I Fell Inlove With The Most U...

By princesskhaleesi

160K 3.9K 240

It's all started with a DARE... She's just a simple girl. She's a nerd and everybody hates her including the... More

AUTHOR'S NOTE
Prolouge
Chapter 1:3kings
CHAPTER 2 : DARE
Chapter3: Deal
Chapter 5 : First Day
Chapter 6: First Day part 2
Chapter 7 : Holding Hands
Chapter 8:Back Hug
Chapter 9 :143
Chapter 10 : What?!
Chapter11:Ang sakit!
Chapter 12:Confused
Chapter 13 : Zach
Chapter 14: Coleen
Chapter 15: Punishment
Chapter 16: History
Chapter 17: Fall for you
Chapter 18: Last Day
Chapter 19
Chapter 19 Yes or No?
Chapter 20 : I'm yours
CHapter 21:Girlfriend
Chapter 22:Mall
Chapter 23: The jerk!
Chapter 24:Guardian Angel
Chapter 25:Guitar
Chapter 26: Dad?
Chapter 27:truth
Chapter 28: goodbye
Chapter 29: okay
Chapter 30:????
wakas
NOTE.
Tristan and Aliah
Author's Note
Author's Note

Chapter 4: Savior

4.7K 106 4
By princesskhaleesi

          Dedicated to _ilovecorina

-Coleen's Pov-

( classroom)

"Hoy!. Bilisan mo nga "

"Maghintay ka Jeremy! "

"Ang bagal mo talaga. Korina"

"Pwede bang Manahimik ka"

"Bilisan mo na kasi!.malalate na tayo sa meeting"

"Oo na Jeremy Ito na! "

"Bilisan mo na koriiiiina. Mapapagalitan talaga tayo ni Sir. James nito! "

Tinakpan ko na lang yung tenga ko. Pag pasok ko kasi sa room sigawan agad nila korina at Jeremy ang sumalubong saakin.kaunti palang kasi kami sa room dahil maaga pa.kaya okay lang sa kanilang dalawa ang magsigawan. Syempre ayaw ko na malate kaya maaga ako.

korina villanueva  ang President ng SSG. Mabait .Maganda. Matalino. Masungit. Hindi siya tulad ng iba kung classmate na bully.

Jeremy villaruel ang Vice Prisedent ng SSG. Sikat. Gwapo. Mabait. At Suplado. Silang dalawa ni korina ang laging magkasama. Kapag wala si korina wala din siya. Kapag wala siya wala din si korina.

"Hey"

Sinara ko yung libro ko.nagbabasa kasi ako kanina. Nilingon ko kung sino yung kumalabit saakin. Paglingon ko. Wow lang.isang napaka gwapong  nilalang ang bumungad saakin Totoo ba toh? . OMG!! ........

gwapo ......

hot.....

yummy

Nakakakilig...

Red lips......

Masarap kaya siyang humalik?

Hala! Ano ba itong iniisip ko?

Erase. Erase. Erase.

"Hey" nawala yung pagpapantasya ko ng kalabitin niya ako ulit.

"H-hi Nicky" sabi ko. Ngumiti lang siya tapos umupo sa tabi ko.
Nicky Rufflin Scott. Gwapo. Mabait. Yummy. Matalino. Pinsan siya ni Zach. maniwala man kayo o sa hindi sobrang laki ng pagkakaiba nila. Hindi siya playboy tulad ni Zach. Hindi siya bully tulad ni Zach. Hindi siya mayabang tulad ni Zach at marami pa. Baka abutin tayo ng bukas kapag sinabi ko lahat ng  pagkakaiba nila eh. Hahaha

"Hi" sabi niya. Ngumiti lang ako at pinagpatuloy yung pagbabasa ko. Deadma kunyari hihiji.

Ano kayang kailangan niya?.ayieee kinikilig ako ane be.

Simula kasi nung naging Student A ako ngayun niya lang ako pinansin. Tahamik lang kasi siya sa klase kadalasan babae ang lumalapit sa kaniya kaya nakakagulat na siya mismo nakikipag-usap sa katulad ko.

"Coleen Fortel right? " tanong niya. Tumingin ako sa kaniya at tumango. Tapos binaling ko ulit yung atensyon ko sa libro. Nakakahiya myghosh.

