MEAGAN PEREZ' POV
Nagising ako dahil sa alarm ng orasan. Ngingiti-ngiti pa ako kahit nakapikit pa at saka nag-unat ng katawan. Technique ko lang talaga 'to para malaman kung katabi ko pa rin si Van.
"Hala? 😣" Kaagad akong napabangon at saka hinanap ng mga mata ko ang pigura ni Van.
Wala na siya rito! 😭 Nasira yung relationship goal ko. Nasira na! Huhuhu, bakit hindi niya ako hinintay? 😞
"Gising kana pala" Nakangiti pang sabi niya habang pumapasok sa kwarto. "Gigisingin palang sana ki—"
Napatigil siya sa sinasabi niya at clueless na napatingin sa akin.
"Why?" Tanong oa niya.
"Wala!" Humalukipkip ako at saka iniwas ang tingin sa kanya.
"Wala? E bakit ang haba ng nguso mo? My lady, tell me what's your problem. Masama ba ang naging panaginip mo?"
"Hindi." Nakangusong sagot ko.
"Then why?"
Hinarap ko siya nang nakabusangot at saka itinuro.
"Ikaw. Sinira mo ang first relationship goal ko! 😣"
Kitang-kita ko ang pagkunot-noo niya. Maya-maya, bigla siyang napatawa saka tumabi sa 'kin, humiga sa kama, iniunan ang ulo sa mga hita ko at saka ipinulupot ang mga kamay sa bewang ko.
"Tell me, what's your first relationship goal?" Tanong niya habang nakatingala sa akin.
"Gumising katabi mo (ಥ_ಥ)"
Narinig ko na naman ang pagtawa niya.
"Anong tinatawa-tawa mo? >o<"
"Dapat sinabi mo kasi sa 'kin. Tinotopak ka tuloy ngayon hahaha."
Sinimangutan ko lang siya. Maghihintay na naman ako ng panibagong bukas para roon? Buti sana kung magkatabi pa rin kaming matutulog mamaya T_T
"My Wife, listen to me." Seryosong sabi niya. Tumayo siya at nakipag-eye-to-eye sa akin. "If you want to have a success relationship goals, you need to inform me. Relationship is composed of two persons, meaning, ikaw at ako. We will do it together, okay?"
Tumango ako. "Akala ko kasi, hindi ka in favor sa mga RS Goals."
"Hindi nga...before. But I already have you. Kung 'yon ang magpapasaya sa pinaka mamahal kong babae, bakit ko gagawin?" Ngumiti siya sa akin. "Smile na. Pangit mo e."
"Wow a?"
"Just kidding!" Pinisil pa niya ang ilong ko. "Tara na sa ibaba, breakfast is ready."
"Ikaw na naman ang nagluto? (T⌓T)"
"I will do that everyday."
"Hwag na kaya akong mag-aral? Sayang course ko, hindi ko naman nagagamit ∪ˍ∪"
"Bano."
Bumaba na kami at kumain at kagaya kagabi, siya na naman ang naghugas.
*dingdong*
Nagkatinginan kami nang marinig namin 'yon. Unang araw palang namin dito, sino naman ang bibisita sa amin? To think na, it's just 9AM.
"Ako nang magbubukas, My Man." I insisted. Tutal, ako naman ang wala pang nagagawa.
Lumabas ako ng bahay at saka nagtungo sa gate para pagbuksan ang sinoman.
"Hi!" Malawak ang ngiti at kumakaway-kaway pang bati niya sa akin.
Gulat naman akong nakatingin sa kanya.
"Ohmy, ginulat ba kita?"
Hindi ba halata, girl? Tch! Anong ginagawa mo rito?
"Hindi, tuloy ka."
"Salamat 。^‿^。" Nagdire-diretso siya papasok sa bahay namin.
Grr! Kay aga-aga, nambubulabog ang Ashley na 'to. Paano niya nalaman na nakatira kami rito? Tch!
Padabog kong isinara ang gate at dali-daling pumasok sa loob. Mahirap na.
"Nabalitaan kong ikaw ang nakatira rito kaya napapunta kaagad ako (^_^) Finally, may makakausap na rin ako dito sa subdivision natin."
Don't tell me na aaraw-arawin mo ang panggugulo rito? +_+
"Hindi ko alam na tagarito ka." Sagot ni Van.
Napatingin siya sa 'kin. "Come here, My wife."
"Maghahanda muna ako ng makakain." Sabi ko.
"Thankyou, Meg 。^‿^。 Pahanda ako ng coffee, please? Less sugar." Request pa ng bruha.
"Okay." I faked a smile.
"I'll do it, My Wife."
"No." I said.
Hindi ako papayag na pagsilbihan mo ang babaeng 'yan!
"She can do it, Van. Ano ka ba? Napakasimple lang n'on e." Singit naman ng isa.
Aish! Kapal, nakakaasar.
