Fallback Girl : Days to Fall...

By TheCatWhoDoesntMeow

631K 23.9K 5.7K

You're my inevitable fall. - Hannah Aldea Milano More

Copyright
Read Me First!
Signature
Hannah Aldea Milano
(-) Day 06 : JT
Day 10 : Rude
Day 17 : Mad
Day 17 : Escape
Day 21 : Safe
Day 21 : Silence
Day 22 : Slip of the tongue
Day 25 : Full moon
Day 27 : Cruel
Day 27 : Gentle
Day 35 : Oblivious
Day 35 : Overheard
Day 36 : Trigger
Day 37 : Missing words
Day 38 : Lipstick
Day 42 : Indecision
Day 42 : Which is which
Day 42 : Conflicted
Day 45 : Amiss
Day 47 : Questions
Day 47 : Indirectly
Day 56 : Making sense
Day 56 : Crossing the line
Day 57 : Tremble for me
Day 57 : Hold me closer
Day 58 : Who finds you first
Day 59 : Estranged
Day 63 : When it's over
Day 64 : Breaking
Day 65 : What I long to say...
Day 65 : Eyes on you
Day 65 : Melt
Day 66-67 : Unworthy
Day 84 : More than just a kiss
Day 85 : After
Day 85 : To keep you
Day 86 : Backseat
Day 353 : Find you
Day 353 : Sleep
Day 354 : Meet

Day 41 : Tamed

13.2K 554 166
By TheCatWhoDoesntMeow

Tamed
-----

Nagmamadali akong tumakbo papasok sa banyo. Mabilis humakbang si JT. Siguradong mayamaya lang ay nasa pinto ko na siya. I don't want him to see me na sabog ang buhok at oily ang mukha—up-close. Dahil, well, nakita na niya kanina sa bintana pagsilip ko.

He had already seen me in different shameful state pero madalas naman do'n ay lasing ako. Ayoko naman na pati kapag matino ako ay parehong kasabugan ko pa rin ang makikita niya.

I immediately checked my face in the bathroom's mirror. It's swollen. Prone na tumaba ang pisngi ko at magmukhang siopao pagkagising kapag puyat ako. At madalas akong puyat.

Mabilis akong naghilamos, nagsepilyo at nagsuklay. Pag-ring ng doorbell ko, may ilang segundo pa 'kong huminga nang malalim.

Pinagbuksan ko ng pinto si JT.

Ngumiti agad siya nang makita ako. Ngiting... nakakaasar.

Sumimangot ako.

"Ano?"

Sa halip na sumagot, lumapit pa siya sa'kin. Pinahid niya ng likod ng palad niya ang kung anumang nasa may panga ko.

"May bula," sabi niya. "Nagmadali ka?"

Pinalis ko ng palad ko ang dinantayan ng kamay niya.

"Hindi," tanggi ko at tumikhim. Hindi naman traydor ang boses ko, 'di ba? Wala namang distinct na tono ang mga taong nagsisinungaling.

"Yeah," dismissive na sabi niya.

Pinigilan kong rumolyo ang eyeballs ko.

"Kain na tayo," aya niya at naglakad tuloy sa kusina ko.

Sinundan ko siya.

Inilapag niya sa mesang kainan ang paperbag ng pagkain at naghalungkat sa kusina. Nakita niya ang kinalalagyan ng plato at mga kubyertos bago pa ako makalapit. Tahimik ko siyang tinulungan sa pagbubukas ng mga food containers at paghahain. He brought fried food, java rice, at soup. Naupo kami pagkatapos.

We ate in silence. Nagsusulyapan lang kami.

Hindi naman ako naiilang. JT is the only person I could tolerate being silent with. Namumungay na ang mata niya sa antok. Ang tamlay na rin niya ngumuya.

"Eat up," pansin niya. "Kumain ka kaysa tinititigan mo 'ko."

Sumimangot ako. Ngumiti siya.

"What did I tell you about looking at me like that, ha, Pagong?" nangungulit na tanong niya.

Napa-tss lang ako.

Tumitig siya sa'kin. "Do you really want me to fall for you?"

Nangunot ang noo ko. I'm torn between bickering with him or discarding his words again. But if he intend to make my heart beats faster than usual... he's effective.

