Class 3-C Has A Secret 2 | co...

By enahguevarra

9M 155K 54.2K

"Because some secrets ... just might kill you." ••• Date started: January 29, 2013 Date finished: June 22, 20... More

C3CHAS TRILOGY
C1: Moriendo Renascor.
C2: Pity on me, Death.
C3: She, who forgets.
C4: Honor the vanquished.
C5: Doomed Reality.
C6: The thread of Death.
C7: Embrace your iniquity.
C8: Ballad of Death.
C9: Dreadful past.
C10: Sleuth.
C11: Know thyself.
C12: Lies.
C13: Incognito.
C14: Nostalgia.
C15: Truth be told.
C16: Lifeless. (part 1)
C17. Lifeless (part 2)
C18: Missing.
C19: The liar.
C20: Rules of the jungle.
C21: Hidden agenda.
C22: Judas' kiss
C23: Lost Alice.
C24: A friend and a foe.
C25: The unspoken truth.
C26: Paranoia
C27: The first weakest rabbit.
C28: Behind those lies.
C29: Lifesaver.
C30: The catastrophe of life.
C31: Ironic truth.
C32: Two black cats
C33: The white rabbit has the answer.
C34: The Prodigal son.
C35: Someone is back.
C36: The white rabbit.
C37: Friendship.
C38: Kill the Pillar.
C39: The clockmaker's daughter.
C40: Eliminate the wolves.
C41: Darkness
C42: Wolf's cry.
C43: Hunt the wolves.
C45: Endgame
C46: Fade to black
C47: The Fall of the Pillar
C48: START
C49: Pitch Black
C50: Hide and Seek.
C51: Turncoat
C52: Trust no one
C53: Friends do kill
C54: Dangerous
C55: An hour to live
C56: Pillar's Trap
C57: The End
EPILOGUE
Special Chapter: HANAKO
Special Chapter: Balot ba o Penoy?
C3CHAS Spin-Off

C44: Alliances.

107K 2K 445
By enahguevarra


"You only live twice:
Once when you're born
And once when you look death in the face." 
― Ian Fleming, You Only Live Twice

--------------------------------------------x

RAPHAEL'S POV


"MAY NAGTANGKA ring pumatay sa akin," wika ko kay Spade habang nasa harapan niya ako. Napatingin ako sa buong klase. Naisip ko na maaring mangyari ito ngunit hindi ko naman inakala na ganito sila kikilos. Delikado talaga ang ginawa ni Mr. Laketon.


Ngayon, seryoso na ang buong klase sa laro.


"Nababaliw na tong mga kaklase natin. Mas pipiliin pa nilang patayin tayo para mabuhay. Ni hindi pa nga nila napapatunayan kung totoo ba 'yung mga 'yon. Tangina, ni hindi ko alam na may pictures na lumabas." Nakasimangot na sabi ni Spade. "Iyong lalaking 'yon ang tumutok ng kutsilyo sa akin," itinuro niya ang isa sa mga kaklase namin na dating barkada nila Cyrus.


Napabuntong-hininga ako. Ni wala kaming magawa kahit na sobra na kaming pinag-iinitan ng buong klase. Sadyang tuso si Mr. Laketon. Alam na niya ang nasa isip ng bawat isa rito. Maaring dati ay  walang pakialam at walang naniniwala sa larong iyan pero ngayon ay iba na.


Napatingin ang lahat  nang pumasok si Sapphire na iika-ika na halos hindi na makausad nang maayos sa paglalakad at nay benda pa ang isang paa at may mga galos ang mga braso. Umupo siya sa upuan niya na hindi nagsasalita. Nagulat naman ako sa biglaang pagtayo ni Spade at pagpunta sa kinauupuan ni Sapphire.


Natahimik ang iba naming kaklase at ang iba naman ay nagbulungan na para bang may kung ano na naman ang naiisip.


Sunod na pumasok ay si Abigail, Austin at Clyde nasa likuran naman nila si Luna na napatingin sa buong klase na para bang may hinahanap. Napako sa iisang lugar ang mga mata niya at iyon ay kala Sapphire at Spade saka siya dumiretso sa kinauupuan niya.


