To simplymeo5: Thank you for supporting and reading my story...na touch naman ako ng todo sa comment mo gurl!! laki ng ngiti ko..abot tenga pramis!!!
i love you!! parang magkakahydrocephalus na ako sa lahat ng papuri niyo readers!
Chapter 40
Kath’s POV
Maraming gumugulo sa isip ko. Naalala ko ang lahat ng mga bagay na sinabi sa akin ni Daniel na narinig kong muli kay Brent. Nakakatakot. Pareho ang pagkasabi. Ang expression. Hindi ko alam kung bakit sakto ang mga salita. Ayoko mang ikumpara si Brent kay DJ pero siya mismo ang naghahambing ng sarili niya sa taong labis kong minahal. Brent...........Brent...............
Nagulat na lang ako ng gisingin ako ni Robie.
Robie: Kath...were here....
Napamulat ako. Nasa may garahe na nga kami ng bahay.
Nakatingin si Robie sa akin. Mukhang malungkot ang mata.
Robie: Tara na?? Tumango ako.
Si Robie na halos ang nagdala ng gamit ko papasok ng bahay.
Sa pinto pa lang ako ay naamoy ko na ang bagong luto ng adobo. Sinalubong ako ni Auntie.
Kath: Auntie..nagluluto kayo??
Thelma: Hindi ako.....nakangiti siya.
Kath: Eh sino po? Nagulat ako ng lumbas mula sa kusina ang isang babae.....si Mommy.
Nawala ang antok ko. Tumakbo ako para salubungin si Mommy. I hugged her.
Kath: Mom!!!!
Min: Chandria......kamusta ka na??
Kath: Okay naman...ikaw? miss na miss na kita..pati si Daddy...kasama mo siya???
Min: Hindi eh...pero baka sumunod na lang siya, maraming pang trabaho eh. Napatingin si Mama sa lalaking nasa likod ko.
Kath: Ah..si Robie Ma, friend ko. Robie si Mommy.
Lumapit si Robie para ibeso si Mommy.
Min: Napaka gwapo mo iho...salamat naman at sinundo mo si Kathryn...
Robie: Wala po yon.
Min: Bitawan mo na muna ang mga gamit ni Kath, maupo na muna tayo. Halika ka anak.
Robie: Salamat po Tita.
Min: So......
Kath: Ma, were friends....
Min: Totoo ba yon iho??
Robie: Ah...opo.
Min: Naku wag kang pabagal bagal..baka maunahan ka pa ng iba...
Kath: Mommy!! Pagtututol ko.
Robie: O sige ho...
Min: Haahaha..at saka bayaan mo...hindi ko paliligawan sa iba ito.
Thelma: Min...25 na ang anak mo.
Min: OO nga pala...masaydo na gabi pero nagdinner ka na ba? Saluhan mo na kami.
Robie: Sige po..salamat.
Napailing na lang ako.
Kath: Ma, magpapalit lang po ako.
Min: Bilisan mo at nakapaghain na si Auntie Thel.
Kath: Okay..
Umakyat na ako at nagpalit. Si Mommy halatang halata na nagwoworry pa rin siya sa akin. pano kaya kung sabihin kong hindi ko gusto si Robie? At may mahal na akong iba? At kamukha siya ni DJ? alam kong magagalit siya. panigurado iyon. Pero yon ang totoo...kaibigan lang ang turing ko kay Robie. Walang labis, walang kulang. Halatang gusto ni Mommy si Robie dahil todo asikaso ito sa kanya nung kumakain kami. Madali silang naging close na dalawa pati kay Auntie Thelma ay close na rin si Robie.
ROBIE’S POV
Pauwi na ako sa bahay, nakakatuwa ang mama ni Kath. Sinabi pang ako ang gusto niya para sa anak niya. Buti pa siya ako ang gusto pero si Kath iba ang mahal. Kung dati hindi ako ganong nasasaktan sa tuwing napapanaginipan niya ang namatay niyang boyfriend ngayon naman si Brent ang napapanaginipan niya. Masakit. Yung malaman mong kahit na konti eh hindi ka man lang niya naiisip. Kung dati may pag-asa pa akong magiging kami dahil wala naman na si DJ, iba na ngayon. Si Brent...na napagkamalan niyang ang boyfriend niya. Kamukha ni Brent si DJ. base sa litratong nakita ko sa bahay nila Niel. Walang dudang magkamukha sila. Ano pang laban ko? Buhay na buhay si Brent? Pero alam kong ikakasal na si Brent. Kailangang matigil ang kalokohan ni Kathryn sa kanya. Hindi ko hahayaang masaktan na naman si Kath ng lubusan. Hindi ko kaya.
Thelma’s POV
Hindi ko matiyempuhang magkwento kay Kath sa nadatnan ko nung magpunta ako sa puntod ni DJ. narito kasi si Min at bilin na bilin ni Min eh not allowend na muling pag-usapan si Daniel sa bahay na iyon ngayon pa at umaasa siyang muling magmamahal ang anak niya. Gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko alam kung anong magiging impact na naman nito kay Kathryn. Sa tingin ko muli na namang aasa ang alaga ko iyon. Ayoko na rin siyang saktan ng paulit ulit. Siguro sa tamang panahon na lamang. Dun sa panahon na alam kong naghilom na talaga ang mga sugat niya.
BRENT’S POV
Nasa ospital ako pero ang utak ko parang naiwan ko sa Palawan. Masakit mang iwan si Kath pero pano na si Aria?? Nagkaron ng mild heart attack si Aria. Sabi ng doctor dahil raw sa kakaisip pero ano naman kaya ang iniisip nito?? Aria....pano na kung sasabihin kong hindi na matutuloy ang kasal? Kakayanin mo ba? Ayokong mapahamak ka dahil matagal narin naman tayong magkasama. Aria.....
Naramdaman kong hinawakan ako ni Daddy sa balikat.
Brent: Wala parin siyang malay.
Miguel: Sabi ng doctor, she’s going to be okay.
Brent: Anyways Dad...kelan ka pa sa Manila??
Miguel :Ah..nung Monday lang..
Tumango ako
Brent: Ano bang nangyayari kay Aria? Bakit ginagawa niya ito??
Miguel: Brent..alam mo naman ang pinagdaanan ni Aria. Wala na siyang pamilya. Tayo na lang dalawa. Siguro namimiss niya lang ang parents niya. Takot siyang maiwan magisa anak.
Napapikit ako. Aria, patawad.
Miguel: Kaya Brent...hindi natin siya maaaring iwan. Kaya mo ba siyang makitang nagkakaganyan? She can do worst Brent.
Natigilan ako. Suicidal si Aria. Takot siyang mag-isa. Pero ayoko siyang lokohin at ayoko namang matali sa isang kasal sa hindi ko mahal. Mas kasalanan iyon, pero pano ko sasabihin sa kanya? Yung hindi niya gagawing magpakamatay? Naguguluhan na ako.
ANO??? YOU CAN POST YOUR VIOLENT REACTION NA!!! DALI!!!