I Knew You Were Trouble (SOON...

By Chrispepper

3.1M 78.5K 6.6K

Hindi akalain ni Meagan na mula sa isang boring at paulit-ulit na routine ng kaniyang buhay, sa isang iglap a... More

I Knew You Were Trouble
1: Meeting the Bastard
2: The Kiss
3: Kidnap
4: New Neighbor
5: Axe Gang
6: Transferees
7: Tour Guide
8: Bwisitors
9: Please and Sorry
10: Kissed Her Accidentally
11: Ruining The Date
12: Make-over
13: His Parents
14: The Broken Promise
15: Nag-alala lang
16: He likes you
17: Peace Offering
18: Thug of war
19: Drunk
20: I'm yours, you're mine
21: The moves
Mensahe ng Sumulat
22: Jollibee
23: The truth
24: Late night talk?
25: Mickey Mouse
26: Debut
27: Debut (Part II)
28: Daddy vs. Van
29: I'll court you
30: Jealous
31: The surprise
32: The note
33: Good bye, Van
34: Eliz
35: Ferris wheel
36: David
37: David (Part II)
38: Date
39: Guilty
40: Unworthy
41 : I didn't mean it!
42: Heartbreaks
43: Another trouble
44: The real David
45: Kiss or Slap?
46: You're my man, and I'm your lady
47: Pamamanhikan?
48: Mission Failed
Announcement
49: Vanessa
50: The Past
51: Wedding Proposal
52: First Christmas together
53: Christmas Date
54: Trouble again?
55: Let's cancel the wedding
56: Ashley San Roque
57: Ashley San Roque (Part II)
58: New home
59: Our demanding bwisita
61: We finally saw her
62: Deep coma
63: Finally
64: Finale
A/N
Announcement!!
BOOK UPDATE

60: Meagan is Missing

32.2K 722 29
By Chrispepper

Meagan

Nagdire-diretso na sa loob ng bahay si Ashley. Tila ba, sa tingin niya, sobrang lapit na namin sa isa't isa kaya okay lang na gawin niya iyon.

Pero...nagkakamali siya. Hindi okay. Hindi okay sa akin lalo pa't alam ko na minsan nang nagkagusto si Van sa kanya noon. At alam ko, na hanggang ngayon, mayroon pa ring nararamdaman ang babaeng 'to sa kanya.

"Saan ako matutulog?" Tanong niya habang inilulugay ang nakaponytail niyang buhok at tinatanggal ang unang butones ng suot niyang sleeves.

"Sa itaas, sa may kaliwa pag-akyat ng hagdan." Sagot ko.

"Okay. Thank you." Sagot naman niya saka umakyat sa taas at kaagad na pumasok sa kwarto ko. "Anyways, ikaw, saan ka matutulog?" Tanong niya.

Nagkatinginan kami ni Van.

"She'll sleep with me, like we did last night." Si Van ang nagsalita.

"No, no, no. You will not do that. I will not let you do that." Ako ang kinakausap niya. Base sa tono ng pagsasalita niya, parang hindi maganda ang iniisip kong gusto niyang mangyari.

"Yes, fiancé ka niya, but it doesn't mean na pwede na kayong magtabi sa iisang kama. You will sleep with me tonight. Dito, sa kwarto mong...err, puro pink." Umikot pa ang mata niya.

"Bakit kailangan niyang matulog kasama mo? Hindi ka niya kaano-ano. What's the matter with you if there's something happen between us? We don't need your opinion, Ash." Kunot-noong sabi ni Van.

"Ang sakit naman, Van. Gusto ko lang naman na magkaroon kayo ng atleast, privacy, sa inyong dalawa habang hindi pa kayo naikakasal. Knowing you, alam kong pagdating sa mga ganoong bagay hindi ka nakakapagpigil. Remember noong..."