Nagsimula ang klase na tahimik. Ito na ang pangalawang araw na pakiramam ko'y walang kwenta ang pagiging Presidente ko ng klase. Wala ng nakikinig sa akin. Wala ng sumusunod. Lahat kami na nasa mga litrato ay tinuturing nilang kaaway, ang mga lobo.


Nakalipas ang dalawang subject at biglang nabakante ang pangatlo dahil sa wala ang teacher namin. Naiwan kaming lahat sa classroom. Walang umiimik. Wala na kong naririnig na magigiliw na tawanan at asaran hindi katulad noon na kahit may mga patayan ay tuloy pa rin ang saya sa klase.


Ibang-iba na talaga.


"Kailangan nating mag-usap ... lahat tayo."


Napalingon ang buong klase kay Sapphire nang sinabi niya iyon. Kung dati ay punong-puno ng awtoridad ang boses niya at para bang ang lakas lakas niya sa tono pa lamang ay iba na ngayon. Para bang nag-aalangan siya sa sinabi niya at medyo mahina ngunit rinig naman ng lahat.


"Anong dapat pag-usapan? Ang pagiging wolf nyo?" malakas na tanong na isa sa amin.


"Unang-una, hindi ako isang wolf. Pangalawa—" naputol ang mga sasabihin ni Sapphire nang biglang tumayo si Abigail at nagsalita.


"Wag mo kaming lokohin Sapphire. Paano kami maniniwala sa'yo? Eh kung ikaw ang kapatid ni Hanako?! Akala mo, maitatago mo ha? Wala kang maitatagong sikreto sa klase natin, Sapphire." kitang-kita ang pagkagulat ng buong klase. "Paano kami maniniwala sa'yo kung may litrato na kasama mo si Aislinn? At paano kami maniniwala sa'yo kung lahat ng ito ay dahil rin naman sa'yo? Muntik na akong maawa sa'yo eh, muntik na kong makuha doon sa pakiusap mo na huwag ka naming iwan ni Clyde pero mukhang nagkamali ako, Sapphire. Nagpapaawa ka lang ba ngayon? Nagpapabango ka lang ba ng pangalan? Sa kalagayan mo ngayon, pinapakita mo lang ba sa amin na mahina ka at impossible kang maging wolf?"


"Masyado kang maraming sinabi, Abigail. Ako naman, may itatanong sa'yo." Wika muli ni Sapphire. "Bakit ka nasa bahay kagabi? Bakit mo pinagtangkaan ang buhay ko? Wolf ka di'ba?"


Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.


Dahil marahil sa galit ay biglang tumakbo si Abigail sa kinauupuan ni Sapphire at kung hindi siya napigilan ng kaibigan niyang si clyde ay maari niyang nasabunutan at nakaladkad si Sapphire.


"Ganyan ka na kadesperada Sapphire?! Ano yang sinasabi mong pinagtakaan kitang patayin? Hindi ko kailanman magagawa iyon! Kahit kailan wala akong ginawa na katulad ng mga pinagagagawa mo!"


"Tama na, Abi!" sigaw ni Clyde sa kanya ngunit ayaw talagang papigil ni Abigail.


"Nagsisinungaling ka pa Abigail! Talaga lang ha? Baka hindi pa nila alam ang tungkol sa iba mang pagitingin kay Sir Buendia. Tama ako, di'ba? Kaya ayaw mo rin kay Hanako noon dahil sa koneksyon niya kay Sir Buendia. Dahil naiinggit ka. Dahil mahal mo ang teacher natin."


Ano bang 'tong nangyayari?


Ilang minuto ang nakaraan at para bang nanghina ang mga tuhod ni Abigail at napaupo siya roon. Agad akong napatayo upang tulungan si Clyde sa pagpapakalma sa kanya. Nagsimulang umiyak nang umiyak si Abigail.


Kung ganon ... totoo?


Wala siyang ginawa at sinabi man lang. Basta, umiyak lamang siya nang umiyak. Pinatayo siya ni Clyde at pinaupo sa upuan niya.


May tumayo na isa naming kaklase at pumunta sa harapan. Napayuko siya habang nakapatong ang dalawa niyang kamay sa lamesa habang karamihan naman ay nakatingin lang sa kanya. Isa siya sa mga kaibigan ni Sapphire dati.