Ipinaghanda ko na siya ng sandwich at kape. E kung asin kaya ang ilagay ko rito? +_+
"Mabagal pala kumilos yung girlfriend mo 'no? Haha."
Mas lalong nag-init ang ulo ko nang marinig ko ang sinabi niya. Napaka bwisit na babae! Anong nagustuhan ni Van sa kanya noon? Bulag!
"Just wait for her."
Mas better kung aalis ka nalang, bruha!
"Ito na. Eatwell." Inilapag ko ang tray sa table.
"Thankyou, walang lason 'to a? Hahaha."
"Actually binalak ko lagyan 。^‿^。" Idinaan ko sa tawa ang sinabi ko. We both know how sarcastic we are to each other.
Hinila ako ni Van patabi sa kanya at saka inilagay ang kamay niya sa bewang ko. Isinandal pa niya ang ulo niya sa balikat ko.
"Oh, napakasweet mo talaga Van."
"Sobra." I said.
"Naalala ko tuloy yung panahon na sa akin ka ganyan tapos itinataboy kita hahaha."
Masasampal kita kapag nagthrowback ka na namang babae ka! >_<
"I never do this to anyone except her." Walang emosyong sabi ni Van.
Napangiti naman ako nang bahagya nang mapansin kong nag-iba ang timpla ng mukha niya. Kinuha niya ang tasa ng kape at saka humigop nang kaunti.
"Grabe, ang sweet mo rin kaya sa akin noon. Naaalala mo no'ng minsang nagkaroon ka ng kasalanan sa akin? Nagsorry ka sa akin sa harao nung pito diba? (*^▽^*)"
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Van sa bewang ko. I look at him and it seems na pati siya hindi natutuwa sa ginagawa ng babaeng 'to. I know, he don't want to make me feel jealous again.
I just smiled at him saka ibinalik ang tingin kay Ashley.
"Ganon? Same pala tayo 'no? Dati kasi nagpublic apology rin sa akin itong bebe Van KO. Biruin mo, nagpaflashmob pa siya noon, nagpagawa ng banner, at nagspeech sa quadrangle habang nasa second floor ako. I can't imagine him doing that in front of almost half of the population of all students. Pati yung anim kasama niya sa pagsosorry. Nakakatuwa 'no? (ღ˘⌣˘ღ)" Humawak pa ako sa magkabila kong pisngi na tila ba kinikilig habang inaalala ko ang araw na 'yon.
Napangisi naman ako nang makita kong parang naasar siya sa kuwento. Kinabog ko kasi si bakla hahaha. Yabang pa kasi (─‿─)
"Kabog a. Hahaha, anyways, naalala ko rin noong nalasing ako tapos Van took care of me. Alam mo ba, ikinuha pa niya ako ng condo para doon muna magstay. Kinabukasan, bumalik siya para bigyan ako ng makakain. Effort right? Nakakamiss."
May nalalaman pang pagsulyap kay Van ang bruha. Seriously? She's not ashame throwing back the memories they have infront of the present girlfriend slash fiancé slash live in partner? Pathetic!
"Hala, nangyari rin 'yan sa amin, girl. But, he did not left me alone. Iniuwi niya ako sa condo niya, inihatid sa school. Nakakatawa kasi, sabi niya may nangyari raw sa amin. After that, noong nasa school na kami, bigla nalang akong ipinagpalit sa ibang babae +_+ Edi nakipag-usap din ako sa iba at itinanggi kong boyfriend ko siya although hindi ko pa naman talaga siya boyfriend non and..."
"I get jealous. I asked her to go back in her room and said don't dare to talk to that man again." Pagtutuloy ni Van.
"Naaalala mo pa? ♡‿♡"
"Ofcourse. Youre at that memory, I treasured it a lot." Hinalikan pa niya ako sa noo.
"Ehem."
Napahinto kami ni Van. Balik na naman siya sa pagsandal sa balikat ko.
"He let me serve him." — Ashley
"He won't let me do that."
"Why? Hahaha, maybe hindi ka masarap magluto."
"No. She's my queen, I am her servant that's why." Si Van na naman iyon.
Kinain na ni Ashley ang sandwich niya at dire-diretsong nilagok ang kape.
"May show nga pala ulit kami mamaya sa Iloilo. I need to go, thanks sa talk."
I don't know if it's just in my imaginatiom but I heard Van saying "Finally" (ღ˘⌣˘ღ) Mahusay, Van. Napakahusay hohoho.
Inihatid namin palabas ng gate si Ashley. Hindi na nga ngumingiti sa akin e hahaha.
"I don't know what's her intention for coming here." Sabi ni Van habang inilalock ang gate.
"Obviously, para akitin ka <'~´>"
"It won't happen."
"I know 。^‿^。"
"Maghanda na tayo. May klase ka pa."
"Yes Sir!"
Walang klase si Van ngayon pero sumama pa siya sa school nang nakasuot rin ng uniform. Hindi raw kasi siya hahayaang mag-stay kung nakacivilian siya.