"Stop." Mariing sabi ni Van. "What's your real plan? Aren't you aware that you are ruining our night? Umuwi ka nalang. You can ask the guard for the duplicate key of your house."

"It's 11PM. Hahayaan mo akong magpunta roon mag-isa?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ash.

"Why not?" Asar na sabi Van. Hinigit niya ako sa bewang palapit sa kanya. "She'll sleep with me tonight. Kung may reklamo ka, our door is widely open for your exit."

"Hindi ka ganyan noon!" Sigaw niya.

Nagulat ako sa ginawa niyang 'yon.

"Sandali nga," pigil ko sa kanya "Bakit ka naninigaw, ha? Excuse for my rudeness pero ang kapal mo. Una sa lahat makikitulog ka lang. Ikalawa, bakit ba palagi mong binabalikan ang mga nangyari sa inyo noon ni Van? Hindi ka ba nahihiya sa 'kin? Ash, fiancé niya ako pero balak mo pa ring landiin si Van? Nakakairita ka, ha!"

"Baka ikaw ang malandi?! Magsyota pa lang kayo pero nagpapatabi kana sa kama! Mandiri ka nga sa sarili mo. Hindi porket pakakasalan kana ni Van, pwede kanang gumanap bilang asawa kaagad. Siguro nagalaw kana niy—fuck."

Sinampal ko siya. Malakas!

"E ano kung nagtatabi kaming matulog, naiinggit ka? E sa ayaw ka niyang katabi noon e. Kating-kati ba sa lalake 'yang katawan mo kaya naglalandi ka rito sa bahay ko? E diba marami namang lalake ang nagpupunta sa car show niyo, bakit hindi ka ron? Bagay ka sa mga lalakeng nagkakandarapa sa mga babaeng labas ang katawan. Puro cheap! Ikaw, cheap ka!"

Inihanda niya ang kamay niya para siya naman ang sumampal pero pinigilan siya ni Van.

"Don't dare or else..."

"Or else what?!"

"I will be force to hurt you, too." Malamig na sagot sa kanya ni Van.

"You can leave now. Hwag mo na hintaying ako pa mismo ang magdala sa 'yo sa labas."

"Talagang lalabas ako!" Tumingin siya nang masama sa akin. "You will pay for this. I assure you!" With that, kaagad siyang bumaba, lumabas, at padabog na isinara ang pinto at gate.

"Siraulo ba 'yon?! Pota, nakakairita!" Inis na inis na sabi ko. "Saan nakakakuha ng lakas ng loob maggagaganon dito 'yon? Wala ba siyang kahihiyan? Nakakabwisit!"

"Sshh. Hayaan mo na siya, matagal na siyang gan'on. Let's just sleep."

"Tell me, Van, ano ba talagang nangyari sa inyo ni Ash? Sa tingin mo ba nakalagpas sa pandinig ko yung salitang 'hindi makapagpigil'? If you didn't stop her, sigurado nagbalik tanaw na naman sa nakaraan ang babaeng 'yon at nagkwento patungkol sa mga ginawa niyo! Sabihin mo nga, may nangyari na ba sa inyo noon?!"

"Wala."

"Then why she is acting like that? She acts like she owns you, at naiirita ako ro'n!"

"Calm yourself. Tara na, matulog na tayo."

"Matulog ka mag-isa!" Iniwan ko siya at saka pumasok sa kwarto ko at inilock ang pinto.

"Open this door." Utos niya. Kumakatok siya sa pinto.

"Sabi ko, matulog kana! Pumasok kana sa kwarto mo!"

"Mag-aaway na naman ba tayo dahil sa kanya? Anong ikinagalit mo sa 'kin? Buksan mo na 'to, please. Ayokong matulog na galit ka."

Napasabunot nalang ako sa buhok ko. "Bukas na tayo mag-usap, okay?! Lalo lang iinit ang ulo ko kung pag-uusapan pa natin ang babaeng 'yon."

