The Princess And The Butler [...

By cia_stories

1.3M 29.4K 1K

Kailee is a simple girl living on her own. Kailangan nyang rumaket at magdoble kayod sa pagtitinda ng kung an... More

Prologue
One
Two
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Forty Five
Epilogue
Final Note
Special Chapter One
Special Chapter Two
Special Chapter Three
Special Chapter Four
Huhu
Special Chapter Five
Hwuahwua!

Three

31K 664 6
By cia_stories

DNA Test

Kailee's POV

"Good morning hija." May friendly na ngiti nitong bati sa akin. Agad akong umayos ng upo at hindi pinahalatang nagulat ako sa ilang pagkakahawig namin.

Ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay tingin ko'y nasa edad 40 plus na, mas matanda siguro kay nanay ng mga ilang taon kung hindi lang sya maagang pumanaw. Matikas ang tindig at masasabi mong noong kabataan ay may itsura itong kahuhumalingan ng mga kababaihan. Hindi mo sya mahahalatang koreano base na rin sa apilyido nya dahil mukhang may halo syang Amerikano.

Maputi, may kaunting wrinkles, may malumanay na ngiti, at kita ang saya sa kanyang mga mata.

May naramdaman akong sumiko sa akin kaya naalis ako sa pagkakatulala.

"Ah! Eh, hello po. Good morning din po." Sabi ko saka bahagyang yumuko. Ewan ko ba, nakagawian ko na dahil palagi kong nakikita kay nanay.

"Hula ko ay binigyan ka na ng kaunting impormasyon ni Alexander patungkol kung bakit ka nandito. Pasensya na kung biglaan ang lahat."

Napakamot ako sa leeg ko dahil hindi ako palagay sa nangyayari. Hindi ako komportable.

Tumikhim ako't nag-iwas ng tingin.

"A..a..anak nyo d..daw ho ako....?" Tanong ko.

"Oo. Matagal na kitang pinapahanap noon maging si Calia na iyong ina. Ngunit nabigo ako lalo na ng ilang taon at ngayon nga na nakita kita ay napakasaya ko. I'm sorry for what happened to your mother. I'm sorry kung wala ako sa mga panahong kailangan mo ako, nyo. I want to ask forgiveness."

Mahabang pahayag nya at hindi ko napigilang may pumatak na luha sa isang mata ko na agad kong pinunasan.

"Paano naman ho kayo nakakasiguro na ako ang inyong nawawalang anak? Baka nagkakamali lang ho kayo ng nakuha." Sabi ko at itinago ko na lang ang nararamdaman kong dissappointment at tampo kung sakaling sya nga ang totoo kong ama.

Nakita kong may inilapag syang envelope sa tapat ko.

"Simula ng malaman ko kung saan ka na naninirahan, nakisuyo ako sa kaibigan ng iyong ina na kuhanan ka ng sample at agad nya itong ibinigay sa amin, and it was positive. At kahit wala pa ang DNA test na iyan, alam ko sa sarili ko na ikaw ang nag-iisang anak ko."

Tinignan ko ang laman ng envelope na sinasabi nya at dahil maalam naman akong magbasa at hindi naman ako bobo ay nakita kong isa nga itong DNA result, totoo ngang positive ang nakasaad na resulta.

Pero agad ko ding ibibalik sa mesa ang envelope at tinignan ng diretsyo sa mga mata si Mr. Park.

"Ipagpaumanhin nyo po, pero hindi naman ako nakakasiguro na sa aking sample ang nakuha nyo. Malay nyo sa ibang tao pala iyon at iyon talaga ang anak nyo. Kung pumapayag po kayo ay nais kong ipaulit ito. Iyong nakaharap ako."

Magsasalita na dapat sya pero nagsalita ulit ako.

"Hindi po ako natutuwa, sa totoo lang. Kung totoo man ang lahat ng ito, at kayo nga ang ama ko, aaminin kong may inis at tampo ako sa inyo kaya siguro naman ay may karapatan akong maniguro bago ko kayo tanggapin bilang ama ko." Direrediretsyo kong sabi at nakita ko syang tumango ng nakakaintindi.