"Sa totoo lang, ayoko ng nangyayari sa klase. Nagkakawatak-watak na tayo. Para saan pa ba ang laro kung hindi naman tayo nagkakaisa? Pero pano pa nga ba tayo magkakaisa kung nasa atin rin naman ang mga kalaban?" tumingin siya sa akin. "Naiintindihan mo naman Raphael di'ba?"


Siya ang taong tumutok sa akin ng kutsilyo. Kung hindi lang ako nanlaban at kung hindi lang dumating si Gabriel ay baka napuruhan na ko 'roon.


"Gusto ko lang mag-suggest. Alam kong walang aamin na wolf. Alam nating nagsimula ang lahat ng ito kay Hanako at sa kanya rin naman siguro magtatapos. Nagsimula ang lahat sa pustahan nila Cyrus at sa laro, di'ba?"


Naalala ko muli ang pustahan nila. Ang katuwaan para kala Cyrus. Ang mapaibig si Hanako at makuha ang gusto nila. Noong una, tutol ako 'ron pero wala rin akong nagawa. Sumakay ako sa plano. Kinaibigan nila sa simula si Hanako pati na rin si Miaka na palagi niyang kasama noon.


Hanggang sa ako ang nahulog sa kanya.


"Gusto ko sanang sabihin na tutal nandirito na, mag-set tayo ng isang araw. Gabi. Dito mismo sa Laketon Academy. Isang laro para sa ating lahat. Alam rin naman natin kung saan matatapos ito at sa totoo lang, tanggap ko na. Wala na tayong kawala. Alam naman natin ang kapit ng Laketon sa pulisya at sa iba't-ibang ahensya. Alam na alam nating lahat iyan."


"Pwede bang straight to the point na lang? Ang dami mong paligoy-ligoy, leche," inis na inis na sabi ng isa sa amin.


"Iyon nga, isang laro. Para malaman kung sino ang wolves. Sabihin na nating, sa gabing iyon matatapos ang lahat," wika pa niya.


Madaming hindi sumang-ayon. Madaming natatakot at madaming naduduwag. Nagtalo-talo sila habang pinipilit ng iba ang tama para sa kanila at ang iba ay ganun rin naman. Nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan silang nagsisigawan.


Hindi pupwede iyon. Mas maliit ang tyansa na may mga mabubuhay. Kailangan mag-isip pa nang mas magandang paraan ngunit ano?


Natahimik lang ang buong klase ng pumasok ang teacher namin para sa susunod na subject.


Pagkatapos ng huling klase bago man lang ang recess ay lumalapit ako kay Sapphire. Nakaupo lamang siya roon. Walang kasama. Hindi katulad dati na napapaligiran siya ng marami. Napantingin siya sa akin a ngumiti.


"Gusto mo?" inaabot niya ang sandwhich na mukhang baon niya at sa pag-abot niya ng kamay niya ay nakuha ang buong atensyon ko ng suot niyang itim na pulseras. Itim na itim na para bang gabi. Mukhang napansin niya ang pagtingin ko 'ron. "Ah. Ito ba? Bigay sakin ni Hanako ito noon. Matagal ko na ring suot ito. Mula noong na-realize ko na sobrang sama ko sa kanya. Na dapat ay pinatawad ko siya at hindi ko sinisi kung bakit nagkaganon ang pamilya namin." Pumailalim ang tingin niya na para bang biglang nalungkot, "Kung bakit mas mahal at pinapahalagahan siya ni Daddy kaysa sa akin."


Tumango lamang ako at umupo sa katabi niyang upuan.


"May binabalak ako, Raphael. Kailangan ko ng kooperasyon mo at kung maari, pati ang iba. Yung iba na alam mong mapagkakatiwalaan talaga. Tapusin na natin 'to."


Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Tumango lang ulit ako saka tumayo, "Aalis muna ko. Mamayang uwian, mag-usap tayo tungkol dyan. Kilalang-kilala ko ang mga taong pwedeng pagkatiwalaan sa klase."


Bago ako lumabas ay muli akong lumingon sa kanya, "Totoo bang may pilay ka?"


