Day 353 : Find you

12.7K 551 39
                                    

Find you
-----

Bumaba ako mula sa masikip na bus para maka-dial nang matino. Hindi ko matawagan si JT. Minsan, nagri-ring 'yung phone niya tapos madi-disconnect. Minsan naman, busy. Hindi ko alam kung may kausap pa siya sa phone o nagloloko ang network.

I walked to a nearby park with the phone in my ears. Tumayo ako sa ilalim ng dilaw na ilaw ng parke.

Ilang minuto akong hindi makakonekta sa kanya hanggang —

"Hello? Nasa'n ka?" I asked him eagerly when he picked up. Pakiramdam ko, ang laki na ng mata ko sa anticipation sa boses niya.

Bakit ang tagal niyang sumagot?

"Bakit sobrang taas naman yata ng heels na suot mo, Hannah pagong? Hindi ba sumasakit paa mo diyan?" he asked me.

I held my breath when I heard his voice. Oh boy. Siya na talaga ang kausap ko! That familiar baritone!

Pero teka... Bakit niya pinapansin ang heels ko?

"Are you nearby? Can you see me? Nasa'n ka rito sa park?"

Did he chance upon me again? Lumilinga ako sa paligid pero hindi ko siya makita.

I could hear my heartbeat in the silence.

I heard him sighed softly. Pakiramdam ko, ang lapit lang niya. "Will you marry me?"

"Yes!"

He chuckled softly. Dahil siguro ang bilis ng sagot ko.

"On your five o'clock," sabi niya.

Mabilis akong lumingon.

I saw him standing a few meters away from me. Naka-doctor's coat pa siya.

Did he rush to see me, too?

Kumaway siya at ngumiti sa'kin.

"Oh God!"

Kusang kumilos ang mga paa ko patakbo sa kanya. My heels fought against the pavement until I reached him.

" 'Wag kang tumakbo—"

I threw myself at him. Lumambitin ako sa balikat niya at pumikit. I sighed when I felt his warmth against my body.

"I miss you..." bulong ko.

Niyakap niya 'ko nang mahigpit. "I miss you, too..."

Pagbitiw ko sa kanya, tinitigan namin ang isa't isa. Mataas nga ang heels ko dahil mukhang kaunti lang ang ititingkayad ko kung aabutin ko ang labi niya.

"Give me your left hand," sabi niya.

Nang ibigay ko sa kanya ang kamay ko, tahimik niyang isinuot sa akin ang isang singsing. Pink diamond iyon.

I was in awe. Dinala niya sa labi niya ang kamay ko at hinalikan ang daliri kong may singsing.

"This is a family heirloom. Singsing ni Mommy na bigay ni Dad," sabi niya at tumitig sa'kin. "Bagay sa'yo, Pagong."

Ang lapad ng ngiti ko. Lagi nga siyang prepared gaya ng sabi niya.

Pinagsalikop niya ang mga kamay namin at idinikit ako sa tabi niya.

"Ihahatid na kita sa apartment," sabi niya.

"Yeah."

We went home to my apartment and slept holding each other in my bed.

I knew then and now, we belong together. # 0514h / 11052016

Fallback Girl : Days to Fall (Chat MD Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon