Day 56 : Making sense

12.3K 526 254
                                    

Making sense
-----

"Nasa bar na raw sina JT at mga kasama niya. Hindi na pupunta si Deo," sabi ni Zig sa'kin habang nasa loob kami ng grab car. Bawal pa siyang mag-drive.

"Mga kasama niya?" usisa ko.

"Si Dara, his date. At kaibigan niya raw na kauuwi lang—si Ash."

I remembered JT mentioning Ash' return. Nakauwi na pala.

Naiinis na naman ako. Mula nang bumalik ako sa shoot no'ng Miyerkules, wala na 'kong narinig kay JT. Hindi niya sinasagot ang mga messages at calls ko. He said he would be busy but that was too much. Kahit seen, wala. Kahit hi o good morning o goodnight, wala. Iniiwasan niya 'ko. It was clear as day. It could be because of Zig and I but what for?

Zig and I get by but we're far from being the same as before. Ginagawa ni Zig ang lahat ng kaya niyang gawin para sa'kin... pero mahirap ibalik ang lahat sa dati. Kahit mas matapat na kami ngayon at mas napag-uusapan ang mga bagay na nangyari sa pagitan namin, may nagbago na. I couldn't grasp the love he is offering me. Siguro dahil naghintay ako nang matagal. O siguro dahil napagod na 'ko.

"Are you okay?" untag ni Zig sa'kin.

Tumango ako. "Sino si Dara? Have I met her before?"

"Bagong resident sa ospital 'yun. Dad introduced her to JT last week for a date. Hindi naman daw nagpakita ng interes si JT. It surprised me, too, na sasama sila ngayon."

It's kind of weird. Ang naaalala ko, last time ay may ipinapa-date din sila kay JT.

"Si JT ba ang nagkusang sumama ngayong gabi?" tanong ko.

"Si Dad ang nagsabi sa'kin na sasama sila. Nag-confirm lang siya," sabi ni Zig. "Does it bother you?"

"Huh?" Napatitig ako kay Zig. "Why would it bother me?"

"You're close with JT, right?"

I didn't know how to answer that.

"Bago umalis si JT ng bahay, sinabi niyang ibinuko niya 'ko sa'yo. Sinabi rin niyang naging close kayo habang problemado ka sa'kin. He told me the many times I made you cry. He didn't want to be a part of it anymore so he left the house."

Nakatanga na lang ako kay Zig. Sinabi ni JT ang mga 'yun sa kanya? Bakit? Para saan?

"I didn't know that he cares for you that much." Nagtiim-bagang si Zig. "You're just friends with him, right?"

Napalunok ako sa tanong.

"Hindi pa niya nakukuha ang approval ni Lolo pero nagalit na naman dahil bigla siyang umalis sa bahay. Muntik nang i-pull out si Tito Jerome sa ospital. Kinausap lang ni Dad si Lolo kaya hindi natuloy."

Now, I'm getting concerned. JT has a lot on his plate.

"Sana nagpaliwanag ka on his behalf," sabi ko kay Zig. "Kung hindi siya nadamay sa atin, hindi niya kakailanganing umalis sa bahay mo. He has nowhere to go and no one to help him."

"Nagpaliwanag ako kay Lolo. Pero hindi ko pwedeng sabihing hindi tayo okay. They would be concerned. They already considered you as my wife."

Hindi na 'ko umimik sa kabuuan ng biyahe hanggang sa makarating kami sa bar.

***
True enough, JT has a date. Walang aura ng medical practitioner si Dara. Her brown hair's long and wavy. Matangkad. Mukhang model. At base sa pagdikit niya kay JT, she likes him.

Ipinakilala ni JT ang date niya at si Ash.

"You're Ash from UCLA," sabi ko habang nagkakamay kami ng kaibigan niya.

Fallback Girl : Days to Fall (Chat MD Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon