THE POOR GIRL'S REVENGE

By cesnawt

582K 18.7K 2.3K

My silence is not weakness but the beginning of my revenge. Start: Oct 21 2016 Completed :May 8 2017 More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
C A S T ❤
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
E P I L O G U E
Author's note!
#111 teen fiction
note

Chapter 50

9.2K 257 87
By cesnawt

Farah's POV

Hello World hehe!

Nakangiti kong tinulak ang push cart ko. Nasa grocery kasi ako ngayon and gusto ko rin naman maggala dito you know? Ang tagal ko ng hindi nagbabakasyon dito eh.

Bumili narin ako ng mga kailangan para sa ulam namin mamaya si Kuya Zach kasi ang magluluto eh! Yummy pa naman magluto yun hehe.

And kung tatanungin niyo kung anong nangyari kagabi? Ayun sobrang saya haha!sobra talaga As in! Haha! Ang taray ni Sis kagabi di ko keribels! Haha. Ang dami niya kayang pinahiya kagabi!

Nagtataka ba kayo kung bakit ganto ako magsalita? Hindi masyadong nag-eenglish? Kasi tumira kami nila Mom and Dad sa US pero oy! Filipino to oh! Hahaha. And of course I'm proud of being Filipino! Pak awra!hahaha.

Tinulak ko pa ang push cart ko at nagtingin-tingin ng kung ano ano hehe.

Baka may mabiling pagkain dito sa bilihan ng lotion eh! Hehehehe. ^__^

"Araay!" Muntik na akong mangudngod sa push cart ko dahil may bumunggo sa likod ko alam  niyo 'yon? Yung nakataas ang likod ko tapos yung mukha ko nasa push cart? Gets? Paki-comment nalang kung Oo! Hahaha. But don't worrehhh! MUNTIK lang naman haha pero nakakainis eh!

Inis akong lumingon sa likod ko at nakita ko yung lalaking nakatayo parang nakita ko siya kagabi?!

"Sorry" Walang gana niyang sagot at dumaan na sa harap ko.

"Hindi kasi tumitingin sa daan amp!" Parinig ko kaya mabilis siyang humarap sakin.

"Sabi ko Sorry okay kana?"

"Tanga kasi bwisit!" Inis na sabi ko.

"Tss. Tanga ka rin hindi ka kasi sa tabi dumaan"

"Ang kapal-- Hoy! Pandak eh kung tumingin ka sa dinadaanan mo hindi moko mabubunggo!"

"Tss. My name is Keith hindi pandak"

Keith?

"Teka?! Keith Jaron Park?!" Gulat kong sabi.

Ngumiti naman siya yung nakakaloko ang sarap tadyakan!

"You know me? Are you one of my stalker?" Mayabang na sabi niya.

"Stalker agad?! Hindi nga kita friends sa Fb tapos stalker?! Ginagago mo ba ako?!"

"Tss." Sabi niya at tumalikod.

Dahil sa inis ko ay binato ko sa kaniya yung isang lotion dito.

And Booom! Sapul hahaha!

Tinignan niya ko ng masama hanggang lumapit siya ako naman ay atras ng atras at nung wala na akong maatrasan ay nanlaki ang mata ko nung ilapit niya yung mukha niya.

"Isa pang gawin mo yun. I'll kiss you" Sabay ngiti.

"M-manyak!" Mabilis ko siyang tinulak at kusa rin naman siyang lumayo.

"Tss!" Muling niyang sabi at umalis! What the heck?! Diba sasampalin ko pa 'yon?! At ano daw? Kiss gago ba siya!

Hailey's POV

Psst. Helloooo Hehehehe~

Bakit ang cute ko?! Pakisagot please. Joke hahaha!

Masaya akong naglalakad papuntang kotse ko dala yung mga pasalubong ko para kila Sis.

Ang ganda talaga ng Pilipinas grabe! Sobrang lamigggg Hahaha--

"Ouch! Huhu!"

"Tss. Ang OA!"

Tingnan ko ng masama yung lalaking nasa harap ko. Oa? Eh napasalampak lang naman ako sa sahig dahil nagkabungguan kami!