"Gusto kong bumawi sa iyo hija, at kung iyon ang gusto mo ay ibibigay ko sa iyo. Karapatan mo iyon sa parte mo. Pero hayaan mo akong bumawi sa pamamagitan ng pagbibigay ko sayo ng mga bagay na nararapat para sayo. Isa na doon ang pagtira mo sa mansyon na ito."

Agad akong umiling sa narinig ko.

"Babalik lang po ako dito kung napatunayan ko ng ama ko nga kayo. Bigyan nyo po ako ng oras makapag-isip. Masyadong mabilis ang mga pangyayaring ito sa buhay ko." Sabi ko at ngumiti ng bahagya.

"Sige. Nais kong makabawi agad sa iyo kaya kung gusto mo ay ngayon na tayo magpa-DNA test para malaman agad natin ang resulta. Matapos non ay maaari kang makabalik pansamantala sa tinutuluyan mo kay Mrs. Santos."

Tukoy nya sa inuupahan kong kwarto kay aling Jenna.

Tumango na lang ako para makaalis na sa lugar na ito dahil masyado pa akong naguguluhan. Nagpa-process pa ang utak ko eh.

Saka hindi mawala sa akin ung inis kung bakit ngayon lang sya nagpakita after all these years? Pero hindi ko naman sya pwedeng sumbatan na lang dahil hindi naman ako sigurado kung sya nga ang ama ko.

Malay mo magdrama lang ako sa maling tao.

Pero parehas kami ng mga mata, ilong at labi.

Umiling ako para maalis iyon sa isip ko. Ayokong umasa dahil baka madisappoint na lang ako. Gusto kong makawala sa mahirap na buhay, pero hindi ganitong biglaan dahil balak ko ay dahil sa sariling pagsisikap kaya ako makakaahon.

Lumabas kami ng mansyon na ngayon ko lang namalayan na nasa tapat na namin ang isang kulay itim na limousine. Nakapasok na si Mr. Park at nakaabang si sungit habang hawak ang pintuan ng kotse at sinesenyasan akong pumasok na.

Nakalimutan ko pangalan nya kaya sungit na lang. Tutal ganoon naman sya, palaging nakapoker face at masungit.

Napabuntong hininga na lang ako at pumasok na, naupo ako sa tapat ni Mr. Park sa tabi ng bintana at naupo naman si sungit sa tabi nito.

Pare-pareho kaming tahimik at palihim kong tinignan ang taong nagpakilalang ama ko. He looks like he was thinking something from the past dahil halata ang lungkot sa mga mata nito.

Baka nagpa-flahsback sya.

→→

Hindi pamilyar ang ospital na binabaan namin, pero halata mong pangmayayaman lang ang nakakapagpaospital sa ganitong klaseng lugar.

Bumaba kami ng kotse at doon ko lang napansin ang isang kotse sa likod namin na may bumabang mga men in black na nasa sampu. Dire-diretsyo lang namang naglakad si Mr. Park at sungit kaya sumunod ako sa kanila at ganoon na lang ang gulat ko ng sumunod din sa amin ang sampung men in black. Nasa likod lang namin sila at ng sumakay kami ng elevator ay naiwan ang lima dahil hindi kami kasya.

Nang huminto sa third floor ang elevator ay halos kasabay lang naming lumabas ang limang naiwan kanina.

Huminto si sungit at Mr. Park sa isang pinto, kumatok si sungit ng dalawang beses at ng bumukas ito ay bumungad sa amin ang isang clinic.

"Kami na lamang ang papasok sa loob." Sabi ni Mr. Park at nakita kong tumango si sungit.

Tumingin naman sa akin si Mr. Park at nginitian ako saka iginiya papasok.

Isang lalaking nakalab gown ang nakipagkamay sa amin.

"Hello Mr. Park, what brings you here? Oh, I apologize, I'm Dr. Revera Ms...?"

