Loving the Millionaire's Son...

By LjKizakiri

49.8K 810 13

"Sometimes, loving someone who's out of your league is the hardest part of all." Jennica Corsola Agrenecia is... More

Note.
Loving A Millionaire's Son (Love and Lust Series #2) -Soon-
Chapter 1.
Chapter 2.
Chapter 3.
Chapter 4.
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 14.
Chapter 15.
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 18.
Chapter 19.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 26.
Chapter 27.
Chapter 28.
Chapter 29.
Chapter 30.
Chapter 31.
Chapter 32.
Chapter 33.
Chapter 34.
Chapter 35.

Chapter 13.

4.8K 68 6
By LjKizakiri

Date Published: March 20, 2017  
Date Re-Published: October 10, 2021

AZALEA

I arrive at the café at napansin ko si Jen na nasa cashier at kumukuha ng order from a customer.

I smiled because she didn't come in late. Para naman hindi siya maguluhan, naglakad na ko papasok ng opisina ko.

Pagkapasok ay agad akong umupo sa upuan at inumpisahan na ang paggawa ng report para sa café.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Habang nagawa ng report ay napatingin ako sa pumasok at nakita ko si Miss Larxene na may dalang mga papeles.

Kinuha ko 'yon at tinignan. Ito ang mga pumasok ngayong araw at nakita kong muntikan nang ma-late si jen.

"Bakit muntikan nang ma-late si Miss Agrenecia?" Tanong ko. Sa pagkaka-alala ko ay hinatid na siya ni Clark.

O dahil 15 minutes na lang ang natitira kaya muntikan na siyang ma-late? Sa bagay, malayo nga naman 'yung school mula sa café kaya kahit na naka-kotse ay pwede pa ring ma-late.

"Tungkol po pala diyan, ang sabi niya ay nag-overtime po ang professor kaya muntikan na po siyang ma-late, ma'am." Paliwanag niya.

"Okay, sige. May mga professor talaga na sinasagad ang oras eh. Mas okay na 'yung sakto kesa naman sa late talaga siya." Sagot ko.

"'Yan nga din po ang sinabi ko sa kaniya kanina, ma'am. Okay na 'yung sakto kesa sa late talaga." Napangiti ako.

"Thank you po, ma'am. Pwede na po kayong maghanda para maka-uwi na po kayo ng maaga." Sagot ko at tumango siya.

Naglakad na siya palabas ng opisina at napabuntong hininga. Dahil mabait naman si Jen ay pagbibigyan ko siya ngayon.

I giggled. It's really our fault naman dahil sinama namin siya sa 'min para kumain ng lunch.

Nilapag ko na 'yung mga papel na 'yon sa gilid ng lamesa at pinagpatuloy na ang report.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Habang nagsusulat ay nakita kong nag-chat sa 'kin si Arch kaya naman binasa ko 'yon at napabuntong hininga.

"I totally forgot about that project," I whispered then, sighed.

Azalea

Baby brother, I'll ask Jen if she has a FB account kasi baka wala siya. Para naman magawan natin ng magandang paraan.

Archimedes

Sure, sis. Thanks. 'Yan din kasi ang iniisip namin ni Clark dahil baka wala siyang internet sa bahay nila.

Tumayo na ko mula sa inuupuan ko at lumabas na mula sa opisina. Hindi naman sa iniisip naming na walang pang-internet si Jen.

It's just that we should be considerate at her condition dahil nga sa working students siya at meron pa dapat siyang mas isipin na importante kesa sa internet.

Ngayon ko lang napansin na gabi na pala at napatingin ako sa paligid at nakita ko si Jen na nag-iinat.

"Jen..." Napatingin siya sa direksyon ko.

"Tungkol nga pala doon sa project ni ma'am kanina, tayo ang magka-group doon, diba?" Tanong ko sa kaniya at tumango siya.

"Meron ka bang Fb account? Kasi sabi nila Clark ay gagawa sila ng GC para sa group natin." Sabi ko naman.

"Nako po... Wala akong FB account, ma'am. Wala naman kasi akong pang-internet eh." Sagot niya at tulad ng inaasahan namin...

"Sige. Sabihan ko na lang sila at pahingi na lang ng number mo para masabihan ka namin sa mga gagawin."

Binigay niya ang number niya sa 'kin at agad ko 'yon sinave sa cellphone ko para hindi ko mawala.

"Sabihan ko na din sila tungkol dito at least, inform sila. Text ka na lang namin about sa gagawin mo." Saad ko at tumango siya.

"S-sige po, ma'am. Naiintindihan ko po." Ngumiti ako at naglakad na pabalik ng opisina.

Kahit kalian talaga ay napamahiyain niya pero kailangan ko nang masanay dahil kahit ano pa ang sabihin ko ay hindi naman siya makikinig sa 'kin.

CORSOLA

Nabyahe na kami ni kuya ngayon pauwi ng bahay habang tahimik akong nakasandal sa kaniya.

"Ginagawa mo ba 'yung utos ng lalaking 'yon?" Bulong niya.

"Kuya, tungkol doon..." Napabuntong hininga ako.

"Ayokong gawin 'yon pero hindi ko kayang umiwas kay Clark." Sagot ko at hinawakan niya ko sa buhok.