"Assuming, ha?" ani ko.

Mahina lang siyang tumawa. Hindi ko naman mapigilang panoorin siya. Nakakawili kasi e.

"Eat up," sabi lang niya uli.

"Eat up e ikaw nga ang hindi masyadong kumakain," sabi ko.

Humihigop na lang siya ng kape niya.

"Hindi ko na kayang kumain nang marami. I badly want to close my eyes," sabi niya.

"Mukha nga," sang-ayon ko. Parang pipikit na siya anytime.

Hindi ko siya masabihang umuwi na para magpahinga. Ayoko siyang mag-drive nang inaantok. Pero hindi ko rin mai-offer ang unit ko.

Nang matapos akong kumain ay iniligpit ko ang mesa. Inilagay ko ang natirang pagkain sa ref.

"So..." I don't know what to say. Magsi-six thirty pa lang ng umaga at ayoko siyang itaboy.

Matipid ang ngiti niya. Nilalaro ng hintuturo niya ang lid ng takeout na kape.

"Do your thing, Hannah," sabi niya. "Maghahanda ka na para pumasok?"

"Well... maaga pa," sabi ko. "But since I can't go back to sleep, I might as well continue reviewing our script."

Tumango lang siya at tumayo. "I'll borrow the couch."

"Huh?" Sinundan ko siya nang maglakad siya papunta sa sala ko at maupo sa couch.

"Inaantok na 'ko. Makikitulog," sabi niya.

Again, there's no question asked. He will use the couch and he's notifying me.

Pinanood ko siya nang subukan niyang humiga roon. The couch was a three-seater but it's suited for small spaces. Hindi siya kasya.

"Do'n ka sa kama ko," sabi ko sa kanya. "Hindi ka komportable diyan."

"Sure? Ikaw?" tanong niya.

"Hindi naman na 'ko matutulog," sabi ko.

Tumayo uli siya para pumasok sa kwarto ko, pero humarang ako sa pinto.

"Wait!" Nakatingala ako sa kanya.

"What?"

"Aayusin ko muna 'yung higaan," sabi ko.

Nailing lang siya at nilampasan ako. He didn't even check my room. Natuon agad ang mata niya sa kama.

Nangunot lang ang noo ko. Halos mahulog sa kama ang kumot na inalisan ko. Gusot ang bed sheet. Nakakalat ang tatlong malalaking unan.

"Magulo pa nga kasi," sabi ko.

"It's alright," sabi lang niya at sumulyap sa'kin.

Inayos niya ang pagkakalilis ng sleeve sa siko niya. Pagkatapos, inisa-isa niyang tanggalin ang pagkakabutones ng polo niya.

Wait. Hindi naman siya natutulog nang hubad, 'di ba?

"Hey... Bakit ka naghuhubad—"

He stopped unbuttoning his shirt. Nakakaloko siyang ngumiti.

"Hindi ako maghuhubad, Hannah," sabi niya.

Apat na butones lang ang natanggal. Just enough for me to see his broad chest.

Napalunok ako habang nakatingin.

Niyakap niya ang sarili niya at malisyosong tumingin sa'kin. "Ano'ng binabalak mong masama, Hamon?"

"How dare you insinuate..."

Umangil ako kasabay ng pamumula ng pisngi ko. Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Humalakhak naman siya, lumapit sa'kin, at ginulo ang buhok ko.

"You're cute," aniya bago pumihit at mag-dive sa kama ko. Dumipa siya. Huminga nang malalim. "I can sleep here."

"Oo! Iyong-iyo ang kama."

"Kama mo lang ang akin?" nanunuksong tanong niya at tumihaya.

Namaywang ako. Kapag nailang na naman ako, pagtatawanan na naman ako ng baliw na lalaking 'to.

"Ano pa ba dapat?"

Lumapad ang ngiti niya. "Unan din. Akin muna."

Nailing ako at pinanood siyang kunin ang isang unan.

"Sandayan mo?" tanong niya.

"No. Kayakap ko," sabi ko.

"Oh. Tulog na 'ko, Hamon," sabi niya.

"Komportable ka na?" tanong ko. "Gusto mo lakasan ko ang air-con?"