" Ang Cute mo  pala " sabi niya.ANO DAW?  CUTE DAW AKO?  OMG! NICKY NEMEN. Nakatingin parin siya saakin tapos ang lapad ng ngiti. Problema nito?. Sasagot pa sana ako ng may narinig akong nagsisigawan. Agad akong tumayo at lumabas ng room ganun din si Nicky.

"Gwapo ni Zach myghosh"

"Zayne pakiss"

"Tristan papicture"

"I love you 3kings"

"Fafa zayne, akin ka nalang"

"Ang yummy"

"Fafa"

"Pa hug Zach"

Ilan lang yan sa mga narinig ko paglabas ko ng room. Akala ko kung ano, sila Zach, Zayne at Tristan lang pala. Hindi ba sila nagsasawa sa mga pagmumukha nila?. 1st year palang sikat na sila pero bakit hindi parin sila nalalaos?. Ganun ba sila kagwapo?.

Napailing na  lang ako.

Naglalakad sila papunta saamin. Naka shades pa sila tapos nakapamulsa. ang gulo ng buhok parang bagong gising tapos naka unbotton yung Polo nila.tapos naka V-neck silang T-shirt. Nagpapacute din sila sa mga babaeng nagtitilian. Yung totoo papasok ba sila o magpophotoshoot?.  Kaloka tong mga toh .buti nalang wala si korina dito umalis kasi sila kanina ni Jeremy dahil may meeting sila, kung andito lang si Korina pinaghahampas niya natoh .ang sungit pa naman nun pagdating sa rules ng school.

Pumasok nalang ako sa room.sumunod naman si Nicky na bored na bored yung mukha siguro nagsasawa na siya sa mukha ng pinsan niya. Gusto ko sanang tanungin si Nicky kung anong kailangam niya saakin kaso bumalik na siya sa upuan niya.

Mayamaya pa pumasok na rin sila Zayne at umupo na sa pwesto nila. Hindi ko na lang sila pinansin baka pagtripan na naman nila ako. Simula kasi nung Deal namin ni Zach hindi  ko  na sila pinansin. Dumating na din si Mr. Dela Cruz ang Science teacher namin kaya nakinig na lang ako sa mga pinagsasabi niya.

--------------------------



"SLAVEEEEEEEEE!!!!!!!!!!! "

Bakit ba puro sigawan ang nangyayari ngayung araw?. Halos mabingi na ako sa sigaw nila Athena at Troy ng ikwento ko sa kanila ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Section B kasi silang dalawa kaya minsan lang kami magkaroon ng time para magbonding.

Andito kami ngayun sa canteen. Nakaupo si Athena sa tabi ni Troy ako naman sa tapat nila.

"Pwede bang wag kayong sumigaw" sabi ko sa kanila na hanggang ngayun gulat na gulat parin.

"Ikaw naman kasi eh, binigla mo kami " sabi ni Athena. Natawa n lang ako. Ang Ang OA niya talaga

"So, wala pang sinasabi si Zach kung kailan umpisa ng Dare" Troy asked. Tumango na lang ako. Kailan nga ba?.

"Ang sama talaga ng Zach na yan" sabi ni Athena. Oo nga kainis siya.

Magsasalita pa sana si Troy ng may biglang dumating na maganda at sexy na Babae. Lumapit siya Kay Troy sabay haplos sa pisngi ni Troy.

" Hi babe" wika nung magandang babae. Teka lang.... Familiar siya saakin.... Saan ko ba siya nakita?.
Isip. Isip. Isip. At Ting! Oo tama siya nga yun. si SARAH LICUDAN classmate ko nung 2nd year .siya din ang President ng Art club.

"Hello babe" sabi ni Troy. Sabay kindat. Tsk .playboy talaga tong loko na toh. Biglang tumayo si Troy tapos tumingin saamin na kanina pa masama ang tingin sa kaniya.

"Guys, sama lang ako sa kaniya ha" paalam ni Troy. Tumango na lang kami tapos inirapan siya. Umalis na silang dalawa. Hayy!  Hindi ko lubos maisip kung bakit namin siya naging bestfriend. Napaka playboy niya kainis lang.

"Order na tayo Coleen" sabi ni athena. Oo nga pala kanina pa kami andito pero hindi pa kami nakaka order. Sinabi ko Kay athena na ako na ang o-order. Tumayo na ako tapos pumunta na sa counter.

"Excuse me po " sabi ko. Ang dami kasing estudyanteng nagkakagulo sa canteen. Yung iba nagtutulakan pa yung iba naman nagsisikuhan. Akala ko ba mayayaman sila bakit gutom na gutom yata tung mga toh?. Well, I can't blame them 30 minutes lang ang breaktime kaya wala ng time para lumabas ng school.

