CHAPTER 26
BRENT’S POV
Sabay kaming maglulunch ni Kath. Mamaya kasi ay pupuntahan na namin ang zoo na ni rent namin for KIDS FAIR. Nauna ako sa kanya. Tiningnan ko ang menu. Adobo. Pero alam kong favorite din ni Kath ang adobo, ayokong iorder to baka kung ano na naman ang isipin non.
Bumaba na siya. nakadress ng above the knee. Simple pero maganda. Floral ang design kaya maganda tingnan sa kanya. Lumapit siya at umupo na rin.
Kath: Nakapag order ka na Sir?
Brent: Hindi pa. Ikaw umorder ka na oh....sabay abot ng menu.
Tiningnan niya ang menu. Tiningnan ko siya. maganda siya. Parang sumaya ang puso ko. Brent Arellano...mali ito...ikakasal ka na diba? saway ko sa sarili ko. Nagulat ako ng tumingin siya bigla, naramdaman siguro niyang nakatitig ako sa kanya. Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung nahuli niya ako.
Lumapit ang waiter.
Kath: Grilled tuna and soup.
Hindi niya inorder ang Adobo??
Brent: Bigyan mo siya ng rice, isang plate of assorted fruits at ....
Kath: That’s all.
Tumingin siya sa akin ng masama.
Umorder na rin ako
Tahimik kaming kumakain. Hindi ko maiwasang tingnan siya. I was amazed by her. A feeling na I never felt for Aria. Nakakaguilty. Tapos na kaming kumain ng magpaalam si Kath na pupunta sa restroom.
Binuksan ko ang cellphone ko para tawagan si Aria pero no network coverage ang sabi ng operator. Nasan kaya si Aria? At bakit hindi ko siya macontact?
Nakuha ang atensyon ko ng mga crew na naguusap sa bandang likuran ko. Hawak ko ang phone ko pero pinakikinggan ko sila.
Girl Crew 1: Ang gwapo ni Sir no?
They are talking about us.
Girl Crew 2: Oo grabe....ang swerte ni Mam.
Gril Crew 3: Maganda rin kaya yung asawa.
Asawa??? Bigla akong napangiti. Akala nila magasawa kami.
Girl crew 1: oo nga eh....they are meant to be. Maganda at gwapo. Walang dehado.
Tumigil lang sila ng dumating na si Kath. Naglalakad siya palapit. Hinahangin ang buhok. I am hooked. May ibang bilis ang heartbeat ko. Siya lang ang nagpabilis ng tibok nito. Siya pa lang.
Kath: So tara na???
Nagulat pa ako sa approach niya.
Brent: ah ....yeah...tumayo na rin ako.
KATH’S POV
Malapit lang ang amusement park sa hotel namin. Hindi kami ganoon mahihirapang magpabalik balik. After magpark ni Brent naglakad na kami papasok.
Sinalubong kami ng tagapamahala ng amusement park.
Kath: Diba zoo?? Bakit amusement park?
Brent: Yun ang maganda dito...amusement park na tapos may zoo pa diba Mr. Legaspi?
Lito: Lito na lang ho.
Kath: Okay ho, Sir Lito, san ho banda ang Zoo?
Lito: Doon ho sa may bandang dulo. Tumingin ako sa may bandang dulo. Puro puno na roon. Dumerecho muna kami sa opisina ni Mr. Legaspi para pagusapan ang mga gagawin sa Kids Fair sa Monday.
Magalas-kwarto na ng matapos kami.
Naglakad kami papunta sa Zoo na sinasabi niya. Nagulat ako dahil parang kagubatang ang style ng Zoo. As per Kuya Lito ayaw naman daw kasi nilang mahirapan magadjust ang mga hayop so talagang sa gubat nila itinayo ang Zoo.
Lito: Yung mababangis po, nakakulong pero yung mga harmless...like deers...eh nakakawala po sila.
Kath: Ah....
Brent: Napakaganda po ng naisip niyo. Great!
Kath: Buti ho hindi nakakawala ang mga hayop papuntang amusement park,
Lito: May bantay kami sa may gate ng zoo pag umaga hanggang 6: 00 PM.
Kath: tapos po?
Lito: Nilolocked namin yung gate, yung pinasukan natin kanina tapos yung guard lumilipat sa main entrance ng amusement park.
Brent: Wala hong signal ang telepono dito?
Napakamot ng ulo si Mang Lito.
Lito: Wala ho eh.
Isa isa naming pinuntahan ang mga hayop. Nakita ko ang isang malaking cage. Parrots...iba’t ibang birds.....wow............nalibang ako sa mga nakitakong mga ibon. Hindi ko namamalayang napapalayo na pala ako.
BRENT’S POV
Maganda ang Zoo, pero sabi ni Mang Lito, once na naisarado na ang gate ng Zoo, kahit may tao pa sa loob ay hindi na makakalabas. Makakalabas na lang ulit sila kinaumagahan na.
Naguusap kami ni Mang Lito ng mahalata kong wala ni si Kathryn sa tabi ko.
Brent: Mang Lito si Kath ho nakita niyo??
Lito: Ay hindi ho....hindi ho ba lumabas na?
Nahalata ko ngang parang natatakot si Kath kanina pa. Baka lumabas na nga siya.
Lito: Sir mag-aalasais na ho...tara na.
Sumunod ako kay Mang Lito pero iba ang pakiramdam ko. Lumabas na si Kath? Bakit hindi man lang siya nagpasabi??? Bigla akong nakaramdam ng pagaalala. Narating na namin ang labasan. Pero walang Kathryn na naroon.
Si Mang Lito naman ay dali daling pumunta sa opisina niya dahil may emergency call raw ito.
Tinanong ko ang nagbabantay sa may gate
Brent: Boss...may nakita ho ba kayong lumabas na babae rito?
Guardya: Marami ho sir...
Brent: Naka dress ho.
Guard: Hindi ko ho napansin,.,.sabay sabay ho kasi ang paglabas nila kanina.
Patakbo akong pumunta sa parking lot. Wala si Kath....asan na siya? tumingin ako sa relos ko. Magsasara na ang Zoo..hindi pwede!!
Mabilis akong tumakbo pabalik sa Zoo, wala ang guard...kinuha siguro ang lock para sa gate. Madali akong pumasok ulit sa loob. Pinuntahan ko kung saan kami pumunta kanina.
Brent: KATHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Tinawag ko siya. alam kong narito siya. pero asan??? Kinakabahan na talaga ako at sobrang nagaalala.
Brent: KATH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Patakbo akong pumunta sa isang daan na maraming ibon na nakakulong.
Huminto ako sa pagtakbo...nakakaramdam na ako ng pagod. Dumidilim na pero hindi ko pa siya nakikita. Kahit masakit na ang mga binti ko kakahanap hindi ko alam kung bakit ayaw ko paring tumigil. Meron parte sa akin na sobrang nagaalala para sa kanya. Lakad takbo ng ang ginawa ko.
Napatigil na lang ako ng may narininig akong sigaw. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Kath iyon. Madali akong tumakbo sa kinaroroonan ng boses.
.....EXCITED???....