"No. It's fine."

Lumapit ako sa paanan ng kama at kinuha ang kumot. Tiniklop ko.

"Wake me up kapag aalis ka na. Ihahatid kita sa station," sabi niya. Nakatingin.

"Okay. Rest well."

"I will."

Tumagilid siya at mahigpit na niyakap ang unan na madalas ay kayakap ko. Itinago niya ang mukha niya roon. Bumuntonghininga siya. Then I vaguely heard him say something. Muffled ng unan.

"What did you say?" tanong ko.

Pero hindi na siya sumagot.

***
By nine in the morning, tumawag ako sa opisina para sabihing mali-late ako. Hindi pa kasi nagigising si JT at ayokong istorbohin ang tulog niya.

Nang lumipas pa ang labinlimang minuto ay bumalik ako sa kwarto para i-check siya.

Nakalatag talaga siya sa kama ko. Yakap niya sa isang braso ang unan ko habang humihinga nang malalim.

Lalabas sana ako uli nang mapansin kong naiipit ng unan sa ulo ni JT ang isa sa mga bra ko. Soft-pad iyon. Pambahay. Hindi katulad nitong suot ko.

Natutop ko ang bibig ko sa muntikang pagtili.

I couldn't let him see it! Luma na 'yun at floral!

Dahan-dahan akong lumapit sa kama, naupo sa tagiliran niya, at maingat na dumukwang para hilahin mula sa ilalim ng unan ang bra.

Hindi ko mahila! Katakot-takot ang panalangin ko na sana ay hindi magising si JT.

Pikit-mata sana uli akong maghihila nang gumalaw ang tulog. Natigilan ako. Tumagilid siya.

I checked if I woke him up. Tulog pa naman. Hanggang sa napatitig ako.

Ngayon ko lang napansin na may maliliit na tubo ng facial hair sa baba niya. May maliit siyang nunal sa panga. Mahaba ang pilikmata niya. Makapal ang kilay.

I watched him breathe softly through slightly parted lips. Napaka-unguarded niya kapag tulog. Walang bahid ng pagka-antipatiko.

He looks tamed.

I held my breath. Ayoko ng nararamdaman ko sa dibdib ko. Lately, he's getting control of my heartbeats.

He makes me scared of myself.

"Why are you staring, Hannah?" tanong niya.

Hindi ako makasagot. Lalo na nang marahan niyang imulat ang mga mata niya at tumitig sa'kin.

"Gigisingin sana kita..." sabi ko. Halos mawalan ng boses.

"You won't. You're staring."

Tama siya. I couldn't lie again to save face.

Naghinang ang mga mata namin.

"Do you really want me to fall for you?" maamo niyang tanong sa'kin.

Napalunok lang ako. Nakakulong ako sa lalim ng mga mata niya.

"Do you want to fall for me?" tanong niya uli.

I don't like him asking things like that. It makes me uneasy. Nalilito ako kung paano iiwas. Nagkakarambola ang mga salita at rason sa isip ko.

Kaya tumitig lang ako.

Pumitik ang sandali. Alam kong habang mas tumatagal ang pagtitig namin sa isa't isa, mas awkward sa unang magbabawi ng tingin.

At hindi maaasahan ang isip ko ngayon sa paghabi ng rason.

Sinapo niya ang pisngi ko at mahinang pinisil.

"It's okay. I lost," sabi niya at ngumiti.

"Huh?" halos hindi lumabas sa bibig ko ang maliit na tunog.

"Give me a few minutes to make myself a little presentable. Ihahatid kita sa station."

Tuluyan siyang bumangon at nag-stretch. Saka walang lingon-likod na lumabas papunta sa banyo. # 1223h / 09292016

Continue Reading

You'll Also Like

65.6K 1.1K 19
© 2023 ALL RIGHTS RESERVED
1.6M 78.2K 18
(Yours Series # 3) Kelsey Fuentes thought that after her failed experience in marriage, she would never dare try again. She was contented with her wo...
426K 20.6K 45
Completed September 2022 Xera Thompson -Yung mayaman ka at sobrang ganda pero binasted ka ng first love mo. -Yung ikaw ang pinaka maarte, baby, at...
534K 16.5K 49
Moon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa k...