"Hindi natin siya pag-uusapan. Buksan mo na 'to."

"Van, hwag kanang makulit!" Sigaw ko. Naiinis na rin kasi ako sa kanya.

Wala na akong narinig na sagot mula sa kanya. Maya-maya, narinig ko na may nagbukas ng pinto sa kwarto niya.

Mabuti naman at nakinig na siya.

Sa kabila ng pagkairita ko kay Ashley, pinilit kong patulugin ang sarili ko. Nagising ako mga bandang alas tres y media ng madaling araw nang makaramdam ako ng pagkauhaw. Tumayo ako at saka binuksan ang pinto.

"What the...bakit ka nandyan?" Gulat na tanong ko kay Van.

Nakatingin lang siya sa akin at saka kaagad na tumayo. "Goodmorning." Bati pa niya.

"Bakit diyan ka natulog? Ang lamig-lamig diyan a. Nasisiraan kana ba?"

"Are you still mad at me?"

"Iba ang galit sa nainis. Tumayo ka nga riyan, lumipat ka sa loob ng kwarto mo."

Pagkasabi ko n'on, bumaba na ako para uminom. Sa nilawak-lawak ng kama niya, r'on pa talaga sa labas ng pinto ko naglatag at nahiga!

Pag-akyat ko sa hagdan, nakasalubong na kaagad sa akin si Van habang nakabukas ang mga kamay niya na parang naghihintay ng yakap.

"Ano naman 'yan?"

"Hug me." Sabi niya.

Tumingin lang ako sa mga mata niya. Lungkot ang nakita ko sa mga titig niya.

Jusme, nakakaguilty! Hindi naman siya ang kaaway ko pero nagagalit ako sa kanya.

Dahan-dahan akong yumakap sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya.

"Pasenya na," Malumanay ang pagkakabulong niya "kung naging babaero ako bago kita nakilala. Napag-isip-isip ko kanina na kaya wala kang tiwala sa mga nangyari sa nakaraan ko ay dahil din sa mga pinaggagawa ko noon. Sorry for being this kind of man."

"N-No," I said. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Bigla ko nalang din naramdaman ang lungkot. Hindi ko naman akalain na pag-iisipan niya nang mabuti ang nangyari kanina at umabot pa sa puntong akala niya wala akong tiwala sa kanya.

"I trust you so much, Van. Sa mga nagdaang babae sa buhay mo ako walang tiwala especially kay Ashley. Kitang-kita ng mga mata kung paano ka niya tingnan. Ramdam ko na hanggang ngayon, gusto ka niyang makuha kaya naman hindi ko mapigilang mapanaranoid lalo na kapag sinisimulan na niyang balikan yung nakaraan. Natatakot lang akong baka sa pagpapaalala niya sa 'yo ng mga 'yon bigla ka nalang bumalik sa kanya at iwanan ako. Ayokong mangyari 'yon, natatakot ako. Siguro nga selfish ako pero ayokong ibahagi ka sa iba."

Nararamdaman ko ang dahan-dahan niyang paghaplos sa buhok ko.

"I'm still sorry." He took a deep breath. "If I only have a chance to change the past, I will find you soon. Believe me, sa iyo lang ako nabaliw nang ganito. Mag-away lang tayo saglit, magtampo ka lang kahit kaunti, naiisip ko na kaagad ang posibilidad na maiwan. Naiisip ko pa lang, nababaliw na ako."

"Ano ka ba, hindi naman kita iiwan nang basta-basta. Siguro kung mangyari man 'yon, may malalim akong dahilan. Don't be sad, smile kana, please? Bati na tayo, sorry na. Wala kang kasalanan. Mahal kita, okay? Mahal na mahal na mahal."

Bawat bigkas ko ng salitang "Mahal" ay siyang pagdampi ko ng halik sa labi niya. Nakita ko na naman ang ngiti niya kaya napanatag na ang loob ko.

He just keep hugging me until we enter my room.

