Day 57 : Tremble for me

12.7K 546 151
                                    

Tremble for me
-----

Maingat kong hinawi ang manipis na kurtina sa bintana ng apartment ko at singkit ang mga matang sumilip sa tapat ng building. Nakasandal si JT sa tagiliran ng kotse niya habang nakahalukipkip. I knew that he arrived twenty minutes ago. Since then, I tried to calm down but nothing's working. Bihis na 'ko pero hindi pa 'ko handang humarap sa kanya.

Kahit sabihin ko sa sarili kong he's the same JT I've been with a few times, my heart couldn't help but beat like a maniac. Kahit isipin kong para 'to kay Papa, naduduwag akong lumapit sa kanya uli.

I could still hear his confession in my ears. I could still feel his lips on my lips. Heck, I was still trembling because of him.

A thousand scenarios played in my head. Paano ako haharap sa kanya? Paano ko siya babatiin pagbaba ko? Paano kapag magkalapit na kami? Paano kung gaya ng sabi niya ay halikan niya lang ako bigla? Worst, paano kung ako ang manghalik?

I almost jumped when the phone in my hand rung. Si JT. Tinitigan ko lang ang pagri-ring. Humawi uli ako sa kurtina. Sumilip uli.

Nag-angat siya ng tingin sa bintana ko at nagtama ang mga mata namin. Matipid siyang ngumiti at sumenyas para bumaba na ako.

Binitawan ko ang kurtina.

Great. He saw me.

Tatanggapin ko na lang siguro na matataranta ako buong araw habang kasama siya. Sisikapin ko na lang na mamanhid at 'wag madala sa mga gagawin o ipapakita niya. Si Papa na lang ang iisipin ko. Not him or Zig or my stupid heartbeat.

I bravely went out of my apartment, marched down the stairs like a trained soldier, and faced the war of feelings inside me when JT's eyes met mine.

I stopped walking because he was looking at me. I swallowed nothing dahil tuyo ang bibig ko sa kaba.

Tumuwid ng tayo si JT at binuksan ang pinto ng passenger seat. Ikiniling lang ang ulo niya bilang paanyaya.

Dire-diretso akong naglakad at lumampas sa kanya. Naupo ako sa sasakyan. Isinara niya ang pinto, umikot siya, at naupo sa driver's seat.

Tuwid ang tingin ko sa harapan. Nawawala ang paghinga ko sa loob ng kotse dahil kay JT. Lahat ng maliliit na bagay, napapansin ko.

The car hinted of a masculine cologne mixed with the car's freshener. Malamig ang aircon. And why the hell did I wear a stupidly green and soft dress like this? The softness of the fabric made me feel vulnerable. Dapat nag-jeans na lang ako.

I wanted to cry. In less than an hour, I was getting tired of all the emotions inside me.

Bakit kasi kung anu-anong sinabi ng lalaking ito sa'kin? He told me to think of him and his kiss and now everything's about him.

"You made me wait, Hamon," untag niya.

Suminghap ako ng hangin. Nababaliw na nga ako. His voice sounded so good in my ear. Why was I feeling like a love-deprived idiot?

I've been had real bad. Was I really this stupid?

Sa tagiliran ng mata ko ay nakita kong nagbiling ng ulo sa gawi ko si JT. Tapos, nagsimula siyang lumapit nang malapit... na malapit... na malapit.

Oh boy! Was he really going to... to kiss me again?! Agad-agad?

My body froze. He stopped when he's but a few inches away from my face. My throat felt dry as hell. My soul felt like escaping out of my body. Gusto kong manawagan para 'wag akong iwan ng malay-tao ko.

Naramdaman kong gumalaw ang kamay niya sa tagiliran ng upuan ko habang magkahinang pa rin ang mga mata namin.

Hindi kaya..?

Fallback Girl : Days to Fall (Chat MD Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon