ng first semester, marami akong dapat habulin na lecture at exams. Pero dahil ngayon ko na lang din natuklasan ang isa sa mga perks ng pagiging rich kid, ginawa ng President ng university na si Mr. DeGuzman na pangisahang exam na lang ang bigay sa akin.

Iyon ang tinake ko last week na salamat naman at naipasa ko. Medyo nahirapan pa nga ako sa pagrereview dahil matagal-tagal din ng ako'y magsipag sa pag-aaral. Pero dahil matalino ako—di ako nagyayabang ah!—nakayanan ko naman ang self review.

Hindi, seryoso na.

Sa library ako ni tatay nagreview, eh ang daming aklat doon na may kinalaman sa negosyo, pera at mga aklat patungkol sa  kumikitang pangkabuhayan. Iyon na ang ang paborito kong lugar dahil ang dami talagang aklat. Saka dahil na rin sa tulong ni tatay, nagkaroon kami ng bonding moment dahil sya ang nagturo sa akin ng mga dapat kong malaman. Nagleave pa sya ng two days para sa akin.

Nakakatuwa.

Doon ko mas nakilala si tatay, grabe ang galing nya pala talaga sa business, ipinakita at ipinaliwanag nyang mabuti ang mga terminology at mga maliliit na bagay na karaniwang hindi napagtutuunan ng pansin. Yung mga bagay na may kinalaman sa kung anu-ano.

Dahil sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko napansin ang nakabungguan ko. Nahulog ang mga dala-dala nitong folders at mga papel na agad ko namang pinulot.

Ayan kasi Kailee! Di tumitingin sa dinadaanan!

"Naku! Sorry po! Sorry talaga. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Sorry." Sabi ko habang patuloy sa pagpulot at ganoon din ang nakabangga ko.

Nang mag-angat ako ng tingin ay nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

"Aidan???!!!"

"Kai!!??"

Nagkagulatan pa kami ng makita ang isa't-isa. Nang makabawi kami parehas ay malaki ang ngiti naming nagyakapan!

"Namiss kita!" Sabay pa naming sabi na parehas naming ikinatawa, napapatingin pa sa amin ang mga estudyante sa hallway kaya parehas kaming napatahimik at nagkatinginan sabay bungisngis.

Shet! Kanina lang iniisip ko sya, ngayon nakita ko na? Astig! Try ko ngang magisip ng impossible, baka may magic na ako ng hindi ko namamalayan.

Lol.

"Anong ginagawa mo dito?" Sabay na naming sabi.

"Dito ako mag-aaral/ Dito ako nag-aaral." Sabay na naman kami.

Natatawang naapiling na lang kaming dalawa.

"Teka nga, wait lang. Malapit na klase ko eh, ganito, hihintayin kita dito mamaya tapos sabay tayo maglunch para magkalinawan tayo. Okay?" Sabi nya at tumango ako ng excited. Omg! Nakakatuwa talaga.

Nandito si Aidan! Nandito ang bestfriend ko! Bwuahahahah!

"Ako din eh, malapit na rin magstart ung akin. Mahirap na ang malate." Sabi ko kaya tumango sya.

"Teka, accountancy ba ang kinukuha mo ulit?"tanong nya.

"Oo, hindi ko nga alam kung saan ung Section AA." Sabi ko na ikinanganga nya.

"Shit! Magkaklase tayo! Astig!" Tuwang-tuwang sabi nya, napamaang naman ako.

"Seryoso??"

"Oo nga! Tara na!" Sabi nya sa akin sabay hila kaya nagpadala na lang ako.

Nang makarating kami sa room ay tinginan sa amin ang mga nasa loob. Wala pang teacher kaya mga nakakalat pa sila sa kung saan saan.
Pansin rin ang mapanuring tingin ng mga kababaihan sa kamay ni Aidan na nakahawak sa akin.

Hindi naman sila pinansin ni Aidan at hinila ako nito paupo sa hulihang bahagi ng classroom at pinaupo sa tabi nya.

"Ba't sila nakatingin sa akin?" Bulong kong tanong kay Aidan.

Seryoso, nakatingin talaga sila sa akin ng masama.

"Gwapo ko kasi." Nakangising sagot nya sa akin kaya binatukan ko nga.

Nagpout naman ang loko kaya napamake face ako,pero parehas din kaming natawa pagtapos.

Isang bagay na napagkakasunduan namin ni Aidan?

Ang pagiging baliw.

"Marami kang kwento sa akin ah?" Bulong nya, sakto namang dumating na ang prof.

"Ikaw rin." Sabi ko.

Pero mas magaan na pakiramdam ko ngayon, nawala ng onti ang kaba kasi nandito na sya.

Iyon lang naman ang importante eh, iyong may isang tao akong makakasama sa bagong mundo kong pinasukan.

Continue Reading

You'll Also Like

9K 395 76
COMPLETED ‼️ This is an Epistolary. She discovered an app called "Online Diary." That app caught her interest and attention nang dahil sa pangalan ka...
177K 3.8K 33
Angel With A Shotgun Series #2: Elissa, The Untamed Lady Elissa is a spoiled brat, untamed heir of Madrigal Enterprises. Pero dahil sa pagiging matig...
1.1M 32.7K 30
Dawn who is forced to marry a man who was suppose to marry her sister from the accumulation of their debt. Siya ang sumalo ng lahat na dapat ay respo...
228K 5.3K 46
Beguiled and seductive, she gets all men that take her fancy, but her hunger for carnal pleasures cannot be satiated.