Natigilan ako ng tumingin sya sa akin. Hindi ko alam kasi kung anong ipapakilala ko. Kahit dati ay pag may nagtatanong, siguradong Bueno ang isinasagot ko.

Ngayon tuloy nag-aalangan ako. Kaya pinili kong pangalan ko ang ibigay.

"Kailee po." Sagot ko at tumango sya.

"Have a seat." Turo nya sa upuang nasa harapan ng lamesa nya.

"Well, I want you to do another DNA test to the both of us and I expect the result as soon as possible if you can." Paliwanag ni Mr. Park sa doktor na tila naiintindigan na kung bakit ako nandito.

"Is she...?" Nananatyang tanong ni Dr. Rivera at tumango si Mr. Park.

"Pero from the results that I gave you, it was 99% positive that you two are blood related. So why repeat the test?" Takang tanong nito.

Ako na ang sumagot dahil parang binigyan ako ng 'tatay' ko ng I told you look.

Luh. Iba na talaga panahon ngayon.

Wait. Did I just quote and unquote that his my tatay?

At teka! Bakit na naman ako nagi-english? Ah ewan!

"Gusto ko lang makasigurado dok, isa pa, malay mo namali ng sample ang nabigay sayo at ang totoong may-ari non ang totoo nyang anak?" Sabi ko at napapailing na lang itong nagsuot ng salamin.

"For a young lady like you, marami na ang nagkakandarapang mapunta sa pwesto mo pero ikaw tong naniniguro pa talaga."

"Nasa dugong Park iyan Dr. Rivera, that's why I can't blame...my daughter." Pagkomento ni Mr. Park at hindi ko alam kung bakit may humaplos sa puso ko ng sabihin nya yung my daughter.

Naglabas ng dalawang ziplock si Doc at ibinigay sa amin.

"Pwede kayong maglagay dyan ng hair sample, pero para sure ay kukuha din ako sa inyo ng blood samples. Then kindly fill up these forms."

Kumuha ako ng hair sample sa sarili ko at inilagay sa ziplock, ganun din si Mr. Park at saka kami kinuhanan ng dugo ni doc at matapos ang lahat ay kinamayan nya kaming dalawa at lumabas na kami ng kwartong iyon.

"I'm looking forward in knowing you more hija. Marami akong bagay na naging pagkukulang sa inyo ng mama mo at gusto kong bumawi sa mga panahong nawalay ka sa akin. I may not bring back the time pero lahat gagawin ko para sa nagiisa kong anak at sigurado akong ikaw iyon. Nararamdaman kong ikaw iyon."

Huminga ako ng malalim para pigilan ang pagiyak ko. Hindi naman ako crybaby pero naiiyak ako.

Ngumiti na lang ako sa kanya at tumango.

"Hintayin na lang po natin ang resulta at doon natin malalaman ang susunod na mangyayari. Salamat po and nice meeting you Mr. Park." Sabi ko at inilahad ang kamay.

Pero imbis na kuhanin ang kamay ko ay niyakap nya ako.

A fatherly hug na matagal kong hindi naramdaman. It was heartwarming, nakakasafe sa pakiramdam. Pero agad akong bumitaw dahil ayoko pang umasa.

"I'm sorry, gusto ko lang talagang mayakap ang anak ko."

Maluha-luhang sabi nya at hinaplos ang buhok ko.

"Sige po, mauna na po ako. Siguradong alam nyo na naman po kung saan ako hahanapin sa oras na lumabas ang resulta." Sabi ko at naglakad na palayo.

Alam kong gusto nya akong pigilan pero hindi na nya ginawa. Maybe he knows that I needed time kaya hinayaan na nya.

So I walked outside the hospital na maraming iniisip.

I guess back to normal world ulit.

Continue Reading

You'll Also Like

39.2K 1K 54
KENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang...
228K 5.3K 46
Beguiled and seductive, she gets all men that take her fancy, but her hunger for carnal pleasures cannot be satiated.
11K 1.1K 56
What if you changed the man who was so cold -hearted? | TAGLISH | "A lot has changed in him and he has also learned a lot from her since he met her."...
25.7M 471K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...