"Wala ka bang balak na itayo ako?!" Mataray kong tanong.

"Siguro naman kaya mo no?"

"Wtf?! Ang gentleman! Mo grabe!"

"Eh kung kanina kapa tumayo dyan?! Edi sana hindi ka mukhang tanga na nakaupo diyan!"

Mabilis akong tumayo ayoko naman na magmukhang tanga dito. Ang ganda ko oh!

"Ashton Let's go"

"Yes Mom" sigaw niya.

"Ashton Ice Collin ba?" Tanong ko.

"How did you know?"

"Alam ko lang." Simple kong sagot.

"You're beautiful."

"H-ha?!" Gulat kong sabi.

"Tss. You're beautiful"

"Salamat~ hehe"

"Asa ka naman?! Psh! Tanga!"

"Aba! Gago ka--" mabilis siyang pumunta sa kotse nila at hindi na ako pintapos gago yun ah! Ang sakit kayang Umasa! Huhuhu.

Ashton Ice Collin! May araw karin sakin!

Sophia's POV

Pagtapos naming kumain ay pumunta na agad ako sa kwarto ko at nagbihis gusto ko kasing mag-mall ngayon eh hehe.

Gusto ko sanang isama yung dalawa pero mukhang mga badtrip! Problema ng mga yun?!

Pagtapos kong magbihis ay bumaba na ako.

"Sis Ingat"

"Thankyou Sis" Sabi ko kay Hailey.

"Siiisss. Anong gusto mong ulam mamaya? Sa dinner?" Tanong ni Farah.

"Ahm.. Adobo! Hehe"

"Ah tamang tama magluluto ako ng sinigang hehehe~"

"Hahaha!"

Sinamaan ko siya ng tingin adobo tapos sinigang?!

"Sige na Bye!"

"Byeeeee!"

Sumakay na ako sa kotse ko tapos nagdrive papuntang mall hihi.

Ang dami na agad nakatingin sa 'kin pagkarating ko tss ngayon lang ba sila nakakita ng nakashort?!

"Miss anong number mo?"

"May boyfriend kana?"

"Hey!"

Tinaasan ko lang nang kilay yung tatlong lalaking humarang sakin pagtapos ay nilampasan.

Nagtingin tingin ako sa mga dress dito.

"Whoa! Akalain mo nga naman may makikita tayong feeling maganda na!" Napatingin ako kila Amanda. Tatlo sila wow kumpleto ang powerfuck Girls haha!

"Hahahaha!tss. Kaya nga!"

"Umangat lang feeling maganda oh!" Si Mich.

Umasta naman akong parang nagulat.

"OMG! Kailan pa nagkaroon ng tatlong taeng naglalakad sa Pilipinas?! Ghad!" Mapangasar kong sabi.

"What?! Tae? Ang kapal ng mukha mo!" Si Kaitlin.

"Yeah! Singkapal ng lipstick mo para ka tuloy nasubsob ano bayan!" Kita ko yung inis niya haha!

"Ang ganda niya pre oh!"

"Shit! Oo nga!"

"May boyfriend na kaya?"

"Sana wala hehe~"

"Ate ang ganda mo po"

"Thankyou Boys!" Masaya kong sabi.

"At nafeel mo naman?!"

"Alam mo kasi Amanda mahirap talaga maging maganda buti nalang hindi mo pa nararanasan!" Pang aasar ko.

"Whoa?! Ang hangin huh! Kung sino man ang mas maganda sating dalawa ako yun!" Pinaglalaban neto?! "At isa pa ako kaya ang queen bee nung high-school and college hindi mo kasi alam dahil wala ka!"

"Ah ganun ba? So pinagmamalaki mo sakin na naging reyna ka pala ng mga bubuyog?!"

"What the heck?! Kahit anong gawin mo mas maganda ko sayo!"

"Hala siya?! Pinaglaban talaga te? Okay maganda kana! So dyosa pala ako? Haha! Psh!"

"Girl hayaan mo na siya hindi naman niya maagaw si Axel sa'yo" si Mich.

Tss.

"Yeah! You're right! Hindi ako papayag"

"Okay. Pero bakit parang takot kana?" Asar ko.

"Arrghhh!"