"Pwede naman na hindi mo siya iwasan at mahalin pero iwasan mo ang saktan siya dahil 'yon ang gusto ng lalaking 'yon." Sagot niya.

"'Yon nga ang ginagawa ko, kuya. Iniiwasan ko talaga na masaktan siya kasi 'yon ang pinaka-ayaw kong gawin."

"Sige. Kapag may problema, sabihan mo lang ako at tutulungan kita." Tumango ako at sumandal ulit sa kaniya.

~ NEXT DAY ~

Nandito ulit ako sa karinderya ni tita marites at pumipili ng bibilhin nang nilapitan ako ni Rodney.

"Good morning." Bati niya.

"Good morning din." Nakangiting bati ko din sa kaniya.

"Nga pala, meron akong kaibigan sa school at tinatanong kung ano ang address nitong karinderya niyo." Saad ko.

"Nagustuhan niya kasi 'yung Palabok kahapon dahil sa tinikman niya. Gusto niyang malaman kung saan 'to para makabili siya sa susunod."

"Gano'n ba? Sige. Ito 'yung address. Salamat sa pagtulong mo." Natawa ako ng onti.

"Wala 'yon, ano ba? Mas okay na 'yung tulungan ka na din para at least, lumago diba?"

"Sa bagay, may punto ka diyan. Pero salamat talaga ah?" Tumango ako at tinuro ang Spaghetti.

"Dalawa. Para matikman pa ng kaibigan ko 'yung ibang pagkain na pwede niyang mabili dito." Saad ko.

"Sige. Tawagin ko lang si nanay." Pumasok na siya sa loob at hinintay siyang bumalik.

Pinasok ko na din sa loob ng bag ko ang binigay niyang card na may address ng karinderya nila.

Maya-maya lang ay dumating na si tita Marites at ngumiti ako. Hinanda na niya 'yung Spaghetti kong order at nilagay 'yon sa magkahiwalay na container.

"Sinabi sa 'kin ni Rodney ang tungkol sa kaibigan mo. Salamat ah?" Sabi niya sa'kin.

"Walang anuman po, tita. Masarap po kasi 'yung luto niyo kaya hindi ko po mapigilan na i-share po sa isang kaibigan ko." Sabi lo naman.

"Sana magustuhan niya ulit 'to." Saad ni tita at tumango ako.

"'Wag po kayong mag-alala. Alam ko po na magugustuhan niya po 'to, tita. Kasi gustong-gusto niya pa 'yung Palabok niyo kahapon eh." Paniniguro ko.

"Sige. Tapos bukas, sabihan mo ko kung ano ang sinabi niya. Nako, kinakabahan na tuloy ako." Natawa ako at binayaran na ang in-order ko.

"Salamat po, tita. Sa susunod po ulit." Sabi ko at naglakad na ko paalis para makapasok na.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Pagkarating ko sa campus ay naglakad na ko papasok ng classroom nang bigla akong pinaligiran ng grupo ng mga babae.

'Sila 'yung kahapon ah?' Tanong ko sa isip ko.

"You're the reason why kinakahiya na ko ng daddy ko!" Sigaw ng babaeng nasa harap ko at agad akong napa-atras dahil sa gusto niya kong sampalin kaya naka-ilag ako.

"Ohh... Umiilag. Hawakan nga natin." Agad akong hinawakan ng iba pang mga babae at hindi ako makakilos.

"Ano ba? Bitiwan niyo ko!" Sigaw ko at inalog ko silang lahat habang sinusubukan kong makawala mula sa kanilang lahat.

"Ano ba? Bitiwan niyo ko ngayon din!" Sigaw ko pa at inapakan ang paa ng babaeng nasa harap ko.

Sumigaw siya ng malakas at gano'n din ang ginawa ko sa iba pa. Tumakbo na agad ako palayo nang nakawala na ko mula sa mga hawak nila.

Buti na lang at mabagal silang kumilos kaya mabilis akong nakawala mula sa kanilang lahat.

Habang natakbo ay tumingin ako sa likod ko para makita kung may humahabol ba sa 'kin nang may nabangga akong tao.

Matutumba na sana ako nang may humawak sa bewang ko at nakita ko si Clark kaya naman agad akong yumakap sa kaniya dahil sa sobrang takot.

"What happened? Why do you look so afraid? What are you running away from?" Sunod-sunod niyang tanong sa 'kin.

"'Y-'yung grupo ng mga babae kahapon? Gusto nila akong saktan. Nakatakas lang ako dahil inapakan ko silang lahat sa mga paa nila." Sabi ko.

Niyakap niya ko para pakalmahin kaya naman yumakap ulit ako sa kaniya at naramdaman kong hinalikan niya ko sa buhok ko.

"Don't worry, you're safe. I'm here now." Paniniguro niya at tumango ako. Naglakad na kami pabalik kung saan ako nanggaling at inakbayan niya ko.

••••• END OF CHAPTER 13. •••••

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 143K 44
WARNING (!) THIS STORY CONTAINS MANY GRAMMATICAL ERRORS, TYPOS AND LOOPHOLES. DO NOT READ IF YOU ARE A PERFECTIONIST. YOU ARE BEING WARNED.
420K 12.4K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
93.4K 1.3K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
29.4M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...