Day 85 : To keep you

13.7K 556 305
                                    

To keep you
-----

"Ano'ng iniisip mo at nagtago ka na para kang kriminal?! Ni hindi mo magawang tumawag? Ni hindi mo nagawang magsabi? Papatayin mo kami ng ama mo sa pag-aalala?!"

Tinanggap ko lahat ng hampas ni Mama sa braso ko habang umiiyak siya. Hindi ko maipagtanggol ang sarili ko dahil mali naman talaga ako.

"Pa'no ka kumakain?! Nagpasalamat ka ba kay Dette bago ka umalis?!" tanong pa rin ni Mama, sumisinghot. May hawak siyang panyo, pantuyo sa luha niya.

Nangingiti lang si Papa sa pagkakaupo sa hospital bed. He's looking better than last time. Ngayon ko nararamdaman 'yung tagal ng kalahating buwan na nawala ako.

"Nagpasalamat po ako kay Dette, Ma," sabi ko.

Nasa ospital na kami ni JT. Kanina lang, magkahawak pa kami ng kamay bago pumasok sa silid. We were surprised na nando'n na at nakaupo sina Lolo Amadeo, Tito Tim, at Zig.

"Mabuti at nakita ka ni Jeric, bunso," sabi ni Papa sa'kin. "Lahat kami, hindi mapakali sa paghahanap sa'yo."

Tumingin ako kay Papa at Mama. "Sorry po talaga sa ginawa ko."

"Maupo ka rito malapit sa'kin," sabi ni Papa at pinagpag 'yung tagiliran niya.

Naupo ako sa gilid ng kama. Inakbayan niya ako.

"Nandito sina Timmy dahil gusto kong makapag-usap-usap tayo nang isahan lang, sa harap ni Tiyo Amado," simula ni Papa. "Alam na ng parehong pamilya ang nangyari sa inyong dalawa ni Zig... at itong kay Jeric."

Napalunok ako. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang paningin ko kaya tumingin ako kay JT. Ngumiti siya sa'kin as if telling me not to worry.

Tumikhim si Tito Tim.

"First, I want to apologize for Ritz' behavior. Alam kong nagalit si Emilia at ikaw, Fausto. There was no excuse for what she did... but I hope you could understand that she's just being a mother," seryosong sabi ni Tito Tim. Tumingin sa'kin si Tito. "No'ng naghiwalay kayo ni Zig, anak, wala nang ibang ginawa itong isa kundi uminom. Hindi pumapasok sa opisina. Hindi lumalabas ng kwarto niya. Nagmumukmok lang at nagpapakalunod.

"Ritz insisted that we should do something para magkabalikan kayo pero tumutol ako. Nagsabi naman si Zig sa lahat ng pagkakamali niya sa'yo. Naiintindihan ko kung paanong biglang magbabago ang damdamin mo. Pero si Ritz..."

Umiling si Tito Tim.

"Ano ngayon? Tatanggapin na lang namin ang maling ginawa ni Richel? Bunso ko ito, Timmy. Kahit matigas ang ulo nito, hindi ko mapapayagan na may gagawa nang masama rito!"

"Naiintindihan ko ang galit mo, Emilia. Ang hinihingi ko lang, maunawaan n'yo kahit na paano si Ritz."

Magsasalita sana si Mama pero hinawakan siya ni Papa sa balikat.

"Ma, Pa, I'm sorry po sa ginawa ni Mommy. She's not someone with a good judgement of the situation," sabi ni Zig. "Hannah, I'm sorry sa ginawa ni Mommy."

Lalo kaming natahimik.

Napatagal ang tingin ko kay Zig. Pumayat siya sa paningin ko. Matamlay rin. He must have been burdened by Tita Ritz' actions.

"Nagagalit din po ako sa ginawa ni Tita pero... palampasin na lang muna natin," sabi ko at sumulyap kay Mama. "I could understand her a little. Alam kong hindi niya ako hahayaang mapahamak. Nakita niya lang na nasasaktan si Zig kaya siguro nagalit siya nang makita niyang ayos lang ako. Kaya nagawa niya ang nagawa niya."

"Anak, sigurado ka ba sa sinasabi mo? Ni hindi mo nga alam kung ano'ng ginawa sa'yo o kung paano ka posibleng napahamak," sabi ni Mama.

"Sigurado po ako, Ma, na hindi ako ipapahamak nang gano'n na lang ni Tita. Hayaan na natin siya..." sabi ko bago pabulong na magdugtong, "Para hindi na rin mahirapan sina Tito Tim at Zig."

Fallback Girl : Days to Fall (Chat MD Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon