WARNING: ang mga susunod na pangyayari ay lubhang nakakaiyak! paumanhin mga readers kong mahal.
Chapter 3
Nasa paanan na kaming lahat ng bundok. Naghihintay ng hudyat ni Kuya Rene kung aakyat na kami. Kausap pa ni Kuya Rene ang isa pang tour guide na makakasama rin namin sa pag-akyat. Halos kasing edad lang din namin ang lalaki. Siguro matanda lang ito ng mga dalawa o tatlong taon. Nagtatalo ba sila? Bakit naman?
Rene: tara na ho.
Pagkasabi no’y umakyat na kami.
Narinig ko pa si Kiray na nagsabing “LET’s start HELL”.
Medyo madulas ang lupa. Umulan ba??
Dj: Kath kumapit ka ng maigi sa mga sanga para di ka mahulog.
Nasa likod ko siya. Inaalalayan ako. Ito ang hilig ni DJ..ang mountain climbing.
Madilim na nung magsimula kaming umakyat, ngayon paputok na ang araw pero sa tingin ko wala pa kami sa kalahati.
Huminto kami saglit para magpahinga, iniabot ko kay Dj ang tubig atbimpong dala ko.
Dj: Salamat
Diego: Kuya rene, malayo pa ba tayo???
Rene: Medyo Sir...
Medyo?? Bakit parang wala ng maramdaman yung mga binti ko tapos medyo????Medyo pa lang??? Nakakainis.
Dj: Pagod ka na??
Kath: Konti.
Ngumiti siya. Hay nako...tanggal ang pagod ko. CHOZ!
Nakita kong tiningnan niya ang leeg ko.
Dj: Asan yung necklace mo?
Kath: Nasa bag, naputol kanina eh, baka naman dito pa mahulog kaya itinabi ko na muna.
Nilapitan ni Dj si Ambo para kausapin. Madaling naging close ang mga ito.
After that sumenyas na si Kuya Rene na ituloy ang paglalakad.
Medyo sumasama ang panahon. Umaambon ambon ng magsimula na ulit kaming maglakad kaya naging mas mahirap ang pagakyat.
Nakaalalay pa rin sakin si Dj. Minsan nga akala ko guglong na ako pababa ng hilahin ni Dj ang back pack ko.
Dj: Ako na nga magdala niyan.
Kath: Ako na. Ang dami mo na ngang dala eh.
Nakita ko sila Julia, sobrang hirap na rin sa pag-akyat. Halos mamula na ito sa pagod.
Diego: Kuya Rene...malapit na ho ba tayo?
Rene: Malapit lapit na ho...
Kiray: Utang na loob!!! Napasigaw na talaga ito. Ulan tumigil ka!!!!
Nangingiti kami.
Hirap na kaming lahat. Mas lalo kasing lumalakas ang ambon.
After 30 minutes natanaw na rin namin ang tuktok ng bundok. Parang gusto kong maiyak. Ito pala yung fullfillment na sinasabi. Napaluhod kaming lahat ng marating ang tuktok. Grabe.
Napahiga si DJ sa damuhan. Masaya ako dahil kitang kita ko kung gaano siya kasaya sa bago naming achievemnt. Kinuha niya ang camera niya at lumapit saakin.
He tooked a picture of us. Dagdag na naman sa mga na-achieve namin together. Niyakap niya ako.
Dj: Isn’t it wonderful???
Kath: Yes it is.
Niel: Ahem....picture picture na!!!!
Tumawa kaming dalawa.
Si Kuya Ambo ang nagpicture saming lahat. Sobrang saya. Hindi puchu puchu ang trip na ito. Ibinigay namin ang buo naming lakas para dito.
Binigyan kami ng halos isang oras para magpahinga bago bumaba.
Lauren: Grabe no..halos 8 hours nating inakyat tapos nagyon bababa na tayo.
Julia: Oo nga eh..kaya bilib ako sa mga mountaineer...grabe!
Kiray: tama..kung pwede na lang akong pagulungin pababa eh no...
Kath: Pwede naman Kiray...ano try natin??
Nagtawanan kami.
Kiray: Patola ka Kath..
Yen: Sige na.
Kiray: Tigilan niyo ko gurls..sabay tumayo siya at pumunta kay EJ.
Nagtatawanan parin kami.
Tinawag kami Kuya Ambo para sa isang mahalagang announcement.
Maggroup kami into two para mas mabantayan ang lahat.
Yung isang team kay Kuya Rene at yung isa kay Kuya Ambo.