"Dito naman tayo matulog." Sabi niya.

I nodded my head.

Inihiga niya ako sa kama, pagkatapos ay tumabi naman siya sa akin. Iniunan niya ang ulo ko sa dibdib niya at ipinulupot ang kamay ko sa bewang niya.

Nakatingin lang siya sa akin. Walang nagsasalita sa amin, pinapakiramdaman ang isa't isa.

"Iloveyou." He said kissing my hair.

"Iloveyoumore." I said back as I close my eyes and bring myself back to sleep.

Maraming buwan ang kaagad na lumipas. Guess what! Almost half a year na kami ni Van dito sa bahay. Half a year na rin ang relationship namin.

We are not celebrating any monthsaries. You know, ikaw ba naman, araw-araw iparamdam sa 'yo na monthsary niyo, may hahanapin ka pa ba? I am really lucky to have Van Alvarez in my life at hinding-hindi ako magsasawang ulit-ulitin iyon.

"See you later, babygirl." He said winking at me.

"See you later, babyboy." I wave my hands at him as he drove his car towards the parking area.

"Bakla, ngiting-ngiti ka na naman! Sa araw-araw na lang na ginawa ni Lord, halos ang perfect ng iyo. You have a perfect boyfriend, relationship, perfect life. Lahat nalang perfect." Himutok ni Abbi habang naglalakad kami papunta sa room.

"Ikaw lang naman ang hindi perfect sa buhay ko." I said laughing at her. Halos malukot naman ang mukha niya. "Joke lang, ang seryoso mo naman hahaha. Anyways, about you and Kurt, kumusta na kayo?"

Pabagsak siyang umupo sa upuan at naghalumbaba. "Masyadong malayo ang U.S para sa amin. Ewan ko ba sa taong 'yon, hindi naman nagsasabi kung kailan siya uuwi. Miss na miss ko na siya."

Yes, nasa U.S na si Kurt. Almost 4 months na. After ng second semester namin noong first year, kaagad na nagpabook ang Mommy niya ng flight to U.S.

"Akala ko, bakasyon lang ang gagawin nila ro'n. Tapos malalaman-laman ko nalang na na-enrolled na siya r'on?! Nakakaasar."

I can't recognize if she's angry or what.

"You can change him whenever you want. Nasaan na ang Abigail Mendoza na matinik sa pagha-haunt ng mga lalaki ha?" I said to her trying to switch her emotion.

"Duh? Malamang sa malamang kinalawang na ang skills ko sa panlalake. Hello, seven months ka kayang bakuran?" Sagot niya habang iniiikot ang mata sa 'kin.

"Ikaw rin, baka ipinagpalit ka na ni Kurt. No one knows, malay mo sa mga susunod na araw bigla nalang siyang hindi magparamdam sa 'yo." Pang-aasar ko.

"Wow, thankyou bes a! Ang laki ng tulong mo." Sarkastikong sabi niya.

Tinawanan ko nalang siya. Ang tibay din ng dalawa, halos oras-oras magkausap sa skype.

"Mauuna kanang umuwi? Iiwan mo 'ko?" Pagdadrama nitong si Abbi.

"Luh? As if namang hindi ka inform na magkasaliwa na ang daan ng inuuwian natin? Nagdadrama ka nang wala sa lugar, pashnene!"

"Suuus, ang sabihin mo, susunduin ka kasi ng Van mo."

"Hindi 'no. Kakatext niya lang sa 'kin. Pinapapunta niya ako sa Café La Tea.

"Bakit daw?"

"Baka magkakape, bes!" Ako naman ang naging sarkastiko sa pagsagot.

"Letse, hahaha. Sige, bye na. Mapaso sana ng kape 'yang bibig mo."

"Magdasal ka nang taimtim nang magkatotoo hahahaha."

Umirap lang siya sa 'kin.