"Maghihintay ka lang dito?" I asked him. 6hours ang klase ko ngayon. He said na dito ko siya sa library puntahan after class.
"Yes."
"Matagal 'yon."
"I am willing to wait" Ngumiti pa siya. "Study well, My Wife." Saka siya kumaway.
"Dito ka lang ha?"
"Syempre ^_^"
Nagpaalam na ako sa kanya. Dalawang tig-3hours ang klase ko ngayon. Motivated naman ako para mag-aral. Kaso, nakakahiya kay Van. Hinintay oa niya talaga ako.
"Perez, live in na pala kayo ni Van? Pinayagan ka ng Mom and Dad mo? First year college palang tayo a." Sabi ni Amy.
"We're engaged. Nasa tamang edad na rin naman ako e. So, I think wala namang masama as long as we're not doing something...you know? And, yes, I have the permission of my parents."
"Baka magkababy kayo kaagad. Alam mo naman yon si Van. Madami nang babaeng—"
"No." I cut Chelsea's word. "Van is respectful. And, no, wala pa siyang nagagalaw na babae. I assure you that."
"We all know that he's a playboy." Pagtutuloy niya.
"But not a fvckboy." Pagdedepensa ko. "You all didn't know who he really is. At first, I also judge him but I proved to myself that I was wrong. So please, don't judge him."
Napatahimik naman sila. Good for them.
"Hi, Bebe Van." Ngiting-ngiti akong lumapit sa kanya. "Inantok ka rito, ano? Ikaw kasi e, dapat sa bahay mo nalang ako hinintay."
"Medyo inantok lang but I spend my 6hours reading some good articles."
"Nuks, nagbabasa hahaha. Uwi na tayo?"
"Daan muna tayo sa store. Bili tayo ng ibang gamit sa bahay."
"Okay ^_^"
Nagpunta nga kami sa store. Bumili pa siya ng ilang mga gamit sa pagluluto. Feeling ko, excuse niya lang yung mga gamit sa pagluluto. Kumbaga, buwelo ganon. After kasi kumuha ng isang kawali, dumiretso na siya sa mga apron. Kaagad niyang kinuha ang isang plain black na may ulo ni Mickey Mouse sa bandang ibaba. Tapos, bedsheet at blanket din na Mickey Mouse (─‿─) Addict! Hahaha.
"Tara na." Pag-aaya niya.
"Ang hilig mo sa daga na 'yan ano? Paano mo 'yan naging paborito?" Tanong ko. Inilagay na niya sa likod ng kotse ang mga pinamili niya at saka pumasok sa loob para magmaneho
"Cute siya sa lahat."
"Yun lang?"
"One reason is enough to love someone."
"Deep." Natatawang sabi ko. "Pero hate mo pa rin si Jollibee?"
"It will never change →_→"
"Love mo 'ko?"
"Sobra."
"Yieeee. Ang bilis sumagot (ღ˘⌣˘ღ) Kilig si gerlpren."
"Palagi naman e hahaha."
Pagdating namin sa bahay, isinaayos na niya kaagad ang mga pinamili niya. And guess what, excited siyang umakyat sa kwarto niya para magpalit ng bedsheet.
"Wear this." Isinuot niya sa akin ang pink na apron. Kahawig lang rin ng sa kanya, magkaiba lang ng kulay.
"Magluluto ako? o (^‿^✿)o"
"Tayo. This is our first relationship goal." Iniribbon niya sa likod ang apron ko. Kumuha ng pantali ng buhok at inipitan ako.
"Magsteak tayo ngayon ^_^"
"Uki, My Bebeboy."
Nagtulungan kami sa pagluluto. Ako ang nagsaing tapos siya ang sa ulam. Tumulong na rin ako sa pag-aayos ng mga naluto na.
"My Man, ang cute ng kwarto mo, pambata! ∩(︶▽︶)∩"
"Walang age limit ang bedsheet."
"Sabi ko lang ang cute ∩(︶▽︶)∩"
"Hindi sarcastic?"
"Hindi hahaha. Dito ulit ako matutulog?"
"You want?"
"Opkors! (◕‿◕✿)"
"Good."
Papahiga na sana kami nang bigla na naman naming maririnig na mayroong nagdodoorbell. For Pete's Sake, it's 11PM.
"Why, Ash?" Van asked
"Can I stay here? Just for tonight."
"May bahay ka naman a." Kunot-noong sabi ko sa kanya.
"I forgot my keys."
"Diba may show kayo ngayon sa Iloilo?"
"It's cancelled." Napansin ko ang pag-irap niya. "Magtatanong ka lang ba riyan? I need an answer."
Napatingin ako kay Van. He's giving me a look na nasa akin ang desisyon.
"You can stay at my room tonight."
"Thanks." Kaagad siyang pumasok.
Grabe! Napakakapal ng mukha mo, BRUHA! >_<
xxx
Updated: 03|05|2016; 12:38AM
Ps. Happy Birthday Stephen Escoto! ∪ˍ∪