"Aray! " sigaw ko. May tumapak kasi sa paa ko. Ughh ang sakit kaya tapos Pawis na pawis na ako ang init kasi .pinaypayan ko na lang yung sarili ko gamit yung kamay ko.

"Arayyy!! " sigaw ko ulit ng may umapak ulit sa paa ko. Grabe yung heels ni ate ang sakeeet.

" TABI!!! " rinig kung sigaw

Biglang nanahimik yung canteen na nagmistulang palengke kanina dahil sa ingay ng mga estudyante. Nakakalanghap na rin ako ng hangin dahil pumunta lahat ng estudyante sa gilid. Whooooo nakahinga ako ng maayos. Tiningnan ko ang paligid lahat sila nakatingin saakin ngayun ko lang napagtanto na ako na lang pala mag-isa sa gitna. Tapos tumingin ako sa harap ko nakita ko sila.... MY GOODNESS...

Zach

Zayne

At

Tristan

Nakatingin sila saakin

Huhuhu nakakatakot .

Kaya pala biglang tumahimik yung canteen....... Andito pala ang tatlong hari.

Nakatingin parin ako sa kanila ng maramdaman kung may humawak sa braso ko. Tiningnan ko kung sino yun......  Si Jeremy .hihilain niya na sana ako ng biglang nagsalita si Zach.

"Don't touch her " sabi niya. Pero hindi parin ako binibitawan ni Jeremy. Naramdaman kung may humawak sa kabilang braso ko at hinigit ako kaya nabitawan ako ni Jeremy.

Anong Problema ni Zach? Bakit galit na galit na naman.

"I said Don't touch her !" sabi ni Zach .mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya saakin

"I'm sorry " sabi ni Jeremy ng na kayuko.bakas sa kaniya ang takot. Ikaw b naman sitahin ng apo ng may ari ng academy hindi ka matatakot.

Bakit siya nag so -sorry eh wala man siyang ginawa?.

"Wag ka saakin mag sorry sa kaniya " sabi ni zach sabay turo saakin.

Wala namang ginawa si Jeremy ah. Problema ba nito ni Zach?.

"I'm sorry  Coleen" sabi ni Jeremy. Sinabi niya din saakin na ginawa niya lang yun dahil nakaharang ako sa daan ng 3kings .naalala ko na naman yung First day.

"It's o----" hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng biglang sumigaw si Korina. Oh-oh..... Lagot! 

"What's happening here!!!! " she exclaimed. Naku po!!!  Nagiging dragon na naman si Ms. President.baka mamaya masunog na kami dito. Dahil kapag ginalit mo siya isa lang ang lalabas sa bibig mo 'Lagot'. Agad na nagsitakbuhan yung mga estudyante .see? at okay kami na lang anim ang natira. Zayne, Zach, Tristan, ako, Jeremy, and korina.

" korina" sabi ni Zach na nakahawak padin sa braso ko.

" Yes, Mr. Scott" sagot ni korina. Nakataas pa yung kilay nito grabe nakakatakot siyang magalit. Katakot. Magsasalita sana si Zayne na nakatayo sa tabi ko habang nasa tabi naman ni Zach si Tristan ng lapitan na ni Jeremy si korina para ipaliwanag yung mga nangyari.

"Let's go " sabi ni Zach. Sumunod naman saamin yung dalawa.

Kinaladkad ako ni Zach papunta  Kay Athena na hanggang ngayun gulat na gulat parin yung itsura.magpapasalamat pa sana ako kahit hindi naman dapat ng makaalis na silang tatlo. Umupo na lang ako at tiningnan si Athena na abot langit na ngayon  ang ngiti problema nito.

"Ayieeeeeeee,  pumapag-ibig ka na ha. kinikilig tuloy ako " she said.

I rolled my eyes. tsk.

Continue Reading

You'll Also Like

661K 14.7K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
83.3K 1.6K 27
Five Individuals and One Island, isang storya na pumapatungkol sa limang tao na may iba'-ibang katangian. Iba't-ibang katangian na siyang susubok kun...
71.8K 4.6K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
15.2K 455 7
Nagawa o naramdaman mo na ba ang..... - Mapa-"What do you mean" sa pagbabasa ng Bible? (may tono 'yon ah, yung kanta ni JB) - Tamarin magdevotion? ...