Nag-abang na ako ng masasakyan papunta sa Café na tinutukoy ni Van.

Bakit naman kaya biglaan ang pag-aaya niya?

Abigail

"Abi!"

Kaagad akong napalingon sa tumawag sa 'kin.

"Van, ano pang ginagawa mo rito?"

"Hinihintay bestfriend mo. I lost my phone. Hindi ko tuloy siya macontact kung nasaan na siya."

"Anong oras mo nawala?" Takang tanong ko.

"Kanina pa. Mga lunch time. Kasama mo ba siya?"

Pota!

"Kaninang lunch pa?! Bago kami magkahiwalay ni Mei, nagsabi siya na nakareceived siya ng text sa 'yo!"

"What?!" Kunot noong tanong niya. "I don't sent her any text messages."

"E sino nagtext sa kanya?! Sundan natin siya!" Sigaw ko. Bigla nalang akong nagpanic.

"Saan ba siya nagpunta?!" Maski si Van, parang natataranta na rin.

"Café la Tea. Tara na, baka mamaya may nagmodus na sa babaeng 'yon. Baka kung mapaano siya."

Van

The number you have dialled is out of coverage area. Please try again later.

Fvck!

"Wala pa rin ba?"

"Hindi makontak. Subukan mo nga rin!"

Idinial ni Abi ang number ni Meg but still,

"Wala talaga, Van. Tawagan mo na sila Carlo, magpatulong tayo."

"I already did that."

"Bro! Anong nangyari?" Kaagad na tanong ni Carlo pagdating niya sa lugar kung saan sinabi ni Meg na pupuntahan niya.

"Someone used my phone to text my girl. Nakikipagkita rito. Tangina, nawala ko 'yon kanina. Now, I'm afraid for her. Hindi ko siya makontak."

"Tangina, dalawa branch nito. Baka nasa kabila?!" Sabi naman ni Paul.

"Maghati tayo. May maiiwan dito, may sasama sa akin sa kabilang branch ng bwisit na café na 'to!"

I drove my car as fast as I can. Kinakabahan ako. May mali rito. May malaking kamalian ang nangyayari rito!

"May babae bang pumasok dito na nakasuot ng ganitong uniform?" Tanong ko sa cashier lady habang itinuturo ang uniform na suot ni Abi.

"Nako, Sir, marami po."

"Ito siya." Kinuha ko ang wallet ko at ipinakita ang picture ni Meg.

"Wala po akong napansin, Sir." Sagot niya. Ipinakita niya rin sa mga kasama niya ang picture at wala man lang ni isa sa kanila ang nakapansin kay Meg.

"Pakitawagan si Tita Olivia, please." Pakiusap ko kay Abbi. Kaagad naman siyang kumilos.

Napasabunot nalang ako sa inis. Hindi ko maisip kung nasaan siya. Hindi maganda ang mga senaryong pumapasok sa utak ko. Lahat hindi maayos! Fvck!

"Hindi kaya, nasa BGS na naman siya Uno?"

"I don't fvckin' know, Fean! Subukan lang nilang pakialaman o hawakan siya, mapapatay ko silang lahat!"

Bumalik ako sa sasakyan ko saka pinaandar ang makina.

"Boss, saan ka pupunta?"

"BGS!"

"Sama!" Nagsisakay ang iba sa sasakyan ko at iniwan ang mga motor nila.

"Abbi, bumalik ka sa kabilang Café, balitaan mo ako kung nakita na nila si Meg."

Tumango lang siya sa akin.

Mabilis ko ulit na pinaandar ang sasakyan patungo sa kuta ng kabilang gang.

Matagal na akong walang balita sa kanila. I can't see any reason for them to do that. What if...they don't know where my lady is? Fvck!

xoxo

Updated: 03|10|2017; 6:12PM

Continue Reading

You'll Also Like

97.8M 2M 87
TEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
126M 4.3M 144
**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl they thought they knew is not what they...