Ngumiti lamang siya pero hindi siya sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya na para bang pinag-aaralan ang mukha niya. Mapagkakatiwalaan naman si Sapphire, di'ba? Tuluyan akong umalis upang bumili sana ng pagkain at kausapin si Blake.


Bigla kong naramdaman ang pagvibrate ng phone ko. Agad ko namang binuksan ang text message. Sa pagkabasa na pagkabasa ko palang ay napatingin na agad ako sa paligid ko. Biglang kaba ang sunod kong naramdaman.


Muli kong binasa ang text message.


Sender: Unknown number

Message: Paano kung malaman din ng buong klase ang nangyari sa inyo ni Hanako. Ang pagbubuntis at pagpapalaglag niya ng anak nyong dalawa? Tulad nila, ng mga pinagbibintangang wolves, mas titindi pa ang katibayan laban sa'yo. Binabantayan kita Raphael, mag-ingat ka.


Napalunok ako.


Muling nanumbalik ang lahat sa isipan ko. Ang pustahan nila. Ang nangyari. Ang dahilan kung bakit ako lubos na kinamumuhian ni Hanako. Nahulog ako sa kanya at gayon din naman siya. Isang gabi ... isang gabi na hindi ko makakalimutan.


Ilang beses man akong humingi ng tawad kay Hanako, hindi niya ako pinatawad. Ginusto namin iyon, sa totoo lang. Ngunit hindi ko inasahan ang magiging resulta.  Halos patayin niya ako sa isipan niya kaya bumalik muli siya kay Blake. At ang dahilan kung bakit niya ako binigyan ng puting rosas ... kung bakit labis niya akong kinamumuhian. At kung bakit isa ako sa mga taong nakalagay sa diary niya.


May ibang nakakaalam. Hindi. Hindi pwedeng malaman ng buong klase ang tungkol sa bagay na iyon. Muli kong naramdaman ang pagvibrate ng phone ko. Isa na namang text message.


Sender: Unknown number

Message: Kung gusto mong dalhin ko hanggang sa hukay ang sikreto nyo ni Hanako, ang sikreto ng matalino, masipag at akala mo'y napakabait na taong tulad mo ... kailangan mong sundin ang mga kundisyon ko.


Kailangan mong mag-isip, Raphael. Wag kang magpapadala. Kailangan ko ng umisip ng matinong paraan para maayos 'to. Tulad ng sinabi niya ... matalino ako, kaya kong makaligtas sa kung ano man 'to.


Muli kong naalala ang sinabi ni Sapphire.



MIAKA'S POV


 

"Ingatan mo si Aislinn. May binabalak na si Austin," pagbabanta ko sa kanya.


Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilibot ang loob ng kwarto niya. Ilang sandali ay nilapitan ako ni Kuro at hinagod-hagod ang ulo niya sa may paa ko. Bahagya akong umupo upang haplusin siya.


"Miaka, hanggang kailan ka susunod kay Sir Buendia at sa babaeng 'yon?" nakatingin siya sa akin nang para bang isang ama na nakatitig sa kanyang anak.


Ngumisi ako, "Hanggang sa mamatay ako."


Hindi siya nagulat sa sagot ko bagkus ay humiga siya sa kinauupuan niyang kama habang nakataas ang dalawa niyang kamay. "May pinaplano rin sila Sir Buendia kay Mr. Laketon. Kasama ka ba 'ron?" tanong niya.


"Oo. Lahat tayong lima ... kasama. Ikaw ba? Kakampi ka pa rin ba namin?" tanong ko habang nakadungaw sa bintana ng kwarto niya kung saan ko natatanaw ang labas.  Napako ang tingin ko sa isang lalaki na nakatayo sa may poste at nakatingala sa amin ... deretso sa kinatatayuan ko. Mukhang nakikita niya ako.


"Hindi ko alam. Gusto kong tapusin ang ginagawa nyo. Gusto kong sabihin sa buong klase ang tungkol sa atin pero hindi ko alam kung iyon ba ang tama. Hindi pa ko nakakaisip ng paraan para matapos na 'to at mailigtas ko siya ... kami," tugon niya habang nakahiga pa rin at hindi gumagalaw roon.


