CHAPTER 27
BRENT’S POV
Narinig kong sumigaw siya. Takot. Bumakas sa boses niya ang matinding takot. Lalo akong nagaalala. Pinanghahawakan ko parin ang sinabi ni Sir Lito na hindi mababangis ang nakakawala sa ZOO. Pero open ang ZOO pwede ring may maligaw na kung ano ano sa lugar na ito. Kathryn Bernardo asan ka na ba kasi??
Luminaw ang boses niya. Sign iyon na malapit na ako sa kanya.
Kath: Help!!!
Patakbo ko siyang nilapitan. Nakita ko siya....nakayukyok sa isang malaking puno. Nanginginig sa takot. Nilapitan ko siya. hindi ko alam pero niyakap ko siya ng mahigpit.
Kath: May unggoy! Unggoy!
Umiiyak siya. takot na takot. Gusto kong tumawa, dahil ang matapang na Kathryn Bernardo eh tiklo pala pagdating sa unggoy. Napaisip ako. Unggoy??? Yon ang sabi ng babae sa panaginip ko. Unggoy........................
Hindi ko na muna inisip iyon. Mas malakas kasi ang sinisigaw ng puso ko. Masaya ang puso ko. I was hugging a person na nagpapablis ng tibok nito.
Kath: Thank you.
Pinunasan ko ang luha niya sa pisngi.
Kath: Thank you...kasi kung....
I stopped her.
Brent:Shhhh.... Tama na....kaya mo bang tumayo??
Tumango siya. patayo na kami ng bigla siyang napaupo. Nasprain ang paa niya. Siguro dahil sa pagtakbo niya.
Kath: Ouch!
Brent: hindi mo kayang maglakad. Bakit kasi pinipilit mo pa?
Kath: Kaya ko. Pinilit niya uling tumayo. Mutikan na siyang mabuwal buti na lang at nasalo ko siya. nagkalapit ang mga mukha namin. Kahit na madilim ang lugar na iyon....malinaw pa rin ang mukha niya. My hert melts.
Tumikhim ako.
Brent: Hindi mo naman pala kaya eh
Hindi siya sumagot. Binuhat ko siya...umaangal pa nga e. Kesyo raw kaya naman niyang maglakad.
Brent: Maglakad?? Eh hindi ka nga makatayo eh.
I gave him a piggy back ride.
Nakalapat ang katawan niya sa likod ko. Isang sensation na ang hirap pigilin.
Nagulat ako ng mapatili siya at muntikan ng mahulog.
Brent: Why???
Kath: Ang laki ng snake.
Brent: Close your eyes.......
Sa wakas ay narating na rin namin ang gate,....pero ang kasamaang palad ay nakasara na ito.
Ibinaba ko siya at pinaupo.
Nakayuko.
Kath: Sorry....kasalanan ko...
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing umiiyak siya eh parang nalulusaw ang puso ko.
Brent: Tama na nga yan....hindi mo kasalanan...stop it dadalhin kita sa unggoy.
Sumimangot siya. Tumabi ako sa kanya,.
KATH’S POV
Nawala ako sa kagubatan. Grabe akala ko mamamatay na ako dahil sa unggoy na iyon. Mabuti na lang at dumating si Brent. Ayoko mang aminin pero parang naging night and shining armor ko siya sa mga oras na iyon. Masakit ang paa ko pero nung dumating siya parang namanhid ang buo kong katawan lalo na nung niyakap niya ako.
Binuhat niya ako. A same old feeling.......parang piniga ang puso ko. Masakit. Nasaraduhan na kami ng gate so malamang ay bukas pa ang labas naming dalawa. Alam kong galit siya. Bakit kasi kung san san ako napasuot kanina.
Lumapit siya sa akin at sinabing wag akong magalala. Parang gusto ko ulit umiyak. Ang sarap isiping may isang taong magsasabi sayo ng wag kang magalala....lalo na’t kamukha pa niya si Daniel.
Hinawakan niya ang paa ko. Yun yung ankle na masakit nung natapilok ako dahil sa sobrang takot ko.
Kath: Ah wag na...okay na naman eh..iaatras ko sana ang paa ko ng maramdaman ko ang sakit.
Brent: Okay na..pero parang mamatay ka sa sakit diyan...pag hindi to naagapan pwedeng mamaga ito.
Kumuha siya ng dalawang kahoy.
Brent: May panyo ka jan??
Kath: Wala naiwan ko ata sa kotse mo eh.
Nagulat ako ng punitin niya ang polo niya at itali sa dalawang kahoy na iyon na inilagay sa paa ko.
Pagkatapos niyang itali ay tumabi na ulit siya sa akin.
Brent: Masakit pa??????
Umiling ako.
Ayoko ang nararamdaman ko. Kahit na kamukha niya si dj ay hindi naman siya ito.....at ang mas hindi tama ay...ikakasal na siya. nararamdaman kong namimigat ang mata ko. Marahil ay sa pagod at sobrang pagiyak ko kanina.
BRENT’S POV
Nakatulog siya pagkatapos kong talian ang paa niya. Namamaga na ng konti ang paa niya. Nakakaawa siya dahil alam kong sobrang masakit iyon.
Hindi ko namalayang kinuha ko na pala ang ulo niya para ihilig sa balikat ko. Mas malapit. Idinikit ko ang ulo ko sa ulo niya. Gusto kong pagbigyan kahit na saglit ang puso ko. Alam kong iba na ang nararamdaman nito para kay Kath. Si Kath....siya na ang laging laman ng isip ko mula nung magkita kami. Akala ko inis lang...pero ...hindi.......at ang nararamdaman ko para sa kanya ang bagay na ayokong aminin....mali ito.
Masama ba kung iisipin kong wag ng matapos ang gabing ito? Masama bang isiping sana ganito na lang matapos ang lahat? Pinilit kong tingnan angmukha niya. Bakit iba na ang nararamdaman ko para sa iyo? The same feelings I felt everytime I’ve dream about the mysterious girl.
Nararamdaman kong inaantok na ako...mas lalo akong dumikit sa kanya. Niyakap ko siya. Hindi ko alam...pero parang miss na miss ko ang babaeng ito. Mas humigpit pa ang yakap ko......
ARIA’S POV
On our way to La Union. After kong sunduin si Daddy sa Airport. Kumain na muna kami at bumili na rin ako ng ticket to La Union.
Miguel: How’s Brent?
Aria: He’s fine...he’s doing well.
Miguel: Doing well? What do you mean?
Aria: Dad...
Yes I call him Dad, dahil nung namatay ang Dad at Mommy ko, siya na ang tumayong pangalawang tatay ko. Actually ninong ko rin siya, pero nakagawian ko na kasi siyang tawaging Daddy.
Miguel: Meron pa ba siyang nightmares?
Aria: So far....wala na masyado...once...
Tumango ito.
Miguel: Do you make sure he’s taking his medicine regularly?
Aria: yes. Brent is responsible.
Miguel: He never fail me.
Aria: Dad.....why do want to talk to Mang Ernesto?
Miguel: We have something important to talk.
Aria: Like?
Miguel: It’s all about Brent....Ernesto wants to tell Brent the whole truth.
Nanlaki ang mata ko.
Aria: But do you think Brent will believe in him??
Miguel: I don’t know...maybe...he saw Ernesto the moment he open his eyes in the hospital...
Napalunok ako...............kinabahan.....