Akmang sasampalin niya na sana ako pero mabilis kong hinila si Kaitlin sa harap ko kaya siya yung nasampal hahahaha!

"Hahahahaha!" Tawanan ng mga tao.

"Grabe! Amanda maawa ka naman kay Kaitlin oh!" Sabi ko.

"Aray!"

"S-sorry Kaitlin. Sorry!"

"Hoy Sophia! Akala mo ba nakalimutan na namin yung ginawa mo samin nung Reunion ha!" Sigaw ni Mich.

"Eh bakit? Ganun din naman ang ginawa niyo sakin dati ah!" Sagot ko.

"Pasalamat ka nandun ang Kuya mo dahil kung hindi?! Nakalbo na kita!" Si Amanda.

"Tss! Eh bakit hindi mo totohanin ngayon Amanda?" Tanong ko.

"Ah so gusto mo? Talagang makalbo?"

"bakit kaya mo ba?" Asar ko.

"Matagal ko ng gustong kalbuhin ka!"

"Matakot naba ko? Alam mo Amanda sa mukha mo pwede pa akong matakot pero sa gagawin mo? Sus! Wag feeling strong!" Saad ko.

"Gago ka talaga!"

"Hinay-hinay lang sa pagsasalita baka hindi mo magustuhan gagawin ko sayo" Seryoso kong sabi.

"Hayop ka talaga!"

Napaupo ako ng itulak ako ni Kaitlin.

"Tss. Yan lang ba ang kaya mo?!" Mabilis akong tumayo at sinampal siya ng magkabilaan.

Lumapit yung dalawa sakin at sinabunutan ako. Umupo naman ako at sinabunutan din sila nung mapansin kong gulo gulo narin ang buhok nila at halos mahilo narin kami ay mabilis akong gumapang papalayo kaya ang kinalabasan? Sila sila ang nagsasabunutan hindi siguro nila napansin iyon dahil sabunot lang sila ng sabunot at nakaharang narin yung mga buhok nila.

"Hahahahahahaha!" Narinig ko pang tawanan ng mga tao. Inayos ko ang buhok ko at pati narin ang damit ko.

"Grabe hindi ko kayo kinaya!" Sabi ko at napahinto naman sila.

"What the hell?!"

"Bakit moko sinasabunutan?!"

"Ikaw kaya!"

"Si Kaitlin 'yun!"

"Shit! Yung buhok ko!"

"Ano? Masaya ba?" Tanong ko.

"Kalahati palang yan ng ginawa niyo sakin!" Seryoso kong sabi at hindi na sila nakapagsalita pa.
Umalis na ako sa lugar na yon at nagikot-ikot.

Napahinto ako ng makakakita ako ng Couple t-shirt.

I love her& I love him ang nandun sa t-shirt.

Maglalakad na sana ako pero bigla ako may naalala.

"Bagay sayo yung suot mo"

"Ah sayo din"

"Oy Axel yung t-shirt natin eh pang couple to eh"

"It's okay bagay naman satin eh mag enjoy nalang tayo"

Naalala ko rin yung niyakap niya ko sa likod dahil nagtataguan kami nun.

"Wahaha! Huli ka"

"Kyahh ang cute nila oh"

"Kaya nga eh. Pero walang forever magbe-break din sila sa 23"

The most heartbreaking Moment is when you try to remember the memories but you realize those were lies.

Tanginang kasinungalingan 'yan! Naimbento pa ang Kingina!

Nagpatuloy ako sa pagbili ng kung ano-ano at nagikot-ikot pa.

"Ate" napatingin ako sa batang may inaabot na sulat sakin.

"B-bakit?"

"May nagpapabigay po"

"Sino?"

"Basta po."

"Sakin ba talaga?"

"Opo diba po kayo si Kyla Santos?"

"Sorry I'm Sop--"

Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng sapilitan niyang nilagay sa kamay ko yung sulat umalis na.

Hindi ko nalang hinabol at binuklat yung sulat.

'I miss your voice, I miss your face, I miss every little thing, I miss you, I really do'

Hindi ko alam pero biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Nilingon ko yung paligid kung makikita ko ba siya pero hindi.