Kay Kuya Rene sina Julia, Diego, Albie, Lauren, Niel at Yen. Sa team naman ni Kuya Ambo, ako, si DJ, si Kiray at Ej. Medyo kailangan kasi na mas kami ang konti dahil si Kiray eh medyo lampa.
Umalis saglit si Kuya Rene at Kuya Ambo. Nakita namin sila sa di kalayuan na naguusap. Parang nagtatalo ulit? Ano kaya yun.
Ambo: Mga kasama, kailangan na nating bumaba. Medyo hindi maganda ang panahon. Mas magiging delikado kung maabutan pa tayo ng ulan at ng dilim. Tara na.
Kiray: grabe...lakad again??
Ej: Kaya muyan Vanilla...
Nagsimula na kaming maglakad. Nauuna ang team nila Kuya Rene pero hindi naman ganoon kalayo ang agwat. Medyo lumalakas na nga ang ulan. Mas nagiging mas mahirap ang pagbaba na dapat ay mas madali. Isang maling apak lang kasi ay pwede kang bumulusok pababa at masaktan. Matindi ang pagkahawak sakin ni DJ. Todo alalay siya sa akin.
Dj: Kuya Ambo...malayo pa ho ba tayo???
Ambo: Malayo pa. Hindi pa tayo halos nakakakalahati.
Halos limang oras na kaming pababa ng magtanong ulit si DJ
Dj: Kuya, ano malapit na ba??
Ambo: halos kalahati na tayo.
Tanaw ko pa rin sila Julia.
Lumakas ang ulan at ang hangin.
Halatang kinakabahan na si Kuya Ambo.
Ambo: Guys kailangan nating magmadali.
Kath: Bakit ho??? Nag-aalala kong tanong.
Ambo: Ito ang parte ng bundok na madalas gumuho sa tuwing umuulan.
Dj: Ganoon ho ba???
Nakita naming nakatigil sila Julia.
Hindi na madaanan ang dinaanan namin kanina dahil may gumuhong lupa na sa gawing iyon. Kinakabahan ako.
Kumapit ako ng mahigpit kay DJ.
Tumigin sya sa akin.
Dj: Don’t be afraid. Hindi ko hahayaan mapahamak ka. Trust me.
Ngumiti lang ako. Kahit anong kaba na ang nararamdaman ko, mula ng sabihin sakin ni Dj na wag akong magalala, nawala ang takot ko.
Nakita naming nagtatalo si Kuya Rene at Kuya Ambo.
Lumapit si DJ at Diego.
Ambo: Sinabi ko sayong wag mong paakyatin ang mga bata dito. Delikado. Parang hindi mo kilala ang bundok na ito.
Rene: Maganda ang panahon kanina bago kami umakyat!
Ambo: Hindi pa rin tamang itinuloy pa ang pag-akyat. Sabi mo kasi sa akin kanina na chineck mo ang lagay ng panahon.
Umupo lang si Kuya Rene.
Nasa isang maliit kaming kweba noon. Pinapalipas ang malakas na ulan.
Ambo: Pasensya na kayo kung nalagay namin ang mga kaligtasan niyo sa alanganin.
Dj: Gaano ho ba kadelikado???
Ambo: Sobrang delikado.
Lahat kami ay natakot. OMG!......napatingin ako kay DJ. Bumakas ang sobrang pag-aalala sa mukha niya.
Nagumpisang magpray si Yen. Ako rin tahimik na nagdarasal. Hindi maaring may mapahamak sa amin kahit na sino. Ayoko.
Tahimik ang buong kweba ng maramdaman kaming isang pagyanig.
Nagsigawan kaming mga babae. Napayakap ako kay DJ.
Napatayo si Kuya Ambo at Kuya Rene.
Rene: wag kayong gagalaw. Pumirmi kayo sa kinauupuan ninyo.
Lumabas si Kuya Rene.
Halos lahat kami ay kiinakabahan na. Magkayakap kami ni DJ. Nakapikit ako ng mariin.
Nagulat kami ng patakbong bumalik si Kuya Rene sa kweba.
Rene: Kailangan nating umalis sa kwebang ito. Matatabunan tayo ng gumuguhong lupa bilis!!!
Mabilis kaming tumayo at lumabas. Hindi na namin masyadong inisipa ng ibang pares. Lumabas na kami ni Dj kasunod nila kuya Ambo palabas.