Umalis ako sa kinatatayuan ko at umupo sa gilid ng kama kung saan siya nakahiga habang si Kuro naman ay nasa mga hita ko at dinidilaan ang mga kamay niya.


"Madali lang. Gamitin mo si Aislinn at kontrolin nyo si Austin."


Naramdaman ko ang biglaan niyang pagtayo sa kinahihigaan niya at tumingin sa akin gamit ang mga mata niyang iyon. Mukhang natataranta siya ngayon. Malayo sa ugali niya.


"Delikado. Ayaw kong isugal ang buhay ni Aislinn."


"Mas delikado kung itatago mo siya hanggang sa matapos ang laro. Hindi ba may gusto kang iligtas? Hindi ba may pinoprotektahan ka?" lumapit ako sa kinauupuan niya. Tinignan ko siya sa mga mata at ngumisi ako, "Matagal na tayong sumusugal. Kailangan mo ng isugal lahat ng taya mo."


Hindi siya nakagalaw. Ni hindi ako nakarinig ng kahit isang salita sa kanya. Tila ba'y hinahabol din niya ang kanyang hininga.


"Sumusugal na ang buong 3-C. Siguro akong may mga kanya-kanyang plano ang bawat isa o grupo. Ikaw ... akala ko ba gusto mong tapusin 'to sa gusto mong paraan. Akala ko ba, sumama ka lang sa amin para pigilan ang lahat. Bakit hindi mo subukan ang sinabi ko o kaya bakit hindi ka kumuha ng ebidensya laban sa ating lahat? Marami kang pwedeng gawin." Tumayo ako at humarap sa kanya, "Natatakot ka lang talaga."


Muli kong naramdaman ang paglapit ni Kuro.


"Bakit mo ako tinutulungan? Bakit nyo hinahayaan na kasama pa rin ako sa grupo kahit na alam nyong traydor ako?" muli niyang tanong.


"Simple lang. Para sa akin, wala akong pakialam. Hindi ko lang alam kung bakit hindi sila gumagalaw laban sa'yo ... o baka may plano na rin sila?" nanlaki ang mga mata niya. "Hindi kami tanga. Hindi kami pumasok sa larong 'to para matalo mo, matalo ng 3-C o kahit matalo ni Mr. Laketon."


Yumuko ako sapat para magkaharap ang mga mukha namin.


"Kung madideklara ka ng laban. Handa ako. Pero hindi ko alam kung magiging kakampi mo ako o kalaban. May mga gusto pa akong patayin na natitirang buhay ngayon. Wala pa sa plano ko ang tumigil," muli akong tumayo nang tuwid. "Mauna na ako. Salamat sa pagbibigay sa akin ng panahon para makausap si Aislinn."


Lumabas ako ng kwarto niya habang karga ko si Kuro at tuloy-tuloy na sa labas. Sa paglabas ko ay muli kong nadatnan ang lalaki na nakatayo sa may poste. Tinitigan ko lang siya at saka naglakad na palayo.


Mukhang pamilyar siya.



Kung siya man 'yon, hindi ko alam na buhay pa pala siya.

--------------------------------------------x


 - A U T H O R ' S   N O T  E  -


JAN 26, 2014. Sa mga patuloy pang nagtatanong, bukas po ila-launch ng book ng c3chas. Iniimbitahan ko kayong dumalo sa event ng psicom sa Market Market. Ilang months man nadelay, ay ito na talaga, ipa-publish na. Sa mga nagtatanong din kung saan mabibili at kailan magiging available sa mga book stores, wala pa pong info about dyan. Ayun.

Maraming maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa! <3 Alam kong matagal ang updates, pasensiya, inaasikaso ang pagpublish ng c3chas at busy pa po sa academics.

Comments would be highly appreciated.

Salamaaat! =D

Continue Reading

You'll Also Like

16.4K 882 44
Highschool Stories #3 | Moments make memories-and entities. *** A novelette. Suffering from continuos distresses after the passing of his friend, Jim...
25.8M 641K 64
[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families...
917K 20.6K 87
SIGNED STORY UNDER DREAME! Dreame Account: GandangSora ---- Sinong hindi nakakakilala sa BLUE ORIONS? Sila lang naman ang maloloko at mayayabang na g...
82.2M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.