Kahit hindi ka magpakilala alam ko kung sino ka.

Tss. Hindi ako naniniwala Axel!

Tinapon ko ang sulat at naglakad papuntang parking lot.

Bubuksan ko na sana yung kotse ko pero may humawak sa braso ko agad akong tumingin sa lalaking nasa harap ko.

Yung tibok ng puso ko sobrang bilis! Damn ayoko ng ganto!

"We need to talk"

"Wala tayong kailangan pagusapan Axel!" Pinigilan niya ulit ako.

"Bakit? Bakit ka nagbago?" Tanong niya. Hinarap ko siya at tinignan yung mata niya.

Parang ang daming gustong sabihin,parang ang lungkot.

"Don't ask me why I changed ask yourself what you did to me!" Sabi ko sa kanya.

"I'm sorry I'm sorry"

"Tanginang sorry yan! Ganyan naman kayo eh! Puro sorry!"

"Hindi mo naiint--"

"Ang hindi ko maintindihan Axel! Bakit moko ginanun?! I gave you my heart! But you gave me your fucking lies!" Sigaw ko sa kaniya!

"I know na nasaktan kita hindi ko nama--"

"Pero thankyou, thankyou for breaking my heart at least I'm stronger now!" Huling sabi ko at pumasok na sa kotse ko. Bago ko ipaandar iyon at tumingin muna ako kay Axel.

Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko ngayon, hindi ko alam kung bakit siya umiiyak!

Habang nagdri-drive ako hindi ko maintindihan bakit kailangan niyang umasta ng ganun?! Diba dapat wala na siyang pakialam?! Pero bakit ganto siya?! Higit sa lahat bakit siya umiiyak? Parang siya pa yung mas nasaktan samin eh! Dammit!

Pumunta muna ako sa isang coffee shop umorder muna ako tapos ay umupo.

Tss sa dami ng pwede ko kasing makita ngayon bakit sila pa? Bakit siya pa?! Badtrip naman oh!

Napatingin ako sa lalaking umupo sa harap ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Maraming bakanteng table diyan. Pero dito ka umupo sa harap ko? Tss!"

"Dahil gusto ko"

"Ang tanong gusto ko bang nandyan ka?"

Tinitigan niya lang ako.

"Ang layo mo na sa dating ikaw" malungkot niyang sabi habang nakayuko.

"Kayo ang may gawa sakin nito. Sinaktan niyo ako edi nagbago ako. Wag na kayong magtaka" Simple kong sagot.

"B-bumalik kana sa dating ikaw" binaba ko ang coffee ko at  tumawa.

"Ang lakas ng loob mong sabihin yan Ashton. Hinding-hindi na ako babalik sa mahinang ako." Seryoso kong sabi habang nakatingin sa kaniya.

"Nakakatawang sabihin pero kasi namimiss na namin yung dating ikaw" Natigilan ako.

"Wow! Nag jojoke kaba? Pakisabi naman tatawa ako" Sarcastic kong sabi.

"Kyla. Alam kong ayaw mo nang tawagin sa pangalan na yan. Pero kasi... Sa pangalan na yan dyan nagsimula yung mga nangyari noon--"

"Bakit gusto mo akong bumalik sa dating ako , sa paggiging mahina? Para saktan niyo ulit? Talagang hindi kayo makuntento--"

"Dahil sa dating  ikaw dun kita mina--" natigilan siya at nagiwas ng tingin.

"Ano? Ituloy mo?!"

"Dahil---"

"May sasabihin kapa ba?" Pigil na inis kong tanong.

Tumayo na siya at tumingin pa sakin.

"May rason ang lahat" huli niyang sabi.

Sinundan ko nalang siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya.

Continue Reading

You'll Also Like

102K 2.2K 30
"I will always love you no matter what" yan ang laging sinasabi ng isang 'fat' na babae na si Adelline pag inaasar ng kanyang kababata na si Zane ng...
1M 41.6K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
416K 6.4K 52
Hindi lahat ng bagay na gusto mo, makukuha mo.
134K 3.6K 50
First Kiss? Simula nung hinalikan 'nya ako di na 'sya nawala sa isip ko. Love na kaya ang tawag dun?