Hila hila ako ni DJ habang pababa ng bundok. Hindi ko na halos maramdaman ang mga gasgas sa balat ko dulot ng mga nakausling mga sanga ng punong kahoy. Basta tumatakbo na kami pababa.
Halos kasabay lang din namin sila Albie. Sa tingin ko parang mapapatid na ang hininga ko sa sobrang pagod. Pero wala akong karapatang tumigil at magpahinga, buhay at kaligtasan namin ang nakasalalay dito.
Sa wakas narating na rin namin ang safe na parte ng bundok.
Ambo: Guys dito na muna tayo. Safe na tayo dito. Magpapahinga lang tayo tapos pwde na ulit tayong bumaba.
Medyo humihina na ang ulan.
Kami nila DJ, Albie, Lauren, Diego, at Julia, kasama si Kuya Ambo ang nakarating sa lugar na iyon.
Nagulat ako ng tumayo si DJ.
Dj: Asan na sila Niel??? Tanong ni DJ kay Diego.
Diego: Kasunod lang namin.
Biglang gumalaw ang halaman at iniluwa noon sina Niel at Yen...kasunod si Kuya Rene.
Julia: Ayan na pala eh.
Diego: Asan na sila Kiray Niel??
Nagulat si Niel. Tumingin sa likod at...
Niel: Huh?? Wala pa ba dito???
Kinabahan na kaming lahat.
Ambo: Rene wala ka na bang kasunod??
Rene: Sila na ang mga huli kong nakita.
Bumakas sa aming lahat ang takot at kaba.
Dj: Ano ho??? Pero wala pa ho sila. Delkado na ho. Pasigaw na iyon.
Diego: Kuya, anong gagawin natin?
Ambo: Babalikan ko sila.
Tumayo ito. Hawak ko ang kamay ni DJ.
Dj: Sasama ho ako. Hindi ko ho kayang isipin na may nangyari ng masama sa kanila.
Mali man pero pinigilan ko siya.
Kath: Ipaubaya mo na lang...delikado diba? Naiiyak ako.
Hinawakan niya ang mukha ko.
Dj: Kath...kaibigan natin sila...kailangan nila ng tulong ko.
Kath: Pero DJ......
Dj: Trust me. Okay????
Naiyak ako.
Kath: DJ........wag na,,,
Ambo: Dj wag na...ako na lang...Rene ibaba mo na ang mga bata.
Dj: Sasama ho ako!
Kath: DJ!!!!!!!
Dj: Kathryn....please...sumama ka na kina Kuya Rene.
Diego: Sasama rin ho ako.
Julia: Deigo!!!
Diego: No buts Juls.....they need us...we want to prove what “friendship” truly means...
Niyakap ko si DJ.
Kath: Magiingat ka. Promise??
Ngumiti lang ito.
Dj: I love you. I’ll come back promise.
Kath: I love you.....
Diego: Albie, Niel kayo na bahala kina Kath at Julia huh.
Albie: hindi niyo na ba kami kailangan ni Niel? Willing din kaming sumama.
Dj: No pare. Kailangan kayo ni Kuya Rene. Kami na lang tatlo. Pare, si Kath kayo na bahala.
Pagkasabi no’y hinalikan niya ako at umalis na.
Hindi ko talaga alam kung anong mararamdaman ko. Gusto kong umiyak pero parang ayaw lumabas ng luha ko. Sobra ang kabang nararamdaman ko.
Magkahawak kami ni Julia ng kamay. Pareho kami ng nararamdaman.
Niel: Wag na kayong mag-alala...wala ba kayong tiwala sa mga superhero niyong boyfriend???
Nakangiti siya.
Ngumiti lang ako pero hindi ko parin maiwasang hindi mag-alala. Malapit na kami sa paanan ng may maramdaman na naman kaming pagyanig. Mas malakas iyon. Napaigtad kaming lahat at napatakbo pababa.
Sa wakas nasa baba na kami. Gusto kong umiyak pero ayokong mag-isip ng masama. Napaupo ako sa damuhan at we all prayed. Julia was started crying. Ayokong magpaapekto. Kahit gusto ko ng takbuhin pataas para lang masigurong walang nangyari kay hindi ko magawa. Manhid na ang mga bint ko. Manhid ang buo kong katawan
Walang ngyaring masama sa kanila. Walang mangyayari. Hindi pwedeng mapahamak ang isa sa kanila lalong lalo na si DJ...no....mamamatay ako.
------------------------------------Umiiyak din ako nung sinusulat ko ito. Ikaw anong reacksyon mo sa chapter na to????